Likas raw na gahaman ang tao. Wari raw kaseng balong walang kasing lalim ang gutom at uhaw ng tao sa maraming bagay na hindi ito kailanman maiibsan ng lubusan.
May mga naniniwala na masama ang ganitong kalikasan. Kailangan itong pahinain at pigilin. Yan ang utos ng simbahan sa atin.
Ngunit sadya yatang matindi ang kalikasan na ito sapagkat kahit ilang beses tayong makarinig ng sermon na masama ito, lalo pa yatang sumisidhi ito.
Kahit gamitan ng batas at buwis, tila lalo lang itong tumitindi kaya gumagawa pa tayo ng paraan para masunod lamang ang kalikasan na ito.
Hindi kaya hindi naman masama ang kalikasan na ito at ang tamang paraan ay pagbigyan na lamang ito?
Kung gahaman nga ang tao, hindi nya gugustuhin ang mga bagay na magpipigil sa likas nyang uhaw at gutom sa maraming bagay. Gagawin nya lahat para maibsan kahit panandali ito.
Maari kasing pakinabangan ang pagka gahaman ng tao. Kung hayaan nating sundin ang kalikasan na ito, maaaring maiiwasan ang koruption at mabilis na umunlad ang tao. Ito ang lohika ng palengke.
Kumbaga sa palengke, kung ang tao ay manininda ng produkto, dahil gahaman sya at gusto niyang mapasakanya ang maraming kita, gagawa sya ng paraan para mapaganda ang serbisyo, mapataas ang kalidad at mapababa ang presyo.Ganito kas kung ang tao naman ay mamimili, dahil gahaman siya at gusto nya makabili ng produktong mura, di kalidad at mabilis ang serbisyo.
Ganito rin ang nangyayari sa pamahalaan. Kaya siguro talamak ang korupsiyon ay dahil hindi tama ang pagtrato natin sa kalikasan natin.
Kaya sa halip na pahinain at pigilin, hayaan na lamang siguro at pakinabangan. Ito ang lohika ng kapitalismo at globalisasyon.
Ano ang palagay mo?
Ano kaya ang palagay ni Jose Rizal, bilang probinsyanong intsik, bilang liberal, bilang repormista, bilang propagandista?
Moderation, in the Buddhist sense, is the imperative to always seek for the middle path. Put another way, it commands to avoid excesses.
Used as the norm of an economic policy, moderation has proven to be effective in Thailand were King Bhumibol Adulyadei has institutionalized “sufficiency economy” as the middle path approach to human development, poverty reduction and conserving the environment in the country.
In this context, moderation makes economic policy a moral issue. I find this problematic because moral incentives are not effective incentive mechanisms for development.
In the case of the Philippines where about 90% of the Filipinos are Christians who regularly receive sermons that greed is evil, the moral incentive to do good and avoid evil has obviously failed because the country has been consistently one of the most corrupt in the world at the cost of its development drive.
While Buddhism’s success as a moral incentive can be attributed to its orientation as a personal commitment to perfection, Christianity’s failure could be its propensity to condone imperfection as implied by forgiveness and mercy as recognized virtues.
Instead of moderating greed through ineffective moral incentives, since human beings are by nature self- interested, put bluntly, human beings are greedy, the practical policy response would be to decide on whether to regulate or deregulate greed.
Regulation is premised on the idea that greed is evil. Thus, it requires a strong interventionist state to punish the greedy using coercive laws and repressive taxes as apparatuses of its police power to maintain a status quo of authoritarian political order based on the rule of law. While this works in states with Buddhist population like Thailand and other developing countries in east Asia, regulation breeds corruption in countries like the Philippines where moral incentives fail to curb the natural urge of greed that tempts people, even government officials, to circumvent the laws to create opportunities to convert public goods into private gain.
Deregulation, on the other hand, is premised on the idea that greed is good. In contrast, it merely requires a weak minimal state that allows the market to take advantage of greed by letting the greedy compete among themselves. In the process, competition lowers the cost of commodities and services, improves their quality and increases efficiency. The role of the state is reduced into a night watchman who intervenes only to guarantee that the natural urges of greed produces the greatest happiness of the greatest number of people by dismantling monopolies and ensuring fair competition.
Greed is good/evil
by: Mark Moyo
‘Wag nang ikaila ang sakim at sama,
bansang nabababoy, di na nasawa.
Kung si Rizal ang tatanungin ng tao,
“Ugat ng kasamaan” – sagot nya siguro
O baka by nature, ang tao ay selfish,
kaya dapat sa ‘tin, ikontrol ang labis
at ng manormalize, sistemang nasawa
at kung hindi ma’y, pobre parin siya.
Eh kung hayaan nalang? “just put into practice”.
sakim versus sakim, sa “market” anong tamis!
Tao’y matutuwa sa presyong bagsakan,
sa kompitensyang ‘toh, benipisyo’y laan
Tao ay siya parin ang nagpasimuno,
‘di na ba maalis, gahaman na puso?
Pa’no man isipin, solusyo’y na satin.
Ang yaman ng bansa muli nating angkinin !
KONTROLIN ANG PAGIGING GANID!
Alam naman natin na talamak ang korupsyon sa ating bansa. Madaming isyu ang naglalabasan tungkol sa pagkakaroon ng mga “kickback” ng mga ibang opisyal sa gobyerno, isa na dito ang hindi matapos tapos na NBN – ZTE Deal. Masasabi natin na lahat ng tao ay ganid pero hindi lahat para sa masamang bagay. Pwede tayo maging ganid sa mabuting paraan. Alam naman natin na tayo ay mga kristiyano, dapat alam natin kung anu ang tama at mali. Dapat natin solusyunan ang masamang nangyayari sa ating bansa. Hindi na natin kayang alisin ang pagiging ganid sa ating sarili pero sana naman kaya natin itong bawasan o kung pwede tigilan na. Tayo dapat ay magkaroon ng disiplina at kontrol sa sarili. Dapat natin gawin ang tama at makakabuti sa ating bansa.
