Si Gat Jose Rizal, Bayaning makata
ang taong dakila, may lahing tsinoy nga!
ang taong pumukaw, sa’ting nauuhaw
sa puso’y umultaw, pag asa’y luminaw.
Bayang sinilangan, Tunay niyang mahal
kahit siya’y tsinoy pa, di naging barandal
Upang ipaglaban, ating kasarinlan
di tulad ng iba, takot sa karimlan.
Bakit ba? Bakit ba? Bayani pa rin siya?
Tsinoy nga bakit ba?, mababawasan ba?
ang katalinuhan, at kabayanihan
ng isang makata, para sa bayan
may kabawasan b? pagiging tsinoy nya
matapang pa nga siya, Di tulad ng iba
kahit tsinoy pa sya, puso’y makabayan
taglay ng makata, ang tanging kariktan.
Isang bayani ang ating hinangaan
Ngalan niya ay Rizal, daming pinagmulan
Maraming batikos, at s’ya’y kontrobersyal
And di purong Pinoy, ba’t natin minahal?
Maraming binato sa mukha ng henyo,
Mga ibinintang na s’ya’y “CONSCIOUS HERO”
Kabawasan nga ba sa isang bayani
Ang kanyang dugo ay iba-ibang lahi?
Sa aking pananaw ‘to’y di kabawasan,
Sa mga mata ng ating kababayan.
Marapat isipin kanyang kabutihang,
Alay sa bayan ay ‘ting pahalagahan.
Taas noo ako maging Pilipino,
Iba’t ibang lahi sa aki’y nabuo.
Katulad ni Pepe siya’y isang Tsinoy,
Dugong Pinoy ay sa kanya’y dumadaloy.
Ako’y may nalaman tungkol kay Gat Rizal,
‘Di konserbatibo, siya ay liberal:
At natuklasan ko sa bayaning Pinoy,
Hindi siya puro, may halo ‘tong Tsinoy.
Monumento natin ay walang binatbat,
Sa laki ng iba ay wala tayong satsat:
Pagpapahalaga’y kulang pa pala,
Ngunit ito ba ay kailanganin pa?
Sa taong ‘to tayo’y nagpapasalamat,
Ngunit si Rizal ba ay karapat-dapat?
Bayaning tinuring hindi pala atin;
Kailangan pa ba bayani’y tawagin?
Nakakalungkot man isipin ito,
Bayaning Pinoy, isa palang Tsino;
Buti na’t maaga ay nalaman natin
Nagligtas sa bayan ay dayuhan pa rin.
Karapat-dapat bang tanghaling bayani
nitong isang bansang ugat ay kayrami
ang isang banyagang nangingibang bansa
yumaon lang rito’t dito na tumira?
Minsan mong surii’y butas mababatid
sa pinanggalingan ng ating kapatid
Sa ating isipa’y dapat tumalima:
Kapatid nga ba s’ya o isang banyaga?
Kung pagtutuuna’t ugat ay alamin
sa sinapupuna’y Lakandulang atin
ang pinanggalingan ng bayaning Pinoy
kahit na ang ama ay may halong Tsinoy.
Kaya itong Rizal, may dugo mang Intsik
pagka-Pilipino, s’ya pa ring inimik
nitong kanyang pusong kalayaa’y nais
para sa’ting baya’y natudla’ng matamis.
O Gat Jose Rizal, kalayaa’y hanap.
Sa’tin pinamalas, kanyang kagitingan.
Ugat ng lahi nya’y, nabahirang ganap.
Kabawasan nga ba ng kadakilaan?
Dugong dayuhan man, diwa’y Pilipino.
Di inaalintana, pinagmulang tunay.
Pinukaw ang isip, minulat ang puso.
Kasarinla’y hangad, kapalit ma’y hukay.
O bayaning hirang, sa bansa’y binigay.
Maunlad na bukas, tuwirang pagbabago.
Adhika’t buhay, siyang handang ialay.
Anuman ang lahi, may bahid ang dugo.
Pagiging dakila’y hindi nasusukat.
