Likas raw na gahaman ang tao. Wari kaseng balong walang kasing lalim ang gutom at uhaw ng tao sa maraming bagay na hindi ito kailanman maiibsan ng lubusan.
May mga naniniwala na masama ang ganitong kalikasan. Kailangan itong pahinain at pigilin. Yan ang utos ng simbahan sa atin.
Ngunit sadya yatang matindi ang kalikasan na ito sapagkat kahit ilang beses tayong makarinig ng sermon na masama ito, lalo pa yatang sumisidhi ito.
Kahit gamitan ng batas at buwis, tila lalo lang itong tumitindi kaya gumagawa pa tayo ng paraan para masunod lamang ang kalikasan na ito.
Hindi kaya hindi naman masama ang kalikasan na ito at ang tamang paraan ay pagbigyan na lamang ito?
Kung gahaman nga ang tao, hindi nya gugustuhin ang mga bagay na magpipigil sa likas nyang uhaw at gutom sa maraming bagay. Gagawin nya lahat para maibsan kahit panandali ito.
Maari kasing pakinabangan ang pagka gahaman ng tao. Kung hayaan nating sundin ang kalikasan na ito, maaaring maiiwasan ang koruption at mabilis na umunlad ang tao. Ito ang lohika ng palengke.
Kumbaga sa palengke, kung ang tao ay manininda ng produkto, dahil gahaman sya at gusto niyang mapasakanya ang maraming kita, gagawa sya ng paraan para mapaganda ang serbisyo, mapataas ang kalidad at mapababa ang presyo.Ganito kas kung ang tao naman ay mamimili, dahil gahaman siya at gusto nya makabili ng produktong mura, di kalidad at mabilis ang serbisyo.
Ganito rin ang nangyayari sa pamahalaan. Kaya siguro talamak ang korupsiyon ay dahil hindi tama ang pagtrato natin sa kalikasan natin.
Kaya sa halip na pahinain at pigilin, hayaan na lamang siguro at pakinabangan. Ito ang lohika ng kapitalismo at globalisasyon.
Ano ang palagay mo?
Ano kaya ang palagay ni Jose Rizal, bilang probinsyanong intsik, bilang liberal, bilang repormista, bilang propagandista?
Moderation, in the Buddhist sense, is the imperative to always seek for the middle path. Put another way, it commands to avoid excesses.
Used as the norm of an economic policy, moderation has proven to be effective in Thailand were King Bhumibol Adulyadei has institutionalized “sufficiency economy” as the middle path approach to human development, poverty reduction and conserving the environment in the country.
In this context, moderation makes economic policy a moral issue. I find this problematic because moral incentives are not effective incentive mechanisms for development.
In the case of the Philippines where about 90% of the Filipinos are Christians who regularly receive sermons that greed is evil, the moral incentive to do good and avoid evil has obviously failed because the country has been consistently one of the most corrupt in the world at the cost of its development drive.
While Buddhism’s success as a moral incentive can be attributed to its orientation as a personal commitment to perfection, Christianity’s failure could be its propensity to condone imperfection as implied by forgiveness and mercy as recognized virtues.
Instead of moderating greed through ineffective moral incentives, since human beings are by nature self- interested, put bluntly, human beings are greedy, the practical policy response would be to decide on whether to regulate or deregulate greed.
Regulation is premised on the idea that greed is evil. Thus, it requires a strong interventionist state to punish the greedy using coercive laws and repressive taxes as apparatuses of its police power to maintain a status quo of authoritarian political order based on the rule of law. While this works in states with Buddhist population like Thailand and other developing countries in east Asia, regulation breeds corruption in countries like the Philippines where moral incentives fail to curb the natural urge of greed that tempts people, even government officials, to circumvent the laws to create opportunities to convert public goods into private gain.
Deregulation, on the other hand, is premised on the idea that greed is good. In contrast, it merely requires a weak minimal state that allows the market to take advantage of greed by letting the greedy compete among themselves. In the process, competition lowers the cost of commodities and services, improves their quality and increases efficiency. The role of the state is reduced into a night watchman who intervenes only to guarantee that the natural urges of greed produces the greatest happiness of the greatest number of people by dismantling monopolies and ensuring fair competition.
GREED IS GOOD?
Kung buhay si Rizal, anong kanyang palagay?
sa magulong bansa at puno ng away
Bilang repormista at propagandista,
Siguro’y ito ang kanyang iwiwika..
“Pangunahing lider ng ating gobyerno
nandun sa palasyo, puro nanloloko,
at walang ginawa kung hindi manggantso,
lantarang nakawa’t pagiiskandalo..
..ngumingiti-ngiti, nagaanyong huwad
wala silang sungay ngunit nanunuwag
tinago’ng totoo, hustisya’y binulag.
Magiging dahilan ng ating pagbagsak..
kayraming taon na ang aking naglisan
tila walang bakas na patutunguhan.
Ating kalayaan na ipinaglaban,
nananatiling bulag sa katotohanan.”
Muli’t Muli
(si Rizal bilang nobelista)
Muli s’yang babangon mula sa himlayan
At kung makita n’ya ang kasalukuyan
Na maraming b’witreng gahaman sa bayan
Muli s’yang tatayo at muling lalaban
Muling aakayin mga nanangis
Na sa’ting gobyerno’y mga nagtitiis
Hindi s’ya papayag sa paghihinagpis
Na nagpapahirap sa bayan ng labis
Muli s’yang babango’t muling gagamitin
Kanyang diwa’t dunong sa nobela’t tulain
Ito’y magsisilbing bulkan ng damdamin
Nitong taong bayang tunay ang mithiin
At sa pagbangon nya, sana ay matigil
Buhayang sitemang sa’ti’y sumisiil
Sa tulong ng iyong panulat na linsil
Na sa mga b’witre ay siyang kikitil
Gobyernong Takaw
Kay sarap kumain ng lutong pagkain
lalo na kung ito’y gawang panggobyerno.
Sa dami ng taong masipag manuyo,
kaya saan man makita, sila’y laging liban.
Di naman masama ang labis na kaban.
Kung ito ay kuha sa malinis na gawa.
Nguni’t sa ‘ting oras, kaban ang nanguna,
ginto man ng iba, sadyang di maiwan.
Kay sarap mabuhay na walang kaaway.
Dahil ang iisa ay walang kaaway.
Kaya’t magsumikap nang ika’y mapukaw,
sa katotohanag kay dami ng palay.
Sa kabila ng lahat, patuloy ang daloy
ng gulong ng palad, sa ‘ting kabayan.
Na sila ang bukas na magpapatuloy
ng adhikaing magtatayo sa’tin.
Dreeg
Ang pagiging sakim saan nagmula?
Pagtago ng tama sino ang may pala?
Relihiyon nga bang saksi sating sala
O kulturang nga bang mahirap itama
Sa kabilang dako ang pagkakapantay
Siyang nagsisilbing tulay
Iisang tulay na nagpantay sa pugay
At isang tulay na inisa ang kulay
Sating munting bayan ang sakim ang buhay
Puso sa bayan ay di tanggap ng tunay
Manatiling yaman batas ay sinuway
Batas na sinaad tila naging hukay
Mga kasakima’y san san na kumaway
At ito’y nagsanhi ng di tamang away
Kalangita’y sisi sa alok na tagay
Ninunong tahimik tinanong ang lagay
..HUWAG GAHAMAN!!!!..
Tayong mamamayan, dapat magmahalan
Walang lumalamang, dapat pantay-pantay
Walang nag-aangkin, dapat magbigayan
Wag sanang matakaw, sating kayamanan
Ang mga kurakot, ating patalsikin
Tila hindi tama, kanilang hangarin
Ang mga hangaring, masama sa atin
Maging si Rizal man, sa kanila’y galit
Sa aking palagay, pagiging liberal
Ng ating bayani’y, kanyang ilalabas
Pati kanyang buhay, kanyang idadamay
Upang protektahan, ating kayamanan
Bawat opinyon, ay dapat pakinggan
Masamang ugali, ay dapat wakasan
Tayo’y magkaisa, ayusin ang buhay
Mamuhay ng tama, tayong mamamayan
KAYAMANAN NGA BA ANG SOLUSYON?
