Batas Rizal (Batas Republika 1425)
Upang mapanatiling buhay ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, isinabatas ng pamahalaang Ramon Magsaysay noong Hunyo 12, 1956 ang pinanukalang batas ni Claro M. Recto na gawing sapilitang aralin sa kolehiyo ang buhay ni Jose Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga akda.
Pagnilayan ang naging saysay ng Batas Rizal makaraan ang mahigit limampung taon na ito’y ipinatutupad.
Nagampanan kaya nito ang tinakda nitong layon? Papaano kaya ito mabisang ipatupad ngayong parang hindi na uso ang kabayanihan?
Republic Act No 1425 (June 12, 1956) An Act To Include In The Curricula Of All Public And Private Schools, Colleges And Universities Courses On The Life, Works And Writings Of Jose Rizal, Particularly His Novels Noli Me Tangere And El Filibusterismo
Section 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their English translation shall be used as basic texts.
Sec. 2. It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal’s other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.
Sec. 3. The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils throughout the country.
Tayo ay mag-aaral ng kabayanihan
Mga gawain ng ating mga bayani
Ating malalaman ang katotohanan
Si Rizal ang ating pambansang bayani
Mga dalubhasaan at unibersidad
Kailangang ituro ang kursong Rizal
Na makatotohanan ay may kalidad
Sa bansa’y manatili ang pagmamahal
Mga nobela’y ipaalam sa lahat
Kabayanihan ni Rizal ay ikalat
Tayo na mga makabansang Pilipino
Pairalin ang pagkanasyonalismo
Satin makikita ang dugong bayani
Kaya nararapat nating pag-aralan
Si Rizal na isang tunay na bayani
Tayo’ý mag-aral at maging makabayan
Untitled
Halina’t balikan ating kasaysayan
Panahon kung kaylan umiyak ang bayan
Kahit pumanaw na ‘tong si Laon-Laan
‘Wag kakalimutan kanyang nagampanan.
Iturong marapat mga akdang sinulat
Ni Gat Jose Rizal upang tayo’y mamulat
Sa katotohanang hindi nararapat
Ito’y ating handog ng pasasalamat.
Limang dekada na mula nang ipasya
Gawing batas itong kalwalhatian niya
Pagkamakabayan nasaan na nga ba
Nasa EDSA ba ‘to o nasa Luneta?
Ano ba’ng sukatan ng kabayanihan
Sa aking palagay, wag nang pagtalunan
Ang mahalaga ay may natututunan
Para isabuhay nating kabataan.
RA 1425
Marapat na ating lubusang malaman
Mga katangian ng ating nakaraan
Kabilang si Rizal kanyang kasaysayan
Ito’y kailangang pakahalagahan
Kaya’t nilahad sa’ting Batas Republika
Pag-alam kay Rizal siyang mahalaga
Marapat na ikintal sa puso’t diwa
Kanyang mga leksyon pati mga katha
Ang kursong ito’y marahil’y naglalaman
Nang kasagutan sa’ting kasalukuyan
Sapagkat may koneksyon ang nakaraan
Sa panahon ngayon kung ating titignan
Matutong lumingon sa pinanggalingan
Pagkat may dulot itong magandang aral
Na siyang gagabay sa ating paglakbay
Itong ating buhay nang mali’y maiwasan
Batas Rizal: Isang Pagninilay
Ang pagiging bayani’y di paghihirap
Pagbuwis ng sariling buhay di sapat
Simpleng tulong at sa pagpasaya’y
Munting daan sa pagiging makabayan
Mahalaga ang gamit ng ating wika
Pagmamahal sa wika ay makabayan
Rizal, dapat saluduhan at tandaan
Pagmamahal sa wika’y kanyang ginawa
Kanyang talambuhay ay dapat alamin
Sulat at gawa’y dapat gawing salamin
Bukal sa puso na pag-aaral ay gawin
Pagnilayan kanyang buhay at gawain
Sarili’y di inisip, baya’y inuna
Ginising diwa ng tulog na bayan
Upang mga ginawa ay maging batayan
Dahil kabataa’y pag-asa ng bayan
June 12, 1956
Ako ay nagnilay tungkol kay Jose Rizal
Na isang bayani at propagandista
Tumulong sa bayan at ito’y minahal
Upang kasamaan, mawala ng basta
Sa unibersidad at dalubhasaan
Ang kursong Rizal, dapat pag-aralan
Kailangan nga ba, o sadyang wala lang?
Baka dagdag lang sa gastusin ng amang
Mga estudyante ay dapat mag-aral
Ng kanyang nobela at iba pang gawa
Mga kabataan ay dapat maging moral
Respetuhin siya, bayaning may gawa
Ang batas ay sundin. Ito ay gamitin.
At ipagmalaki sa bayang sa atin
Pag-aaral dito ay malaking tulong
Bayaning si Rizal daan sa pagsulong!
