Feeds:
Posts
Comments

Sir Odchi

Si Jose Rizal, una sa lahat, ay propagandista. Tagapagpalaganap siya ng mga mapagpalayang kaisipan. Ito ay buong tapang niyang ginawa sa pamamagitan ng iba’t-ibang larangan ng panitikan, maging sa tula, sanaysay, nobela, maiikling kwento, pag-guhit at pag-lilok.

Bayani si Jose Rizal, bukod sa lahat, dahil sa hindi matatawarang kagitingan na ipinamalas niya sa kanyang pagpahayag ng pagmamahal sa bayan sa kanyang buhay at mga akda.

Hamon ni Jose Rizal, bilang propagandista at bayani, sa bawat Pilipino na panatilihing buhay ang damdaming makabayan.

Ang blog na ito at inilalaan para sa mga hindi naruruwag na tanggapin ang hamon na maging propagandista at bayani, ayon sa pamantayan ni Jose Rizal.

DIEGO A. ODCHIMAR, III
Guro