Ating kasakiman hadlang sa tagumpay
Ang kalabisan ay nagdudulot lumbay
Mabuting loobin salat sa tinuran
Bayan kong magiliw ngayon ay kailangan
Bilang liberista aking hihimakin
Ang pinuno natin alisto na mandin
Kailangan ngayon ay malayang isipan
Upang kabataan may kinabukasan
Ang kasakiman daw nakabubuti rin
Magaling na lider ay mabilis sundin
Mamamayan natin totoong yuyukod
Patakarang ayos tiyak na iinod
Ang kapangyarihan mahirap iwaglit
Dapat ipakita sa wastong paggamit
Ipapaalala sa tuwi-tuwina
Nang sa hinaharap ang bayan ay laya
May mga pagkakataong magagamit natin ang isipang palengekeran. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay parang palengke ang sitwasyon. Doon pa lamang sa salitang “GAHAMAN” ay masama na ang dulot. Alam ko na hindi natin dapat tinitingnan ang mga bagay ng mababaw lamang. Ngunit hindi lahat ng tao ay ganun ang tingin sa mga sitwasyon kung saan sila’y gahaman o sila ang nagagahaman. Halimbawa na lang sa palengke scene, kung ang nagbebenta’y gahaman nga tulad ng sabi, sigurado namang hindi siya titigil sa ganoong dahilan ng pagiging gahamn. Syempre habang tumatagal ito mas nagsasawa siya at hahanap ng iba pang pagkakataon at kung maka tiyempo ito, magiging gahaman din siya sa bagay na iyon. Tao itong gumagawa, syempre nagbabago ang tao. At patuloy lang ito ng patuloy hanggang sa makaabot sa puntong iyon kung san may nasasagasa na siyang iba pang gahaman din na tulad niya o mga taong nananahimik lamang. At dulot nito’y hindi kaganda-ganda. Doon naman sa mamimili, kung siya nga’y gahaman din, hindi siya titigil sa isang bagay lang ang panggagahaman niya. Kahit doon sa mga iba’y magiging gahaman din siya. At dahil doon, ang mga ibang may pantay lang na paggamit, ay mauubusan at magreresulta sa hindi pantay na pamimili. Kung baga sa madali’t salita, dahil tao ang mismong instrumento sa paggahaman, madali itong magbago at magiba. Hindi ito titigil sa isang bagay lamang. Hindi naman lahat ng tao ay pwede o gustong maging gahaman.
Noon pa ma’y ugali na at nakasanayan na ng mga tao ang pagiging gahaman. Kahit na sa panahon ni Rizal ay marami na rin ang mga taong gahaman. Kaya nga naman tayo’y nasakop o naging alipin ng mga dayuhan, ay dahil sa pagiging gahaman nila sa kapangyarihan at laki ng pinangsasakupan na lupa at mga likas nito. Kaya nga naisulat ni Rizal ang 2 nobela at iba pang mga sulatin, ay dahil naglalaman ito ng hindi lang romantika o paglalakbay, kundi karamiha’y puro mga masasamang ugali na dapat bigyang pansin. At halos lahat ng mga gawa niya’y naglalaman ng pagiging gahaman ng isang partida. Isinasaad ng mga ito ang mga pangungurakot ng gobyerno o ng may kapangyarihan laban sa mga may kapinsanan. Dito nakikita kung ang di pagkapantay ng mga mamamayang naninirahan sa bansa. Kung si Rizal ay aayon sa nasabing klase ng pagka-Gahaman, hindi na niya sana naisulat o naisagawa ang mga nagawa niya. Dito palang ay nakikita na kung sang-ayon ba si Rizal sa “palengkerang klaseng gahaman”.
MAMAMATAY RIN KAYO…
Saan ba nagmula itong korapsyon?
na sadya ngang uso at napapanahon
Hindi mapigilan ‘tong mga abutan
Kaya sa planeta, tayo ng number one.
Pagiging sakim daw subukang bawasan
Upang dahan dahang maubos ang kaban
Para saan pa ba ganon rin naman
Gobyerno talaga, wagi sa lamangan
Bakit di nalang ba, ubusin, sugpuin
Mga pandarambong, hilig nilang gawin
Wag ng limitahin, alising tuluyan
Nang yumaman naman kahit kaunti lang
Perlas ng Silangan na wala ng yaman
Naubos na lahat ng tiwaling kawan
Magsasawa kaya ang mga gahaman
O ganyan na sila, hanggang kamatayan.
PRINSIPYO SA BUHAY
Kay hirap tanggapin, kelangang aminin
Kasakiman nga ba likas na sa atin?
Bahagi na nga ba ‘to ng buhay natin?
Prinsipyo sa buhay? Kelangang isipin.
Tama na! Sobra na! Itigil niyo na!
Bilang makatao, sumamo ni Rizal
Sa ilang taong walang pakundangan
Sa paglustay sa pera ng ating bayan.
Ang pamahalaan ayaw sa gahaman
Di bat yun ang dapat? Di bat yun ang dapat?
Ngunit bakit ganun? Buwaya ay kalat
Kaysaklap isiping walang katapatan.
Kung buhay si Rizal, siguro’y tanong nya
Prinsipyo sa buhay, Pinoy nasaan na?
Katapatan nga ba iwinaksi n’yo na?
Pagiging makatao tila limot na.
CARA Y CRUZ
Si Rizal na Tsino magaling sa piso,
Ang regulasyon ay iiral siguro;
Sapagkat liberal, siya’y makatao,
Sa merkantilismo’y hindi parokyano.
Kung magpapayo ay wag deregulasyon,
Walang mararating, sa buong maghapon;
Kung lahat ay sakim puro kompetisyon,
Pasiklaban na lang kanya-kanyang bersyon?
Salitang “balanse” magandang pakinggan,
Ngunit di aakma itong kalakaran;
Kung paiiralin sobrang kabutihan,
Walang mapapala, kung puso ang laman.
Kung ako’y pipili doon ako kampi,
Sa magpapaunlad nitong tanang lahi;
Isusugal ko na, ‘tong aking salapi,
Kahit na maubos laman ng kalupi.
Greed!
Tao ay nagiging sakim at gahaman
Dahil sila ay kapos sa kapalaran
Lalo sa hirap na kanilang dinanas
Sa kahirapa’y pilit na tumatakas
Ngunit ang mga swerte at pinapalad
Bakit sila’y hindi parin makuntento?
Tulad ng mga opisyal sa gobyerno!
Pangungurakot hindi matapos tapos
Sana itong kasakiman mabawasan
Wag maging patay gutom sa kayamanan
Maraming umaasa sila’y mabigyan
Kaya wag mag damot, sila’y patnubayan
Ngunit aking palagay kahit anung gawin
kasakiman at pagiging sang gahaman
Solusyon dito ay hindi magagawan
Dahil tao’y di magiging pantay pantay
Unanong gahaman
Ang lahat ng sobra ay sadyang masama
Kailanma’y ang sobra’y ‘di nakakatuwa
Gahaman at sakim, tawag sa kanila
Sa mga nilalang na hilig ay sobra
Si Rizal na pinoy, ‘di naging gahaman
Kapwa Pilipino’y ‘di n’ya nilamangan
Tao’y di tinuring bilang kasangkapan
Hindi s’ya nanloko para lang yumaman
Pagiging gahama’y isang kabalbalan
Mga taong sakim, ulo’y walang laman
Relihiyong iba’y ‘di isang dahilan
‘Di ito pantakip sa ‘yong kasalanan
Ang ating Pangulo’y sakim na unano
At lahat ng sakim ay mga demonyo
Ang “logic” na ito ang s’yang puno’t dulo
Kaya’t naghihirap mga Pilipino
Kasakiman, ito ang isa sa mga bagay na ang lahat ng tao ay meron. Ang pinagkaiba lang ay ang iba’y hindi hinahayaang ito’y manaig habang ang iba nama’y nagpapakalunod na dito. Bilang isang nilalang, tayo’y binigyan ng kakayahang mag-isip para sa ating sarili. Kaya sa aking palagay, hindi dapat sisihin ang Simbahan kung bakit madaming sakim sa ating pamahalaan. Hindi nagkulang ang Simbahan na paalalahanan ang kanyang mga nasasakupan na ang kasakiman ay masama. Ang pagkukulang ay nasa tao mismo dahil hinayaan niya ang kanyang sarili na maging isang sakim. Kung siya ay nakikinig sa mga turo ng Simbahan at isinasapuso ang mga ito, sa aking palagay ay hindi siya magiging sakim. Ang isa pang pagkakamali ay masyado ng inabuso ng mga sakim na tao ang pangakong kapatawaran ng Panginoon. Wala silang takot sa kanyang kaparusahan sa kanilang mga kasalanan.
Bilang isang Kristiyano, sa tingin ko ay parehas kami ng palagay ni Rizal. Hindi ang relihiyon ang dahilan kung bakit sakim ang isang tao. Ang dahilan ay kung paano niya iniinterpret ang pangako ng Panginoon ng kapatawaran. Ang isang taong humingi na ng kapatawaran ay di na dapat na ulitin pa ang mga nagawang kasalanan. Ang pagiging sakim ay nasa tao…ang Simbahan ay nariyan lamang para tayo ay gabayan.
Uhaw Sa Angkin
Makatarungan ba? Nakakasawa na?
Politikong hirang, tumpok ng harana
Tagong pagnanakaw, habol sa puwesto
Batang nagugutom, nilangaw sa kanto
Mga uwak na gutom, subo’y lamang bayan
Aswang na kinai’y, nilang kapwa laman
Waring ito yaong, Rizal ay natakot
Dilubyong maduming, patuloy ang ikot
Ano ba talaga, ang subok at dapat?
Ang pahintulutan, o ang di hayaan?
Tularan si Rizal, may paninindigan,
isang makatao’t, sa sarili’y tapat
Pag ating hayaan, makabubuti ba?
Ating pagsagpangin, kapwa mga sugapa
Sa pagseserbisyo, isipi’y kaiba
Sa ganun ang baya’y, asenso’t payapa
Pugsain Ang Masama
Ang isang baluktot kailanma’y di tama
Tao’y maging mulat di magpakatanga
Magbulag-bulagan sa maling ginawa
Kasalanang mortal ang sa baya’y gawa
Palasyong buhangi’y dapat nang wasakin
Kasamaang dala’y marapat pugsain
Inang bayang sangkot dapat palayain
Mapayapang lugar ang tamang naisin
Tanggalin sa trono ang sakim ay dapat
Wakasin ang mali kabutiha’y sapat
Palitan ang sira ilagay ang tapat
Wika nga ng pantas ang tama’y ilapat
Kailangan ng aksyon kung nais pugsain
Ang maling Gawain dapat nang tigilin
Bayang nabilanggo tamang palakarin
Sa diretsong landas ang dapat tahakin
NAAATIM NILANG GAWIN…
Ang isang sukatan matatag na bayan
Ang kapangyarihan nasa mamamayan
Ngunit bakit tali ang lupang Silangan
Demokrasya’y sanhi ng katiwalian.
Kwento’y di nagbago sa panahon ngayon
Lalo pang umigting lumakas ang hamon
Ngayong nasasadlak tigib ng korupsyon.
Labis na tiwali, pinuno’y nilamon.
Bilang makatao’t isang Tomasino,
Higit na inisip mabuti sa tao
Hindi nga kinaya ng konsensya’t puso,
Dulot na sama ng kasalanang ‘to!
Nais ng bayani, dayo’y mamalagi
Sila ang nagturo na naging tiwali
Kanilang paglisan ito’y manatili
Magkaro’n ng bahid ng dusa’t pighati.
selle:-)
“Moderate, Regulate or Deregulate Greed?”
Simula at sapul masama ang sakim
Pagkuha ng labis ay kalagim-lagim
Dapat isaisip ang pagkakapantay
Dahil lahat nais maginhawang buhay
Wag ikumpara sa kahit alinman
Pagkat pulitika’y ibang iba naman
Kurapsyo’y laganap nagbibigay saya
Sa iilan lamang at dusa sa iba
Ang pagkakaroon ng alituntunin
Sa pamahalaan ay kaylangang sundin
Dapat puksain ang pinaka-ugat
At kasama na rin lahat ng kasabwat
Kahit saan tingnan na mga anggulo
Itong kasakiman kaylanma’y di wasto
Sana ay tandaan ang ‘sang kamalian
Di maitatama ng likong paraan
Penge Pa
bawat mamamayan, merong kahilingan,
iba ibang luho, nais makamtan,
bawat kabataan, merong inaasam,
di na nakuntento, dagdag kainggitan.
tignan mo nga naman, yaring sambayanan,
mga kasarapan, gustong mahawakan,
gagawin ang lahat, para lang makamtan,
di na nakuntento, dagdag kasakiman.
bilang kababayan, Pepeng makabayan,
di makikialam sa mga sagutan,
tanging gagamitin, malayang isipan,
para mawakasan, yaring kasamaan.
daang daang bayan, punong karangyaan,
luhong inaasam, hindi titigilan,
Rizal na kay yaman, dapat tularan,
pagkat yaring yaman, pinagkontentuhan.
Kasakiman… pagiging Gahaman… kelan pa ito naging TAMA?!!
Ito ang siyang pulo’t dulo ng lahat. Ito ang pinagmumulan ng pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi ito kailanman maaaring sabihing tama, maging sa mata man ito ng Diyos o sa simpleng mga mata ng bawat nilikha. Hindi mo pwedeng bigyan ng “excuses” o “exception” ang pagiging gahaman. Kung sa palagay ng iba ay nakatutulong ang kasakiman sa takbo ng kapitalismo o globalisasyon, ito’y hindi totoo. Hindi naman kailangan na maging sakim muna bago makapagbigay ng magandang serbisyo o produkto. Maari pa ngang magkaroon ito ng mas masamang resulta. Kung baga sa pagbebenta, dahil sa pagiging sakim maaring may mga nagtitinda na sinisiraan ang tinda ng iba sa mga mamimili. Kaya nga sa aking palagay kailanman hindi ito makapagdudulot ng maganda. At gusto ko rin sanang idagdag na sa kapitalismo o globalisasyon, ang pagpapaganda ng serbisyo o produkto ay kaakibat ng kanilang hanapbuhay at parte ng kanilang tungkulin. HINDI ito kailanman maituturing na KASAKIMAN. At higit sa lahat ako ay naniniwala na ang pagiging gahaman ay talaga namang MALI at kahit saang aspeto mo pa ito tingnan patuloy pa rin itong magdudulot ng masama at di kanais-nais na epekto. Maaring may puntos ang simbahan ukol dito, pero para sa akin wala akong pakielam kung sino pa ang nagsabi na masama ito, basta ang alam ko hindi maganda ang naidudulot nito sa sangkatauhan.
Tingnan na lang natin ang ating sariling bansa, ang hindi pag-ahon nito ay nagmula sa pagiging gahaman. Magbibigay pa ako ng isang halimbawa. Sa kalsada, madalas tayong nakakaranas ng mabagal na pagusad ng sasakyan. Ito ay dahil lamang sa ang lahat ng drayber o tsuper ay nagnanais na makauna o makasingit kaya lalong nagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan kaya lalong bumabagal ang daloy nito. Ganyan din ang bansa natin, dahil sa kagustuhang makauna o makalamang kaya bumabagal din ang pag-unlad. Ito ang resulta ng kasakiman, kaya nga mariin kong inilalahad na wala talagang maitutulong ang pagiging sakim o gahaman.
Sa panahong ito, kung si Rizal ay nabubuhay pa, alam ko at naniniwala akong pareho lamang kami ng opinyon. Bilang isang makatao, hindi niya pahihintulutan ang ganitong sistema. Sa pagiging gahaman maraming tao ang masasagasaan. Kaya’t ako’y naniniwala na si Rizal ay hindi makapapayag dito, malamang sa siya ngayo’y lumalaban para sa mga mamamayang naapektohan ng kasakiman ng mga namumuno. Hindi niya nanaising danasin natin ang ganitong pagdurusa para sa kanilang kasakiman. Marahil siya ngayon ay gumagawa na ng mga reporma patungkol dito. Karapatan ng tao na makuha ang dapat na sa kanya. Ito na nga marahil ang pinalalaban ngayon ni Rizal.
Hindi natin marapat kunsintihin ang pagiging gahaman! Sapagkat dito rin nagsisimulang maghirap ang mahihirap at yumaman ang mayayaman!
SUCKER!!!
Yahoo!!! Still undefeated ang Pilipinas,, #1 pa rin sa korapsyon!! Atin pa rin ang titulo!! Yan ang pamana natin sa mga susunod pang mga henerasyon!! Yehey!! Sobrang kahanga-hanga ang galing ng Pinoy! Wow! Philippines! I Love Philippines! You’re the Best! Mahal ko ang aking bayan, tangkilikin natin ang sariling atin. (Nga pala, panalo pala si PA<man, wala lang). Hahaha….
Talaga bang likas ng gahaman ang ating lahi? Wala na bang pag-asang mabago ang ating pagkatao at pagkakakilanlan? Likas na ba talagang gahaman ang isang tao sa kadahilanang walang satispaksyon ang sangkatauhan sa kanilang kondisyon sa buhay at kailangan ng sumuri ng sumuri?
Sa kasalukuyan, korapsyon ang pangunahing problema’t dahilan ng pagkakalugmok ng ating bansa sa kahirapan. Napatunayan pa ito ng ZTE Deal starwitness Jun Lozada, isang graduate ng ECE sa Unibersidad ng Santo Tomas, na korap nga talaga ang ating gobyerno. Dati rati, mayaman naman ang ating bansa, may potensyal na umunlad, nakakasabay pa tayo sa agos ng mga developing countries noon tulad ng Japan, Korea, Vietnam, Singapore at iba pang bansa sa Asya. Ngunit anong nangyari sa Perlas ng Silangan, para na lamang itong isang mumurahing bato ngayon, napag-iwanan na. Sumpain ang korapsyon.
Gahaman nga ang tao, ngunit kapag napasobra, ito ang magiging una ring dahilan ng kanyang mabilisang pagkalugmok at pagkatalo. Dahil sa korapsyon, nasira nito ang ating moral (prinsipyo), morale (sigla), esteem (reputasyon) at trust (tiwala) natin sa ating sariling bansa at kakayahan. Isa talaga itong sakit na parang lason na unti-unting winawasak ang pagkatao hanggang sa makalimutan natin ang ating mga magagandang adhikain sa buhay. Grabe! Contagious din ito. Tila itong SARS. Kung tutuusin tayong mga Pilipino ay pinalaki naman sa tamang asal at gawi. Ngunit bakit ganoon??
Lahat ba talaga, critical na ang sakit at na wala ng lunas.. Hinihintay na lamang ang taning… At kung dumating man ang taning.. Hayaan na lamang maging gayon ang mga pangyayari..
Kapag sinabi kong, “Wala namang kwenta yang mga Pinoy na yan, wala namang pakialam yang mga lahing yan kung anuman ang mangyari sa kanilang paligid at panahon basta’t maayos naman ang kanilang kalagayan, walang problema, okeng ok. Mga mangmang naman yan. Makasarili naman lahat ng mga yan. Puro kanilang sarili lamang ang iniintindi nila. Walang kwenta ang mga lahing yan.”, maniniwala ba kayo kagad sa aking sinabi? o mag-iisip-isip muna? Si Rizal, bilang repormista, sa aking palagay ay mapupuot din sa ganitong kundisyon ng ating bansa dahil wala talaga sa ayos ang lahat. Gobyerno na siyang dapat maging tularan ng mga mamamayan ay siya pang nagiging masamang impluwensya sa mga kabataan at sa mga susunod pang henerasyon. Walang mangyayari kapag ito’y nagpatuloy dahil gagawin na naman ng bagong Pilipinas ang kagawian ng lumang Pilipinas.
marami ang sakim at mukhang pera pa
mga walanghiya tayo dinamay na
ano ang totoo tao’y litong-lito
dahil kagagawan nilang loko-loko
bakit ba ganito kahirap ang lahat
araw-araw na lng merong kalat-kalat
sadya bang magulo bansang pilipinas
merong mabubuti meron namang hudas
ang makasarili lalong umaangat
eh ang mahihirap puro buto’t balat
sana may mahiya saking sinasabi
dahil ito’y totoo at di sabi-sabi
sa aking pagtatapos nais kong linawin
lahat may sikreto aking inaamin
ngunit kung titignan malalaman ito
kaya anung silbi kung itatago mo
Greed: Deal or No Deal?
Likas sa kristiyano ang mapagparaya
Sa paniniwalang D’yos na ang bahala
Ang masakit lamang na katotohanan
Pagsasamantala ang pakay ng ilan.
Kurapsyo’y talamak dito sa ‘ting bansa
Malalaking isda ang nagpapasasa
Tao’y nilulunod sa kabulaanan
Nakukuha pa ring magbulagbulagan.
Kung si Jose Rizal ang s’yang tatanungin
Bilang isang tsino, ang sagot marahil
Isipan ay buksan, laya’y itamasa
Sa deregulasyon, makikompitensya.
Ngayon ang panahon sa isang pagbangon
Sumabay sa agos, sa hampas ng alon
Makipagsabayan wag magpapaloko
Sa mundong ibabaw, sa atin ang trono.
Uhaw sa Pagnanasa
Patay kang bata ka kung wala kang pera
Walang mapapala kung tatanga-tanga
Mayaman ka na nga ngunit gusto mo pa
Parang naglalaba ‘lang kasawa-sawa!
Tao’y ganito ba? Sadyang mandaraya
Ang pera ng iba, kinukuha mo pa
Kahit na bariya, dudukutin mo pa
Nag-iba ng mukha, nagmukha nang pera
Ikaw repormista, papayag ka lang ba?
Laman ng ‘yong bulsa, uubusin lang n’ya
Sa’n magsisimula? Kakayanin mo ba?
Taong mukhang pera, mapupuksa kaya?
Ang dulot ng pera, ‘yong pagkakasala
Masama ang sobra, kaya tumataba
Madadala mo ba? Pera mo sa lupa
Kapag namatay ka, ‘la kang madadala
Ano ang wakas?
Ano ba’ng kailangan nang ating maibsan
itong kahirapan na nararanasan?
Dahil sa korapsyon tayo ay nabaon
sa karalitaan at sa kaimbihan.
Ang aking sumamo ‘wag kang paloloko.
Sundin ang ‘yong puso ‘di sa ibang tao.
Tandaan lang ito at itaguyod mo
ang mga prinsipyo yaong mga wasto.
Sakaling tumambad sa iyong harapan
mga kasakiman na iniiwasan,
wag kang panghinaan to’y iyong labanan.
Ika’y pamarisan sa kadakilaan.
Rizal ma’y aayon, to’y iyong desisyon.
‘Sang malaking hamon, ikaw ba’y tutugon?
Kasakima’y lason, laganap sa lipon.
Dapat lang iwaksi san man naroroon.
~bloodred06
tanong ko lang ano ba ang pakay nila
inaalagaan ba nila ang masa
hingi lang ng hingi, walang maibuga
tingin lang ng tingin, wala nang ginawa
bakit ata hindi sila makontento
sa pera at yaman nila na mabaho
hindi ko talaga alam kung paano
nila natitiis magnakaw sa tao
mabuti sana kung mayroong nagawa
e wala, ano na? diba’t parang tanga?
diba puro sila sulat at salita
pasensya na, pero yun ang nakikita
tila habang buhay ba tayo ganito?
wala na talaga tayong natatamo
kung naghihirap ay mga nagiimbento
kung pinapaharap mga nagtatago
Tara Kapkapan ng Bulsa
tanong ko lang ano ba ang pakay nila
inaalagaan ba nila ang masa
hingi lang ng hingi, walang maibuga
tingin lang ng tingin, wala nang ginawa
bakit ata hindi sila makontento
sa pera at yaman nila na mabaho
hindi ko talaga alam kung paano
nila natitiis magnakaw sa tao
mabuti sana kung mayroong nagawa
e wala, ano na? diba’t parang tanga?
diba puro sila sulat at salita
pasensya na, pero yun ang nakikita
tila habang buhay ba tayo ganito?
wala na talaga tayong natatamo
kung naghihirap ay mga nagiimbento
kung pinapaharap mga nagtatago
Ugaling masama, dapat nang mawala
Kalikasan nga ba? Pagiging sugapa
Sa mata ng bata, ito’y di maganda
Sya na nga matanda, di magandang halimbawa
“sobra na! tama na!”, wika ng nagwelga
Kalokohan ng mga namamahala
Buong tapang ni nilahad ni Lozada
Katotohanan ba? O pamumulitika?
Imahe ng Palasyo di na maganda
Moralidad ng tao asan na nga ba?
Kanilang dinugas, pera ng manggagawa
Kahit nasa lupa, sunog na kaluluwa
Tayong mga pinoy, nag-away sa pera
Pangarap natin na pagkakaisa
Mistulang wala na, kalikasan nga ba?
Mga gahaman, dapat ng makonsensya.
Is democracy always accompanied with development?
Most developing countries are democratic but it does not mean that development is attained by democracy. Democracy must be driven by peformance, so that leaders will compete through effective and significant policies for the country’s growth and development. In this case, there is fear on their part that they might ousted from their position. Now, there is a need for them to be consistent on their work in lifting our economic status. In the Philippines, this is not the case, leaders are driven by disparity that results plunder. Their goal is to buy the people’s loyalty to attain monarchy in our government which manifests failure inh conducting and making a policy needed for the survival of our economy an society.
If Rizal is still around, he wall ask for reforms and maybe continue writing novels to awaken nationalism once more for a change. He might even have an organization publishing a newspaper that shows the imparity and the corruption of the government officials.
Ang sakim ay masama kahit san mo tignan
Sa mata ng Diyos ika’y makasalanan
Maging kuntento ka kung ano meron ka
Magpasalamat ka sa mga biyaya
Huwag mangurakot mga namumuno
Magbigay serbisyo ang tungkulin ninyo
Ang inyong isipin ang pangkalahatan
Hindi lang ang inyong mga kapakanan
Ang kaban ng bayan gamitin sa tama
Para sa ganoon walang maabala
Ating pagtulungan ang ikauunlad
Nang bayan lalo na mga sawing palad
Ang sobra’y masama, ang tama’y mabuti
Tayo’y matuto sa ‘ting mga mali
Magbigay ng daan sa ‘ting pagbabago
Upang sa ganoon matamo asenso
Greed is Good? Cheat code yan sa isang laro. Maharil totoo sa para sa iba, ngunit kasalanan sa ating simbahan. Ano nga ba ang kasakiman, ito ba ang pag nanais sa lahat ng bagay, pagnanais na makamit lahat sa kabila ng mga tagumpay na nakamit, pagnanais ng maraming kayamanan sa kabili ng estado sa buhay. Bakit nga ba ganid ang tao, marahil ito’y likas na sa atin o sadyang dahil tayo’y makasarili, tayo’y nag nanais ng mga bagay minsan ay suntok sa buwan. Gagawin ang lahat para makamit ang nais, kahit ito’y mag dudulot ng kasalanan. Pano nga ba natin lilimitahan ang kasakiman. Paano natin ito pipigilan? Isa sa mga solusyon dyan ang pagiging kuntento, pagpapasalamat na tayo’y nakakapag-aral, pagpapasalamat na tayo’y nakakakain ng tatlong beses isang. Samantala ang iba’y nanlilimos lang sa daanan, nanlilimos para mapunan ang tiyan. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano pa ba ang kulang? Ano pa ang kulang sa iyong buhay, ano pa ang iyong nais, ano pa ang iyos gusto. Malamanan ang tiyan, makakain tatlong beses isang araw, makapag-aral, mag karoon ng mga gadyets, o makapagtapos ng may dangal. “Aim High” nga daw sabi nila, kuhanin mo kung anong pede mong makuha, ngunit huwag na huwag mong kukuhanin ang hindi sayo. Hindi dahil sa takot mo sa diyos ngunit dahil ito’y mali saan mang aspeto ng buhay. Kaya naman nating limitahan ang kasakiman. Nasa satin kung pano ito sisimulan, pagtitimpi at pagpapasalamat sa mga bagay na meron tayo ngayon.
Kung si Rizal sa liberal na aspesto. Wala syang magagawa kung sadyang sakim ang tao. Anong magagawa nya? Kaya ba ngang baguhin sa isang iglap ang ating pananaw sa buhay? Maharil kaya nga ngunit baka abutin ng daang taon bago maintindihan ng tao ang kanyang nais palabasin. Hindi naman laging nakakasama ang kasakiman lalo na sa takbo ng produkto at presyo ng bilihin.
BUWAYA NG LIPUNAN
Sakim na isipan, gawang mapanlamang
Kaylan matatapos itong kayamuan
Bakit di baguhin, buksan and isipan
At ating lutasin problema ng bayan.
Mga politiking hangad ay salapi
Nawa’y ang kunsensya ang s’yang mamalagi
Korapsyon sa bayan, dinulot ay hikbi
Dala’y kahirapan sa bayan kong sawi.
Kawawa naman ‘tong mga mamamayan
Na sadyang umasa sa kaban ng bayan
Aping taumbayan, parang ninakawan
Bakit binubulsa itong kayamanan.
Sa kontekstong ito’y nawa ay makintal
Mga politikong, hatid ay sagabal
Itong kasakiman di mabuting asal
‘Pagkat dulot nito’y bansang walang dangal.
greed. . . pangunahing problema sa iba’t ibang bansa sa ating mundo ngayon. . . at kabilang ang ating bansa doon. . . sa pamahalaan pa lamang makikita na nating hindi mapigilan ang paglala ng problemang ito. . . ang tao nga ba ay loikas na sakim sa makamundong kayamanan at kapangyarihan??. . . para sa akin ay hindi. .. sa aking palagay ang bawat tao ay nagiging sakim lamang dahil sa kanilang mga karanasan sa buhay. . ang mga mayayamang galing sa hirap ay takot na itong maranasan kung kayat guz2 na nilang yumaman na yumaman para ndi na din ito maranasan ng kanilang mjagiging anak pagdating na panahon. . . sa mahihirap naman. . .guyz2 nilang makaahon sa kiahirapan para hindfi na maranasan ang kahirapang kanilang nararanasan sa ngayon. . . .pero alam ninyo. . .sa kahit anu pang dahilan ang pagiging sakim ay masama pa rin. . . yan ay naaayon sa turo sa atin sa simbahan dahil isa ito sa mga hindi magagandang asal ng tao.
sa aking palagay. .. si jose rizal. . . bilang isang intsik,liberal,repormista at propagandista, ay hindi nanaising mangyari ang nakasaad na sulatin dahil sa atinhg nakakaita. . .ang bawat mamamayan ay naghihirap para kumita at pagkatapos ay magbayad ng buwis para sa ikauunlad ng bansa at tapos ay kukurakutin lamang ng mga opisyal na sakim.. . ndi naman ata tama ang gayon. . . kung ang lahat ng tao ay magpapasakop sa kanikanilang pansariling kagus2han. . . walang mangyayari sa ating bayan kundi8 kaguluhan at walang kaunlaran. . .
waaaaaaaaaa. . ..