Tayo na at sariwain nating lubos
Mga alaalang sumabay sa pagagos
Sa buhay niyang napuno ng galos
At panahon na luha ay bumubuhos
Kadakilaan niya’y dapat ay malaman
Sa unibersidad at dalubhasaan
Karapat-dapat nating maranasan
Paninindigang kanyang ipinaglaban
Kaya’t isang batas ay biglang nilikha
Isang pag-gunita sa isang makata
Mga akda at katha ay dapat isadiwa
Para kay Rizal na tunay na dakila
Gawin gabay ang kanyang naging buhay
Isapuso ang kanyang kabayanihan
Upang buhay ay magkasaysay na tunay
At mapamalas ng pusong makabayan
Rizal Salamin ng Lahi
(Ito basahin nyo!!)
Batas na ginawa para lang kay rizal
Tinuturo sa lahat ng paaralan
Upang lahat ay mayroong kaalaman
Upang hindi malaos at maiwanan
Bakit kaya ginawa itong Rizal law
Anu ba ang naisip ni Claro M. Recto
Siguro upang ipaalam sa mga tao
Na si Rizal ay bayaning Pilipino
Pero mga bata di naiintindihan
Hirap at pasakit na pinagdaanan
Mula sa kamay ng kanyang mga kalaban
Kaya kanyang subject ay ating igalang
Kaya mo ba talagang ilapastangan
Kanyang marangal at magandang pangalan
Kaya kanyang subject dapat pag-aralan
Upang madagdagan atin kaalaman
Jose Rizal: Isang Pantas
Halina’t balikan ating nakaraan
Ating nakaraang hindi malimutan
Mayroong nabuo na ilang samahan
Nagsilbi na pinto sa ‘ting kalayaan
May isang pangalang talagang lumutang
Buhay inilaan para sa ‘ting bayan
Nagbigay pag-asa sa bawat nilalang
Rizal ang ngalan n’ya, atin s’yang igalang
Panaho’y lumipas mula nang si Recto
Gumawa na batas na para sa tao
Ito ay hinarang nang simbahan mismo
Ano ang dahilan? Dahil kay Damaso?
‘Wag nating limutin ang buhay ni Rizal
Isipin at dinggin mga turong aral
Isapuso natin damdaming marangal
Tayo’y manalig din sa ating Maykapal
RIZAL…SALUDO…SALAMAT…
Ikaw, ako, tayo, bukas inhinyero,
Mataas mangarap, nagsimula rito
Sa ‘ting pag-aaral, ng matematiko,
Siyensa at pagguhit, sa aki’y nabuo.
Rizal, Rizal, Rizal, kilala ng lahat
Bayaning nagmulat sa mata ng madla
Ngunit aking tanong, nararapat nga ba,
Na ang buhay ni Rizal, ay pagaralan pa?
Isinabatas na, pagtuklas ng lihim
Mga ginawa niya, ating usisain
‘Pagkat ang mga ‘to, ang sumasalamin
Ang buhay at hirap, ng ninuno natin
Kaya’t pansinin mo, si Rizal ng ‘Pinas
Buhay niya’y modelo, taong mapagmahal
Aralin mo ‘to ‘tol, upang pamarisan,
At sa iyo Rizal, Saludo! Salamat!
Katha’y alalahanin
Mga gawa ni Rizal marapat balikan
Nararapat lamang ito’y pag-aralan
Obra Maestra niya’y nagsisilbing gabay
Para sa paghubog ng mga kabataan.
Noli Me Tangere’y isang pampupukaw
Nang iyong mapansin ang mga nakaraan
Buhay at ginawa’y dapat pagnilayan
Kagandahang asal, sana’y matutunan.
Murang kaisipan, punan na ng aral
Damdaming sibiko’y sa puso ilagay
Ating pag-aralan ang kahalagahan
Sating pagninilay, kay Gat Jose Rizal.
Ang Batas ni Rizal ay ipinatupad
Bigyang importansya ang mga paghihirap
Ang dugo at pawis, sa puso’y itatak
Gawa ng bayaning, wala mang katulad.
Katha’y alalahanin
Mga gawa ni Rizal marapat balikan
Nararapat lamang ito’y pag-aralan
Obra Maestra niya’y nagsisilbing gabay
Para sa paghubog ng mga kabataan.
Noli Me Tangere’y isang pampupukaw
Nang iyong mapansin ang mga nakaraan
Buhay at ginawa’y dapat pagnilayan
Kagandahang asal, sana’y matutunan.
Murang kaisipan, punan na ng aral
Damdaming sibiko’y sa puso ilagay
Ating pag-aralan ang kahalagahan
Sating pagninilay, kay Gat Jose Rizal.
Ang Batas ni Rizal ay ipinatupad
Bigyang importansya ang mga paghihirap
Ang dugo at pawis, sa puso’y itatak
Gawa ng bayaning, wala mang katulad.
