Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
“MITHI AY BINHI”
Mumunting pangarap na ubod ng laki
Dito ay umusbong ang isang bayani
Pusong nagtataglay ng damdaming wagas
Nagtulak sa bayan upang makaalpas
Siya ang nagpunla ng kabayanihan
Upang PILIPINO’y mamulat, lumaban!
Kahit pa sabihin na sariling mithi
Dito sa’tin ito’y naging isang binhi
Walang kabuluhan kung pagtalunan pa
Pagkamaginoo’t pagkatao niya
Pagkat sya’y dakila, taong natatangi
Kanyang kamatayan, tumubos sa lahi
Sa pamamagitan ng kanyang pangarap
Ating kalayaan, ngayo’y nalalasap
Kung kaya ano pa ang iyong nilalapat?
Pumanaw na siya, hindi pa ba sapat?
Kadakilaan n’ya: isang karagatan
Ubod na malawak, tunay na matapang
Kung mabuhangin man, hindi kabawasan
Pagkabayani nya’y huwag nating itimbang
Nasa utak ba n’ya / pinagpalang bida
Lahat ng binigay / para maging bida
Bayani ng tao / kalaba’y dayuhan
Tumulong sa bayan / api sa dayuhan
-Noel Geologo
Ang dugong bayani / sa kanya’y dumaloy
Upang ipaglaban / bayang nalulumbay
Ito’y nakaplano / mula pa nung una
Matagal ng nais / baya’y maisalba
-Jerome Garcia
Rizal na bayani / nagmulat sa bayan
Ipinakita sa / isipan ng bayan
Na ‘wag magpasupil / sa mga kastila
Na walang patawad / sa pamiminsala
-Joniel Faytaren
Ngiti na payaso / daigin ang aso
Pagdating ng oras / ngipin mo ay bawas
Malaking palasyo / ilagay sa baso
Tanggalin ang posas / inumin ang katas
-Paolo Enriquez
Ginusto man niya / o di man ginusto
Ang dugo sa kanya / bayaning totoo
Nung simula pa lang / nakatadhana na
S’ya ang magbabangon / sa bayang api na
-Gracita Diez
lahat ng tao ay, dating mga bata
nangangarap minsan, tulad ng makata
kay daming pangarap, na kita sa mata
hangari’y malinis, simpuro ng gata
si rizal na naman?, tinanong siya ulit
gusto ngang alamin, sila’y nangungulit
tunay bang bayani?, nais nila’y sulit
pambansang bayani, puwede bang ‘pagpalit?
kahit ang iba man, na mga bayani
kanilang inisip, ang pagkabayani
sila’y nagtagumpay, dahil sa pag-ibig
pagmamalasakit, tunay na nanaig
bayani ka pa rin, d’di maitatangi
naririnig din yan, kahit mga bingi
ang dugo mo’y puro, isa kang simbolo
tulad ng kawayan, singtalim ng bolo
chure uie..