Bagamat ang Pilipinas ay lumaya na sa kamay ng mga Kastila noong ika-12 ng Hunyo 1898 at ipinagmamalaking makalipas ang mahigit isandaang taon ay isa na itong ganap na demokrasya, hindi nito lubos na nalalasap ang mga biyaya na pangako ng demokrasya na tinatamasa ng mga bansang pinamahalaan ng ganito.
Marahil ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng mga demokratikong mga proseso, patuloy na alipin ang Pilipinas ng mga mapang-aping kaisipan na minana natin sa mahigit tatlong daang taon sa ilalim ng pananakop at paniniil ng mga Kastila.
Patuloy na itinuturing ng Pilipino ang sarili bilang alipining indio na umaasa lamang sa mga grasya ng kanyang pamahalaang hari na kanyang patron, parang umuupang magsasaka sa kanyang panginoong may lupa.
Kahit na may kapangyarihang pumili sa eleksiyon, pamantayan pa rin ng Pilipino ang piliin ang kanyang patron.
Hindi yata lubos na naintindihan ng Pilipino na sa demokrasya siya ang makapangyarihan, may soberanya. Sa kanya nakasalalay ang pananatili o hindi ng sinumang nasa pamahalaan. Siya ang magpapasya ayon sa kanilang ipinakitang sigasig sa paninilbihan kung karapat-dapat manatili sa pwesto.
Hanggang hindi tuluyang lumaya ang Pilipino sa mapang-aping kaisipan na ito, hindi tunay na demokrasya ang sistema ng pamamahala sa Pilipinas.
Ano ang palagay mo?
Ano kaya ang palagay ni Jose Rizal, bilang probinsyanong intsik, bilang liberal, bilang repormista, bilang propagandista?
Why does democracy promote development in some countries and poverty in others?
Democracy is not correlational with development. Put another way, although almost all the wealthy nations in the world are democratic, it is not always the case that democratic institutional arrangements like open elections lead directly to growth. Democratic mechanisms do not guarantee improvement in social welfare through successful policy processes.
Ideally, democracy is a mechanism that ensures competition among a country’s leadership for the promotion of successful policies (Bueno De Mosqueta and Root, 2000:9). It is assumed that voters will dismiss governments that produce policy failures. In other words, leaders compete through effective policies for development. In this sense, democracy ought to be driven by performance. Since leaders are motivated to hold on to power, the risk of being ousted from office if they fail to produce economic growth is an incentive for them to govern for prosperity.
But in the case of the Philippines, democracy is not driven by performance. Rather, democracy is driven by patronage, or loyalty to personalities. Like the politics in India, leaders in the Philippines come to office by virtue of their personal appeal. Thus, they rule by fiat (Bueno de Mosqueta and Root, 2000:11).
This could be attributed to the colonial conception of the role of the state as patron who doles out rewards to its followers for their loyalty. This is the systemic source of corruption in governance because leaders deliberately create failed policies that organize economic opportunities for their followers to collect bribes. The guarantee that they remain in office by buying loyalty is an incentive for them to govern for plunder.
To overhaul this corrupt culture of democracy, the Filipino people must discover, through their struggles with corruption, the legitimate role of the state. They must realize that their leaders are not patrons that dispense favors and they are not clients who return the favors by voting for the patron’s party. Instead, they must understand that leaders are civil servants accountable to them as duty-bearers bound to deliver on their rightful claims to welfare and prosperity. As the sovereign who wield supreme authority, the people must reward its leaders only on the basis of their performance in creating effective policies.
—–
See Bueno de Mosqueta, Bruce and Root, Hilton (2000), “When Bad Economics Is Good Politics” in Bueno de Mesquita, Bruce and Root, Hilton, eds., Governing for Prosperity (New Haven: Yale University), 1-16.
Nabubuhay sa Kalayaan ng Kasakiman
Bansang Demokrasya na may kasakiman
Ating bansa ay nasadlak sa karimlan
Dusang binuo ng pinuno sa bayan
Nabibi ang kanilang katapatan.