Isang batas ang kanilang ipinasa
Upang parangalan, bayaning pambansa
Pag-aaralan ang kanyang mga nagawa
Nang ating makita kanyang pagnanasa
Batid nila nasyonalismo’y nawala
Pinipilit nating magpakabanyaga
Sa ating mga isip ay dapat ikintal
Mga aral at turo ng dakilang Rizal
Mahalin ang bayan, yan ang tatandaan
Ito ang aral ng ating kasaysayan
Ang bagay na hindi agad natutuhan
Kaya’t mga nuno’y naghirap ng lubusan
Gamitin natin ang batas bilang gabay
Di lang sa pag-aaral kundi sa buhay
Sa mga kadakilaang kanyang ginawa
Karapat-dapat siyang pag-aralang kusa
Ang kursong Rizal ay ating pag-aralan
Upang nakalipas muling matandaan
Sariwain natin ating kasaysayan
Nang ating malaman ang katotohanan
Sa kasalukuyan, Rizal ay kasama
Kabilang sa aming mga asignatura
Pinag-aaralan dito’y kanyang akda
Kaisipang tunay na mapagpalaya.
Sa pagninilay ko’y aking napagtanto
Kahalagahan ng kanyang naturo
Dapat pagyamanin nating Pilipino
Nang ating bukas ay lumago ng lalo.
Sa’king pangwakas na taludtod ibig kong
Dumami ang alam sa buhay ni rizal.
Nais kong alamin kung siya’y totoong
Bayani’t makata para sa’ting lahat.
Si Gat Jose Rizal, nagligtas sa bayan
Gawa’y pagsusulat ang kanyang nilaban
Ikaw, ako , tayo, dapat ay kawani
Ni Rizal sa bansa upang di mabali.
Anong batas Rizal, isang institusyon
Sama-sama tayo sa organisasyon
Ating iwasan ang sama’t kompitisyon
Magkaroon tayong mabuting ambisyon.
Isipang malawak, pusong bubuksan
Ating kaalaman, importanteng hagkan
Ang akda ni Rizal, gawin nating hagdan
Sa daang mabuti, patuloy isagwan.
Araling mabuti, iwan ang sagabal
Sumunod ng tama, iwasan maglabag
Katulad ni Rizal, buhay ang sinugal
At gawa ng mga bayaning natibag.
Kaya ngato’y dapat, atin ng isipin
Itong Batas Rizal ay huwag ipitin
Kundi dapat gawin, gamitin, alamin
Bigyan ng halaga at syempre mahalin.
Si Gat Jose Rizal, nagligtas sa bayan
Gawa’y pagsusulat ang kanyang nilaban
Ikaw, ako , tayo, dapat ay kawani
Ni Rizal sa bansa upang di mabali.
Anong batas Rizal, isang institusyon
Sama-sama tayo sa organisasyon
Ating iwasan ang sama’t kompitisyon
Magkaroon tayong mabuting ambisyon.
Isipang malawak, pusong bubuksan
Ating kaalaman, importanteng hagkan
Ang akda ni Rizal, gawin nating hagdan
Sa daang mabuti, patuloy isagwan.
Araling mabuti, iwan ang sagabal
Sumunod ng tama, iwasan maglabag
Katulad ni Rizal, buhay ang sinugal
At gawa ng mga bayaning natibag.
Kaya ngayo’y dapat, atin ng isipin
Itong Batas Rizal ay huwag ipitin
Kundi dapat gawin, gamitin, alamin
Bigyan ng halaga at syempre mahalin.
pepe
pambansang bayani siya ay itinanghal
“pepe” kung tawagin nung bata si Rizal
bansang Pilipinas ang kanyang minahal
kanyang pinaglaban; buhay isinugal
Noli at el Fili kanyang isinulat
mga mata nati’y nais niyang imulat
Sa pagkakaisa’y tayo ay may lamat
Sa pagiging pantay tayo’y naging salat
dahil sa nobela ila’y napagtanto
sa mga aral nya tana’y matututo
tila munting aral ngunit nakatago
lalim ng mensahe ang ugat ay dugo
sa mga bayani ating natunghayan
dakilang pag-ibig nilaan sa bayan
ang sariling buhay ay pinagpaliban
upang kalayaan atin nang makamtan
TRUMPO
Ang kasalukuyan, ang kinabukasan
Paikot-ikot lang, walang kahulugan
Parang isang trumpo, walang patutunguhan
Kung ‘di iikutin at di gagabayan
Katulad ng tao, kanyang kahinaan
Halimbawa na lang kanyang kasaysayan
Di sapat ang alam, kulang ang batayan
Marapat aralin, marapat balikan
Kaya isinulong ang batas ni Rizal
Upang maibalik ating pagmamahal
Ang nasyonalismo, bayanihang banal
Para lang sa bayan at sa kapwa na mahal
Mga kasaysayan, pinag-aaralan
Ang akda at gawa, pinag-iingatan
Ang buhay ni Rizal nagbibigay-daan
Upang sariwain ating nakaraan
TRUMPO
Ang kasalukuyan, ang kinabukasan
Paikot-ikot lang, walang kahulugan
Parang isang trumpo, walang patutunguhan
Kung ‘di iikutin at ‘di gagabayan
Katulad ng tao, kanyang kahinaan
Halimbawa na lang kanyang kasaysayan
‘Di sapat ang alam, kulang ang batayan
Marapat aralin, marapat balikan
Kaya isinulong ang batas ni Rizal
Upang maibalik ating pagmamahal
Ang nasyonalismo, bayanihang banal
Para lang sa bayan at sa kapwa na mahal
Mga kasaysayan, pinag-aaralan
Ang akda at gawa, pinag-iingatan
Ang buhay ni Rizal nagbibigay-daan
Upang sariwain ating nakaraan
Si Rizal?
