Batas Rizal (Batas Republika 1425)
Upang mapanatiling buhay ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, isinabatas ng pamahalaang Ramon Magsaysay noong Hunyo 12, 1956 ang pinanukalang batas ni Claro M. Recto na gawing sapilitang aralin sa kolehiyo ang buhay ni Jose Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga akda.
Pagnilayan ang naging saysay ng Batas Rizal makaraan ang mahigit limampung taon na ito’y ipinatutupad.
Nagampanan kaya nito ang tinakda nitong layon? Papaano kaya ito mabisang ipatupad ngayong parang hindi na uso ang kabayanihan?
Republic Act No 1425 (June 12, 1956) An Act To Include In The Curricula Of All Public And Private Schools, Colleges And Universities Courses On The Life, Works And Writings Of Jose Rizal, Particularly His Novels Noli Me Tangere And El Filibusterismo
Section 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their English translation shall be used as basic texts.
Sec. 2. It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal’s other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.
Sec. 3. The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils throughout the country.
Buong pulo ay dapat makilala ka,
pilipinas mong mahal saan papunta?
kung ang turo mo’y mawalq na sa twina,
Mahal mong bansa ay wala nang pag-asa.
Kung makilala ka’y ano’ng mapapala?
patay ka na’t bangkay, walang magagawa,
mga libro mo’y nababasa ng madla,
ngunit kanila ‘tong binabalewala.
Tingnan mo bayang dugo’y inalayan!
Puno ng taong, alam ay kasakiman!
Gahaman sa pera at kapangyaihan!
may kinabukasan ba dilag mong bayan?
Kailangan ba naming ika’y alamin?
Kung pag-asa’y nilisan na ang hangarin?
Gawa mo’y ano pa sa katulad namin?
Kung bayan a’y sa pera nagpaalipin?
Ika’y sino nga ba na dapat talakayin
at ang iyong buhay ay dapat pang alamin.
Iyong mga gawa’y kailangan bang basahin?
Ano nga ba talaga itong hangarin?
Aanhin pa ang iyong kadakilaan
sa aming panahon na puro karahasan
iyong kababayan ngayo’y nagpapatayan
ng dahil sa lugmok na kapangyarihan.
Sana ito ay maging palatuntunan
sa mapagpalalo at pusong sugatan
itong bayan ngayo’y nasa kaguluhan
gawa ito ng ‘yong mga kababayan
Iyong mga akda ay aming batayan
nang mapukaw muli,damdaming makabayan
sapagkat ito ay sadyang kailangan
sa kinabukasan ng napawing bayan.
JOSE RIZAL
Sa murang isipan ay pilit inaalam
Sino ‘tong si Rizal, ano kanyang buhay?
Bakit kailangang aking pag-aralan
Sayang aking oras sa ‘sang nakaraan.
Ngayong batid ko na isa s’yang bayani
Lubha ngang dakilang di maikukubli
Ipinagtanggol n’ya Pilipinong lahi
Imulat ang mata, makabagong lipi.
Lakas ng loob at katapangang tunay
Katangiang dapat sa ‘sang makabayan
Handang ipagtanggol di lang sa dayuhan
Kundi sa kabayang labis na gahaman.
Tama ngang aralin, buhay n’yang magiting
Eskwela’y gamitin niring adhikaing
Isipa’y hubugin pati na damdamin
Nang maipagtanggol ang sariling atin.
BATAS RIZAL
Sa aking pagbasa tungkol kay Rizal
Marapat na siya ay bigyang halaga
Dahil minulat niya ang ‘ting kaisipan
Na lumaban tayo sa mga dayuhan.
Taas noo ako kay Claro M. Recto
Dahil ginawa n’ya itong Batas Rizal
Sa liderato ni Ramon D. Magsaysay
Upang manatili ang pusong bayani.
Ako ay sang-ayon sa batas na ito
Na ating aralin ang buhay ng henyo
Sapagkat malaki ang kanyang naiambag
Sa literatura at pati sa agham.
Ang batas na ito ay inilalaan
Sa pamantasan man o unibersidad
Upang mapalapit sa mga kabataan
Dahil sila ay ang pag-asa ng bayan.
Saludo ako sa iyong kadakilaan
matapang na loob ang iyong katangian.
Inalay ang buhay sa bayang sinilangan
upang maimulat ang aming kaisipan.
Aanhin pa natin ang ating katapangan
kung ang paligid natin ay puro gahaman.
Bayang sinilangan balot ng kadiliman
Karahasan ay nagkalat na sa lansangan.
Ngayong alam ko na buhay iisa lamang,
marapat nating ilaan sa ating bayan.
Gaya ni Jose Rizal sobrang makabayan
kanyang akda na nagmulat sa mamayanan.
Sa aming panahon na puro na dayaan
Tama lang na aralin ang akdang makabayan
Upang mamulat muli ang aming isipan
sa mundo nating puno na ng kasamaan.
RIZAL, PARA SA LAHAT
Aking nakilala nang ako ay bata
Si Gat Jose Rizal sa bali-balita
Walang kamalayan sa kanyang nilikha
Kahit isang buklat, di man lang nagawa
Nang ako’y tumanda, bilang Pilipino
Aking natutunan ang kanyang kalbaryo
Maraming lumabas na gawa niyang libro
Wala kang kawala, at wala kang takbo!
Ang sakripisyo niya ay di biro-biro
Mga katha’t gawa niya’y isinasapuso
Kahit na ang tao ay puno ng lito
Lahat niya’y binuhos, maging kanyang dugo!
Nararapat lamang na siya’y kilalanin
Ang kanyang sinulat ay dapat basahin
Sapilitang aral? Huwag nating isipin,
Sukli sa hirap niya na siya’y dakilain
PROPAGANDA
Ang kabayaniha’y atin bang tinaglay
mula sa kanilang buhay na inalay
mapagtanggol lamang ang inang nahimlay
sa mga dayuhang sa lipuna’y anay?
Madalang mamalas, kagitingan ngayon
lalo na’t panahon ng modernisasyon.
Mga kabataan, buhay ay patapon
dahil sa marupok, tinangay ng alon.
“Pag-asa ng bayan,” ang sabi ni Rizal
sa’ting mga punlang pundasyo’y nabuwal.
Isip ay lumabo at nag-amoy kanal,
nasalat sa payo’t mga tamang asal.
Pangangailangang rehabilitasyon
sa’ting kabataa’y sinimulan ngayon.
