Malayang Kaisipan (Kaisipang Liberal)
“Dantaon ng pagkamulat” ang turing sa ika-labing siyam na siglo. Makaraan ang halos dalawang dantaon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa siglo na ito napukaw ang matagal nang nahimlay na damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang malayang kaisipan (kaisipang liberal) ay isang pilosopiya na naka-ugat sa paniniwala na likas sa tao ang may kasarinlan. Ito ang pilosopiya ng “Panahon ng Kamulatan” (Age of Enlightenment) na umusbong at namayagpag sa Europa bilang puna sa mga pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga hari at reyna. Kaisipan ito na kumikilala na likas sa bawat tao ang malayang tupdin ang anumang hiling na itinatakda nya para sa sarili. Ibig sabihin, bawat tao ay nararapat ituring palagi bilang tao na may mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) at hindi bilang bagay o kasangkapan lamang (instrumental worth).
Ang malayang kaisipan na ito ang nagsilbing inspirasyon ng rebolusyong Amerikano at rebolusyong Frances. Ito ay mga pag-aalsa na may bukod tanging layon na palayain ang bawat tao sa mapaniil na kaisipan na mga alipin lamang sila ng mga nasa kapangyarihan. Samakatuwid, ito ay mga pag-aalsa para bawiin ang mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) na ninakaw sa kanila ng mapang-aping kaisipan na nagtuturing sa kanila bilang mga hamak na bagay o kasangkapan (instrumental worth) lamang sa mga hiling na itinakda para sa kanila ng mga nasa kapangyarihan.
Nakarating sa Pilipinas ang malakas na daluyong ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa pamamagitan ng pagbukas ng Kanal Suez at ang paglahok ng Pilipinas sa kalakalang galyon. Napabilis ang paghatid ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) bunsod rin ng laganap na kultura ng paglimbag bilang larangan ng propaganda na binigyang daan ng pagka-imbento ng imprenta ni Gutenberg.
Sina Jose Rizal, kasama ang iba pang mga nakapag-aral sa Europa, silang mga tumugon sa hamon na iniwan ng GomBurZa at ng iba pang mga martir, ay buong giting na pinanghawakan, pinanindigan at pinalaganap ang mga aralin ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa kanilang mga akda.
Paano namulat ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong ika-labing siyam na siglo?
Paano nabigyang buhay ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan?
Sa muling pagsilip sating kasaysayan
Mga pag-aalsa ay ating nakitaan
Sa konserbatibo, batas ay umiral
Sa liberalismo, tayo’y pantay pantay.
Noon ay naghangad, isang pagbabago
Sukdulan nga naman, ang pang-aabuso
Lalagas ang dugo upang makamtan ‘to
‘Sang bansang liberal o demokratiko?
Pagtrato sa kapwa bilang isang tao
Ito’y gawain ng taong may talino
Bawat isa’y mayrong hawak na prinsipyo
Sa kaunlaran ay nais dun tumungo.
Panahon ng agham, kaisipa’y mulat
Kaydaming pagtuklas ay dito naganap
Mga kaisipan ay sadyang kumakalat
Hindi nga nagtagal, kanya nang nasagap.
Tanging pagbabago ang yong hinahangad
Sa ating bansa na tuluyang sumadsad
Ang tunay na diwa, saan na napadpad?
Kalayaan nawa’y sa ating igawad.
*Neil Galero
Buhay ibinuwis, laya ang kapalit
Pagbitay paraang hagupit sa lupit
Demokrasya natin ay ating makamit
Madaling sabi di tayo pagagamit
*Billy Faral
Malayang Isipan isang kasangkapan
Upang kalakaran sa baya’y mabuksan
Ang mga Pilipino ay merong nalaman
Sa pamahalaang di kailangan
*Reinhold Gomez
Damdamin ng bayan ay biglang nabuksan
Sa biglang pagpasok ng mga kaisipan
Binago nito ang ating kaalaman
Sa kahulugan ng ating kalayaan
*Kenneth Galan
Pagtatangi-tangi o diskriminasyon
Isang kaisipang umiral sa nasyon
Tanging pagaalsa ang naging desisyon
Tungo sa maayos na sibilisasyon
*Angela Gabriel
Lupang watak-watak at pinagkaitan
Ngayo’y pinagsama ng mga kaisipan
Pinalaya tayo mula sa kulungan
Pinagbuklod-buklod, ‘sang lahi, ‘sang bayan.
-=[Francis]=-
Sa loob ng higit tatlong daang taon
Mga Pilipino’y tila nakakahon
Diwang nakahimlay biglaang bumangon
Isang pagbabago ang nagsilbing hamon.