Aking iniisip, sino ba si rizal?
Isa bang bayani o isa bang hangal?
Buhay na marangal kanyang inilaan
Mapalaya lamang perlas ng silangan.
Gumawa ng batas ang pamahalaan
Ito’y isang batas upang pag-aralan
Pag-aaral nito’y dapat isadiwa
Pag-unawa nito’y para sa’ting madla
Aking napagtanto sa batas na ito
Kahusayan niya ay walang kapantay
Ang pagkadakila at pagkapilipino
Kanyang ipinakita sa kanyang buhay.
Alaming mabuti kanyang kahusayan
Noli at El Fili ating pag-aralan
Kanyang simbolismo taglay ay hiwaga
Na pumapaloob sa kanyang mga akda.
Batas Rizal
Jose Rizal ay bayani
Kaya sya’y ipagmalaki
Kanyang buhay ay alamin
Para asal ay manahin
Ang sabi sa batas Rizal
Dapat buhay nya’y maaral
Pati ang kanyang mga akda
Ay dapat nasa eskwela
Ayon din sa batas niya
Orihinal na nobela
Ay dapat nasa aklatan
Ng ating mga paaralan
Iyan ang kahalagahan
Ni Rizal sa ating bayan
Jose Rizal ang bayani
Na yaman ng ating lahi
Bakit kailangan pang pag-aralan ito?
Siya ba talaga’y bayaning totoo?
Sa aking isipa’y pilit na gumulo
Si Rizal ba’y isang bayani sa dulo?
Kanyang gamit lamang, ‘sang papel at pluma
Upang ipahayag, kanyang nadarama
Nais lamang niya’y isang pagbabago
Sa kanyang inang bayang pilit inabuso.
Isang salita lang saki’y namutawi
Si Rizal talaga’y tunay na bayani
Kaya dapat lamang siya kilatisin
Dahil siya’y namatay para sa atin.
Ang isang bayani’y hindi mamamatay
Kahit na sila pa’y ibaon sa hukay
Sa ating isipan sila’y humihimlay
Atin ‘tong dadalhin, hangga’t tayo’y buhay.
Nasyonalismong Batas?
Ang batas na masusing pinag-aralan
Na sinag-ayunan din ng karamihan
Ito daw ay para sa kinabukasan
Ng ating pinakamamahal na bayan
Ang buhay ni Rizal ay dapat ituro
Ang isinasaad ng batas na ito
Ng sa gayon Pilipino ay matuto
Ng pagiging makabaya’t makatao
Simbahang Katolika’y naapektuhan
Dahil ang batas ay isinakatuparan
Paniniwala daw ay mababahiran
Sa pagpapalabas ng katotohanan
Ako’y isang Pilipinong Katoliko
At paniniwala ko’y di mababago
Bagkus mamumulat ang mga mata ko
Sa pagiging tunay na makatao.
Dalisay na Puso
Si Gat. Jose Rizal bayani ngang tunay
Buhay niya’y dapat natin pagnilayan
Pag-ibig sa bayan ay higit sa lahat
Tanging siya lamang umibig ng wagas
Pinagningas niya ang damdaming tulog
Nobelang sinulat pawang dinamita
Bombang nag uudyok sa katauhang kubkob
Isinisigaw na, tayo’y makibaka
Tapos na ang dilim, yugto ng pagbangon
Nobela’y gawing buhay, tanto ang kahapon
Obra’t buhay niya dapat aralin
Wika nya’y paglaban diwa’y pagliyabin
Sa wika ni Rizal, tayo’y pinagisa!
Tayo’y namulat nagiging malaya
Di pa nasasagot ang hamong naiwan
Kaya pagpatuloy malayang pag iisip
BATAS RIZAL
Sa kasalukuyan, pinagaaralan
Bilang pagpupugay, sa kabayanihan
Batas ng bayani, batas Jose Rizal
Upang gawing gabay, sa ating pagaaral
Di lang sa pagaaral, ang sadyang dahilan
Kundi ang maisilang, mga katauhan
Na hanap ng bayan, magtatangal saklap
Magpapahalaga, magbibigay kislap
Katapangang dala, bayani ng bayan
May paninindiagan, sa ating karapatan
Talino na taglay, sa tama inilagay
Dahil ating bayan, tunay niyang mahal
Mga kaalaman,napulot kay Rizal
Kagandahang asal, pati pagmamahal
Laging isasabuhay,nang ating makamtan
Ginhawa ng buhay, ating inaasam
Binhi
Mga dayuhan sa amin ay nagmalupit
May kaakibat itong ngitngit at galit
Sadyang mapagtiis langit ang kapalit
Kagandahang asal aking sinasambit
Mabilis dumaan tangkay ng panahon
Wari’y di alintana ang paghahamon
Tuklasin kung saan galing, pagkagumon
Ginto’t pilak rangya layaw nilalamon
Wikang di masambit, kay ubod ng pait
Kimkim nito’y galit, ganti nito’y piit
Marahil hindi matanggap, walang bait
Sa dulo, lahat pagsubok, ito’y sulit
Kanais-nais na asal twina’y usal
Upang maging banal dinggin aking dasal
Uulit-ulitin, nanamanamin, basal
Binhing itinanim bakit kita mahal?