Sa kung saan mula iyong ama’t ina.
tanging mahalaga, pag-ibig na tapat.
Bayang sinilangan, ipaglaban twina.
Mayron akong kwento, pakinggan nyo ako
Sang batang sinilang, ngalan ay mercado
Pinaltan ng Rizal, nung sya’y nagkaisip
Kaya ang tao ay, nagtaka’t nagisip
Si Rizal ba’y Intsik, o siya ba’y Pinoy?
Ninuno nya’y dayo, lahi niya’y Tsinoy
Intsik man o Pinoy, sya’y ipagmalaki
Dahil ang gawa nya, ay napakalaki
Pambansang bayaning, Si Gat Jose Rizal
Ginamit ang isip, at magandang asal
Pagiging Tsinoy nya’y, walang kabawasan
Bansang Pilipinas, ay kanyang pinasan
Ang ating bayani, isang Tsinoy pala
Bayan ay niligtas, lahat ay ginawa
Walang kabawasan, maging sino ka man
Laging isaisip, magpakaylan pa man
O batang si Rizal, saan ka nagmula?
Ah! doon sa lugar, tawag ay Laguna
Ikaw ay lumaki, saan ka napadpad?
Bakit ka lumayo? Malayo ang pugad.
Oo, bata pa lang, marami ng alam
Marami ng gawa, puno pa ng laman
Hanggang sa tumanda, ikaw ang nagsulat
Magagandang akdang, nasulat sa aklat.
Pero may tinanong, anong pagkatao
Purong Pilipino, o mayroong halo
O bayaning Rizal, puro nga bang Pinoy
O di kaya naman, ay may halong Tsinoy.
Ba’t sa hanggang sa ngayon, ay binabalikan
Isang pagkataong nasa nakaraan
Dapat nating gawin, siya’y bigyang pugay
Sa kanyang ginawa, para sa’ting buhay.
Bayaning dakila, ating hinangaan
Maestrong kilala, di malilimutan
Inalayan niya kanyang mga gawa
Binuhos ang isip, inalay ang diwa
Bakit kailangan pa nating bawasan
Kanyang pagkahirang, Bayani ng bayan
Sa ati’y inalay buo niyang buhay
Kanyang tanging tangan karangalang tunay
S’ya nga bang batayan, pagiging bayani
Lahing pinagmulan at s’yang pagiging suhi
Tsinoy man o hindi, pag-ibig n’yay wagas
Siya’y Pilipinong puso’y walang awas
Mula pagkabata’y akin nang hinangaan
Pambansang bayani, Jose ang pangalan
Siya ay matalino at maaasahan
Maraming nagawang puro kabutihan
Kanyang pinagmulan, kanyang mga ninuno
Ang dugong banyaga, katawa’y namuno
Ngunit dugong instik tunay nga bang hadlang
Pagkat dugong pinoy ay magkakakulang
Ngunit kahit ano, ang pwedeng mangyari
sa aking palagay, siya ay bayani
dakilang bayani, mahal ng marami
pangalan nya sanay, wag gawing marumi
Pambansang bayani, dapat lang tularan
kahit pa nga ba, iba ang pinagmulan
Doktor Jose Rizal, maraming salamat
pagkat kabataan, ay iyong minulat
Rizal na bayani, karapatdapat ba?
Siya ay may lahi, Pilipino’t Tsinoy.
Ilang mga tao, nagmumuni pa nga.
Sila’y puro tanong, ano kanyang amoy.
Sa kanilang diwa, hindi siya pwede.
Siya ay tunay, dugo n’ya’y di wagas.
Ilan nama’y boto, pwede s’ya! Intyende?
Tunay na bayani, hindi nandudugas.
Ngunit s’ya’y namatay, nang maging malaya.
Kanyang naging pasan, sumaya ang Pinas.
Piniling mamatay, para sa kaniya.
Matinding problema, s’ya ang nakalunas.
Walang alinlangan, naghandog ng buhay.
Kaya’t s’ya’y tanghalin, totoong bayani.
Baya’y mahal niya, Pilipinong tunay.
Karapatdapat na, wala ng sangguni.
