Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na siya ay Tsinoy, hindi katutubong Pilipino?
Advertisements
Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na siya ay Tsinoy, hindi katutubong Pilipino?
Dapat ba’y katutubo?
Bayaning si Rizal, buhay ay sinugal
Pagkat baya’y mahal kaya’t sya’y nasakdal
Siya’y nagpabaril, dun sa Bagumbayan
Upang ang bayan ay magising, lumaban!
Kalayaang hangad, atin nang natamo
Sa propagandista’y iniaalay ko!
Oh! gat Jose Rizal, tunay kang dakila
Hindi hinayaang bansa’y maalila
Maraming bayaning purong Pilipino!
Mabini, Jacinto, Silang, Bonifacio
Dahas ang ginamit, sa dahas pumanaw
Ngunit bilang lang ang damdami’y napukaw
Si Rizal ay Tsinoy, Tsinong Pilipino
Pambansang bayani, hindi katutubo
Sya nga’y may nagawa, ikaw ba’y meron na?
Bago magsalita, umaksyon ka muna
tapang ah…
Tunay ba nating bayani?
Si Jose Rizal ba’y dapat na hangaan
Ituring bayaning may kadakilaan
Gayo’y siya nama’y may lahing dayuhan
Na madalas nating kinamumuhian.
Sya’y may lahing intsik at to’y iba satin
Sa kultura’t sining sa ugali mandin
Totoong banyaga’t kasalungat natin
Siya ba’y bayaning dapat tangkilihin.
Ngunit kahit siya’y may lahing dayuhan
Ito’y kanyang malugod na tinalikuran
Buong pusong lingkod hinandog sa bayan
Bilang sang kadugo’t purong kababayan.
Ang lahing banyaga’y anyo lang sa labas
At di nito sukat si Rizal ng patas
Sigaw ng puso niya’y Pilipinas lamang
Mahalin natin siya ng parang sang hiyas.
“May Lahing Hilaga?E,Ano ngayon?”
Ako’y nagtaka sa’king nadiskubre
Tila nakarinig, utak ko ng timbre
Pambansang bayani ng ating lokasyon
Yun pala’y mayron ding, dugong ibang nasyon.
Kahit ganon pa ma’y di ko to pinansin
Respeto ko sayo’y nagniningning pa rin
Dito mo binuo talento mong taglay
Dito mo piniling mag-alay ng buhay.
Kahit sabihin kong, ika’y hindi puro
Katwiran mo lang ay “ako’y Pilipino
Tinalikuran ko ang, kasaganahan
Upang Pilipinas aking paglingkuran.
Bakit mangangahas na siya’y kwestsunin
Kung alam mo namang Pinoy pipiliin
Tsinoy man ang lahi, kahit ano pa yan
Basta alam nating tayo kanyang bayan.
Ang Isang Bayani…
Dapat ban’g bayani’y, isang kababayan?
Mali ba’t nangaling, sa ibang kanluran?
Ang mahalaga lang, ang mga nagawa….
niya sa ating bansa, iba man ang diwa.
Sa ibang kabayan, Bansa’y bale-wala,
At trinatrato to, ng parang lupa!
Mabuti pa nga siya, kany’ay mahalaga…
Iwinalgas ang buhay: Bayani Taglaga!!!
Pinalaya tayo, Sa mga dayuhan…
Pinakita satin kan’lang kahayupan!
Di ba pwedeng maging, isa siyang bayani?
Mas may nagawa siya, kaysa sa marami!!
Iyong mga duda, kung bayani ba siya…
Alisin sa isip!!! Siyay bayani tal’ga
Tsinoy man si Rizal; isa siyang dakila,
Kundit dahil kanyay, di tayo malaya!!