Batas
Sinasabing wala nang ngipin ating batas,
Nangangailangan raw ito ng lakas,
Paano nga ba palakasin ang batas,
Kung bawat opisyal ay nagpapalakas!
Higit limang dekada na ang lumipas,
Na ang buhay ni Rizal ay isabatas,
Parang isang oras lamang ang lumipas,
Sapagkat ito’y puno pa rin ng pintas!
“Bayani ba si Rizal?” tanong ng pantas,
Dapat nga bang pag-aralan kanyang batas?
Ako ba’y nag-aksaya lamang ng oras,
Para aralin, batas na mayro’ng pintas?
Bayani si Rizal! sabi ng batas,
Dahil siya raw ang huli nating alas!
Kahit tayo’y magkakaiba ng antas,
Alaala nya’y ‘wag hayaang kumupas!
Quien si rizal?
Pamahalaan ang nagpauso nito
Pwersahan , sapilitang kurso na ito
Pagiging makabayan ay isapuso
Nang ang pagunlad ay talagang matamo?
Galit ang bayani sa malansang isda
O di nagmamahal sa sariling wika
at kasalukuyan, kanyang mga likha
ay isinalin pa sa ibang salita
mga likha ni rizal ay halimbawa
ng isang tunay na mahusay na tao
aral’n natin to nang magtagumpay tayo?
Gawin tong ingles dito sa ating bansa?
S’ya ang magiging inspirasyon ng bata
Sa kursong sapilitang pinapakuha
upang sa hinaharap, kilala tayo
bilang mga dalubhasa sa mundo
Paghawa o Pagyapos?
(Tula para kay Rizal at sa Batas Rizal)
Adhikaing munti’y anawaing batid
Sakripisyong taos dapat ba’y ipinid?
Adhikaing munti’y pakinggang malumid
unawang maigi, tiwalang masugid.
Sukata’y di’ lakas pati pang gayuma
ngunit kawanggawa sa kapwa at bansa.
Pagninilay-mulat tanging s’yang gumawa
tunay ngang bayani dahas di’ tamasa.
Dilang sunog, yapos n’yang pinanindigan
baluktot sa iba yapak sinusundan.
Tumalilis dusta pangyarihi’y kamtan
gulugo’y panulat buslong kalayaan.
Yapak nga ba’y sundan o paghawang lubos
Pag-iisip mangmang at diwang busabos?
Tamasa’y ligaya o riwasang upos
Yapak nga ba’y sundan o baya’y panubos?
Bayaning tinuring si gat jose rizal
Ng mga panahong hapis ay dumatal
Sa kanyang hangaring baya’y ‘wag mautal
Sa pangaabusong ayaw nang mabungkal
Dalawang nobelang kanyang nilathala
Nobelang pumukaw at nagpugtong kusa
Sa pagtitimping kay tagal ring nalanta
Ngayon ay galit na ang tumutuligsa
Sa naising tayo’y tuluyang mamuhay
At ang kabataa’y muling maimulat
Sa kaisipan na nagsisilbing sangay
Tungo sa bayang may natatanging balát
Mas mabuti nga bang tayo ay umasa?
At sumunod na lang sa itinalaga?
O mas nararapat nating pairalin
Sariling isipan at ang adhikain
Isang Papuri
Dapat pa ba natin itong pag-aralan
Mga nobelang nagsalba sa ating bayan
Nagbigay daan sa isang himagsikan
Makamit lamang ang ating kalayaan
Jose Rizal, isang tunay na bayani
Di’ niya inisip ang kanyang sarili
Maabot lamang ang kanyang minimithi
Ang mga obra na kanyang isinulat
Sa ating mata, ito ang nagmulat
Taos pusong binigay ang lahat
Pagbibigay pugay sa kanya’y di sapat
Magbalik tanaw sa ating kasaysayan
Upang alamin ang ating pinagmulan
Ang kanyang katha ay pahalagahan
Para sa pinakamamahal na bayan
disregard the first one..kulang po yan..tnx..