Kung si Rizal ay nabubuhay sa kasalukuyan hindi siya papayag na ipagpatuloy ng mga tiwaling opisyal ang maling nilang pamamaraan ng pamamahala. Ang pagkuha sa sariling kaban para sa kanilang personal na interes. Gusto niyang magkaroon ng karapatan ang bawat pilipino na ipahayag ang kanilang hinain at maisagawa ang kanilang karapatan. Handa si Rizal na labanan ang korupsyon para maging maunlad ang ating bansa. Ayaw niya na tayo ay malugmok sa kahirapan kaya gagawan niya ng paraan para masugpo ito.
Gahamang mga puso
Sa tingin ko’y ang pagiging gahaman ay sadyang naturena ng mga tao. Minsan, di man naten napapansin, tayo nay’y gahaman sa ilang mga bagay. Ang pagiging gahaman ay maaring magpasama o magpabuti. Ngunit kung pag uusapan ang tungol sa korupsyon ng ating bansa, sobrang ibang usapan ito dahil sobrang mali ang pagiging sakim ng ilang opisyal ng gobyerno sating bansa. Ang kanilang pagiging sakim ang nagbibigay resulta sa isang masamang kinabukasan ng ating bansa. Marapat na pagtuunan nila ang ganitong bagay bagay na maaring maka-apekto sa buhay ng nakakarami. I-moderate ang pagiging gahaman, kung di talaga mapigilan, bawasan na lamang kung wala talagang ibang paraan. Ngunit siguraduhin lamang na sa bawat desisyong gagawin ay walang ibang taong maapektuhan o masasaktan. Isiping mabuti muna bago magdesisyong gawin ang isang bagay, maliit man ito o malaki, pagkat may epekto pa rin ito sa ting buhay.
Kung si Rizal man ay buhay pa sa panahong nating ito, maaring di siya papayag na maging talamak ang ganid sating mga buhay. I-mmoderate nia ang mga Pilipino sa bawat ganid ng isa’t isa. Hindi niya hahayaang ang kasakiman ang mangibabaw sa puso ng bawat Pilipino. Patuloy siguro siya sa pag gawa ng mga bagay na maaring maka-impluwensiya sa puso ng mga Pilipino patungo sa pag babago. Maari kasing naniniwala din siyang nature na ng mga Pilipino ang maging sakim kaya’t ang tanging bagay na lamang na kanyang magagawa ay ang i-moderate ito. Imoderate sa pamamagitan ng pag-inspire sa mga Pilipino at ang maging huwaran kaya’t ang mang yayari ay tutularan siya, at magkakaroon ng pagbabago tungo sa ikabubuti ng lahat.
ating bigyang pansin itong kasakiman
ano ba ang dulot nitong kasalanan?
likas ba sa tao ang pagiging sakim?
sangkatauhan ba’y balot na ng dilim?
ang usaping ito ay napapanahon
bansang Pilipinas, ‘to pa ba’y aahon?
ang mga skandalo ay kaliwa’t kanan
ang puno’t dulo: itong kasakiman
sa pagiging sakim nababawasan tayo
ng ating sariling pagka-makatao
sinesentro natin ang ating sarili
itong kasakiman dapat nang iwaksi
dapat ikontrol ang ating sarili
upang tayong lahat ay hindi mawili
atin nang isipin, interes ng bansa
habang tayong lahat, may magagawa pa
to regulate or deregulate?
Kasamaan nga ba na maituturing
Ang mga taong ganid, uhaw sa kay’manan
O sa kalikasan din naman nanggaling
Natural na batas ng mga mamamayan
Deregulasyon ba tanging lunas dito?
O ‘to’y regulasyon ng kapangyarihan?
Doktor Jose Rizal, ‘no kayang tingin mo
Masama, mabuti ba ang kasakiman?
Bilang ‘sang liberal, malaya ang tao
‘sang propagandista, pagpapalaganap
Bilang repormista, gusto’y pagbabago
Tagal ng batikos, prayleng nagpapanggap
Sa ‘king kaisipan, natural lang ito
Batas kalikasan kailangang “moderate”
‘to’y magpapaunlad sa lakas ng tao
Kaya’t susi rito ay ” to deregulate”.
Bakit ang Budista ngayon ay maunlad?
Dahil ba sila ay kalmado’t banayad?
Kung ang mga Kristiyano’y sermon ang almusal
Bakit hanggang ngayo’y pagyaman ang dasal?
Ano naman kayang palagay ni Rizal?
Kristiyano nga siya ngunit hindi nagdasal
Pagiging gahaman ay minsang nagawa
Ngunit ito nama’y sa pang kawang-gawa
Kung sa eskwelahan maraming gahaman
Ito’y dahil tayo’y likas na gahaman
Minsan nga masama pero minsa’y ayos lang
Kung pangkalahatan ‘to’y pagmamayabang
Sa ating estado, gobyerno’y gahaman
Ang yaman ng iba pinakialaman
Kung sabagay naman ‘to’y kitang-kita
Kaya’t dapat sila’y tanggalan ng kita
tao nga naman tila sadyang gahaman
iisipin lagi, sariling kapakanan
gagawa ng paraan para yumaman
kahit pa nakawin ang yaman ng bayan
tama man o mali sila’y walang paki
kung ang paguusapan at salapi
lalo na kung kikita sya ng malaki
kahit sinu pa yan walang hinahari
ang pagiging sakim ay walang problema
marapat lang na ilagay ito sa tama
wag gumawa ng makakasama sa kapwa
dahil may karapatan ang bawat isa
magkaiba ang mabuti sa tama
ngunit alam natin ang nararapat
isipin lagi kapakanan ng iba
yan ang solusyon sa problema ng lahat
Ang kasakiman ay likas sa bawat tao sa mundo. Gusto nating lahat na makuha ang magagandang bagay sa mundo. Ngunit para sa isa ng bansa na gaya ng Pilipinas kailangan nating ideregulate ang mga kasakimang ito. Upang ang mga sakim na negosyante ay magkaroon ng kompetisyon. Kapag nagkaroon ng kompetisyon ang mga produkto at mga serbisyo ng mga kompanya ay bababa ang halaga o presyo.makakatulong din ang kompetisyong ito para mas pagandahin ng mga kompanya ang kanilang mga produkto at serbisyo.