Aralin si Rizal, binigyang atensyon.
Ang tularan siya’y siyang naging layon.
Sino nga ba sya sa mga Pilipino,
At kailangan pag-aralan nang husto?
Sya ba’y ‘sang bayani pa ring tinuturing,
O isang kahapong dapat nang ilibing?
Ang kanyang mga likha’y totoong obra.
Di maikailang, makatang makata.
Ngunit aanhin pa, kanyang mga gawa?
Tao ngayo’y marahas, walang awa.
Rizal, isang magiting na mamamayan.
Ipinagtanggol nya, ating inang bayan.
Ipinaglaban sa mga mandarayo.
Maituturing siyang bayaning totoo.
Kaya patuloy naming sasariwain,
Kanyang mga likha, aming aaralin.
Nang mabuhay ang damdaming makabayan.
Tungo sa kaunlarang inaasahan.
Sa paglagpas sa gubat ng karuwagan,
Pilipinong kailanma’y di napantayan!
Kanyang sakripisyo’s angat kanino man,
Si Gat Jose Rizal na nakaligtaan.
Sa dami ng nakilalang pilantropo,
Pagmamahal sa baya’y sadyang totoo!
Di alintana sakit ng mga duro,
Maipahayag lamang kanyang silakbo.
Bayang minamahal sa kasalukuyan
Pinuno’y punong-puno ng kabulukan
Mga buwayang nagsisipaggalutan,
Hayok sa salapi at kapangyarihan!
Paano pa ba natin maiililigtas?
Itong bayang sa turo mo ay kumalas.
Nang aming maibalik ng walang pingas
Kasalingan na sa turo mo’y katumbas.
Isabuhay batas ni Rizal
Ang batas Rizal ay atin
Ito ay napakahalaga sa atin
Kaya ang batas ni Rizal ating sundin
Nang gumanda’t sumaya buhay natin
Ang salaysay niyang taglay ay may baybay
Na dapat ay bigyan ng tunay na saysay
Dahil ang gawa nya ay malaking bagay
Na dapat pahalagahan sa’ting buhay
Ang kaloob na kabayanihan niya
Ang bayani na nag-aboy sa Kastila
Upang tayo’y lumigaya at sumaya
Nang tayo ay magkaisa’t makibaka
Hangad ni Rizal at ng pamahalaan
Na ang batas Rizal ay dapat angkinin
Kaya ang dapat at marapat na gawin
Ang kanyang kabayanihan nawa’y sundin.
Mabuting Adhikain
Batas na sa ati’y ipinapatupad
Pusong makabayan, siyang pinapaunlad
Aral sa bayaning matayog ang lipad
Tiyak kay Dok Rizal, tayo’y matutulad.
Handog nitong utos, layuning magaling
Puso’y mamulat at isipa’y magising.
Sikaping aralin, tangi nitong daing
Kanilang hangarin, ating mararating.
Ngunit tila atin nang nalilimutan,
Pangaral ni Pepe sa ating lipunan.
Siyang huhubog sa ‘tin tungong kaunlaran,
Di na inunawa’t pinahalagahan.
Nawa’y si Gat. Rizal ang magsilbing gabay,
Mahalin ang bayan nang tapat at tunay.
Twina’y maging handang ialay ang buhay,
Kahit na hanggana’y patungo sa hukay.
May isang makata, Rizal ang pangalan
Sa dami ng katha bantog sa larangan
Tawag ay bayani ng buong lipunan
Mga pangyayari bigla lang nagdaan.
O bayaning Rizal kay raming ginawa
‘Di man lang napagal, ‘di man lang nagsawa
Pagtanggol sa bayan lahat ay natuwa
Isang kalayaan bunga ay ginhawa.
Paglipas ng oras sabay sa panahon
Lahat ay lumipas muling binabangon
Ginawan ng batas para sa pag-ahon
pagdating ng bukas sa isip bumaon.
Bawat paaralan tinupad ang batas
Ito’y sapilitan upang maging palas
Bakit kailangang aralin ang batas?
Ngayong ito nama’y isang nakalipas.
HIYAS NG BANSA
Siya ay matapang, sandata’y panulat
Sa paninindigan tayo’y iminulat
Kanyang pinaglaban yaong buto’t balat
Walang matirahan at sa yama’y salat.
Ang mundo’y humanga, siya’y tiningala
Tunay na kalinga, tayo’y pinagpala
Dakila ika nga, lahat naniwala
O hiyas na bunga, kayamanang punla.
‘Sang batas sa ngalan biglang pinatupad
Buhay pag-aralan sadyang nakasaad
Magandang huwaran, matayog ang lipad
Marapat tularan, tiyak ang pag-unlad.
Walang katapusan katapa’t dangal
Kahit kailanman di magiging hangal
Walan alinlangan, dapat ikarangal
Pulos kagalingan ating Jose Rizal.
RIZAL PARA SA ATIN
Batas ginawa alang-alang kay Rizal
Malaman at isapuso kanyang asal
Sa panahon na lumipas na kay tagal,
Nais pa ba natin ito na maaral?
Di lahat ay kilala siya ng lubusan
Basta bayani at manunulat, ok yan!
Hay! Ang karaniwan na sagot nga naman
Dapat mas laliman pa ang nalalaman!
Batas na ito ay magandang paraan
Para malaman ng bawat kabataan
Ang sinulat, buhay at kahirapan
Ng taong handang mamatay para sa bayan.
Nais ko lang ipaliwanag sa inyo
Dapat lang ginawa ang batas na ito
Dahil sa panahon tulad ng ganito
May kilala pa ba kay Pepe matalino?
“Batas Jose Rizal, tulang may sukat at tugma”
Batas Jose Rizal, dapat bang sundin?
Buhay nyang’ marangal, dapat bang suriin?
at upang makalkal, buhay nya’y’ sisirin
gawin itong banal at sang’ adhikain
gumawa ng tula, may sukat at tugma
gawin tong’ malaman at hindi malamya
upang mambabasa’y mawili’t matuwa
sa ‘yong likhang tula, may sukat at tugma
basahing maigi, batas Jose Rizal
ito’y pagnilayan at bigyang parangal
daanin sa tula, ang iyong nakalkal
Batas Jose Rizal na iyong biningkal
unang kathang tula sa akin nagmula
ikaw ba’y natuwa o ikaw ba’y nalamya
sa gawa kong tula, may sukat at tugma
aking unang tula, wag sanang maluma
“Batas Jose Rizal, tulang may sukat at tugma”
Batas Jose Rizal, dapat bang sundin?