Isang Papuri
Dapat pa ba natin itong pag-aralan
Mga nobelang nagsalba sa ating bayan
Nagbigay daan sa isang himagsikan
Makamit lamang ang ating kalayaan
Jose Rizal, isang tunay na bayani
Di’ niya inisip ang kanyang sarili
Maabot lamang ang kanyang minimithi
Siya nga’y dapat nating ipagmalaki
Ang mga obra na kanyang isinulat
Sa ating mata, ito ang nagmulat
Taos pusong binigay ang lahat
Pagbibigay pugay sa kanya’y di sapat
Magbalik tanaw sa ating kasaysayan
Upang alamin ang ating pinagmulan
Ang kanyang katha ay pahalagahan
Para sa pinakamamaha na bayan
Huwaran
Mga pilipinong isip kanluranin,
tayo ba’y nakagapos pa’t nakabitin?
Nasyonalismo, ikaw ba ay naglaho?
Batas Rizal dapat pa bang ituro?
‘Sang magandang hakbang, pagsabatas nito,
mga Pilipino, halina’t makisamo !
Buhay ng bayani, buhay natatangi,
noon man at ngayon, buhay mamayani.
Magiting, dakila, batas mo’y nilikha,
‘di lilimutan, sinulat at ginawa.
Pambansang huwaran, ika’y kasaysayan
dapat pag-aralan, ika’y pagnilayan.
Batas magbibigay, liwanag at saysay
tungo sa buhay ng mapaglinlang na kamay.
Pagmahal sa bayan, wala sa marami,
batas Rizal nati’y huwag isawalang tabi !
Si Jose Rizal ay tunay na bayani
Siya na rin ang ating pambansang bayani
Kaya’t batas Rizal dapat matutunan
Maglakas loob mahalin ating bayan
Buhay ni rizal inialay sa bayan
Binaril s’ya sa likod sa bagumbayan
Mabigyan ng dangal pilipinong minahal
Buhay ang alay sa bansang minamahal
Batas Rizal marapat lang naitupad
Upang salita niya malayang lilipad
Dibdibin sa bawat puso at isipan
Mga likhang talagang pinaghirapan
Laking pasasalamat natin kay rizal
Gawain niya’y tila nga makabuluhan
Nagbigay ng pagasa na magtagumpay
Buhay pilipino mahalin ng tunay
Paalala
Nung panahon ng pagsakop ng Kastila
Ang mga Pilipino ay nangungulila
Subalit dahil sa bayaning si Rizal
Napagtanto ang dapat natin iasal
Kaya’t ngayon ay ating pinag-aralan
Ang mga nagawang niyang dapat tularan
Tayo rin ay nakikipagsapalaran
Sa mundo ni Rizal na hindi pa alam
Ang mga matutunan ay ating isapuso
Upang mabahagi sa nais matuto
Si Rizal ay bahagi ng kaalaman
Ng ating pinakamamahal na bayan
Lumipas man ang mga maraming panahon
At magbago man ang ating henerasyon
Alaala niya’y hindi mapapawi
Kailanman ay hindi mamumutawi
Bayani Natin
Idolo kong Rizal
Sa kanyang mga katha
Tila ko’y nasampal
Gumulang ng tama
Sa dalwang nobela
Aking nabasa
inaral ng husto
at isinapuso
Dito’y nalaman ko
Ang kadakilaan
At angking talino
Sa kanyang paglaban
Dapat lamang talaga
Na sya’y tingalain
Kanyang mga katha’y
Dapat pagyamanin
Ano nga ba ang tunay na kalgayan
Nang batas na pilit ipinagsiksikan
Mapukaw ating pagiging makabayan
Nagging epektibo nga ba ang paraan
Na ang buhay ni Rizal ay pag-aralan
Na suriin ito at pahalagahan
Gayong hindi makita sa kabataan
Sa batas na tila isang kayamanan
At kamay na bakal ay ipinuhunan
Na baluktot naman ang kinalabasan
Na patunay ang mga kabataan
Siyang tunay ngag ang mabisang paraan
Nang umunlad naman itong ating bayan
Sariling pagmulat ng kamalayan
Na nagmula sa kusa ng mamamayan
Habang nsgsasayaw sa aking paningin
Mga titik at letrang sumasalamin
Sa ‘king pighati at bakas ngkahapon
Nanunumbalik aral na itinapon.
Iminimulat ang aking kamalayan
sa malayang damdamin at kaisipan
Unti-unting pinag-iisa ang puso
Na minsa’y pagdudusa ang syang dumapo.
Anoo ba talaga ang tunay na ako?
Mistulang kaluluwang walang anino
Ikaw nga ba ang magbibigay liwanag?
Sa mga natutulog na damdamin ay tatawag?
Oh, kaalaman isalin mo sa akin
Kasaysayang ibinubulong ng ng hangin
Itong Batas Rizal ay aming isipin
At tuluyang ipakita at gamitin.
“Dapat Lang…”
Sinong di kilala, pambansang bayani
Na sa buong mundo’y pinagmamalaki
Nagbuwis ng buhay, nagtanggol sa bayan
Mahusay, matapang, Rizal kanyang ngalan.
Batas man o hindi, importante pa rin
Marapat lang naman, buhay niya’y alamin
Isaloob kanyang gawang mga katha
Sa kadakilaa’y isang paggunita.