Ang kolonyal na inidolo ng tao
Kahirapang naitanim ko sa mundo
Ano ba ang likas na solusyon dito?
tanong na di masagot ng kahit sino.
Patutunguhan ng bansang Pilipino
Hindi tiyak kung saan ito tutungo
Kawalan ito ng pag-asa ay dumadaloy
Tila pinapatay tayo sa kumunoy.
Pagbili ng boto gamit ng salapi
Putik na bakas ng madilim na landas
Oh inang bayan, nasa’n na ang nin
gning mo?
Na nagsisimbolo ng karangalan mo.
Demokrasya ba kamo?
Maituturing mo bang demokratiko ang ating pamahalaan? Maaaring sa katawagan ay oo; ngunit sa pagpapatakbo, isang malaking HINDI!
Halos sangdaan at sampung taon na ang nakalipas mula nang ating makamit ang ating ganap na kalayaan, ngunit parang hindi parin natin naiintindihan at nararanasan ang tunay na ibig sabihin nito. Masisisi mo nga naman ba ang mga Pilipino kung mahigit tatlong daang taon itong sinakop ng mga manlulupig na kastila at halos sila na ang gumawa ng ating kultura. Sinanay nila tayo bilang mga alila at tinratong mga mangmang pagdating sa pamumuno sa ating sariling lupain. At bilang epekto, tumatak sa ating isipan ang kakulangang kanilang ipinamukha. Ngunit sa pananaw ni Rizal, pinunto nyang hindi magbabago ang pamamalakad sa pamahalaan kung mga mukha lamang ang papalitan at hindi ang sistema. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya sinuportahan ang rebolusyon ng Katipunan pagkat alam niyang mahihirapan itong magtagumpay. Alam niya rin na kung magtagumpay man ito, ang mga banayaga ay papalitan lamang ng mga ilustradong Pilipino na walang kahandaan sa pamumuno at malamang magresulta sa kapalaluan ng kapangyarihan at malimutan ang kanilang nararapat na responsibilidad at tungkulin.
Sa ating panahon ngayon, ito na nga ang nangyari. Marahil ay kung nabubuhay pa si Rizal, malamang ay isa na siya sa mga bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon. Nakakalungkot isipin ngunit parang wala nang pag – asa ang ating inang bayan. Demokrasya ang sabi’y ating tinataglay, ngunit sa tingin ko’y hindi. Mas makapangyarihan na ang pamahalaan kaysa sa taong bayan na nagluklok dito. Inalisan na nila tayo ng kapangyarihan, inalisan narin tayo ng kalayaan.
Kung magigising lang sana ang lahat ng Pilipino at matututo na tama na ang leksyong ibinigay ng kasaysayan, panahon na para mag – ayos at umunlad!
Sa ‘ting bayang lugmok na sa kahirapan
Puno ng sigalot, kasinungalingan
Demokrasya ba ang tanging sasagot
At siyang tutugon sa muli n’yang pag angat
O tila baga ito’y ‘sang kamalian
na lalung maglulugmok sa ating bayan
at s’yang magdidiin sa naghihikaos
at naghihirap niyang mamamayang paos
Dili kaya’y demokrasya ang hahango
Sa ‘ting bayang pinuno ng mga pangako
Naway ang boses natin ay mangibabaw
Hinaing ay pakinggan ng buong linaw
Demokrasya na ating inaasahan
naway magsilbing daan sa pagbabago
ng ang kaunlaraan ay ating matamo
para sating magandang kinabukasan
“Democratic Regime”
by: Audrie Ang
“A new round of scandal has brought democracy in the Philippines to breaking point. If democratic revival is possible it can only come from the people themselves.”
-Steven Rogers
Filipinoes are in search of new democracy.
We are standing in the verge of political maturity by means of the tyranny of the majority.
The obstacle is not political structure, but political culture. Our democratic political system has degenerated to such an extent that those who move within the system are having a hard time keeping their hands totally untainted.