Sa aking palagay, kung si Jose Rizal ay nabubuhay sa panahon ito gugustohin din niyang ideregulate ang ating mga kasakiman. Dahil ang deregulasyon ng kasakiman ay nagpapakita ng pagiging liberal ng mga Pilipino.
Deregulasyon
Sadya nga bang likas sa’ting mga tao
Ang pagkagahaman sa bagay sa mundo?
Kaya nga’t ganito, lahat ay magulo
Sa pagkatimawa ng kung sinu-sino
Nararapat na bang atin nang bawasan
Ang pagkatimawa at pagkagahaman?
Nang umunlad naman itong ating bayan
At umahon na nga sa’ting kahirapan
‘Di naman masama ang pagkagahaman
Kung gagamitin lang sa’ting kabutihan
Nang maging maganda naman’ng kalagayan
Nitong ating bayan at ng mamamayan
Sa bawat pera na kinukuha nila
Lalong humihirap itong ating bansa
Kaya’t kailangan na tigilan na nga
Ang katiwalian sa pmamahala
Igawad mo’y tulong kung para sa bayan
Ang maging makasarili ay iwasan
Susi ng pagkamaunlad, kasipagan
Pusong malinis at busilak tatagan
Yaman galing nakaw madaling matunaw
Di kayang madala ng taong papanaw
Dala rurok ng tagumpay abot-tanaw
Dulot pala nito’y isang balintataw
Kasakiman sa yaman, kapangyarihan
Walang sinisino maging sino ka man
Pagkalimot sa maningning na pangalan
Nauwi sa lungkot, poot na sukdulan
Lahat ng kabuktutan may katapusan
Isa kang Hudas dahil sa kabantugan
Di masamang maghangad huwag labisan
Para sa sarili, okey lang sa bayan.
Greed is the only thing that stands between a good leader and a bad one. Everyone has desires but when it turns into a selfish act where you benefit from the expense of others it becomes greed. Leaders are the most dangerous guys to have greed because they have power, and when you mix power with greed it leads to mass corruption. A good leader isn’t someone who is very smart or popular but someone who has fear on GOD. Having conscience and fear on God tolerates greed. Throughout history, there has been a lot of corrupt leaders, this shows that man is sinful when given power. Having power opens doors to many paths, it really is up to good decision , to choose the right path using the power entrusted to you.
“Nasa katauhan na ng mga Pilipino ang pagkagahaman,” sabi ng karamihan. Naniniwala ako sa mga salitang ito dahil ang kasakiman ang nagdudulot ng malaking kahirapan sa ating bansa. Desperado ang mga ilan sa mga opisyal ng ating bansa na mapayamang lalo ang kanilang kabuhayan, ngunit sumisigaw at nagngangalit na ang mamamayang Pilipino na ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbubulsa ng pera ng mga mamamayan. Para sa akin hindi na maaalis ang kaugaliang ito sa mga Pilipino. Kung nagawa na niya maging sakim, kahit magbago pa siya ay nakatatak na ito sa kanyang katauhan. Kung magbago man ang isang tao, paglipas din ng panahon ay magagawa’t magagawa niyang ulit magpakasakim.
Nararapat lamang na supilin ang pagkagahaman ngunit kahit kailan man nga ay di natin ito magagawang sugpuin. Ang dapat nating gawin ay maging gahaman tayo sa pag-unlad, pag-unlad para sa karamihan at hindi para sa kasarinlan.
Kung Rizal ay nabubuhay sa ngayon, naniniwala akong magagawa niyang kontrolin ang mga mamamayan sa kanilang mga maling gawain. Alam kong makakaya niyang patungan ng pagtulong ang tatak ng kasakiman sa puso ng mga Pilipino.
TAMA NA! SOBRA NA!
Kung ating titignan, marami sa mga Pilipino ang sakim at gahaman. Di man natin napapansin, minsan tayo ay sakim na rin. Natural na sa mga tao ang pagiging sakim. Siguro ay dahil na rin sa pagnanasa nating makaraos sa hirap at magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Pero tama bang ang iba ay magdusa dahil sa sariling kasakiman? Masasabi kong hindi ito tama dahil kahit saang anggulo mo tingnan, masama parin ang pagkakaroon ng mga bagay ng may natatapakan kang ibang tao. Marahil sasabihin ng iba ay may hindi lang nila nakontrol ang kanilang sarili. Pero ang masasabi ko naman, hindi ba nila namamalayan na ang kanilang ginagawa ay masama na? Hindi ba sila tinuruan ng kanilang mga magulang na wag maging sakim at gahaman?
Kung si Rizal siguro ay buhay pa, siguro ay magsusulat siya ng isang nobela na magiging daan upang ang tao ay mamulat na hindi lahat ng bagay ay pedeng mapasaiyo. Dapat ay magkaroon ng limitasyon ang lahat ng bagay na ating nakukuha. Nasabi ko ito dahil sa aking palagay, ayaw ni rizal na maging gahaman ang mga pilipino. Pipigilan na nya ito bago pa ito lumala. Kung hindi man ito kayang pigilan, ang pinakamagandang solusyon ay ang pagbabawas ng kasakiman at sa halip ay gumawa na lamang ng kabutihan sa iba. Natulungan mo na ang iyong sarili, nakatulong ka pa sa ibang tao.
Likas na sa tao ang pagiging sakim. Ito ang nakasaad sa batas ng kalikasan. Ito ang sakit ng lipunan noon pa man.