Lumusob sa giyera, gamit lang ay pluma
Isipa’y pinukaw, kanyang bayang sinta
Mga likhang obrang Noli at El Fili
Balang pumuksa sa mga mapang-api.
Ang bansang nalugmok sa dugo’t kahirapan
Mithing kalayaan, sa wakas’y nakamtan
Sa kanyang nagawa, talagang ‘sang henyo
Tunay na kay Pepe, ako ay saludo!
Batas Republika 1425
O bakit pa nga ba kinakailangang
Ating pag-aralan at maunawaan
Mga akda’t gawa, ang layon at buhay
Ng ating bayaning, Dr. Jose Rizal
Sa pamamagitan ng isang senador
Si Claro M. Recto ang kanyang pangalan
Ay naisabatas at napagpasyahang
Isama’t aralin ang buhay ni Rizal
Kanyang mga akda, El Fili at Noli
Sa ating isipan ay namumutawi
Ito’y inilimbag’t ipinamahagi
sa ‘ming mag-aaral ay s’yang pinasuri
Upang intindihin at aming malaman
Ang s’yang kahulugan ng kabayanihan
Aming isabuhay at gawing ‘sangkapan
Ang aming pagiging pagkamakabayan
Bawat Pilipino, kanyang kuro-kuro
Kanyang mga libro, tunay na idolo
Mga nilalaman, pag-ibig sa bayan
Tapat na hangarin, tunay na damdamin
Pilit idinikta, na ang bawat isa
Kailangan ang pagbasa, ng sinulat nya
Upang maituro at malaman nila
Pagpapahalaga’t pagmamahal niya
Sa hindi tutupad, hindi sasang-ayon
Pataw ay parusa, na tinadhana
Kaya’t sinusugan orihinal nya
Binagong sistema, inihain nila
Tagumpay na batas at pagkakaisa
Ipalaganap na, upang matupad na
Upang bawat isa, at mga iba pa
Maunawaan na, nilalaman nya
Buhay ni Rizal dapat bang matutunan?
Nung mapapala kung to’y pagaaralan.
Pilit na pinaaaral ang kursong to.
Oras ba’y nasasayang sa pagaaral nito?
Mga libro niya’y sa tagalog sinalin,
Upang sila’y ipamahagi sa atin
Mga Abra niya ang gumising sa atin,
Upang tayo ay makawala sa bitin.
Salamat sa kanyang isip liberal,
Naligtas ang ating bansang minamahal.
Hindi siya gumamit ng kamay na bakal,
Sulat ang gamit laban sa mga hangal.
Sang batas ang nilikha para sa kanya,
Pagkilala sa kanyang buhay makata.
Aralin kanyang buhay upang matuto,
Kung papano maging isang makatao.
Nararapat Lamang
Pambansang bayaning si Gat Jose Rizal
Sa ating bayan, nagbigay kasaysayan
Kanyang pinaglaban ang ating moral
Laban sa kastilang pilit sumakop satin
Hindi gumamit ng dahas kundi sulat
Upang ang kanyang kababayan mamulat
Mula sa pagpapahirap ng kastila
At karimlang ginawa sa ating bansa
Sa dalawang nobelang aking binasa
Na pilit inintindi at inunawa
Aking napagpuna ang pawis at dugo
Upang kanyang maipabasa ang libro
Nararapat lang na siya’y tingalain,
Galangin at bigyan importansiya
Kanyang katha’y dapat lubos pagyamin
At dapat lamang na ipaaral sa atin
Dapat nga ba?
Ating pag aralan mga likhang rizal
Upang malaman kung ito’y nararapat
Kung dapat isama sa’ting pagaaral
At gawin na batas, ito ba ay dapat?