A transition by means of liberal democracy could produce the government structure with more potential and more significant improvements. Civil liberties doesn’t only manifest equality before the law but also the right to petition elected and corrupted officials.
The kind of democracy the Philippines has in the present is dismayingly abused by the people. Sometimes we tend to over react about issues in the government without knowing the truth. We plan to take actions effectively without thinking over the consequences or even pondering if taking these actions would do any better. Maybe having too much democracy here in our country leads us to lack of respect and takes us back to crab mentality.
If Rizal was still alive, he would have embraced the democracy he’ve longed and fought for years ago. But I’m sure he would be dismayed after seing what we have done with it.
Sa kasalukuyan,isang huwad na demokrasya lamang ang mayroon dito sa ating bansa. Isang bulok na pamahalaan ang namumuno sa ating bansa. Isang bulok na sistema na sadyang nagpapahirap sa maraming pilipino.Ngunit sa kavbila nito hindi lamang ang pamahalaan ang masisisi nito kundi tayo na ring mga mamamayan nito. May kalayaan nga tayong bumoto at pumili ng mamumuno sa atin, may kalayaan tayong maipahayag ang mga gusto natin, ang mga batikos. Ngunit ito nga ba’y malaya nating natatamasa? Para sa akin ay hindi, sa panahon ngayon, marami nang nabibili ang pera dahil na rin sa kahirapan. Nabibili ang katapatan ng tao, ang prinsipyo at ang kalayaan mong piliin ang gusto mo. Kaya ang resulta, isang bulok na pamahalaan. Hindi natin maitatanggi na ito ang kalakaran sa kasalukuyan. Maraming bagay na ang kayang tapatan ng pera.
Ang sabi nga, “we get the government we deserved.” Tayo ang binigyan ng kapangyarihan na ihalal ang pinunong gusto natin, kaya kung sino mang namumuno ngayon ay tayo rin ang may gawa. Ngunit bakit sa kabila nito may mga kaguluhan pa rin sa pamahalaan? Bakit kabi-kabila ang mga kilos protesta at batikos sa pamahalaan? Kung tunay ngang may demokrasya ang ating bayan ay bakit ganito ang mga nangyayari? Ito ay dahil na rin sa ugaling meron ang mga pilipino ngayon, madaling masilaw sa mga materyal na bagay. Nagiging sunod-sunuran sa mga bagay na dapat ay siya ang may karapatang magdesisyon.kaya heto tayo ngayon, bayan ang naghihirap. Masasabi ko na kung nabubuhay ang ating pambansang bayani, ay ito din ang tingin nya sa ating bansa, tinawag na isang bansa na may demokrasya ngunit ana sistema’y bulok. Tayo ang nagpapaalipin sa pamahalaan imbes na tayo ang tunay na mas makapangyarihan dito at magdikta ng gusto natin. Malamang na tulad noon, ay hindi sang-ayon si rizal sa pamahalaang meron tayo sa kasalukuyan.
Tunay na hindi magbabago ang sistemang mayro’n tayo, ngunit tayong mga mamamayan ay hindi rin magbabago. Mananatili lamang tayong alipin ng mga namumuno sa atin.
Lumipas na nga ba ang maraming taon,
ngunit demokrasya’y saan pumaroon?
Ipinaglaban pa ni Gat Jose Rizal,
Para sa taong bayan na minamahal
Ang karapatan ng bawat Pilipino,
Na sakop ng batas at gawa ng tao,
Kung magkagayon bakit naman ganito?
Pag unlad ng bayan, hindi mo matanto.
Ating tinitingalang mga literado,
Sa halalan ay atin nang ibinoto.
Nang makamtan na ang pagkakapanalo,
Kinalimutan, ang sinumpang pangako.
Demokrasya ba’y mag aangat sa atin,
Kung di alam tunay na alituntunin.
Dapat sana ay para sa taong bayan,
Ngunit nililimas ang kaban ng bayan.
