Malayang Kaisipan (Kaisipang Liberal)
“Dantaon ng pagkamulat” ang turing sa ika-labing siyam na siglo. Makaraan ang halos dalawang dantaon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa siglo na ito napukaw ang matagal nang nahimlay na damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang malayang kaisipan (kaisipang liberal) ay isang pilosopiya na naka-ugat sa paniniwala na likas sa tao ang may kasarinlan. Ito ang pilosopiya ng “Panahon ng Kamulatan” (Age of Enlightenment) na umusbong at namayagpag sa Europa bilang puna sa mga pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga hari at reyna. Kaisipan ito na kumikilala na likas sa bawat tao ang malayang tupdin ang anumang hiling na itinatakda nya para sa sarili. Ibig sabihin, bawat tao ay nararapat ituring palagi bilang tao na may mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) at hindi bilang bagay o kasangkapan lamang (instrumental worth).
Ang malayang kaisipan na ito ang nagsilbing inspirasyon ng rebolusyong Amerikano at rebolusyong Frances. Ito ay mga pag-aalsa na may bukod tanging layon na palayain ang bawat tao sa mapaniil na kaisipan na mga alipin lamang sila ng mga nasa kapangyarihan. Samakatuwid, ito ay mga pag-aalsa para bawiin ang mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) na ninakaw sa kanila ng mapang-aping kaisipan na nagtuturing sa kanila bilang mga hamak na bagay o kasangkapan (instrumental worth) lamang sa mga hiling na itinakda para sa kanila ng mga nasa kapangyarihan.
Nakarating sa Pilipinas ang malakas na daluyong ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa pamamagitan ng pagbukas ng Kanal Suez at ang paglahok ng Pilipinas sa kalakalang galyon. Napabilis ang paghatid ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) bunsod rin ng laganap na kultura ng paglimbag bilang larangan ng propaganda na binigyang daan ng pagka-imbento ng imprenta ni Gutenberg.
Sina Jose Rizal, kasama ang iba pang mga nakapag-aral sa Europa, silang mga tumugon sa hamon na iniwan ng GomBurZa at ng iba pang mga martir, ay buong giting na pinanghawakan, pinanindigan at pinalaganap ang mga aralin ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa kanilang mga akda.
Paano namulat ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong ika-labing siyam na siglo?
Paano nabigyang buhay ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan?
Nang biglang dumating / tayo’y naging api
Ang mga dayuhan / baklang mga tuli
Gusto nang sumigaw / kaba’y namalagi
Nung una’y natakot / itong mga ari
Mga Pilipino’y / natutong lumaban
Kanilang sarili’y / bigyang katarungan
Mabigyang liwanag / puso at isipan
Nang maging malaya / sa mga kalaban
Dahil sa makata / isip ay lumawak
Ngunit ang kastila / humigpit ang hawak
Nang tayo’y lumaban / tayo ay natadyak
Subalit sa huli / kastila’y nawasak
Nang dahil kay Rizal / na isang bayani
Isipang liberal / sa ati’y malagi
Nagbigay ng buhay / namulat sa mali
Malaya na tayo / di na nakatali
Panahon ng lagim / at ng karahasan
Sumiklab sa ating / bayang tinubuan
Puso at damdaming / di inaasahan
Namulat sa ganap / na katotohanan
-Gracita Diez
Ang puso’y nasaktan / walang pagkatao
Tayo’y Pilipino / bansang dumudugo
Panahon naglipas / tayo’y di napako
Pagmulat ng isip / dala’y pagbabago
-Noel Geologo
Tayo’y makibagay / sa lahat ng tao
‘Wag natin isiping / tayo’y mabibigo
Kung ikaw ay tama / wag kang magtatago
ng sa bandang huli / ikaw ang panalo
-Jerome Garcia
Sila ay binusog / para di mahulog
Malakas na tabang / palitan ng tapang
Habang may tatsulok / tuloy ang pag-amok
Binaon ang ‘spadang / huhukay nilalang
-Paolo Enriquez
Panahon na ito / ay sa pagbabago
Upang makalaya /sa pagkabilanggo
Tanging kailanga’y / magkaisa tayo
At isipin natin / pantay-pantay tayo
-Joniel Faytaren
Eileen eto na ung gawa ko sa malayang kaisipan, pakisabay na lng dun sa gawa ninyo…
baka kasi hindi ako makapasok ngaung friday eh….
kaya ipopost ko na lng dito…
[karlo]
Kailangan natin/ ng malayang isipan,
nang ating makamtan/ ating kalayaan.
Paglayang kailangan/ ng ating isipan,
ng ating masugpo/ ang sakit ng bayan.
Ang bansang Espanya’y / hindi naging pantay.
Ginawang alipin / bayang nahihimlay.
Laging sumusunod, / hindi sumusuway.
bayang naghihirap, / bansang nalulumbay.
-Hernandez
Pagsulat ni Rizal, / ang baya’y namulat.
Sa pagkakalaya / ng bayang maalat.
Tao’y napagbuklod / sa kanyang pagsulat.
Paglaya ng bayan, / mithing di masukat.
-Leonor
Pagkapantay-pantay / ang kanilang nais.
gusto nang putulin / ang pagmamalabis.
kahit yaong buhay / kanilang binuwis.
upang ipaglaban / bayang naaamis.
-Lim
Ating nabatid ang / bagong kaisipan
Ang dahilan bakit / sila’y ating pasan
Sa diskriminasyon / wala tayong laban
Ating Isabuhay / ating kalayaan!
– Eileen Ocampo
Ang mga dayuhan / na pinilit manakop
Sa pagiging mangmang / tao’y nasakop
Mga Pilipino / natutong lumaban
Sa pagkakatali / tayo ay lumaban
– Carlo Pacia
Kailangan natin / ng malayang isipan,
Nang ating makamtan / ating kalayaan.
Paglayang kailangan / ng ating isipan,
Ng ating masugpo / ang sakit ng bayan.
– Karlo Pagunuran
ang mga kastila, nang silay dumating
pakunwari nila, kakampi’y ituring
sa mga mabait, sila’y ihambing
mga prayleng huwad, kunwari’y malambing
lumipas ang araw, sila’y nang abuso
mga gahaman nga, sila ay tuso
hindi na naawa, maitim ang puso
kumamkam ng pera, pang-api’y inuso
tayo nga’y namulat, sa kanilang pakay
ang poot at galit, malalim sa hukay
sila’y gagantihan, hanggang maging bangkay
ang ating paglaya, pangarap na akay
sa mga bayani, kami’y nagpupugay
liberal na isip, daa’y ibinigay
maraming salamat, sa lahat ng bagay
tayo’y malaya na, tayo ay tumagay
nice..ganda naman ng mga nabasa ko..keep up the good work..
nice work.. it did help me well.. thank you ..:D
cute
dfhhd
Ano ang ansewe keys sa malayang kaispan
Ano ang ansewe keys sa malayang kaispan
Ano ang ansewe keys sa malayang kaispan
NICe nice.. it did help me again,..:D great job.. š for passing the assignment..:D
Ano ang ibig sabihin ng kaisipang ng kaisipang liberal?
this is realy great for the researcher