-=[Angelique]=-
Panahong sinakop ng mga Español
Pilipino’y lugmok sa diskriminasyon
Ngunit di nagtagal namulat ang puso
Tama na ang hirap, paglaya’y matamo
-=[Johannes]=-
Sa dugo at pawis na binuwis nila
Bayaning tawagin sila ay umangat
Nang ang diktaturya masupil na agad
‘To’y pagsasabuhay damdaming malaya.
-=[Erick]=-
Dahil sa pananakop ng mga banyaga
Tayo’y naging liberal at matiyaga
Lumaban hanggang kasarinla’y makamit
Namulat sa kung anong tama at mali.
-=[Antonino]=-
Mga Pilipino’y sadyang nagkamalay
Lahat tayo’y naging makulay ang buhay
Noon man at ngayon namulat ang himlay
Sa sariling bayan animo’y hinalay.
-WAKAS-
Hindi Pa Tapos
Laurice
Mabuhay sa laya s’yang tinatamasa
tiis-alipusta, mga dila’y ipit
tunay na ligaya, kailan pa kaya?
kung ang kapalaran ay tila maganit.
Derwin
Nagbukas ang mundo, hangad makilanlan
bayan ng alipin o lupang ‘di salat
maumpog sa pader para masilayan
na panahon na nga para sa pagmulat.
Florentina
Tahan na ng dusa, wala na ang api
mithii’y iisa, mithii’y ‘sang lipi
malakas ang liyab, bukas na ang labi
ang baya’y nar’yan na, tayo’y magsisilbi
Paul
Sa pagkahulagpos, tiwala’y naparam
takot ng banyaga, tapang sa nadusta
himagsik sa ila’t buslong pagkaalam
mabawi’y dignida’t, riwasang sagasa.
Dexter
Pilipino’y ngalan, Pilipinong lubos
ngunit ang lahing ‘to’y ‘di tiyak ang laya
Nakaraa’t ngayo’y ‘di pa natatapos
Laya’y nakagapos pa ri’t binabadya.
«Jeff»
Tila ay alipin sa sariling bayan
Ang umiral sa pananakop sa atin
Na tumagal ng dalawang daang taon
Meron nga bang malayang kaisipan?
«Wilson»
Kaisipan nila ay biglang namulat
At sa kasaysayan, ito ay nasulat
Dito nagsimula, malayang isipan
Sa ‘ting mga ninuno, ‘to ang naging daan
«Mark Joel»
Ang isip ng tao ay litung-lito
Hanggang sa dumating ang ika-19 siglo
Ang kanilang puso ay nagising
Upang ipaglaban ang kan’lang mithiin
«James»
Mamulat man tayo sa katotohan
Hindi mawawala ang kapangyarihan
Subalit dahil sa isang kaisipan
Naging pantay pantay ang mga karapatan
«Winston»
Malayang kaisipan, mabuti ba ‘to?
Ngunit bakit ganoon sa bansang ito
Saan ka man tumingin, puno ng gulo
Dahil siguro sa maling pamumuno
~Ana De Goma~
Hapo’t naghihingalo waring ‘sang tuod
Sa pagkakagapos kimkim ang himutok
Hindi makatutol namumuong poot
Sa mga berdugong mabangis na hayop
~ Andre Chua~
Patago ang ngitngit tila mga ganid
Duwag sa pagsabi kung ano’ng sa lirip
Pagkat alam ay bawal ang paghihimagsik
Kastila’y galangin sa indio’y inukit
~Chris De Arce~
Laking pasasalamat bagong tao’y ganap
Nabuhay ang diwa isip ay salungat
Isipang liberal ay biglang lumaganap
Pag-inog ng mundo bayan ay nag-aklas
~Cyrus Daguro~
Inapi ang ating matiyagang kapatid
Na ang nais lamang ay serbisyong hatid
Mga katutubong nagsimulang gapos
Bumangon sa dilim at nagsipagtapos
~Carlo Rey Cristobal~
Namulat na nga ba sa katotohanan
Ang kanilang mga murang kaisipan
Tayo daw nga ba ang pag-asa ng bayan
Kaya dapat natin itong patunuyan
(Jan Patrick Reyes)
Ang mga Pilipino’y taong makabayan
Sa simula’t sapul handang magpatayan;
Mga taong nangapi ng walang hangganan,
Nagpatibay loob lahing makabayan.
(Mervin Olete)
Kusang pinalaya ng ating hangarin,
Ang diwang alipin na nanatili sa atin;
Sadyang nagmatigas ang ating damdamin,
Upang mapreserba, adhikain natin.
(Mark Jayson Moyo)
Isip na Malaya, higit na nabatid,
Nang Suez Canal buksan, mga ideya’y hatid;
Ating kalayaan pano naging tuwid?
Katutubong lahi, lumaban nagmasid!
(Francisco Montalvo)
Saglit namayagpag ang nasyonalismo,
Nang si Dela Torre, saglit namuno;
Ngunit di nagtagal, sumunod si Izquierdo,
Lider na malupit, sadyang walang puso.