Marahil demokratiko nga ang tawag sating pamahalaan, ngunit anu nga ba talaga ang katangian ng isang pamahalaang demokratiko? Ang pamahalaang demokratiko ay nagtataglay ng kalayaan para sa lahat ng mga mamamayan nito, maging sino pa ito, at rinerespeto ang lahat ng mga karapatan nito. Nag tataglay din ng karapatan ang mga mamamayan na maghalal ng nararapat na pinuno. Ang mga pinuno ang magsisilbing tagapangasiwa sa bansa at mangangalaga sa mga mamamayan nito. Sumumpa sila na mas uunahin nila ang kapakanan ng bansa.
Sa aking nabuong depenisyon ng pamahalaang demokratiko, masasabi ko na marami sa mga aspeto nito ang wala ngayon sa bansa natin. Marami sa ating mga pinuno ngayon ang nalulugmok sa pangungurakot, mas iniintindi nila ang pagpapayaman ng kanilang sarili kaysa sa kapakanan ng bansa natin. Nililinlang nila ang lahat ng mga mamamayan, ninanakawan nila ang kaban ng bayan, minamanipula ang batas para sa sariling karapatan, at iniisantabi ang lahat ng kanilang mga alituntunin. Sa kabila ng mga anumalyang ito, walang magawa ang ating mga mamamayan para mapuna, at maitama ang mga pulitiko. Kahit na magprotesta sila magdamag, dinededma lang sila ng mga pinuno. Ang nangyayari tinatanggalan sila ng karapatan na magbigay opinyon at makialam sa pulitika. Sa tuwing halalan naman laganap ang pandaraya ng mga kandidato, sa pamamagitan nito nadudungisan din ang karapatan ng mga mamamayan na maghalal ng nararapat na pinuno.
Sa aking palagay, masasabi ni Rizal na marami pa ring aspeto sa pamahalaang kastila na nilabanan niya ang nananatili sa ating bansa ngayon. Kung buhay pa si Rizal ngayon marahil hindi din niya natiis ang bulok na sistema ng pamahalaan at mapipilitan siyang labanan ito.
Demokrasya daw ang magsasalba satin
At dahil ito sa galing nating angkin
Ang maghalal ng gobyernong inasahan
Nang ating mga problema’y matugunan
Dahil gustong magkaroon ng posisyon
Satin ito’y nagdulot ng kompetisyon
Upang kanilang masagip ating bayan
Ay nabigyan sila ng kapangyarihan
Sa pag-akalang kanilang tutuparin
Binigay sa kanilang alituntunin
Sa akalang pamumuno ang hinangad
Ngayon ang kaswapangan ay nailantad
Kaya’t demokrasya’y binago ang takbo
Sa pamamalakad ng bansa sa estado
Dito sa loob ganun din sa labas
Nauwi sa gulo dahil sa pangahas
Democracy doesn’t eventually lead into progress. In some cases like in our country, where patronage/fidelity to government personalities is the integral part of it, this often leads to the main problem. The patrons give rewards to their followers and consequently, the people remain loyal to them. Basically, there’s a special relationship between the government and the people. but behind this, it is a matter of buying loyalties. Indeed, it is a morbid and a shameful act.
On the other side, Rizal, considering that he’s a humanist, would definitely pity these people who depend their lives on their leaders, not knowing the consequences. Again, until realization strikes the minds of these people that their leaders are not Gods and Goddesses who can make miracles and that they should choose and support their leaders based on their performance, only then we can eliminate such corruption.