Buhay nyang’ marangal, dapat bang suriin?
at upang makalkal, buhay nya’y’ sisirin
gawin itong banal at sang’ adhikain
gumawa ng tula, may sukat at tugma
gawin tong’ malaman at hindi malamya
upang mambabasa’y mawili’t matuwa
sa ‘yong likhang tula, may sukat at tugma
basahing maigi, batas Jose Rizal
ito’y pagnilayan at bigyang parangal
daanin sa tula, ang iyong nakalkal
Batas Jose Rizal na iyong binungkal
unang kathang tula sa akin nagmula
ikaw ba’y natuwa o ikaw ba’y nalamya
sa gawa kong tula, may sukat at tugma
aking unang tula, wag sanang maluma
“opinion ng isang estudyante”
Bata ay nilikha at pinalaganap
Itoy nagsisilbing syang tagapatnubay
Mga estudyante sa lahat ng antas
Upang matutunan kung sino si rizal
Ang layunin nitoy makilalang tunay
Pinakabuhay ng bayaning si Rizal
Ang saklap ng buhay malalamang tunay
Mga impormasyon ay matutunghayan
Sa kanyang mga gawa siyay makikilala
Mula sa mga tula ng mga karanasan
Hangang sa nobela na nagmulat satin
Maging sa malagim nitong kamatayan
Tanging inspirasyon ng mga kabataan
May konsiderasyon sa ating lipunan
Malaks na apoy na siyang gumagabay
Syang bayaning tunay na dapat tularan
Noli at El Fili, mga akdang likha
Ni Gat Jose Rizal, bayaning makata
lakas di ginamit, sa pakikibaka
husay at talino, ang tanging pagasa.
Ang mga sinulat, inalay sa dukha
upang isiwalat, ang lumbay at dusta
sa mga kalaban, umapi’t sumira
sa ating payapa, at buhay sagana
Mga akdang aral, tulad ng bibliya
ay dapat aralin, ng kasiya siya
Upang mag-aaral, isip ay gumana
at sa hinaharap, hawak niya’y pluma.
Gawa ng makata, ituro sa bata
Sa mga aklatan, sa libro’y pasasa
Mga pagtuturo, sana’y maging bunga
Upang bayanihan, muling mariwasa.
Buhay pa ba ang damdaming makabayan?
Nasan na Rizal ang yong pinaghirapan?
Mga likha’t kabayanihang nagawa,
nalimutan na nga ba ito ng madla?
Ipinanukala ni Claro M. Recto
na ang Batas Rizal ay araling husto
upang ipaalala sa Pilipino
ang mga kadakilaang nagawa mo.
Nararapat ba natin na pag-aralan
Ang iyong likha para sa kalayaan
kung ang mga Pilipino ay nilimot na
Ang kabanihang nagawa sa kanila.
May saysay nga ba na pag-aralan ito
Kailangan pa ba nating isa-ulo
Kung ang bayan mo at kapwa Pilipno
Tinuring mong kalaban hindi kadugo.
Sa mga panahong, ang baya’y nasadlak
Sa dusa’t hirap dulot ng banyaga
Walang makapitan, o ni matakbuhan
Mga pilipinong nabaon sa dusa
Ilang mamamayan, ang s’yang natauhan
Habang ilan nama’y nanatiling mangmang
Sa kabila nito, isang simpleng tao
Ang siya’y gumising sa nasyonalismo
Tunay s’yang bayani na dapat hangaan
Dahil sa angkin n’yang talino at tapang
Utang natin ngayon kay Dr. Jose Rizal
Ang tinatamasa nating kalayaan
Taon mo’y lumipas, sya’y di mawawaglit
Sa puso at isipan sya’y walang kapalit
H’wag nating sayangin kanyang paghihirap
Pagkat gawi niya’y tunay na dakila
Bayani
Bayani bang tunay, si Rizal naturing
sa mga likha n’ya, siya ba’y sa tingin
sinubok pukawin, bayang nililiyag
kathang bala niya, sa dayuha’y bitag
Dapat bang sa atin. ang batas ni Rizal
maging tulad niyasa puso at diwa
nang tayo’y tumanda,ng may pinagtanda
sa bayang nagsilang, sa atin my dangal
Ang buhay nagbago, at naging moderno
isipan at asal, naging negatibo
batas nandidito,mapayo’t magtanggol
sa buhay patapon, at nagkakabukol
Pukawin ang isip, ang dating layunin
upang matutunan, paglaban ang atin
sa mundong ibabaw, bayan ating buhay
nasa puso’t bayan, ang atung tagumpay
Kailangan nga ba, ito’y pag-aralan?
Buhay, gawa’t sulat, dapat malaman.
Bilang mag-aaral, ito’y kaalaman.
Ito’y mahalaga, ating matutunan!
Ang buhay ni Rizal, sobrang mahiwaga.
Halina’t tuklasin, kaniyang nagawa.
Bago siya isama, bilang kurikula.
Importanteng bagay na mapapasama.
Isang inspirasyon nga naman talaga.
Para rin sa amin na kabataan pa.
Lalo na sa ngayon, na panaho’y madaya!
Maging makabayan, dapat madama.
Responsibilidad, ialay sa bayan.
Ito’y ipagtanggol! Maging makabayan!
Nang dahil sa kaniya, alay’y kalayaan.
Tayo ay umunlad, itanging kahilingan.
Hu u?
Sino nga ba ito? Kilala ng masa.
Istorya ng buhay, inalam ng bansa.
Sa kanyang paglaki, kalayaa’y hangad.
Kasikatan niya’y, ating tiningala.
Pagiging matapang, kanyang katangian.
Sumulat ng libro, gumising sa bayan.
Sa habang panahon, ito’y ginalang.
Noli at El Fili, sikat sa sinuman.
Siya ay inaresto, sa kanyang paglaban.
Ngunit di tinigil, kanyang sinimulan.
Siya ay nanindigan, hanggang kamatayan.
Buhay ay inalay, para sa laban.
Napakatalino, napakamatapang.
Ang nagligtas sa’tin, na dapat tularan.
Pinakamagiting, ‘di malilimutan.
Ang ating bayani, Rizal ang pangalan.
Makabayan
Sa pamahalaan, batas kinilala
pagkamakabayang kay rizal nakita.