Pera at kapangyarihan ang nagpapaikot sa mundo, at sa bawat tao. Sabi nila, “money is the root of all evil.” Di lang naman pera ang kinaiingitan natin. Paghahangad ang dahilan ng pagiging sakim. Talino, ganda, pera, kapangyarihan. Sino ba naman ang ayaw no’n? Lahat tayo gusto nating magkaroon ng ganon, di ba? Wag kang ipokrito.
May masama at mabubuting epekto ang kasakiman. Ang kasakiman ang sanhi ng mga tunggalian. Ang kasakiman ang isa sa dahilan ng pagbagsak ng mga sinaunang sibilisasyon at hadlang sa pag-unlad ng mga bansa.
Ngunit sa maniwala ka’t sa hindi ay may mabuting naidudulot ang kasakiman. Naguudyok ito ng kompetisyon. Kung may kumpetisyon, higit na nakikinabang ang pinagaawayan. Halimbawa na lang ang mga TV stations. Nagtutunggalian sila sa pamamagitan ng paggawa ng magagandang palabas. Dahil sa kumpetisyon ay magaganda ang mga inihahaing palabas ng mga TV stations. At natutugunan nito ang pangangailangan natin sa mga palabas na gusto nating mapanuod.
Sa totoo lang, di masama ang kasakiman. Ang masama ay ang epekto nito. Hindi masama ang maghangad, wag lang sobra-sobra. Ang kasakiman ay dapat maging isang apoy na mag-aalab sa ating puso na siyang panggagalingan ng lakas para paunlarin ang ating sarili at abutin ang ating mga pangarap. Wag nating hayaan na lamunin tayo ng apoy ng kasakiman. Humingi tayo ng gabay sa Maykapal para tayo’y tulungan na gamitin ang apoy sa mabuti.
Mapanukso
Ang tao’y may likas namang kagustuhan
Bukod pa sa kanyang pangangailangan
Problema lang dito ay nagiging labis
Masamang paraan kanyang ninanais.
Kaya nga siguro may dukha’t mayaman
Dahil sa hagupit nitong kasakiman
Pati ang gobyerno nahawa rin nito
Kaya naman pala bayan’y litong-lito.
Pag-ibig sa bagay ay ‘sang kasalanan
Tukso ni Satanas, ‘di dapat patulan
Bigyan ng halaga ang buhay ng madla
Mapagkawanggawa ay pinagpapala.
Makukuha natin ang lahat ng gusto
Magsumikap lang at ‘wag umabuso
Alisin sa isip ang pagiging ganid
Daan sa pag-unlad ay magiging tuwid.
Ganid
Ga’no kahalaga ang pera sa tao?
Katumbas ba’y buhay o ‘sang kaluluwa?
Kung sa isang ganid, marahil pareho
Dahil hangad lang nya’y, yamang walang sawa
Ang pagkagahaman, naturingang likas
To’y bilang masama at pagiging patas
Iwasan ang ganid sa pansarili lang
Isipin ang kapwa at huwag nakawan
Ang pagiging sakim ating balansehin
Ang pagseserbisyo’y patas nating gawin
Maging ganid tayo sa tamang paraan
‘Wag tayong mandaya at huwag manggulang
Sa ating gobyerno, dayaa’y talamak
Maraming palusot, mahilig manindak
Pa’no mapapawi itong kasakiman?
Na sa ating bansa’y sadyang nananahan
Iyang mga swapang na yan! Wala ng ginawa kundi mangurakot! Hay, buhay ng Pilipinas nasan na ngayon? Lubos na tayong pinahihirapan ng mga opisyales ng gobyerno na yan. Alam kong ako ay wala pang masyadong nalalaman sa nangyayari sa bansa nating ngayon. Pero hind ako bulag para hindi makita na naghihirap na ang mga kapwa Pilipino. Dahil sa mga swapang na opisyales ng ating gobyerno wala ng naging asenso ang ating bansa. Sabi nga sa larong dota: “Wag maging masyadong greedy kundi may masamang mangyayari.”
Sigurado ko kung nabubuhay pa si Pepe siya ay gagawa ng aksyon at hindi niya hahayaan na magkaroon ng ganitong pangyayari sa ating bansa. Kanyang tutuligsain ang gobyerno natin para sa kaunlaran ng ating bansang Pilipinas
Nagsisikap ang tao sa pagtratrabaho para mapaunlad ang kanyang pamumuhay. Kaya natural lang sa tao humangad ng mas higit pa sa kanyang tinatamasa ngunit kung ito ay labis na at umabot sa punto na lahat ay nais niyang angkinin ay masama na ito. Ngunit nanaisin mo bang itigil ang isang bagay na magbibigay sayo ng higit na kapangyarihan at kayamanan. Nagiging gahaman ang tao dahil sa mga bagay na ayaw na nilang maranasan o ng kanilang pamilya. Ngunit maraming tao sa mundo hindi lang iisang tao ang pwedeng magmay-ari ng lahat. Kung ano ang makuha mo ay kabawasan sa makukuha ng iba. Kung baga sa isang timbangan kung mabigat ang isa magaan naman ang isa kung anong meron ka wala naman ang iba. Sa huli hindi nagiging patas kaya nagdudulot ng di-pagkakaunawaan at kasiraan.