Makialam na…(corny nun title)
‘Ting pagkakaalam, demokratiko raw
Bayang Pilipinas, bayang dugong bughaw
Oo dugong bughaw na pinunong bakaw
Sa kapangyarihan, ang tao ay uhaw
Di ba’t dapat lamang tao’ymay binatbat
Sa pagpapatakbo ng bayang may lamat
Bilang na pinuno, talagang di sapat
Sa pagsasaayos ng sistemang warat
Opinyon ng lahat ay dapat pakinggan
Upang hinanaing ay masolusyunan
Da’t makialam na buong sambayanan
Upang ‘ting pinuno’y biglang matauhan
Ang Demokrasiya ay di lamang sapat
Kung ang sambayanan ay walang binatbat
Hahayaan lang ba, pinunong di tapat
Na tayo’y isahan ay kunin ang lahat
I think what’s hard with us Filipino citizens is we base our votes on people who is popular and don’t look at their background first before voting. Or what’s hard also with those who run is they keep making promises but never choose to follow it. “Puro nalang salita”. If those in the gov’t see what they are doing with their fellow citizens and to the country they serve. They should do something about it. Poverty has increased in our country because of the gov’t who serves us. instead of corrupting they should find ways to develop our country more. That’s why we are still known to be a developing country.
If Rizal wer still alive he would have opened up the minds of the gov’t. Like write novels. But in our generation if he died just to renew the gov’t it will still be no use because everything is all on the minds of the gov’t it is for them to change not us people who they serve.
Democracy is not related with development
It does not assure social welfare’s improvement
It is an instrument that ensures competition
Competition among country’s leadership
It is not driven by performance
It is driven by patronage and loyalty
Leaders rule by the virtue of their personal appeal
They rule by authority
They remain in office by buying loyalty
They create failed policies that open chance to collect bribes
A source of corruption in governance
An incentive to govern for plunder
What can we do to fix this corrupt culture?
We must discover the legitimate rule of the state
We must realize that leaders are not patrons
We must understand that they are civil servants
And that they are responsible to the welfare of the society
para sa bayan at gawa ng bayan
at pagkakaisa sa lupang sinilangan
lahat ng tao’y pagkakatiwalaan
demokrasya ang ating kailangan
ang mga tao ay samasamang naghayag
ang hiling ng bayan kalayaan ay ilayag
kaayosan ang nais upang di sumiklab
gulo sa bayan ay may matinding hilab
pangulo ang kailangan;gulo’y maiiwasan
dugo pagod luha ating masisilayan
para lang ipaglaban ang ating karapatan
ang ating pangulo ay dapat maaasahan
tayo ay lumaban;karapatan bigyan
para sa tao ay magandang kinabukasan
gobyernong gawa ng tao dapat makikilingan
demokrasya sa bayan at sa lalawigan
nasa tao ba ang lakad ng bayan?
kinakapos tayo sa pamamaraan
sanghaya ng bayan, meron pa ba nyan?
mapagsarili lang ang pinagsilbihan
ipagmasdan natin ang ating paligid
anong kayamanan ang naipong bahid
mayaman o hirap, lahat nasasamid
bayan nating tuyot, ikimkim ang batid
In the philippines democracy has been differently viewed and runned in the philippines. Democracy referring to the dictionary means 1. government by the people, directly through representatives. 2. a country, etc. with such government. 3. equality of rights, opportunity and treatment. In this case this is not what’s going on in our country. Democracy in our country has a different meaning and it is understood wrongly. In a way that apparently us filipino citizens choose our government through popularity. We should choose those we know who are responsible enough. Our government is like takin over us. They are the ones controlling us. When it should be our free will to speak up and for them to serve us. It is wrong how our government is treating us. They should look at each and everyone of us in an equal way besides democracy is about being equal and to give out more opportunities for us to become richer. We are known in the world as one of where poverty has a high rate. The government should do something about it. Make a difference. If rizal was still alive in our generation him sacrificing himself wouldn’t make any difference. It is up to the people to change and for their conscience to speak up to them to make a change. Rizal would have thought the same if he was a student like me. Because everything that happens now connects to the future.
“PAGGAMIT NG DEMOKRASYA”
Demokrasya mo ba’y iyon ginagamit?
O baka naman ay ‘yong pinagpalit
‘Tong pinaghirapan laban sa dayuhan
Gamitin mong tama sa makatarungan.