Kanyang pagtatanggol sa sariling bansa
sati’y pinamalas, aral na kay ganda.
Pagmahal sa wika’y kanyang ninanais,
na sa ating puso ay hindi maalis.
Wari’y alapaap, sadyang kay linis
hangaring kay gara, katapata’y labis.
Ngunit itong aral, s’ya bang sinapuso?
O ito’y binago ng mundong kay tuso?
Pagiging malaya tulad ng lobo,
tunay bang nakamtan ng bayan na ito?
Sabay-sabay tayo, tungkuli’y gampanan
buksan mga mata’t, ating ipaglaban.
Mga karapatang kanyang sinimulan,
ating itaguyod hanggang katapusan!
Purihin bayaning wagas ang adhika
Kanyang mga akda sa diwa’y malabsa
Sa mga babasa, hatid ng makata
Mga inspirasyon, Ika’y manainga
Kanyang mga akda dala’y kalayaan
Sa atin iniwa’y mga karunungan
Sa tuwi-tuwina, ito’y ating tangan
Pakikibaka sa kanser ng lipunan
Ngunit sa paglaon, layunin nalilihis
Sapagkat ang ilan, isip ay pusikit
‘Di naunawaan ang aral na liblib
Matatagpuan kung nakita ang sigid
Ang isang makata ay ‘di nasusukat
Sa kanyang sinulat, di nagpapasikat
Ang tanging mithiin damdamin mag-alab
Harapin ang buhay ng pakikilamas
isipa’y masa, talino’y lakas
sa’yong saliksik, isa kang pantas
kaya’t nagtuloy, naiwang bakas
at gawa’t katha, pangala’y batas
”sino ka nga ba”, tanong ng madla.
at aming puso, nakukuha mo?
”dakila nga ba, ang kinatha mo?”
at baya’t bansa, sayo’y humanga.
sa aking klase, sa talakayan,
”ba’t kasama ka sa lahat-lahat?”,
naguhit mo na ang kasaysayan
sa librong lagi ibinubuklat!
sa bala’t lahat, isang magiting
s’ya nga si rizal, batas ng bayan
karapat-dapat, taong naturing
isa kang bayani sa kaninuman!
Makinig kayo
Ako’y napahinto at biglang nagtanto
tayo pala ay tunay na pilipino.
Tulad ng magiting na bayaning Rizal
tayong lahat ay hindi dapat hangal.
Atas ng gobyerno sa’ting kolehiyo
batas rizal, sayo ay masaulo.
Ito’y hango sa nagdaang sakripisyo
ni Rizal ating kinikilalang modelo.
Kaya ating aralin akda ni recto.
Hindi man magkaroon ng monumento,
magbigay ng kahit konting sakripisyo,
laban sa mga modernong terano.
Si Rizal ay tunay na isang bayani,
dapat talaga nating ipagmalaki.
Batas rizal dapat nating ipagbunyi
dahil sa karunungan, ito ang susi.
RIZAL
Isa kang bayani, mabuti’t marangal
Nagmulat sa lahat, nagbigay aral
Wala kang katulad, tunay at natural
Tunay kang dakila tulad ng Maykapal
Ikaw nga ay doktor, nagpagaling sa ‘min
Isang manunulat, nagturo sa amin
Propagandista ka, nagmulat sa amin
Kami’y humahangga sa ‘yong adhikain
Ang akda mo Rizal, saliksikin natin
Ang buhay mong laan ay bibigyang-diin
Ang iyong lakbayin, aming lalakbayin
Katauhang tunay, nagbibigay hain
Nagkaron ng batas, nag-uukol sa ‘yo
Ika’y aaralin, ang sabi ni Recto
Tunay ngang talaga, kabayanihan mo
Pambansang bayani, ang aming idolo
Siya na Nga!
Ang aking nabasa ay batas ni Rizal
Ang ating bayaning, lubos nating mahal.
Mayroong mataas na respeto’t dangal,
Ang kanyang pag-ibig sa Diyos sadyang bukal.
Dahil siya ay may katangiang taglay
Naisulat niya ang batas ng mya kulay,
Na marapat sati’y tama lang ialay
Upang mabatid natin, pag-unlad sa buhay
Saan nga ba siya pwedeng ipareha,
Tulad ba siya ngaun ng pangulong Gloria?
Pamahalaan nga’y maikukumpera
Sa tinataglay niyang talino at katha.
Ngayo’y masasabing, di maitatanggi
Si Rizal nga ang sadyang pag-asa’t bayani
Ng syang bansa natin, pugad ng syang lahi.
Si Risal nga ay dapat ngang ipagmalaki.
Siya na Nga!
Ang aking nabasa ay batas ni Rizal
Ang ating bayaning, lubos nating mahal.
Mayroong mataas na respeto’t dangal,
Ang kanyang pag-ibig sa Diyos sadyang bukal.
Dahil siya ay may katangiang taglay
Naisulat niya ang batas ng mya kulay,
Na marapat sati’y tama lang ialay
Upang mabatid natin, pag-unlad sa buhay
Saan nga ba siya pwedeng ipareha,
Tulad ba siya ngaun ng pangulong Gloria?
Pamahalaan nga’y maikukumpara
Sa tinataglay niyang talino at katha.
Ngayo’y masasabing, di maitatanggi
Si Rizal nga ang sadyang pag-asa’t bayani
Ng syang bansa natin, pugad ng syang lahi.
Si Rizal nga ay dapat ngang ipagmalaki.
*hahaha!
Dakilang bayani, isang manunulat
Magiting na Pinoy, kilala ng lahat
Pinilit mag-ugnay, buong samabayanan
Mithiin sa bayan, tangi’y kalayaan.
Laking kakulangan sa nasyonalismo
Nagtulak kay Racto, ‘hain sa Senado
Diwang makabayan pinilit simulan
Diwa’y pinaalab sa’ming kabataan.
Kami’y inobliga, buhay Rizal’y damhin
Upang mapatupad ang mga mithiin
Ng pamahalaan sa kanyang estado
Mapangibabaw ang budhing sibiko.
Ang gawi ni Rizal ay isasapuso
At isasaisip ang mga prinsipyo
Mapangalagaan kanyang mga turo
Sang-ayon sa dikta ng budhi ng tao
Sa una pa man ay alam na ng tao,
sarili’y malaya, sarili’y may dulo,
kaya’t nang inapakan, lahi at puso,
Biglang nagsiklab damdaming Pilipino.
Liberalismo, karapatan ng bayan,
gumising sa atin kahit noon pa man,
Pagkatao noo’y bumihag sa bayan,
Ideyang malalim, sanhi’y kasarinlan.
Ang hangad sa baya’y mga pagbabago,
maging malaya sa dayuhang abuso,
Ibalik muli dangal ng tao,
Nagtulak kay Rizal lumabang totoo.
Pagdanak ng dugo nyo mga GOMBURZA,
hudyat ng umpisa ng nasyonalista,
hindi ba si Rizal nagbigay sa madla,
ng ‘sang nag-aalab na puso at diwa.
Tila isang mitsang nagsiklab bigla,
sa lupang tahimik nag-alab ang siga,
Kaisipang sa pinoy ay nagpalaya,
mata’y nabuksan, nabuo ang diwa.
PAGHUPLOS
Labins’yam da’ntaon, mundo’y puro hamon
Lungkot, galit, poot, ang naging reaksyon
Kaya’t kalayaan, naging resolusyon
Kasarinlang Pinoy, ang mabuting layon’
Mga katutubo’y lubusang nadama
Ang mga paghamak ng mga Kastila
‘Di rin naligtas kanilang kultura
Umalab ang galit, lahi’y nagkaisa
No’ng naging liberal ang isip ng tao
At mata’y namulat sa liberalismo
Nabatid ng taong mga Pilipino
Kailangan nila’y tamang pagbabago
Namulat ang Pinoy dahil sa ideya
Pagkakapantay-pantay ang ginusto nila
Mga propagandista, gumamit ng pluma
Upang kalayaan ay makamit nila
Aming poot’ galit sa mga dayuhan
Ang siyang gumising sa ‘ming kahimlayan
Bawat tangis namin,nagbigay ng daan
Nang aming makamit, mithing kasarinlan
Kalayaan = Liberalismo
Ano ba talaga ang liberalismo?
Karaniwang tanong ito ng mga tao,
Paano ba ito kumalat sa mundo?
At sino ang una bang nagpasimuno?
Paglaya daw sa mga hari ng dayuhan,
Ang syang pinagmulan at naging dahilan,
Kung bakit ito ay ating bininyagan,
At hanggang ngayon ay ating natitikman.
Hindi lang sa Pransya at sa Amerika
Pati rin sa timog-silangang Asiya,
Gustong makatikim ng demokrasiya,
Laban sa dayuhan na mapangparusa.
Ngunit tayo ngayon, bakit inabuso,
Kalayaang ating nakuha’t natamo,
Lahat ginagawa basta kanyang gusto,
At higit sa lahat, walang sini-sino.
Nagpoprotesta sa kalsada’t kanto,
Siniraan lahat ng nasa gobyerno,
Kahit na sila ang nagpaaral dito,
Ngayon, kalayaan = liberalisismo?
XIX
‘Tong ikalabins’yam, hinarap ng mundo
Mahamo’ng daigdig, maraming nagbago
Kahirapa’t galak, ay s’yang sinasalo
Sa puso’y nanaig ang nasyonalismo.
Ang imperyalismo ay ‘di maiwasan
ng matatalino at tusong kalaban
para sa pagsamba’t pagkakakitaan
‘Pag may gera naman ay may kakampihan.
O ang Pilipinas, Kastila’y lumabis
Ang utos at batas, epekto’y kay bilis
Tila isang ahas, ang bibig kay tinis
Ninakaw ang talas, isip ay nagbigkis.
Itong Pilipinas na bigo sa lahat
pilit bumabangon, maalis ang alat
Kalakala’y bagsak at puno ng kidlat
Gagawin ang lahat, makamtan ang dapat.
Sa puso’y sumigla, sa bayan kong mahal
Tanglawan ang tatak, pansinin ang dangal
Tayo ay magsama, at huwag umangal
Bayani kong Rizal, sa bayan mong mahal.
DAKILANG TUNAY
Siglong labing-siyam, gulo’y naranasan
Aking Pilipinas, api’y walang hanggan
Indio’y naghihirap, kanser sa lipunan
Sa sobrang hinagpis, diwa’y nabuhayan
Sa ‘tin pinagkait, laya’t karapatan
Mga pag-abuso, dala’y kahinaan
Pilipinong mangmang, turing ay basahan
Tayo ay binulag sa katotohanan
Sa diskriminasyon, di na sumang-ayon
Pagbabagong nais, s’yang mithii’t layon
Bayaning kay tapang, naging inspirasyon
Upang ating lahi, tuluyang umahon.
Sa mga dayuhan, Pilipinas lumaban
Damdami’y napukaw, namulat ang bayan
Nanaig sa atin, malayang isipan
Anumang danasin, hangad kasarinlan
Liberal na pakay, sa bansa’y inalay,
Gising sa paghimlay, hangganan ma’y hukay,
Nawa’y maging gabay kung pa’no mamuhay,
S’yang magsilbing akay sa may layong tunay.
Bayang Pilit Minulat
Ikalabing siyam na sampu ng dekada
ay ang pagkasilang ng mga makata
ang mga akatang dilat na ang mata
at tila ay bata na sabik tumanda.
Bagong Pilipinas, paano namulat
Sa puso at diwa, ng bulag na dilat
Anog halimbawa ang dapat ilapat
sa harap ng madla para maging sapat
Tatlong paring martir ang siyang hinatulan
Ipinagkaloob itong kamatayn
Tayo’y namulat sa pagkamakabayan
Tao’y nagkaroon nitong kalayaan.
Naglakbay si Rizal sa kabilang dako
Sa mundong bilog na puno ng tukso,
Sa kanyang tinahak minulat niyya tayo
Sa mga dayuhang lubos ang abuso.
Dahil may nang-api baya’y lumuluha
Bugso ng damdamin, sarili’y makuha
kahit sang-lupalop, iisang katha
sa pagkakaisa, laba’y walang data!
BATAS REPUBLIKA 1425 ( BAGONG TULA)
O napakalaking tanong sa isipan,
Na di masasagot ng ganun-ganon lang.
Ano nga bang silbi nitong Batas Rizal,
Bakit ang El Fili’y, ating inaaral?
Sa pamamagitan ni Gat Jose Rizal
Ang buhay ng Pinoy, naging liberal
Natututong lumaban sa mga dayuhan,
Upang makilala sa sangkatauhan.
Taas noo ako kay Claro M. Recto,
Sa pagpapatupad ng artikulong ‘to.
Sa liderato ni Ginoong Magsaysay,
Ang usaping ito’y nagkaron ng saysay.
Mahalaga satin ang batas na ito,
Na bigyang halaga ang gawa ng henyo.
Upang sa gayon sa ‘ting kinabukasan,
Kabataa’y maging pag-asa ng bayan.
HAPLOS NG LIWANAG
Bihag ng dayuhan ilan pang panahon?
Bagwis ng pag-ulan, sa mata umalon
Pilit mang pigilan, ba’t di huminahon?
Sa’yong kamatayan, tayo ba’y aahon?
Sadyang karanasan pagbangon ang hamon
Pagbabago’y buksan, limutin’g kahapon
Damang kasarinlan isipang may layon
pusong makabayan mag-aalab ngayon.
Sa pananahimik, sila’y nagpumiglas
Ang kanilang utak lalong pinatalas
Ang kanilang itak kanilang tinabas
Di nagwatak-watak, gilas ipinamalas.
Armas ng kalaban ang diskriminasyon
Kimkim inipon, matagal na panahon
Unting nagtitipon, katutubo noon
Pagtanggol ang bayan mula sa opresyon.
Ang malayang pag-iisip ay nakamit
Para sa bayang minsan ay nagipit
Bagong pag-asa para sa mga Pilipino
Hindi ni matatakot kahit pa kanino.
Isang manunulat, dakilang bayani
Kilala ng lahat, para sa marami
Pinilit mag-isa, sambayanang tangi
Mithiin sa bayan, kalayaang munti
Sa nasyonalismo’y mayro’ng kakulangan
Nagtulak kay Recto, batas ay simulan
Na ipapairal, mula kabataan
Upang mapaalab, aming kamalayan
Kami’y inobliga, buhay Rizal damhin
Upang mapatupad ang mga hangarin
Sa ikabubuti’t kapakanan namin
Ang budhing sibiko’y magising sa amin
Ang gawi ni Rizal ay isasapuso
At isasaisip ang mga prinsipyo
Mapangalagaan kanyang mga turo
Sang ayon sa dikta ng budhi ng tao
1425
Numero ba ito, o taya sa lotto?
Hindi, batas ito na ginawa ni Recto
Tutol man ang iba, tao man o kuto
Karamihan dito’y oo, sila’y boto.
Senador Francisco, sinabing ayoko
Pati ‘tong Paredes, sabi’y tutol ako
Ano ba at bakit, saan ba ang loko?
ito’y makabayan, hindi pampapako.
Sa wakas kay Ramon, ito’y pumirma na
Sa lahat ng tutol, lahat ay tama na,
Napasa na’t lahat, ito ay batas na
Patawad na lang ‘tol, halina’t aral na.
Sa mga eskwela, ito’y pag-aralan
Para ating puso’y mayroon ng laman
Ating isa-isip, maging makabayan
Upang kaunlaran, mapasa-‘ting bayan.
Jose Protacio Mercado Rizal Alonso y Realonda
Doktor Jose Rizal, na ating bayani
Ika’y halimbawa, sa mga salinlahi.
Ang bukal mong puso, at mabuting budhi
Mga tao’y mangha, sa iyong ugali.
Mga nobela mo, ay kahanga-hanga
Pati mga tula, na mayroong tugma.
‘Yong bansa’y saludo, sa’yong mga likha
Nagpapakita lang, na ika’y makata.
O Bayaning Rizal, dapat kang tularan
Kaya nga buhay mo, ay dapat malaman.
Tinatalakay ka, sa mga paaralan,
At ginugunita ka ng sangkatauhan.
Ang Noli at Fili, na isinulat mo
Sa’yong bansang mahal, binabasa ito.
Nagbukas ng isip, at ng aming puso
Para kalayaan, ay ating matamo.
Pambansang bayani, Rizal ang pangalan
Kilala sa lahi, na anak ng bayan
Panahon ng dilim, kanyang kinalaban
Ang kanyang mungkahi, ay ang panitikan
Sa kanyang sinulat, aking naramdaman
Ang lahat ng takot, at mga kalupitan
Sa mga pilipino, anong kasakiman
Ng ilang dayuhan, walang pakialam
Pilit mang limutin, di mapipigilan
bugso ng damdamin, di maiiwasan
dapat ng tapusin, ang mga kalupitan
leksyon ng kahapon, dapat ng malaman
Pag-aaral sayo, dapat isapuso
pusong makabayan, di to natuturo
sa yong karunungan, na aming natamo
ang susi sa lahat, ng mga pagbabago
Bakit kailangan na ikay alamin?
Bakit kailangan buhay saliksikin?
Buhay mo nga ba ay may halaga samin?
Nararapat nga ba, ika’y kilalanin?
Mula pagkabata, ngala’y naririnig,
Sikat na si Panday, pangalay dinaig.
Parang isang awit, na iisang himig,
Napaulitulit sa aking pandinig.
Sa aking pagtanda, ika’y nakilala
Sang taong dalisay pag-ibig sa lupa
Ang mga nobela’y inaral binasa
Ikaw pala’y iba, hindi basta basta.
Ngayong kolehiyo, itinanong samin
Bayani ka nga ba? Anong sagot namin?
Kaya mula ngayon, aking susuriin,
Pagiging bayani, mabibigyang diin.
Oh! bayaning Rizal ikaw ay puspusan
hindi inalintana iyong kapalaran
kahit iyong batid itong kamatayan
paglikha ay tuloy hanggang sa hangganan.
Iyong mga akda ang naging batayan
nang ating paglaban sa mga dayuhan
ang kabayanihan ay pinatunayan
dahil sa pagirog sa naturang bayan.
Ikaw nga ay dapat naming kilalanin
ang iyong buhay ay aming gunitain
sa mga paaralan ay dapat aralin
iyong mga akda pati buhay na rin.
Aming pasasalamat sa kabayanihan
dahil kasarinlan ngayo’y tinatamasan
ikaw itong aming dapat na tularan
sapagkat ikaw ay sadyang makabayan.
-laZky-
Rizal Salamin ng Lahi
(Ito basahin nyo!!)
Batas na ginawa para lang kay rizal
Tinuturo sa lahat ng paaralan
Upang lahat ay mayroong kaalaman
Upang hindi malaos at maiwanan
Bakit kaya ginawa itong Rizal law
Anu ba ang naisip ni Claro M. Recto
Siguro upang ipaalam sa mga tao
Na si Rizal ay bayaning Pilipino
Pero mga bata di naiintindihan
Hirap at pasakit na pinagdaanan
Mula sa kamay ng kanyang mga kalaban
Kaya kanyang subject ay ating igalang
Kaya mo ba talagang ilapastangan
Kanyang marangal at magandang pangalan
Kaya kanyang subject dapat pag-aralan
Upang madagdagan atin kaalaman
Ser, 1-1 po ako hindi po 1-5, nagkamali lang sa paglagay!! sorry po!!
RA 1425
Ang buhay ni Rizal, ay sadyang kayganda
Kung tutuusin ay, bayaning talaga
Biruin mo naman, buhay ay tinaya
Para mapalaya, mahal niyang bansa
Iba’t-ibang tula, kanya ring nagawa
Para ipagtanggol kanyang mga kapwa
Mga kababayang, hirap na hirap na
Sa pangmamaltrato, ng mga kastila
Kaya nga siguro, gumawa si Recto
Kakaibang batas, na kagaya nito
Upang makatulong sa ‘ting Pilipino
At maging idolo, ang pambansang “hero”
Ngunit marami rin, talagang umayaw
Kaya’t ‘tong si Recto, inabot ay bulyaw
Pero tuloy pa rin sa kanyang paghiyaw
Kaya’t Batas Rizal, tuloy ay napataw
Bayaning tinanghal, dito sating bayan
Iisa nyang buhay, kanyang inilaan
Hinarap nyang buo pati kamatayan
Magiting na tao, Rizal ang pangalan
Pinili ang tama, kaysa sa mabuti
kaya ang kaaway, sukdulan ang dami
Malinis na ngala’y, linagyan ng dumi
kaya sa Luneta, siya ay dinale
Aking sasabihin sa inyong harapan
Itong batas dapat isakatuparan
at ating bayani’y dapat pag-aralan
upang sakanya’y maraming malaman
Kumuha ng leksyon mula sa kanya.
Sya’y di lamang gwapo, sya’y matalino pa
At siya ay isang dakilang makata
at ang bayang ito’y, ibinandila nya.
una sa lahat, kailangan ba to’?
sa panahon natin, may’rong bang epekto?
sa igsi ng buhay, ito ba ay pang gulo?
nais kong alamin, sagot sa mga ‘to.
balikan natin s’ya ang ating bayani.
dugo nya’y inalay sa atin ibunyi.
kalayaan natin ay hindi sumawi
sa mga kastila at sa pagaapi.
bawat tanong natin may isang sagutan
kung sino talaga ang dapat masundan?
naghihintay lamang ng pagtatanawan
at iwasan natin ang pag kamangmangan
sa piling ng bayan ang pagiging tapat
mga kapatid ko,buksan nyo ang aklat
basahin natin s’ya, isigaw sa lahat
mabuhay si Rizal! bayan ko’ng inangat!
SIR GTO!! hehe..
question lang po..
in your opinion, do you think Trillanes and his buddies are guilty for rebellion against the government?
and do you think they have a point in saying that “its time for a reform in our country,we have suffered a lot under PGMA’s administration, let the people join together and stand up for our country”….???
THANKS….. 🙂
Dapat nga ba?
Ating pag aralan mga likhang rizal
Upang malaman kung ito’y nararapat
Kung dapat isama sa’ting pagaaral
At gawin na batas, ito ba ay dapat?
Ang pagaaral sa kaniyang likha’t gawa
Ito umano ang gigising sa diwa
At panatilihing mahalin ang bayan
sa tulong ng mga kaniyang iniwan
Pag aralan natin kaniyang mga gawa
Nang maintindihan panukalang batas
Tayo nat tuklasin,at gawing sariwa
Ang nakaraan na tila nakaposas
Halina’t aralin ang mga sinulat
Ng ating pambansang bayani si Gat.Jose Rizal
Nang malaman kung ga’no kabigat
Pagmamahal niya sa bayan niyang mahal
Batas ni JR
Bakit kailangan Rizal pagaralan
Upang matugunan ating katarungan
O batas nga naman parang kayamanan
Dapat ay makamtan parang kalusugan
Noli Me Tangere sakit ba o yaman
Mi Ultimo Adios ay kapayapaan
Likha ni Gat Rizal dapat ay tandaan
At kahit kailan `wag kakalimutan
Kahit anong butas kanyang papasukan
Maipaglaban lang ating karapatan
Tinatagong yaman ay kanyang binuksan
Pambansang bayani Rizal kanyang ngalan
Hindi siya sumuko para makapitan
Na parang akasya at isang kawayan
Saking pagtatapos sana’y namalayan
Pagmahal sa bayan ating alagaan
Ibalik ang salakot ni Juan Dela Cruz
Si Claro M. Recto ay nagpanukala,
Dahil ang nasyonalismo ay nawala,
Pagka’t sinakop ng dayuhan ang bansa,
Pinatulog nito’t binaon ang diwa
Batas Rizal, dapat itong ipatupad,
Upang watawat tuluyang mailadlad
Noli at El Fili, Di dapat ikubli,
Sa aral ng estudyante ay isali
Panukalang batas, Tutol ang simbahan
Ngunit payag naman ang pamahalaan,
Pilipino ay nagugulumihanan,
Kung dapat ilagay ang salakot ni Juan
Nasyonalismo ng mga Pilipino,
Talaga bang maibabalik n’ya ito?
O pahirap lamang’to sa kolehiyo.
Sana’y tama ang ginawa ng senado
ANO ITO?
Ako’y may nalaman, isang kahibangan;
Kursong kolehiyo, kakaibang laman.
Buhay ng bayani ay matutuklasan,
Kailangan ba ‘to o sadyang wala lang?
Itinatag noon pa, hanggang ngayon pa ba?
Mga estudyante ay litung-lito na,
Taong aaralin ay namayapa na.
Anong silbi nito sa atin at iba?
Pagiging makata ay pamantayan ba,
Ng isang Pinoy sa puso’t kaluluwa?
Kailangan ba ng tula, sukat, tugma;
Upang matawag ka na isan makata?
‘Wag ng magreklamo kung kailangan pa,
Aralin na natin upang matapos na.
Halina’t mag-aral at isapuso na,
Buhay ni Rizal ay madidiskubre na.