Sa nakikita ko sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, mas marami ang mahirap kaysa mayaman.Maraming pagtatalo sa mahirap at mayaman. Maraming Pilipino ang nagdudusa dahil sa pagkagahaman ng ibang tao. Ginagamit ng ilan ang kanilang kapangyarihan para mapabuti ang kanilang buhay pero ang kapalit nito ang kasiraan ng buhay ng ibang tao. Ang kasiraan ng isang buhay na nagdudulot ng higit na kasiraan sa lipunan. Kaya may patayan at nakawan dahil ninanakaw o napagkakait sa iba ang pagkakataong nila na mabuhay ng matiwasay. Paulit-ulit lang ang ganito hanggang may taong sakim sa yaman at kapangyarihan. Ngunit imposible alisin ng tuluyan ang kasakiman maari lang itong mabawasan. Nasa tao parin ang decisyong kung mas pipiliin niya ang ikabubuti ng iba o ang kanyang sarili.
at dahil sa tao’y, may pangangailangan
di maiiwasan, kanyang kasakiman
isang kagustuhang, hindi mapigilan
walang katiyakan, walang katapusan
ito’y likas sa tao, di nya kasalanan
bahagi ng buhay, saan mo man tignan
palagi niyang gusto, sumobra sa husto
lahat ay sa kanya, kahit ‘di na wasto
ako’y napatingin, isip ay malalim
anong nangyari, naging mga sakim
sino pang may sala, kundi tayo lamang
sakim ay ang ilaw, nabulag ang mang-mang
pa’no matatapos, anong madudulot
tayo’y magkaisa, unat man o kulot
sama samang dam’hin, ikarangal natin
ating ibahagi, mga bagay natin
Pagiging matakaw sa lahat ng bagay
Ninanais lahat, iya’y kasakiman
Tulad ng kurapsyon ganap sa’ting bayan
Hindi natitinag ang pinunong halal
Kristyanismo’y ganap dito sa’ting bayan
Na ang tinuturo’y kabutihang asal
Gumawa ng tama, gantimpala’y asam
Kung magkakasala, may kapatawaran
Marahil siguro’y ito ang dahilan
Kung bakit ‘di takot kasakima’y alam
Mainam siguro’y parusa’y ipataw
Sa taong gumawa ng ‘sang kasakiman
Ito ri’y marahil ang panig ni Rizal
Parusa’y ipataw sa makasalanan
Pagkat ang pagkamkam ng yamang syang nakaw
Ay isang paglabag sa ating lipunan
For me, Greed must be regulate because its true that greed is evil. It is also one of the 7 capital sin. Greed only thinks the person itself and its not good for the country. There’s nothing right in greediness. Abusing the rights of people is one of the factor of greediness. Also the corruption in our country comes in greediness of the political people or the powerful people.
Maybe Rizal as “probinsyanong intsik” , “repormista or propagandista” will agree that greed must be regulate beacuse greediness have nothing to do with the country that he saved. Greediness is selfish, and selfish is not right. But if we look rizal as a liberal person, maybe he will say that greed must be deregulate and greed is good. if greed must deregulate it has a fair competition but if we talk only about yourselves.
But what is important, the joy of many people or the joy of yourself sacrificing others?
GREED !
Ang kasakiman ay tunay na kasamaan. Ito ay ang lubos na pagnanais sa pera,pagkain at iba pa. Sa ating bansa lubhang laganap ang kasakiman. Maging sa ating pamahalaan ito ay laganap kahit na ang tunay na pamahalaan ay tapat. Isang ebidensya ng kasakiman ng pamahalaan ay ang kontrobersyal na ZTE deal na milyon milyong salapi ang napunta lamang sa bulsa ng mga opisyales. Maging ang mga otoridad ay gahaman sa paraan ng pangongotong.
Sa tingin ko hindi papayag si Rizal na magpatuloy ang kawalangyaan ng pamahalaan. Ipaglalaban niya ang karapatan ng bawat tao na umunlad.
Walang magiging sakim at gahaman kung pantay pantay lahat ng karapatan ng tao.
Likas na sa tao ang gustuhin magkaroon ng pera, kapangyarihan at iba pa. Pero hindi ibig sabihin lahat tayo ay sakim. Pero may mga taong sadyang masasama ginagawa nilang lahat upang makuha ang kanilang gusto ito ay kasakiman. Ang masama pa dito ay hindi sila titigil ano man ang mangyari dahil hindi sila kontento sa mga bagay na meron sila. Tulad na lamang ng iba sa mga opisyal ng gobyerno natin ngayon mayaman na nga sila gusto pa nilang yumaman lalo. Hindi man lamang nila maisip na buti pa sila may pera ang iba ay wala.
Kung buhay pa si Rizal sa tingin ko ay papayag siya na hayaan na lamang ang mga sakim na makipagkompitensya sa isa’t isa. Pero para sa akin hindi ito magdudulot ng mabuti lalo lamang hihirap ang ating bansa. Lalong magiging sakim ang mga sakim na magdudulot ng kahirapan sa ibang tao. Lalo silang yayaman. Sa bansang ito ang may pera ang makapangyarihan. Pag nagpatuloy ang pagyaman ng mga taong ito. Mas magkakaroon sila ng control sa bansa. At may posibiladad na mawala ang ating democrasya.
Kindness in Greediness
Lahat ng tao ay may sariling hangad
Gagawin kahit ‘no basta ‘to’y matupad
Ito’y natural na sa taong may nasa
Basta hindi niya to ikasasama
Pagiging sakim ay natural na bagay
Depende sa tao ang pagsasabuhay
Gagawin kaya niya sa mabuting bagay
O hayaan lamang ang masamang buhay
Paghahangad dapat ay para sa iba
Huwag iisipin paraang masama
Ito’y kailangan di lang sa pulitika
Kundi lalong higit sa ekonomiya
Ang panig ni Rizal marahil ito din
Hindi kasakiman para sa sarili
Kundi kasakiman para sa marami
Deregulate this greed for good use not for sin
(TAGLISH) hehe
Lahat ng bagay, masama man o mabuti, ay binigay ng dyos. Binigay ito ng dyos dahil alam nya na ito’y para sa ikabubuti ng bawat individual. Ang sabi nga ni maam Garcia, lahat ng tao ay biniyayaan ng fruits of the Holy Spirit. Hindi man lahat ng fruits ay taglay natin, madedevelop natin ang lahat ng binigay ng Holy Spirit sa takdang panahon. Ang “Greed” ay bigay rin ng dyos. Ngunit, may mga tao na hindi masyadong prinapractise ang Greed, kaya hindi sila maituturing “Greedy”. May mga tao naman na talamak ang pagiging “Greedy”. Hindi lamang ang mga opisyal ng gobyerno ang greedy. Kahit sa mga simpleng situasyon ay makikita natin ang pagiging greedy ng isang tao. Tulad na lang sa paghingi ng papel tuwing exams. Makikita natin ang pagiging Greedy ng isang estudyante. Dapat natin i-moderate ang ating greed. Isa sa mga fruits of the H.S. ay ang self-control. Sa pamamagitan nito, ay mamomoderate natin ang ating greed.