Ang pagiging tsinoy sa simulat sapol,
ay di naging hadlang sa kanyang pagtatanggol.
Binuwis ang buhay sa bayang minahal,
ni Gat Jose Rizal boung puso’t dangal.
Ako’y nagtataka sa pagkamasahol
ng ating lipunan kanilang paghatol,
di maintindihan kanilang pangaral
na si jose rizal ay talagang hangal.
Ang isipan ko ay hindi nagtototol,
si Gat Jose Rizal, bayani ang hatol.
Iyong pag isipan kanyang pagmamahal,
kung dili mo gawin ika’y masasakdal.
Isang kakulangan ang hindi pagpatol.
Sa isyu ni rizal, lahat tayo’y sapol.
Ito’y reaksyon ko, walang halong balbal,
nawa’y di sagabal ngunit isang sampal.
Pambansang bayani sa kanya’y taguri
Mula sa silangan ang kanilang lipi
Balat kayumanggi, Pilipinong dugo
Sagad hanggang buto pagkapilipino
Ngunit may kuwest’yon sa totoong lahi
Kanyang pinagmulan ay siyang sinuri
May dugo pala s’yang ang kulay ‘di luto
Purong intsik pala ang kanyang ninuno
Pinagmulan nga ba ang dapat saligan
Ng kabayanihan at ng kagitingan
Hindi ba’t sa bayan laan ang sarili
Kapakanang bayan, laging dumaiti
Buhay na lang niya’y ating sariwain
Magsilbing liksiyon at maging salimsim
Tulad ng ‘sang bibe sa isang pabula
Hinarap ang buhay kahit siya’y iba
BAYANI KA BA?
Dayuhan ang dugo, ang puso ay ‘Pinoy
Siya ay si Rizal, mahiwagang totoy
Bayani kung tingnan ng ‘bong sambayanan
Ngunit tama ba ‘to o ‘sang kamalian?
Mga ninuno mo’y iba’t-ibang lahi
May Kastila’t tsino, dugong sari-sari
Inang lakandula ang nagsilang sa’yo
Dapat bang bayani ang ituring sa’yo?
Bilang mag-aaral, naisip-isip ko
Mga gan’tong tanong sa kalooban ko
Karapat-dapat ba o kalokohan lang?
Ika’y kahangaan ng bawat nilalang
Ang sagot ko’y OO!Ikaw nga’y bayani
Na nagbigay mulat sa mga kawani
At nagbigay aral tulad ng sa akin
Kabayanihan mo’y ‘lang katulad sa ‘min
KAYUMANGGING TSINOY
Saan ba nagmula ang lahi ni Rizal?
Nabuhay si Pepe nang may pagkatsinoy
Naiibang kilos, kultura at asal
Sa mga ugali ng kapwa n’yang pinoy
Kung inyong napansin sa kinis at kulay
Katangiang taglay, aba’y Pilipino!
Inyong akalain, siya’y purong tunay
Kanyang tinatago, halo niyang dugo!
Hindi naging hadlang, kanyang pinagmulan
Pag-ibig sa bayan ay pinahiwatig
Pusong Pilipino ay s’yang iningatan
Nang s’ya’y makilala sa buong daigdig
Ang maging dayuhan ay tinalikuran
Kastila o Intsik, sila ay sinisi
Kahit nagsimula bilang ‘sang dayuhan
S’ya’y nanalig bilang, PAMBANSANG BAYANI!
Si Gat Jose Rizal, Bayaning makata
ang taong dakila, may lahing tsinoy nga!
ang taong pumukaw, sa’ting nauuhaw
sa puso’y umultaw, pag asa’y luminaw.
Bayang sinilangan, Tunay niyang mahal
kahit siya’y tsinoy pa, di naging barandal
Upang ipaglaban, ating kasarinlan
di tulad ng iba, takot sa karimlan.
Bakit ba? Bakit ba? Bayani pa rin siya?