MASAMA ANG KASAKIMAN
Bakit papayagang maghari ang sakim
Kung epekto nito’y pagkapa sa dilim?
Ang pagkokonsinti sa ganid na gawa
Walang pinag-iba sa gahamang lanta.
Ano ang gagawin upang malunasan
Ang sakit na tawag nila’y kasakiman?
Sagot ay pag-iwas mula sa sistemang
Nakaugalian ang tiwali’t yabang.
Si Rizal na bantog sa prinsipyo’t dangal
Alam na masama ang sakim at bawal.
Bilang repormista, siya’y magsusulat
Upang ang prinsipyo ay maisiwalat.
Pero paano na kung likas na ganid
Mataniman kaya ng konsensyang tuwid?
Ang sagot ni Rizal ay deregulasyon
Kailangan lamang, tao ay umahon.
GREEDIEGO!
senxa n ulet sir sa title ahh.. greediego kasi poh.. kayopoh nagexplain ng greed.. aun poh…
ahe4..
!GLORIA RESIGN!
(///^.) Aking di Makita, itong demokrasya (///^.)
(///^.) Sa ati’y pahirap, sa iba ay grasya (///^.)
(///^.) Ano ba ang dapat, sa baya’y mangyari? (///^.)
(///^.) Kaylangan ba lahat, tayo’y magiging pari? (///^.)
(///^.) Tayo ay nagluklok, lider nating binoto?!?!? (///^.)
(///^.) Sila ba ay dapat?! Oh mga utak PUTO?!? (///^.)
(///^.) Katotohan ba’y si GLORIA’y nanalo? (///^.)
(///^.) Oh GLORIA’ng nagbayad, kaya POE natalo? (///^.)
(///^.) Kay sakit isiping bayaning si Rizal (///^.)
(///^.) Ay wlang tiwala sa kapwa nya pinoy (///^.)
(///^.) Bakit siya’ng napili’t tayo’y kanyang sakmal? (///^.)
(///^.) Tayo ba’y sirena’t si Rizal ang SHOKOY?!? (///^.)
(///^.) Aking napagtanto, Rizal na bayani.. (///^.)
(///^.) Itong demokrasya’y kanyang itatanggi… (///^.)
(///^.) Maaring siya’y tama, pwede naming mali.. (///^.)
(///^.) Diba demokrasya?!? Bakit ito’y BALI?!? (///^.)
!GLORIA RESIGN! demokrasya daw!!!
ITZ ZUMMER TYM!..
E-mode..
waaaahhhh.. sorrryyyy poh sir.. mali poh ung napost koh! sa democracy poh ung nauna.. sorry poh talaga sir!
GREEDIEGO..
(^^,) Ako’y may nalaman.., katagang “greed is good” (,^^)
(^^,) Mga tao sa pera’y, tila sobrang mudmod (,^^)
(^^,) Ito ba’y natural o lubhang abnormal? (,^^)
(^^,) For sure taong ito’y sa mukha’y may tapal (,^^)
(^^,) Bakit ba ganito itong ating bayan? (,^^)
(^^,) Ang mga mahihirap, lalong humihirap(,^^)
(^^,) Ang mga mayayaman, lalong yumayaman (,^^)
(^^,) Pa’no nalang sila, bihira ang sarap (,^^)
(^^,) Msakit isipin, gan’tong nangyayari (,^^)
(^^,) Dito sa’ting baying walang nangyayari (,^^)
(^^,) Kung nandito lamang, bayaning si Rizal (,^^)
(^^,) Kanyang sinultan, mukhang makakapal (,^^)
(^^,) Aking tinitiyak, kanyang pagkondena (,^^)
(^^,) Lalo na sa lider na tila pirata (,^^)
(^^,) Siya’y magsusulat, nobelang pangkalat (,^^)
(^^,) Upang ang gahaman, mayroong katapat! (,^^)
(^^,) ohh yeaaahhh… summer nah! (,^^)
sorryy sir ahh.. mali ung una kong post.. tzktzktzktzk..
TC PALAGE..
yaz..
kapit sa patalim
Marami sa atin ang likas na sakim
puso’t kaluluwa ay galing sa dilim
nagbabalatkayo, ang budhi ay itim
sa ati’y marami hawak ay patalim
Si Rizal ay laban sa katiwalian
siya ay lumaban gamit pahayagan
sa kanyang layunin na itoy pigilan
para nga mapiyol ang gantong usapan
Sapagkat marami mga naghahangad
na yaong maabot ng mga mapalad
itong mga rurok mistulang hinagad
ang kapangyarihan ay lalong lumapad
ang umiidulo ay nais bawasan
ang pagpapalalo sa kapangyarihan
maduming gobyerno ay nais iwasan
upang mapagtanto mga kamalian
MAHIYA KAYO!
Hindi ko na kayang ikubli ang galit
sa mga kurakot na puno ng inggit
kan’lang mga dila, sa pera ay lawit!
Matalino, wais, magaling manungkit!
Mahirap tanggalin sa pwesto ang sakim
parang lintang-dikit, ‘di maalis sa tanim,
kayang baluktutin kahit ‘sang patalim
gamit’ng nakaw-yaman, kapangyarihang itim.
Dapat’ng kasakiman mawalang tuluyan
Ito’y walang dulot kundi kasamaan
Ang mga gahaman dapat parusahan,
Dahil sa kanila tayo’y nahihirapan.
‘Wag nating hintaying lumala ang sakit
gamutin ang sugat, tanggalin ang kawit
Hindi magtatagal lunas’y maniniit,
Hanggang sa tagumpay’y yakap nang mahigpit!
Bilang si Jose Rizal na isang liberal, marapat lang na panatilihin and pagiging gahaman at pakinabangan nalang. Tulad ng balak niyang asimilasyon, paggamit niya sa Espanya upang tayo’y umunlad, ganito rin niya gagamitin ang pagiging likas na gahaman ng tao tungo sa kaunlaran. Nagiging masama lamang ang pagiging gahaman kung ito’y makakahamak na ng ibang tao, ngunit kung hindi makakaapak ng ibang tao at naroon parin ang pagnanasa na makaangat, di ba’t hindi naman ito masama at uunlad pa ang bansa.
May hanggan pa ba?
Ang kapangyarihan ay sa mayayaman
Kanila ang lahat, tayo ba’y may laban?
Pagsisinungaling ay isang libangan
May pag asa pa ba? Meron pa bang hanggan?
Hindi sila kontento sa kanilang yaman
Tuloy parin sila sa panggagahaman
Walang pakialam sa ting’ mamamayan
sila ay nagnakaw, sila ba ay hibang?
Ang katotohanan, nasaan na nga ba?
Tunay ba ang lahat? meron pa bang iba?
May pag asa pa ba?lahat nangangamba
tunay na mahirap ang bansang nagiba
Sana nandito ka upang lumaban
Ilabas na lahat ng katotohanan
tayong mga pinoy ay naliwanagan
Ginamit ang lahat ng iyong naiwan
Ang Pinoy likas na gahaman dati pa
Ito’y tradisyon natin at kultura
Di mapigilan itong mentalidad
Pagiging gahaman tayo’y number One na!
Ang isang baluktot di na mtutuwid
Kahit kailanma’y di na maapid
Pagiging gahaman salot sa ‘ting bayan
Ang mga buwaya dapat pahirapan.
Ang pagkagahman dapat alisin
Maling kaisipan dapat linisin
Walang mangyayari kung ito’y gagawin
Pati pag-asa ng baya’y mamanahin.
Ang pagkagahaman di makakabuti
Sa ‘sang bayang puno na nang pang-aapi
Di dapat bawasan! T’oy dapat sugpuin!
Sana’y may bukas pa para t’oy baguhin…
♪ 貪欲を緩和して下さいか。♪
Paalam sa Pagkakorap
Bilang ‘sang liberal ipaglalaban n’ya
Bansang Pilipinas sa mga buwaya,
Gahaman sa pera at kapangyarihan
Para sa sariling pangangailangan.
Bilang repormista kanyang sasabihin
Sa TV, sa radyo at sa internet din,
“Kapwa Pilipino ating bigyang pansin
sa’ting kalikasan korupsiyo’y alisin”
“Pagiging sugapa ang iyo ba’y sagot
upang ang tagumpay ay iyong maabot?
Hindi mo ba alam na ikaw ay salot
na sa isang araw ay siyang mananagot?”
“Habang may panahon inyo ng baguhin
ang inyong imahe’t masamang gawain,
Korupsiyo’y sang usok lumalason sa’tin
‘Wag nating hayaan kundi ay pigilin
♫ sinadya kong ipa last minute.. hehe ♫
Sadyang likas na sa mga Pilipinoang pagiging sakim. Pagkasakim na nagmula pa sa naging karanasan natin sa mga Espanyol. Ninakawan nila tayo at inalipusta na sa ati’y nagpahirap. Kaya nang tayo’y lumaya na, natakot tayong maghirap ulit at danasin muli ang pang-aapi ng iba na naging sanhi ng pagiging gahaman ng mga Pilipino. Naging sakit na natin ito na sa bawat bagay na gagawin natin, lagi tayong nag-iisip ng pansariling kapakanan. Para sa akin kapag hinadlangan mo ang isang tao, mas gagawa siya ng paraan para masunod lang ang gusto niya. Ito ay dahil natural na ito sa tao. Gayundin sa kanilang pagiging gahaman. Kaya kapag lalo pa natin silang pinigilan, mas lalala ang mga sitwasyon. Kaya mabuti pa ngang payagan na lang natin ang pagiging gahaman ng tao. Maaari pang maging daan ito tungo sa pag-unlad dahil lahat ng tao’y gagawa ng paraan para mabuhay at makuha ang gugustuhin niya.
Kung buhay si Rizal sa panahong ito, mamarapatin niyang ilebel ang kasakiman na kung saan ay walang maaapakang karapatan ng iba. Gusgustuhin niyang maging pantay pantay na lang ang lahat ng Pilipino na gamitin natin ang pagiging gahaman para tayo ay umunlad. Mag-uudyok din ito ng globalisasyon at kompetisyon sa isa’t isa na maaari nating mapakinabangan sa paglaon ng panahon.
GAHAMAN BA YOU?
Sadyang likas na sa mga Pilipinoang pagiging sakim. Pagkasakim na nagmula pa sa naging karanasan natin sa mga Espanyol. Ninakawan nila tayo at inalipusta na sa ati’y nagpahirap. Kaya nang tayo’y lumaya na, natakot tayong maghirap ulit at danasin muli ang pang-aapi ng iba na naging sanhi ng pagiging gahaman ng mga Pilipino. Naging sakit na natin ito na sa bawat bagay na gagawin natin, lagi tayong nag-iisip ng pansariling kapakanan. Para sa akin kapag hinadlangan mo ang isang tao, mas gagawa siya ng paraan para masunod lang ang gusto niya. Ito ay dahil natural na ito sa tao. Gayundin sa kanilang pagiging gahaman. Kaya kapag lalo pa natin silang pinigilan, mas lalala ang mga sitwasyon. Kaya mabuti pa ngang payagan na lang natin ang pagiging gahaman ng tao. Maaari pang maging daan ito tungo sa pag-unlad dahil lahat ng tao’y gagawa ng paraan para mabuhay at makuha ang gugustuhin niya.
Kung buhay si Rizal sa panahong ito, mamarapatin niyang ilebel ang kasakiman na kung saan ay walang maaapakang karapatan ng iba. Gusgustuhin niyang maging pantay pantay na lang ang lahat ng Pilipino na gamitin natin ang pagiging gahaman para tayo ay umunlad. Mag-uudyok din ito ng globalisasyon at kompetisyon sa isa’t isa na maaari nating mapakinabangan sa paglaon ng panahon.
Lahat ng tao ay may kanikanilang mga SARILING INTEREST. Lumamang, umangat at higitan ang kanilang kapwa tao maski na ito ay magdudulot ng pagkasira sa isang magandang pagsasama. Wala naman sigurong masama kung ating titignan. hinahangad lang naman natin na magawan ng paraan upang mapabuti ang sarili kung tayo man ay nahaharap sa panganib. Pero kung iisipin mabuti, mas maganda kung ang iyong iisipin ay para sa kapakanan ng lahat.
Wag nating sisihin ang panahon at ang historya sa likod nito. naniniwala ako na nasa bawat tao ang desisyon upang baguhin at tanggalin na sa sistema ang tradisyonal na gawain. Survival of the fittest nga talaga sa panahon na ito. Maging praktikal ika nga. Pero naniniwala ako na mas nananaig parin ang puso kesa sa UTAK. CONSENSYA AT TAKOT SA DIYOS.!
Ano ba ang dapat para sa ating bansa?
Anong pagbabago ang kailangan natin?
Ang pagiging greedy, ‘di daw masama
Dahil nga sa iba, ito’y nakatulong
Pero sa ating lagay, ang sakim, masama
Dapat tanggalin ‘to sa isip ng tao
Dahil sa Pinas, ito’y mukhang masama
Kristyanong totoo, sakim, dala’y gulo
Ngunit kung ang tao ay likas na sakim
Ay dapat ayusin ang problemang ito
Tayong mga tao, matutong makuntento
Upang ating bansa, mawalan ng sakim
Sa pagiging sakim, minsa’y nakabuti
Pero ang greed regulation, tingin ko’y maganda
At mas epektibo ‘pag ang pulitika
Ay di mabahiran, walang pagsisisi
haha craming
Kahayupan…
Masama kung wala, masama kung sobra
Lahat naghahangad, ngunit ‘di makuha
Dapat pagsikapan, at huwag manguha
Pagiging gahama’y mga isinusumpa
Sa mga kagubatan, ang leo’y gahaman
Pagiging mga sakim, isang katangian
Mga hayop ng baya’y ‘di gutom sa yaman
Kan’lang ninakawan, kawawang talunan
Sanhi ng delubyo’y, mga pagpapasakit
At pangungurakot ng buewitreng bwisit
Gamit ang mga sungay, sa kan’lang pagsungkit
Sa bayang may kabang kinolektang pilit
Narapat sana’y, piringan ang mata
Ibusal ang labi’t igapos kadena
Ngunit ating Rizal, ‘di ‘to magagawa
Kaya’t kayo diyan, dapat magbago na!
… inspired by d lions on tv, haha…
-MAGKALAPIT ANG PULITIKA AT REBULTO NI RIZAL-
‘Maglingkod ng tapat hanggang kamatayan’
Mga pariralang minsan nang iniwan
Ngunit ang pangako, tila ba napako
Nalimot ng todo, pag-upo sa trono.
Iniwang salita, saan na napunta?
Matamis na dila, naputol na bigla
Matapos makita, kaban ng salapi
Prinsipyo ni bata, napaisantabi.
Lubha ngang makapal, mga pulitiko
Tapos ng trabaho, simbahan ang tungo
Sa oras ng misa, mistula syang tupa
Sa kanyang opisina, sinasamba’y pera.