Kung siya’y buhay pa, siya ba’y may tuwa?
Tuwang mababakas, sa larawang mukha
Pagkat demokrasya’y mahirap makamit
Lalo na’t kung buhay ang magiging palit.
La bang pagbabago?, indio pa rin tayo?
Sa sariling bayan animo’y sanggano
Sa simpleng pagboto, di kayang isipin
Kung sino nga ba ang dapat tangkilikin.
Kung gusto mong kamtin demokrasyang tunay
Una sa sarili, baya’y matatangay
Walang pagbabagong madaling makamit
Kung ‘to may makamit to’y lang kapalit.
Ang ating bansa ay marahil malayong-malayo na masabing demokratiko. Hindi dahil sa mga namumuno sa atin ngayon kundi sa mali o kakulangan sa kaalaman ng mga mamamayan kung ano talaga ang demokrasiya. Oo nga’t kaya natin magreklamo at magwelga (na parati nalang nangyayari ngayon) pero hindi naman natin alam kung sino talaga ang karapat-dapat ipalit sa pwesto ng pamumuno. Kung si Rizal ay buhay pa, marahil ay nagsulat na siya ng mga libro o nagpangaral na siya sa mga mamamayan kung ano ang dapat at hindi dapat upang mabuksan ang isip ng bawat isa. Gagawa siya ng paraan na ibabase niya sa estado ng kanyang pangangaralan mahirap man ito o mayaman.
Democracy
Democracy is the type of our government that we are allowed to vote, to speak out loud about our government freely, laws are not that strict like any other type and we could easily put it as we are free to do almost everything. Unlike, at Ferdinand Marcos reign, people are not allowed to do most of the things we do today. And, if you ever dared to challenge his rule you could either be in a prison cell or worst, you could wind up dead.
On other matters. To the dismay of others even though our currency is winning over the US currency. People still cant feel the progress of our government, especially us middle class people. Don’t worry our government is improving alright! Improving its ways to put more money in there pockets and less in to his/her countrymen.
If Rizal was still here and alive. I think it would make a very big difference in our government because if his writings were a big threat to the Spaniards when he was alive, what more to his own countrymen.
Democracy… can be both beneficial and devastating. First of all, it enables the people to express their ideas freely without answering to the law. Though this may seem good, people tend to abuse the power they are given and create unecessary chaos and confusion. Democracy also gives us the privilege to vote for who we think is capable in running our government. This could really benefit us if only the majority of the population would vote wisely! unfortunately, most of the people now tend to vote for people who are popular, such as movie stars or celebrities! They sometimes also accept bribes. I think that if Rizal were still alive today, he would certainly be disappointed! He would not approve of the corruption and injustices that our country is full of! It seems that his death caused more damage than good! Though we are all thankful of being able to exercise our freedom, we must stop neglecting our responsibilities and start using our heads! We must always stop and think before we act, think about what the consequences may be. FOr us to prosper we must stop thinking about ourselves and start thinking about what may be good for the whole country!
Democracy describes a small number of related forms of government and also a political philosophy. A common feature of democracy as currently understood and practiced is competitive elections.No universally accepted definition of ‘democracy’ exists, especially with regard to the elements in a society which are required for it. Many people use the term “democracy” as shorthand for liberal democracy.Though the term “democracy” is typically used in the context of a political state, the principles are also applicable to private organizations and other groups.
As Sir Odchimar said, “Democracy is not driven by performance. Rather, democracy is driven by patronage, or loyalty to personalities”. This context shows pur present government, with this idea, democracy goes to the greedy and not for the people. on the other hand some people whose loyalties are bought, they should be educated to resist from such catastrophe to avoid corruption and irresponsible leaders.
The main basis for choosing a leader should be by their performance and not by their loyalty or personality. the people should understand that they are the one that should be served and not to serve.
Ano kaya ang ipinalagay nang mga pilipino at pilipina kung bakit naging demokrasya ang bansang pilipinas at anu ang kanilang mga dahilan?