Tsinoy nga bakit ba?, mababawasan ba?
ang katalinuhan, at kabayanihan
ng isang makata, para sa bayan
may kabawasan b? pagiging tsinoy nya
matapang pa nga siya, Di tulad ng iba
kahit tsinoy pa sya, puso’y makabayan
taglay ng makata, ang tanging kariktan.
Sukatan ng Kagitingan
Kagitingan pa’no nga ba susukatin?
Pinagmulan ba nya’y isang pamantayan?
Di ba dakila s’yang may ibang lahi rin?
Ipagtanggol bayang ating sinilangan.
Paghanga kay Rizal dapat pairailin.
Katutubo’y daig ng isang dayuhan.
Nasa isip lagi’y kapakanan natin,
Talo lahing dito nag-ugat sa bayan.
Sa aking palagay ay maling isipin,
Kabawasang tunay sa kadakilaan.
Dugo man ni Rizal may halong Tsino rin,
Pilipinong tunay, damdami’t isipan.
Di na mahalaga saan man nanggaling,
Basta’t makatao, may paninindigan.
May takot sa Diyos, tunay ang layunin
Paghanga ko’y kanya, isa s’yang huwaran.
NOYPI: RIZAL BA AY GANITO?
Bakit ganon tayong, mga Pilpino
May malaman lang, biglang nagbabago
‘Di na naiisip ‘yung mga nagawa
Nang mga bayani, laban sa kastila
Pati si Gat Rizal, pinagdududahan
Sa mga ginawa, ‘nyang kabayanihan
Oo nga’t siya ay, hindi buong Pinoy
Pero sapat na ba, na siya’y itaboy?
Ang kanyang ginawa, para sa ‘ting bansa
kahit kailanma’y, walang makakagawa
Binuwis ang lahat, pati kanyang buhay
Bakit karangala’y, ‘di natin mabigay
Alam nating lahat, na siya ay Tsinoy
Pero kanyang diwa, ay Pinoy na Pinoy
Ano bang dahilan para mabawasan
Pagkabayani niya sa mahal ‘nyang bayan.
Bayani ng Lahi?
Sa musmos na isip, amin nang nagisnan,
Jose rizal, ikaw, bayani ng bayan,
Pero bakit ngayon, aming nalaman,
bayaning hinirang, hati dugo’t angkan.
kalahating pinoy, kalahating intsik,
Idolo ng bayan, aming tinangkilik,
Dalawa ang lahi, Dalawa ang lipi,
Iisa ang bayan, Iisa ang gawi,
Bayan mong pinili, Lupang Pilipinas,
Kahit na intsik ka, sa puso’y lumabas,
Pagka-Pilipino, umusbong sa puso,
iniwan nya isa pa, niyang pagkatao.
Kaya ngayon, ikaw, magiting na Rizal,
hindi katanungan, bayani kang bukal,
ika’y tinuturing, bayani ng bayan,
buhay, inialay, para sa kalayaan.
Sa aking pagmulat sa mundong ibabaw
ika’y kinagisnang bayaning malinaw
dugo ma’y dayuhan ika’y hinangaan
‘pagkat Pilipinas tinuring mong bayan.
Dugo mong pang tsino ay di-kabawasan
sa ‘yong pinakita na kabayanihan
dahil sarili mong buhay ay inalay
noon, sa’ming bayang puno ng paglumbay.
Ngayon kasarinlan ay tinatamasan
kung ‘di dahil sa’yo ito’y di nakamtan
kung kaya’t ito ay talagang marapat
na iyong mabatid ang pasasalamat.
Aking ipaglaban ang iyong ginawa
kung meron mang sa’yo’y hindi humahanga
sa puso ko ikaw ay mananatiling
isang bayani na aking ituturing
-lazky-
KONTROBERSYAL
Isang bayani ang ating hinangaan
Ngalan niya ay Rizal, daming pinagmulan
Maraming batikos, at s’ya’y kontrobersyal
And di purong Pinoy, ba’t natin minahal?
Maraming binato sa mukha ng henyo,
Mga ibinintang na s’ya’y “CONSCIOUS HERO”
Kabawasan nga ba sa isang bayani
Ang kanyang dugo ay iba-ibang lahi?
Sa aking pananaw ