Malayang Kaisipan (Kaisipang Liberal)
“Dantaon ng pagkamulat” ang turing sa ika-labing siyam na siglo. Makaraan ang halos dalawang dantaon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa siglo na ito napukaw ang matagal nang nahimlay na damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang malayang kaisipan (kaisipang liberal) ay isang pilosopiya na naka-ugat sa paniniwala na likas sa tao ang may kasarinlan. Ito ang pilosopiya ng “Panahon ng Kamulatan” (Age of Enlightenment) na umusbong at namayagpag sa Europa bilang puna sa mga pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga hari at reyna. Kaisipan ito na kumikilala na likas sa bawat tao ang malayang tupdin ang anumang hiling na itinatakda nya para sa sarili. Ibig sabihin, bawat tao ay nararapat ituring palagi bilang tao na may mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) at hindi bilang bagay o kasangkapan lamang (instrumental worth).
Ang malayang kaisipan na ito ang nagsilbing inspirasyon ng rebolusyong Amerikano at rebolusyong Frances. Ito ay mga pag-aalsa na may bukod tanging layon na palayain ang bawat tao sa mapaniil na kaisipan na mga alipin lamang sila ng mga nasa kapangyarihan. Samakatuwid, ito ay mga pag-aalsa para bawiin ang mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) na ninakaw sa kanila ng mapang-aping kaisipan na nagtuturing sa kanila bilang mga hamak na bagay o kasangkapan (instrumental worth) lamang sa mga hiling na itinakda para sa kanila ng mga nasa kapangyarihan.
Nakarating sa Pilipinas ang malakas na daluyong ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa pamamagitan ng pagbukas ng Kanal Suez at ang paglahok ng Pilipinas sa kalakalang galyon. Napabilis ang paghatid ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) bunsod rin ng laganap na kultura ng paglimbag bilang larangan ng propaganda na binigyang daan ng pagka-imbento ng imprenta ni Gutenberg.
Sina Jose Rizal, kasama ang iba pang mga nakapag-aral sa Europa, silang mga tumugon sa hamon na iniwan ng GomBurZa at ng iba pang mga martir, ay buong giting na pinanghawakan, pinanindigan at pinalaganap ang mga aralin ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa kanilang mga akda.
Paano namulat ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong ika-labing siyam na siglo?
Paano nabigyang buhay ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan?
BAYAN
Bakit tayo ngayon, sang malayang bayan
liberalismo ba, ang kadahilanan?
at ito rin nfa ba, ang syang kasagutan
kung bakit tayo ay tuloy ang paglaban.
Isang kaisipang sati’y nagligtas
sa mga karahas at kaabusuhan.
Isip na liberal maging pamantayan
upang mapasatin sinilangang bayan.
Pag-ibig sa bayan, di mahahadlangan
kahit sino paman, hangang kamatayan.
Lupang sinilangan, di mapapatayan
sino mang dayuhan at ano mang yaman.
DAKILANG TUNAY
Siglong labing-siyam, gulo’y naranasan
Aking Pilipinas, api’y walang hanggan
Indio’y naghihirap, kanser sa lipunan
Sa sobrang hinagpis, diwa’y nabuhayan
Sa ‘tin pinagkait, laya’t karapatan
Mga pag-abuso, dala’y kahinaan
Pilipinong mangmang, turing ay basahan
Tayo ay binulag sa katotohanan
Sa diskriminasyon, di na sumang-ayon
Pagbabagong nais, s’yang mithii’t layon
Bayaning kay tapang, naging inspirasyon
Upang ating lahi, tuluyang umahon.
Sa mga dayuhan, Pilipinas lumaban
Damdami’y napukaw, namulat ang bayan
Nanaig sa atin, malayang isipan
Anumang danasin, hangad kasarinlan
Liberal na pakay, sa bansa’y inalay,
Gising sa paghimlay, hangganan ma’y hukay,
Nawa’y maging gabay kung pa’no mamuhay,
S’yang magsilbing akay sa may layong tunay.
Kalayaan = Liberalismo
Ano ba talaga ang liberalismo?
Karaniwang tanong ito ng mga tao,
Paano ba ito kumalat sa mundo?
At sino ang una bang nagpasimuno?
Paglaya daw sa mga hari ng dayuhan,
Ang syang pinagmulan at naging dahilan,
Kung bakit ito ay ating bininyagan,
At hanggang ngayon ay ating natitikman.
Hindi lang sa Pransya at sa Amerika
Pati rin sa timog-silangang Asiya,
Gustong makatikim ng demokrasiya,
Laban sa dayuhan na mapangparusa.
Ngunit tayo ngayon, bakit inabuso,
Kalayaang ating nakuha’t natamo,
Lahat ginagawa basta kanyang gusto,
At higit sa lahat, walang sini-sino.
Nagpoprotesta sa kalsada’t kanto,
Siniraan lahat ng nasa gobyerno,
Kahit na sila ang nagpaaral dito,
Ngayon, kalayaan = liberalisismo?
XIX
‘Tong ikalabins’yam, hinarap ng mundo
Mahamo’ng daigdig, maraming nagbago
Kahirapa’t galak, ay s’yang sinasalo
Sa puso’y nanaig ang nasyonalismo.
Ang imperyalismo ay ‘di maiwasan
ng matatalino at tusong kalaban
para sa pagsamba’t pagkakakitaan
‘Pag may gera naman ay may kakampihan.
O ang Pilipinas, Kastila’y lumabis
Ang utos at batas, epekto’y kay bilis
Tila isang ahas, ang bibig kay tinis
Ninakaw ang talas, isip ay nagbigkis.
Itong Pilipinas na bigo sa lahat
pilit bumabangon, maalis ang alat
Kalakala’y bagsak at puno ng kidlat
Gagawin ang lahat, makamtan ang dapat.
Sa puso’y sumigla, sa bayan kong mahal
Tanglawan ang tatak, pansinin ang dangal
Tayo ay magsama, at huwag umangal
Bayani kong Rizal, sa bayan mong mahal.
TAMA NA! TAMA NA!
Puro pagbabago, labing – siyam na siglo.
To’y dala ng giyera, sari – saring gulo.
Ang konserbatibo’y, monarkiya ang gusto,
Pagkapantay – pantay, sa liberal na tao.
Isipang malaya, kelan ba nabuksan
sa pang aabuso, na ating nakamtan
Namulat ang isip at pusong nasyonal.
Yumabong ang diwa, pagiging liberal.
Nabibigyang buhay, ng mga ideya
ang tulog na diwa, upang makalaya.
Nagbibigay lakas, upang magsimula
isang himagsikan, ang tanging sambitla.
Nakalaya ang mga Pilipino
mula sa mga Kastilang manloloko
Sa pamamagitan ng liberalismo
nabuhay ang damdaming nasyonalismo.
Bansa ay nag – alsa, laban sa kanila.
Pilipino’y galit, sila ay lumaya
Mga mananakop, umalis sa bansa.
Mga pilipino, ngayo’y malaya na.
Kalayaan = Liberalismo
Ano ba talaga ang liberalismo?
Karaniwang tanong ito ng mga tao,
Paano ba ito kumalat sa mundo?
At sino ang una bang nagpasimuno?
Paglaya daw sa mga hari ng dayuhan,
Ang syang pinagmulan at naging dahilan,
Kung bakit ito ay ating bininyagan,
At hanggang ngayon ay ating natitikman.
Hindi lang sa Pransya at sa Amerika
Pati rin sa timog-silangang Asiya,
Gustong makatikim ng demokrasiya,
Laban sa dayuhan na mapangparusa.
Ngunit tayo ngayon, bakit inabuso,
Kalayaang ating nakuha’t natamo,
Lahat ginagawa basta kanyang gusto,
At higit sa lahat, walang sini-sino.
Nagpoprotesta sa kalsada’t kanto,
Siniraan lahat ng nasa gobyerno,
Kahit na sila ang nagpaaral dito,
Ngayon, kalayaan = liberalisismo?
PAGHULAGPOS
Labins’yam da’ntaon, mundo’y puro hamon
Lungkot, galit, poot, ang naging reaksyon
Kaya’t kalayaan, naging resolusyon
Kasarinlang Pinoy, ang mabuting layon’
Mga katutubo’y lubusang nadama
Ang mga paghamak ng mga Kastila
‘Di rin naligtas kanilang kultura
Umalab ang galit, lahi’y nagkaisa
No’ng naging liberal ang isip ng tao
At mata’y namulat sa liberalismo
Nabatid ng taong mga Pilipino
Kailangan nila’y tamang pagbabago
Namulat ang Pinoy dahil sa ideya
Pagkakapantay-pantay ang ginusto nila
Mga propagandista, gumamit ng pluma
Upang kalayaan ay makamit nila
Aming poot’ galit sa mga dayuhan
Ang siyang gumising sa ‘ming kahimlayan
Bawat tangis namin,nagbigay ng daan
Nang aming makamit, mithing kasarinlan
WALANG HIYANG PAG-IISIP
Ang liberalismo, ano nga ba ito?
Ito ba’y malinaw o sadyang malabo?
Pananaw sa buhay na nakakalito;
Ang liberalismo, anong saysay nito?
Maling sistema’t kawalan hustisya,
Ang siyang nagmulat sa mga nagdusa.