-=.tiNtiN.=-
Di ko alam kung saan ko sisimulan,
Itong aking tulang walang nilalaman,
Ngunit para sa ating mahal na bayan,
Si Rizal ay dapat nating pagusapan,
Kanyang mga hangarin sa ating bayan
Ay nararapat nating pangalagaan,
Dahil sa huli ito’y ating dantayan,
Laban sa mga mapangaping dayuhan,
Kanyang mga reporma para sa bayan,
Dapat sa lahat ay sinasangayunan,
Kanyang sakripisyo’s angat kanino man,
Si Gat Jose Rizal na nakaligtaan
Paglaya daw sa mga hari ng dayuhan,
Ang syang pinagmulan at naging dahilan,
Ng lahat ng ating dapat pagaralan,
Tungkol sa ating bayan at karapatan,
Noong makita ng mga mambabatas
Mga Pilipinong hindi makabansa
Nagisip ang mga ito ng ‘sang batas
Layuning ituro, bayaning dakila
Sa pamamagitan ni Claro M. Recto
Panukalang batas isinulong nito
Na ang gustong gawin, bayani’y ituro
Sa estudyante ng panibagong siglo
Ngayong kolehiyo, aming inaaral
Bayani ng lahat, ang ngalan ay Rizal
Walang karapatan na kami’ umangal
Na pag-aralan ang ‘sang bayaning dangal
Ngayo’y naglalaro sa aking isipan
Isang katanungan kung ito ay kailangan
Ng ‘sang Pilipino bilang isang mamamayan
Na si Rizal dapat bang mapahalagahan
Rizal
Rizal! Rizal!Buhay ay masalimuot,
Puro paghihirap ang kanyang dinanas,
Gumawa ng obrang gumising sa atin,
Sandata n’ya ito laban sa kastila.
El Fili at Noli, ang obra ni Rizal,
Ito’y sandata n’ya laban sa kastila,
Sinulat n’ya ito habang nakakulong,
Ang mga obra n’ya ang gumising sa ‘tin.
Namatay si Rizal para sa ‘ting bayan,
Karapat-dapat s’yang tawaging bayani,
Kung kaya’t nabuo ang Batas ni Rizal,
Pinanukala ‘to ni Claro M. Recto.
Ang Batas ni Rizal ay magandang batas,
Tutulungan tayo maging makabayan,
Sa tulong ng kanyang El Fili at Noli,
Ang buhay ay magkakaroon ng kulay.
Ang buhay ni Rizal, dapat lang malaman
Mahalaga sa’tin, bawat kasaysayan
kabayanihan niya ay kanyang inalay
kahit kapalit pa’y ang sariling buhay
Batang Pilipino’y huwag nang mangamba
Sa katha ni Rizal, tayo’y masasalba
kaya dapat tayo’y magbasa basa na
At lagi natin tong, isaalaala
Noli me tangere, oh! napakaganda
Filibusterismo, para sa gomburza
lahat ng ginawa, para lang sa bansa
dahil gusto niya, tayong mapalaya
Ginawa ni Rizal, bigyan mong halaga
sa mga katha niya, merong importansya
Sa bawat taludtod, may matututunan
Ikaw, ako, tayo, pag-asa ng bayan.
PePe
Ang buhay ni Rizal, dapat lang malaman
Mahalaga sa’tin, bawat kasaysayan
kabayanihan niya ay kanyang inalay
kahit kapalit pa’y ang sariling buhay
Batang Pilipino’y huwag nang mangamba
Sa katha ni Rizal, tayo’y masasalba
kaya dapat tayo’y magbasa basa na
At lagi natin tong, isaalaala
Noli me tangere, oh! napakaganda
Filibusterismo, para sa gomburza
lahat ng ginawa, para lang sa bansa
dahil gusto niya, tayong mapalaya
Ginawa ni Rizal, bigyan mong halaga
sa mga katha niya, merong importansya
Sa bawat taludtod, may matututunan
Ikaw, ako, tayo, pag-asa ng bayan.
MALIBAN SA KASALUKUYAN
Dr. Jose Rizal, lumaban sa dayo
Hindi inatrasan ang mga palalo.
Atin nang balikan kasaysayan nito
Panahong paghubog sa ‘ting pagkatao.
Mauunawaan ang kadakilaan
Kung matututo ka sa ‘yong nakaraan.
Upang maalala’t masuklian man lang
Kanyang sakripisyo sa ‘ting Inang Bayan.
Pambansang bayani, nagwika nang minsan
Mga kabataan, pag-asa ng bayan
Ang katulad natin, dapat pagtantuhan
Pagbabago ngayon, isakatuparan.
Ating dating bayn oo nga’t bilanggo
Subalit iba na ang lupang pangako.
Ang katulad natin ay hindi susuko,
Ito’ng Pilipinas sa ‘ting Pilipino!
Sentro at Sakop
Isang kaisipan, dapat bang iulit
Kung kahulugan tungkol sa paggamit
Ay ang kaunlaran sa dahilang akit
ng nagdaang bayang kahirapa’y sapit?
Lumikha ng usap sa sangay na saklaw
pagpapalaganap, batas na malinaw —
Ito’y pag-iisip ng simbolong ilaw,
Sa libro’y sinilip, ngayon pa ba’y tanglaw?
Kung lipunan ngayo’y may laya nang lubos,
na ang mga tao’y maluwag ang kilos,
ang pamahalaa’y tayong nag-uutos,
sa mga akda ba’y, akma pa ang datos?
Akda sa lipunang sa giyera nagmula,
sa isang labanang, iba sa simula,
Lipunan kung saan hanggang ngayo’y dama
ang kabaluktutan, kanila’y minana?
Maging Sino Ka Man
Dr. Jose Rizal; Pambansang Bayani
Magiting, matapang, tapat sa ‘ting lipi
Tinubuang lupa, kanyang itinangi
At ipinagtanggol mula pagkaapi
Siya ay modelo, Pilipinong tunay
Pag-ibig sa bayan, kanyang pinairal
Kahit na mabuwis ang sariling buhay,
Upang ating kamtin, mithing kalayaan!
Walang hihigit pa sa kanyang ginawa
Tulad ng sinabi ng isang makata,
Pag-ibig sa bayan; tinubuang lupa
Pag-ibig na banal, buhay, sagana.
Di malilimutang sya’y pasalamatan,
Walang hanggan nating tatanawing utang.
Marapat lamang na siya’y parangalan
Dr. Jose Rizal; tunay na marangal.