Ang pagaaral sa kaniyang likha’t gawa
Ito umano ang gigising sa diwa
At panatilihing mahalin ang bayan
sa tulong ng mga kaniyang iniwan
Pag aralan natin kaniyang mga gawa
Nang maintindihan panukalang batas
Tayo nat tuklasin,at gawing sariwa
Ang nakaraan na tila nakaposas
Halina’t aralin ang mga sinulat
Ng ating pambansang bayani si Gat.Jose Rizal
Nang malaman kung ga’no kabigat
Pagmamahal niya sa bayan niyang mahal
Nararapat Lamang
Pambansang bayaning si Gat Jose Rizal
Sa ating bayan, nagbigay kasaysayan
Kanyang pinaglaban ang ating moral
Laban sa kastilang pilit sumakop satin
Hindi gumamit ng dahas kundi sulat
Upang ang kanyang kababayan mamulat
Mula sa pagpapahirap ng kastila
At karimlang ginawa sa ating bansa
Sa dalawang nobelang aking binasa
Na pilit inintindi at inunawa
Aking napagpuna ang pawis at dugo
Upang kanyang maipabasa ang libro
Nararapat lang na siya’y tingalain,
Bigyan ng importansiya at galangin
Kanyang katha’y dapat lubos pagyamin
At dapat lamang na ipaaral sa atin
Nararapat Lamang
Pambansang bayaning si Gat Jose Rizal
Sa ating bayan, nagbigay kasaysayan
Kanyang pinaglaban ang ating moral
Laban sa kastilang pilit sumakop satin
Hindi gumamit ng dahas kundi sulat
Upang ang kanyang kababayan mamulat
Mula sa pagpapahirap ng kastila
At karimlang ginawa sa ating bansa
Sa dalawang nobelang aking binasa
Na pilit inintindi at inunawa
Aking napagpuna ang pawis at dugo
Upang kanyang maipabasa ang libro
Nararapat lang na siya’y tingalain,
Bigyan ng importansiya at galangin
Kanyang katha’y dapat lubos pagyamin
At dapat lamang na ipaaral satin
1425
Sadyang matulin, oras kung lumipas
Parang kung kailan lang sa dayo’y lumaban
Ngunit bakit ngayon, tila nalimutan
Wala na sa atin, pagkamakabayan
Salamat kay Claro, kanyang natuklasan
Gumawa ng batas na siyang pinaglaban
Makailang beses itong tinutulan
Nanaig sa huli, ito’y nilagdaan
Ang batas na ito ang nagbigay-daan
El Fili at Noli ay napagaaralan
Istorya ni Pepe, ating natunghayan
Kung pa’no niya tayo’y kanyang pinaglaban
Ngayon ko lang nabatid ang simpleng dahilan
Itong Kursong Rizal, dapat pagaralan
Ginawa ni Recto para sa kabataan
Buhayin sa puso, pagkamakabayan
1425
Sadyang matulin, oras kung lumipas
Parang kung kailan lang sa dayo’y lumaban
Ngunit bakit ngayon, tila nalimutan
Wala na sa atin, pagkamakabayan
Salamat kay Claro, kanyang natuklasan
Gumawa ng batas na siyang pinaglaban
Makailang beses itong tinutulan
Nanaig sa huli, ito’y nilagdaan
Ang batas na ito ang nagbigay-daan
El Fili at Noli ay napagaaralan
Istorya ni Pepe, ating natunghayan
Kung pa’no niya tayo’y kanyang pinaglaban
Ngayon ko lang nabatid ang simpleng dahilan
Itong Kursong Rizal, dapat pagaralan
Ginawa ni Recto para sa kabataan
Buhayin sa puso, pagkamakabayan
BuhAy bAyAni
Ang batas Rizal, ay dapat nating sundin
ito’y pagaaral, ng isang bayani
Rizal,kanyang buhay,dapat alamin
Rizal na masikap, ang pambansang bayani
Ang buhay bayani, bayaning magiting
inspirasyon natin, gawa ng bayani
importante satin, ang buhay bayani
kelangan alamin, buhay na magiting
Rizal na nagsikap, hangad kalayaan
ang humarap laban, sa mga dayuhan
halina’t magaral, sa buhay bayani
sapagkat si Rizal, ay dapat tularan
Mula pagkabata, at kanyang pagtanda
dapat maalala, hanggang sating pagtanda
ang likha ni rizal, ang madaming tula
isapuso natin, ating pagaaral
Batas Rizal
Buhay ng bayani’y dapat bang alamin?
Mga naitulong sa baya’y aralin
Kung di mahalaga bakit di tanggalin?
Kung ikabubuti sige gunitain.
Pambansang bayani Rizal ang pangalan
Kaisipang taglay di matatawaran
Pusong mapagmahal ay para sa bayan
Pagiging dakila’y nasa kasaysayan.
Batas ba’y kaylangan upang di magwakas
Ang pag-alaala sa bayaning wagas?
Maraming tumutol at sila’y matatas
Nabago man ito’y ang batas ay batas.
Sa panahon ngayon tayo’y makabayan
Dahil sa bayaning di malilimutan
Salamat sa batas na ipinaglaban
Pilipino’y dama tunay na kasiyahan.
Ang mga kapwa kong para ng dayuhan
Kastila’t Ingles, gamit sa paaralan.
Pag-ibig sa bayan ay nakalimutan
Walang inisip kundi kasarinlan.
Mga Pilipinong nasa karurukan
Ninais iwasto, mga kakulangan.
Sa karunungan at pagkamakabayan
Si Jose Rizal daw ay dapat tularan.
Mga kabataan, dapat ay malaman
Karapatan nati’y kanyang pinaglaban.
Kanyang mga obra, dala’y kalayaan
Iwinasto lahat pati kasakiman.
Ang pag-asa ngayo’y mga kabataan
Na siyang bumubuhay sa ating lipunan.
Nararapat lamang na sila’y turuan
Ng tunay na Rizal na pamamaraan!
sir may itatanong lng po ako …sir baket po December 9, 2007(12:07 pm) nkalagay sa time ko? December 9, 2007 (8:09 pm)ko po ipinasa ung poem ko!?? sir baka po oras ng server ng website ung 12:07pm…sa Philippine time zone po e ung 8:09pm…
——-