Dapat nang matigil, yaong kasakiman
Puksaing tuluyan, ‘wag nang pamarisan
Walang patutunguhan kung kukunsintihin
Ang pagkagahaman at maling gawain.
-Colorless green ideas sleep furiously-
-yubercLone07-
hindi maalis sa isang tao ang pagnanais niyang makuha ang lahat ng kanyang pangangailangan. sino ba sa atin ang gustong magutom, sino ba sa atin ang gustong manirahan sa kalye, sino ba sa atin ang may gustong magutom at hindi mapaaral ang ating mga anak sa magandang paaralan. hindi wala naman talagang taong nais sa matinding kahirapan. ngunit kahit kailan hindi dapat maging solusyon ang kasakiman sa kahirapan. lahat naman tayo ay maaring mabuhay sa simpleng paraan. ang mapakain lamang ating ating mga anak ng tatlong beses higit pa sa isang araw, ang mabigyan natin ang ating mga anak ng tamang edukasyon, at ang maisilong ang ating mga anak sa isang bahay, hindi man malaki ay puno naman ng pagmamahal. hindi masamang mangarap ngunit dapat nating tandaan na sa pagkamit natin sa ating mga pangarap dapat ay wala tayong natatapakang ibang tao, dahil ang mga taong ito na ating tinatapakan ay may sarili ding pangarap sa buhay.
kung si rizal ay nabubuhay sa panahon ngayon. maaaring isa siya sa mga kumukondena sa mga sakim natin pinuno. maaring libu-libo na ang naisulat tungkol sa katiwaliang ginagawa ng mga pinunong sakim. maaaring isa na rin siya sa humuhingi ng pagbabago sa ating bansa upang mabawasan ang kahirapan at kaguluhan sa ating bansa. kung baga, “you have to balance your greed and your conscience”.
Ang tao ay ginawang nagtataglay ng mga hindi kaaya-ayang mga bagay, tulad nalang ng pagkasakin at pagkagahaman. Natural nalang sa tao na maghangad pa ng mas madami kaysa sa kung ano ang meron tayo. Sa gobyerno ay hindi naiiwasan ng mga katiwaliang hated ng pagkasakim ng isang pulitiko. Dinadaan sa regulasyon ang gawaing ito. Pinaparusahan ang sino mang nanggagahaman ng mga bagay na di lang dapat siya ang makinabang. Ngunit kahit anong gawin ay hindi parin talaga nahihinto ang gawaing ito. Sa palagay ko ay pipiliin ni Rizal na kalabanin ang isang gahaman gamit ang isa pang gahaman. Kalabanin ang apoy gamit ang apoy ika nga. Sa pamamagitan nito ay mapipilitan ang mga nangungurakot na umaksyon at pagbutihin ang kanilang paglilingkod dahil kung hindi ay maaari silang paalisin sa kanilang pwesto.
Wala na nga sigurong tatalo sa pilipinas. Corruption, gambling, below the table atbp mga maiisip upang makuha lamang ang kanilang kagustuhan, Kagustuhan na yumaman sa MARUMING PARAAN. lahat ng tao ay may sariling interest. wala na sigurong tatalo sa pilipinas sa pagiging maparaan at maabilidad. pero nakakalungkot man, ginagamit ito sa paraan na kung saan nandito ka palang sa mundo, sunog na sunog na iyong kaluluwa. Hindi maiaalis na sa kulturang pilipino marahil din ito ay nagdulot ng kagandahan sa bansa noong nakikipaglaban pa ang ating mga bayani sa mga dayuhan. masama ang maging sakim, pero sa kagipitan na ng panahon….. KAKAPIT KA BA???
Immoderate man ang greed, greed parin ito. mabawasan man o lumubos, greed parin itong maituturing.
panahon na sigurong alisin na sa dictionary ng pilipinas ang salitang GREED. pero kung aalisin man ito, mabubuhay at mabubuhay parin ito hanggang may AKO AT IKAW.
-arn-arn!
maraming salamat sa 1-16!!!!
Naniniwala ako na likas sa tao ang ang pagiging gahaman. Pero naniniwala din ako na maaari natin itong pigilan kung tayo ay may tunay na konsensiya. Totoo na hindi nakukuntento ang ang tao. Pero dapat natin isaalang-ala na walang naidudulot na maganda ang sobra-sobra o ang pagkalabis. Dapat ay sapat lang ang ating mga ninanais. Matuto dapat tayo na makuntento sa kung anung meron tayo. Kung ganito mag-isip ang bawat isa, panigurado na walang kurapsyon at ang lahat ay masaya at kuntento sa buhay.
Sa aking palagay, hindi pa natin lubusan na naiintindihan ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang kristiyano. Dahil kung naiintindihan na natin ito, bakit marami pa ring gahaman sa gobyerno? Bakit talamak pa din ang kurapsyon? Mapipigil lang ang pagiging gahaman ng tao kung uunawain at iintindihin natin ang tunay na kahulugan ng pagiging kristiyano dahil tinuturo dito ang kahalagahan ng pagiging kuntento sa buhay.
Since ang bawat isa ay may kanya kanyang pananaw at opinyon, naniniwala ako na dapat deregulahin ang greed. Dahil kung ito’y madederegulate, magkakaroon ng kumpetisyon sa pamumuno. Dahil dito, ang bawat namumuno ay gagawa ng paraan upang sila’y maging epektibo upang makalamang sa kumpetisyon. Magkakaroon ng pag-unlad dahil sa kumpetisyon na magreresulta sa pagkakuntento ng marami. Pero dapat munang isaalang-ala ang karapatan ng bawat mamamayan. May karapatan ang tao na humadlang kung sa tingin nila ay hindi ito makakabuti para sa kanila. Bale ang tao ang tagapamagitan sa mga nagkukumpetensya.
Si Rizal bilang repormista at liberal ay mauunawaan ito dahil paniguradong bukas ang kanyang isipan para sa pagbabago. Naniniwala din ako na sasang-ayon siya dahil hindi naman ito nakakalabag sa karapatang pantao. Alam ko na ninanais din niya na umunlad ang marami kaya wala sigurong dahilan para siya ay kumontra.
(Sori now lng….hehehe…XD)
Kahit na sabihin natin na maaaring sadyang gahaman ang tao ay hindi ito rason upang hayaan lamang ito. Naniniwala ako na hindi laging kagandahan ang kalalabasan kapag hinayaan lamang natin ang pagiging gahaman ng bawat isa. Kung hahayaan ang pagkagahaman ng tao at lalo itong lumala, mapupunta ito mula sa pagunlad papunta sa pagbagsak. Dahil hindi matugunan ang pagkagahaman ng tao, hindi sapat ang pagunlad na maaari niyang maibigay sa mga produkto. At isa pa, maghahanap lamang siya ng paraan upang mapadali ang pagkuha ng malalaki at mas maraming kayamanan.
Sa aking palagay naman sa paningin ni Rizal, hahayaan niya ito. Bilang isang liberal, magugustuhan niya na matututong umunlad ang tao sa pagiging gahaman. Kahit na ang katapusan nito ay lalong magiging gahaman ang mga tao. Ngunit, maaaring tanggihan niya rin ang paghahaya sa pagkagahaman sapagkat ito rin ang nagiging base ng kapangyarihan para sa ilan. At sa aking palagay, gugustuhin ni Rizal na maging pantay pantay ang tao.
Is it really possible to totally eliminate greed in one’s system? I don’t think so. If Rizal was alive today, I think he would go with what his “co-Tsinoy” Jun Lozada said. People should learn to moderate their greed, especially those people in politics. If greed gets the best of them, they would most probably convert public goods for their own private use, which is definitely not right. Political people tend to become selfish and does things that are not right because of their greed and will absolutely affect the majority. It is a person’s nature to be greedy once in a while, but one should be able to moderate it, if not totally eliminate it, for too much of anything is bad.