(R.jorrel Nepomuceno)
Sa’ting paghahangad ng kahusayan,
Digmaa’y bumalot, sakuna’y dumaan;
Ang mga pangyayari at mga kaganapan,
Naging magulo ma’y ating nalampasan.
Jan Patrick Reyes,Mervin Olete,Mark Jayson Moyo,Francisco Montalvo,R.Jorrel Nepomuceno
(Jan Patrick Reyes)
Ang mga Pilipino’y taong makabayan
Sa simula’t sapul handang magpatayan;
Mga taong nangapi ng walang hangganan,
Nagpatibay loob lahing makabayan.
(Mervin Olete)
Kusang pinalaya ng ating hangarin,
Ang diwang alipin na nanatili sa atin;
Sadyang nagmatigas ang ating damdamin,
Upang mangibabaw, adhikain natin.
(Mark Jayson Moyo)
Isip na Malaya, higit na nabatid,
Nang Suez Canal buksan, mga ideya’y hatid;
Ating kalayaan pano naging tuwid?
Katutubong lahi, lumaban nagmasid!
(Francisco Montalvo)
Saglit namayagpag ang nasyonalismo,
Nang si Dela Torre, saglit namuno;
Ngunit di nagtagal, sumunod si Izquierdo,
Lider na malupit, sadyang walang puso.
(R.jorrel Nepomuceno)
Sa’ting paghahangad ng kahusayan,
Digmaa’y bumalot, sakuna’y dumaan;
Ang mga pangyayari at mga kaganapan,
Naging magulo ma’y ating nalampasan.
(Ruben Asuncion)
Noong Enlightenment, lahat ay nagbago
Biglaang umusbong, mga henyong tao
Dating kaisipan, dito’y may hinalo
at pinanganak na ang liberalismo
(Robert Aberin)
Sa kaisipang ‘to, maraming natuwa
Respeto’t dignidad, ay s’yang makukuha
Mga dating hiling umabot sa tala
Ngayon ay dininig, ngayon ay malaya
(Bradley Brondo)
Ang mga bayani, kanilang nilaan
Dugo, pawis, danggal, para sa ‘ting bayan
Sa liberalismo, kanyang natagpuan
Ang susi sa bukas, sa ‘ting kalayaan
(Rey Arcilla)
Bayang nakaratay, tao’y tila patay
Kay Juan nakabatay, layang hinihintay
diwang nahihimlay, puso’y biglaang buhay
hangad maibigay, pagkapantay- pantay
(Divino Bibat)
Kaisipang kamit, kalayaa’y nais
Makamtan ng lahat, ito na’y lasapin
Soberanyang nais, kapita’t yakapin
laya’y alagaan, ‘toy walang kawangis
[Marc]
Nobelang sinulat ni Gat Jose Rizal
Pinoy ay namulat pag-ibig sa bayan
Ito ang gumising sa likas na asal
Ng dakilang lahing ating pinaglaban
[Denise]
Nabuksan ang isip at mata’y namulat
Sa pagmamalupit at pagpapahirap
Nang mga dayuhang nagtangkang ikalat
Ang dilim at lagim sa loob ng ulap
[Jed]
Tapos na ang dilim, araw ay sumikat
Heto na liberal, Pinoy ay namulat
Sa pagkakagising nobela’y sinulat
Reporma ang hanap sa gobyernong salat!
[Phillip]
Panahon na ito ay sa pagbabago
Upang makalaya sa pagkabilanggo
Tanging kailanga’y magkaisa tayo
At isipin natin, pantay-pantay tayo.
[Jerald]
Nakawala tayo sa pagkakakahon
At ang pagbabago ang ating itinugon
Sa ‘ting pagkahimlay tayo ay umahon
Malayang nabuhay na parang ‘sang ibon.
[Marc]
Nobelang sinulat ni Gat Jose Rizal
Pinoy ay namulat pag-ibig sa bayan
Ito ang gumising sa likas na asal
Ng dakilang lahing ating pinaglaban
[Denise]
Nabuksan ang isip at mata’y namulat
Sa pagmamalupit at pagpapahirap
Nang mga dayuhang nagtangkang ikalat
Ang dilim at lagim sa loob ng ulap
[Jed]
Tapos na ang dilim, araw ay sumikat
Heto na liberal, Pinoy ay namulat
Sa pagkakagising nobela’y sinulat
Reporma ang hanap sa gobyernong salat!
[Phillip]
Panahon na ito ay sa pagbabago
Upang makalaya sa pagkabilanggo
Tanging kailanga’y magkaisa tayo
At isipin natin, pantay-pantay tayo.
[Jerald]
Nakawala tayo sa pagkakakahon
At ang pagbabago ang ating itinugon
Sa ‘ting pagkahimlay tayo ay umahon
Malayang nabuhay na parang ’sang ibon.