Jose Rizal?!? Si Rizal ay isang TAO. Hindi siya diyos. Malamang, kung uso ung pagiging greedy, syempre makikiuso siya. Ikaw ba?! Ang sistema ng ating gobyerno ang “GREEDY” hindi ang mga opisyal. Dapat na palitan ang sistema ng ating gobyerno. Ito lamang ang paraan upang mamoderate ang GREED sa ating lipunan.
Moderate, Regulate, or Deregulate Greed?
Bilang isang mag-aaral, naniniwala ako na hindi dapat ipairal ang kasakiman o pagkagahaman lalung-lalo na kung ikaw ay isang opisyales ng pamahalaan. Nasambit ko ito sapagkat naniniwala ako na ang pagiging gahaman sa lahat ng bagay lalung-lalo na pagdating sa pera ay magiging mitsa lamang ng pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Para sa akin, hindi sapat na kontrolin natin ang pagiging gahaman, naniniwala ako na mas dapat natin itong iwasan sa abot ng ating makakaya sapagkat bukod sa wala itong maidudulot na magandang bunga sa ating buhay at bansa, ang pagiging gahaman ay isa din sa mga “Seven Unforgivable Sins.” Dahil dito, bilang kristyanong Pilipino, marapat lamang na iwasan ang kasalanang ito ng sa gayo’y maging mapayapa ang ating pamumuhay.
Para sa akin, bilang isang mag-aaral, malakas ang aking paniniwala na halos magkatulad ang prinsipyo namin ni Rizal pagdating sa usaping ito. Sa aking palagay, mariin ding tututulan ni Rizal ang ganitong uri ng ugali na kinaugalian na nating mga Pilipino lalung-lalo na ng mga pinuno natin. Nasambit ko ito sapagkat alam naman natin na si Rizal ay pinalaki ng kaniyang mga magulang na may takot sa Diyos. Dahil dito, naniniwala ako na alam din ni Rizal na isang malaking kasalanan sa Panginoon ang pagiging gahaman. Bukod dito, naniniwala din ako na mariin din niya itong tututulan sapagkat si Rizal, bilang isang propagandista, repormista, at liberal na mamamayang Pilipino, ay natunghayan na ang ganitong uri ng madumi na kaugalian ng mga prayle o kastila noon, na siyang nag-udyok sa kaniya na sumulat ng mga nobela’t editoryal laban sa pamahalaan noon. Dahil sa mga dahilan na ito, naniniwala ako na mariin ding tututulan ni Rizal ang ganitong uri ng kaugalian ng mga tao lalung-lalo na ang mga pinuno ng ating bansa.
Ang mga sakim ay nagkalat sa bayan
San ka man lumingon tiyak ay mayroon
Isa’t isa’y yaman ang nais makamtan
Di iniisip ang sitwasyon ng nasyon
Anong lunas pa ang maaring lapat?
Sa kasakiman ng mga mamamayan
Marapat lamang ba na sila’y hayaan?
O pigilan dahil ito’y nararapat?
Pagpigil sa sakim ay kay hirap gawin
Di alam kung dapat silang parusahan
O bigyang laya sa nais nilang gawin
Nang sa isa’t isa sila’y mag-agawan
Pagsasaayos sa bansa’y di pa huli
Pagiging sakim ay pwede pang iwaksi
Tamang pagkontrol lang ating kailangan
Nang tayo’y umalpas sa ‘ting kahirapan.
sa palagay ko ay mabuti naman ang greed kung itoy nsa lugar at may mabuting dulot. tulad ng deregulated greed,ito ay may magandangdulot dahil sa pagkokompitensya ng mga greedy na companya/tao.maraming benepisyo tayong makukuha s mga taong ganito.
sa lagay naman ni rizal ay sasang-ayon rin siya rito dahil una,sabi ng simbahan ay masama ang greed ngunit si rizal at ang mga pari nuon ay may alitan kaya malabo na maniwala siya rito. ikalawa, ang tao ay natural na sakim.sakim siya dahil gusto ng bawat isa ang pinaka mabuti para s sarili.dahil itoy natural,maphahanap ng paraan ang tao para s pansariling kaginhawahan. ikatlo,ang deregulated greed ay may mabuting dulot sa mamamayanat nakakatulong magpaunlad ng bayan,at dahil itoy may mabuting dulot,si rizal ay siguradong sasang-ayon dito para s pagunlad ng kanyang inang bayan
Sabi nga ng karamihan, likas na sa mga tao ngayon ang maging gahaman. Hindi makuntento sa kung ano man ang meron sa kanyang paligid. Hindi titigil hangga’t hindi nakukuha ang kanilang gusto. Ayaw man nating aminin, lahat tayo ay naging sakim sa ilang mga bagay. Naging gahaman tayo sa ibang paraan. May mga bagay tayo na hinangad nating makuha at hindi sumuko hangga’t hindi ito nakakamit. Pero hindi katulad ng mga tao sa likod ng pulitika na wala ng hinangad kung hindi makuha ang gusto nila: pera at kapangyarihan. Hindi natin masasabi kung sino sa kanila ang hindi naghahangad nito ngayon. Marahil meron ding naghahangad ng kaunlaran pero sa tingin ko ay mas marami pa din ang hinahangad ang dalawang iyon dahil ni hindi nga tayo umuunlad eh. Ano ang “point” ng pagiging isang “greedy” kung kahit maganda man ang maidudulot nito sa atin eh masusunog naman tayo sa impyerno? Madadala ba natin ang lahat ng makukuha at mapapala natin pag namatay na tayo? I-moderate na lamang ang greed dahil hindi naman talaga natin mapipigilan ang ating sarili kung may bagay tayo na gustong makuha. Pero sa simula pa lang, tinuro na sa atin na “greed is evil, one of the seven deadly sins”.