Malayang hinagap, ang naging simula;
Madugo’t masidhing mga pag-aalsa.
Pagiging liberal, ito’y pinairal;
Kahit kalagaya’y lubos na kritikal.
Dahil sa bayan ay sadyang nagmahal:
Kalayaa’y nais, hindi parangal.
Pagdanak ng dugo’y hindi kailangan,
Kung maaari ay pag-usapan na lang.
Ang ating lakas ay hindi batayan,
Para sa parating na kinabukasan.
Batayang liberal, ating pamantayan;
Nakaporma na ang isang kaisipan.
Iba ang panahong, syang unang datnan;
Mahalina ka na, turong kalayaan.
BAYAN, KAISIPAN, KASARINLAN
Rizal at Gomburza, isang adhikain
Gustong kasarinlan, malayang hangarin
Nagbuwis ng dugo para lang tuparin
Pag-ibig sa bayan, likas na layunin
Ngayong narito na’t sa ati’y nabalik,
Alagaan naman mahalagang salik.
Ito’y bungang likas sa paghihimagsik,
Na napitas natin sa pananahimik.
Bakit hindi kaya minsan ay isipin,
Walang magdidikta kung walang alipin.
Gamitin ang puso’y mabuting tuntunin,
Ngunit minsa’y tama ang ngipin.
Pang-aapak dito ng mga dayuhan,
Iyang Liberalismo ang tanging sandigan.
Susi ng pagsulong iningatan,
Nang makamit natin gintong kalayaan.
Sa una pa man ay alam na ng tao,
sarili’y malaya, sarili’y may dulo,
kaya’t nang inapakan, lahi at puso,
Biglang nagsiklab damdaming Pilipino.
Liberalismo, karapatan ng bayan,
gumising sa atin kahit noon pa man,
Pagkatao noo’y bumihag sa bayan,
Ideyang malalim, sanhi’y kasarinlan.
Ang hangad sa baya’y mga pagbabago,
maging malaya sa dayuhang abuso,
Ibalik muli dangal ng tao,
Nagtulak kay Rizal lumabang totoo.
Pagdanak ng dugo nyo mga GOMBURZA,
hudyat ng umpisa ng nasyonalista,
hindi ba si Rizal nagbigay sa madla,
ng ’sang nag-aalab na puso at diwa.
Tila isang mitsang nagsiklab bigla,
sa lupang tahimik nag-alab ang siga,
Kaisipang sa pinoy ay nagpalaya,
mata’y nabuksan, nabuo ang diwa.
(Sir, consider this poem instead of the previously posted one.)
Patikim ng Liberalismo
Sa una pa man ay alam na ng tao,
sarili’y malaya, sarili’y may dulo,
kaya’t nang inapakan, lahi at puso,
Biglang nagsiklab damdaming Pilipino.
Liberalismo, karapatan ng bayan,
gumising sa atin kahit noon pa man,
Pagkatao noo’y bumihag sa bayan,
Ideyang malalim, sanhi’y kasarinlan.
Ang hangad sa baya’y mga pagbabago,
maging malaya sa dayuhang abuso,
Ibalik na muli ang dangal ng tao,
Nagtulak kay Rizal lumabang totoo.
Pagdanak ng dugo nyo mga GOMBURZA,
hudyat ng umpisa ng nasyonalista,
hindi ba si Rizal nagbigay sa madla,
ng ’sang nag-aalab na puso at diwa.
Tila isang mitsang nagsiklab bigla,
sa lupang tahimik nag-alab ang siga,
Kaisipang sa pinoy ay nagpalaya,
mata’y nabuksan, nabuo ang diwa.
HAPLOS NG LIWANAG
Bihag ng dayuhan ilan pang panahon?
Bagwis ng pag-ulan, sa mata umalon
Pilit mang pigilan, ba’t di huminahon?
Sa’yong kamatayan, tayo ba’y aahon?
Sadyang karanasan pagbangon ang hamon
Pagbabago’y buksan, limutin’g kahapon
Damang kasarinlan isipang may layon
pusong makabayan mag-aalab ngayon.
Sa pananahimik, sila’y nagpumiglas
Ang kanilang utak lalong pinatalas
Ang kanilang itak kanilang tinabas
Di nagwatak-watak, gilas ipinamalas.
Armas ng kalaban ang diskriminasyon
Kimkim inipon, matagal na panahon
Unting nagtitipon, katutubo noon
Pagtanggol ang bayan mula sa opresyon.
Ang malayang pag-iisip ay nakamit
Para sa bayang minsan ay nagipit
Bagong pag-asa para sa mga Pilipino
Hindi ni matatakot kahit pa kanino.