Kung nabubuhay pa siguro si Rizal ngayon bilang isang propagandista na naghahangad ng pagbabago, masasabi ko na “deregulate greed” ang kanyang magiging saloobin. Gamitin ang pagiging gahaman sa ibang paraan para makaahon ang ating bayan. Pero kung mas papairalin nya sa kanyang sarili ang pagiging isang makatao, makadiyos, at makabayan niya, masasabi ko na magiging magkapareho kami ng saloobin at masasabi din niya na “greed is evil”.
GREED!
Sa ati’y tinuro mali ang gahaman
Ito ay dulot ng ating kamangmangan
Pagkamakasarili’y isang dahilan
Kaya’t bayan ay di na naging mayaman
Isang dahilan ang naging kasawian
Pagkontrol sa kanyang greed ay di nagawa
Hirap ng bayani’y naging baliwala
Pagiging gahaman ay sang kalikasan
Bayaning lieral ay may sariling nais
Kalikasang huwad ay gamiting wais
Upang lupa natin ay umunlad naman
Nang sa ibang bansa’y di na umasa
Ganid ay isang naging dahilan
Kaya’t ating lupa ay lubog sa utang
Pagkaganid ay di magandang kalikasan
Dahil ang ganitong tao ay isang halang
Siguro nga, hindi masama ang pagkagahaman ng tao. Ang tao nga naman ay hindi nauubusan ng pagkawili sa mga bagay-bagay, mapanira man ito sa katauhan ng isang tao o kahit walang epekto sa iba. Ang pagkagahaman rin ng tao ay maaring makatulong sa kanyang pang-araw-araw na kabuhayan, batay na rin sa artikulo, sa sektor ng palengke. Ngunit, ang pagkagahaman ng tao ay nagiging mali kung ginagawa nya ito sa sektor ng gobyerno.
Kung ang pagkagahaman ng tao ay papairalin sa sektor ng gobyerno, magbibigay lamang ito ng pangit na imahe isang administrasyon at negatibong epekto para sa mga nakararaming Pilipino. Tulad ng isyu sa NBN-ZTE deal na pinaratangang may anumalya dahil sa kakat’wang presyohan sa subastahan. Ang $ 329 milyon na ipapahiram ng Tsina sa pagpapatayo nito ay atin ding babayaran sa pamamagitan ng pagbubuwis na ang dapat ay nasa mahigit kumulang na $ 150 milyon lamang. ‘Di ba’t parang nilibre natin ng $ 160 milyon ang mga nakipag kontrata dito? ‘Di ba’t ang kinalabasan din ay ginamit ang kaban ng bayan sa pagpapakapal ng mga wallet nila?
Kaya’t sa tingin ko, ang masasabi ni Rizal sa isyu ng ZTE-NBN deal, bilang isang liberal at iskolar sa pag-iisip kung sakaling nabubuhay pa siya ay… “PUNYETA! KABAN NG PILIPINO ANG NINANAKAW NILA!”. Baka marahil si Rizal pa ang unang luluto at gigisa kay Abalos at sa administrasyong Arroyo para lumabas ang katotohanan para malaman ng sambayanan at mabulok sila loob ng kulungan.
Hindi na talaga maiiwasan ang ganyan ugali. Matagal nang nasa Pilipino yan ngayon. Pero bakit nga ba patuloy pa rin ang ganitong ugali kayat hindi na tayo umuusad. Hindi nga naman masama na maging gahaman, ngunit kung itoy paulit-ulit na, ay dapat na itong tanggalin. Kaya nga may mga nag-rarally sa mga kalsada ay dahil sa ganyang kaugalian, ayaw pang aminin ng ating mga opisyales na talagang kinukuha nila ang ilan sa mga pera ng ating bansa kayat marami sa ating ngayon ang naghihirap. E kung gamitin na lang nila ito sa nakakarami, me maitutulong pa sila, wala pang problema sa ngayon. Katulad na lang ZTE na yan, sinasabi nila na kaya inaprubahan ng presidente ay para lamang sa kanyang sariling kapakanan at hindi para sa sambayanan. Ano nga ba ang totoo? Hindi natin malalaman dahil lahat tayo ay may sari-sariling opinyon tungkol sa ganyan, pero sa aking palagay totoong ginawa iyon ng ating pangulo ngayon.
Ang gagawin ni Rizal tungkol dyan ay: tanggalin ang lahat ng maling pamumuno at mga corrupt na opisyales at gamitin na lamang ang pagiging gahaman sa mabuting paraan. Ito na yata ang pinakamagandang solusyon sa ganyan problema spagkat ang pagiging gahaman ay natural na at hindi na mawawala kahit kailan.
Likas sa tao ang pagiging gahaman. Hindi titigil hangga’t hindi nakakamit ang nais niya. Ngunit hindi lahat ng epekto nito ay masama, may mga mabubuti ding epekto ito depende sa paggamit. Tulad na lang ng sinabi ni sir GTO tungkol sa palengke, dahil sa kagustuhan at pagkagahaman ng mga tindero at tindera na kumita ng malaki, gagawa sila ng paraan para mapaganda ang serbisyo, mapataas ang kalidad at mapababa ang presyo ng mga bilihin. Tayong mga mamimili ang makikinabang sa pagkagahaman ng mga tindero. Hindi ba? Isa pa, dahil sa pagkagahaman ng mag-aaral na makakuha ng mataas na marka, mag-aaral siya ng mabuti upang makamit ang nais niya. Isa din itong magandang epekto ng pagiging gahaman. Ngunit kung nandaraya na ito upang magkaroon ng mataas na marka, iyon na ang masamang epekto ng pagiging gahaman. Hindi dahil gahaman ka eh masama ka na, depende iyon kung sa papaanong paraan at pagtrato mo gagamitin ang iyong kalikasan.
Sa tingin ko’y si Rizal ay gahaman din. Nais niyang maipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino kaya sumulat siya ng aklat para makamit ang nais niya. Siguro’y ayos lang kay Rizal na maging gahaman ang isang tao basta wala siyang natatapakan at nasasagasaan.
Tayong mga tao likas bang gahaman
Kaya ayos lamang sa kapwa’y manlamang
Hindi na ba kayang ito’y mapigilan
Kahit may masaktan at hindi igalang
“Moderate your greed”, sabi ng simbahan
Kaya pa nga bang ito ay pigilan
O baka ito’y mas lalong lumaganap
At makapag dulot ng di pagganap
Jose Rizal, ikaw ba’y gahaman din?
Isang doctor, magaling at matulungin
Ito ba’y sadya mo upang makuha
Ang pagkilala at pagtingala?
Bilang dalubhasa, ikaw ba’y nanlamang
Hinangad ang lahat pinilit ang sarili
Ang pagtalo sa iba sa iyo’y madali
Sana ako’y mali, kathang isip lamang.
Greed? Gahaman? Para sa akin normal na ito sa mga tao sa panahon ngayon. Bakit ka nga nman kukuha ng sakto kung makakakuha ka pa nga naman ng marami? Oo nga na masama ang pagiging gahaman ngunit kung ikaw nga nman ang nasa pangyayaring ganun ay baka hindi mo rin mapigilan ang iyong sarili.
Ganoon ang nangyayari sa ating bansa. Silang mga nakaupo sa pwesto ang hindi makapigil sa sarili sa pagiging gahaman. kahit pera na ng bayan ang kinukuha. ang nangyayari tuloy, ang mga mahihirap ang naapektohan at nagdudusa. Ang pera ng bansa na para sa kanila at walang hirap lang na kinukurakot ng mga nasa pamahalaan. Sarili na lang nila ang kanilang iniisip. Hindi nila naiisip na sa bawat pagginhawa at pag-angat ng kanilang buhay ay mayroong namang tao na pababa.
Sa ating bansa, kakailangan pa ba natin ang isang bayani tulad ni Jose Rizal? Mahirap gawin pero maiging paraan ang pagkakaisa at tanggalin ang ugaling pagiging gahaman upang ang bansang Pilipinas ay tuluyan ng maging tahimik at maunlad na bansa.
Bawasan, tanggalin o pabayaan lang.
Pagbabawas ng labis na kasakiman?
‘to ang tema ng pahayag ni Lozada.
naging dahilan sa maraming pag-aalsa
Alam nating masama ang kasakiman.
Ito ang turo sa katolisismo.
Bakit ba laganap katiwalian?
ngayong alam mong mali ang bagay na ‘to
dapat bang bawasan o tanggalin na lang?
mabuti ang pagbawas ng kasakiman
hindi matatanggal ang korupsyon,
lalo sa demokratikong institusyon
ang bawat pulitiko ay sadyang korup
hindi maiwasan sa sistemang hirap
ang mamamayan dapat ay maging bantay
para maibalik, pagkapantay-pantay
GREEDY!
Sa pulitika dapat hindi sila maging gahaman
kasi mabilis lang ang bad karma dun. Tulad na lang
dun sa nilalaro namin, kung sinu pa yung greedy, siya
pa yung unang namamatay o natatalo. Ganun din sa pulitika
kung sinu yung unang nakitang nangurakot, siya rin yung
gustong pabagsakin ng mga taong bayan
Tulad na lang dun sa ZTE, nagkaruon tayu ng isang witness
na nagpapatunay na si gloria ay may balak na mangurakot.
kaya iyon, gusto na siyang pabgsakin sa kanyang posisyon.
actually gusto na siyang pabagsakin ng mga pilipino matagal na
dahil dun sa pandaraya sa botohan. mas lumakas lang yung
pwersa ng mga anti gloria ngayon.
pero kung patuloy mangungurakot ang mga pulitiko. Patuloy din
babagsak ang ating ekonomiya.Sayang naman ang mga talino na mga
namumuno kung sa pangungurakot lang din gagamitin. Sana
kung ginagamit nila ang kanilang talino para sa ikakaganda ng
ating bansa. edi sana lahat tayu happy db . .
Negatibong bisyo ng pagkagahaman
Likas na raw satin, mahirap pigilan
Sariling interes, mithii’y makamtan
Kahit mapanlamang, basta’t makinabang.
Pano masasabi na tayo’y malaya
Kung mga pinuno’y gahama’t sugapa
Ang ating gobyerno’y puro pandaraya
Gawi’y pagnanakaw, panlalamang’y sadya!
Bansang Pilipinas, daig karagatan
Sa taglay na utang na di mabayaran
Bayad-buwis ni Juan, siyang kaban ng bayan
Pera’y napupunta, bulsa ni kapitan.
Ang anumang sobra ay sadyang masama
Ang pagkagahaman, isang halimbawa
Kontrol sa sarili’t nasa’y limitahan
Nang sa ganu’y dangal, hindi mamantsahan.
Ang “greed” ay isa sa “7 Capital Sins”. Ito ay mailalarawan sa sobrang paghahangad ng mga materyal na bagay tulad ng pera, kapangyarihan, pagkain atbp. Ngayong semana-santa, nararapat na tayo’y magnilay-nilay upang ma-eksamin ang ating sarili at pamumuhay. Nararapat na tayo’y maging kuntento at panatilihin ang kababaan ng loob makaiwas sa mga “7 Capital Sins”.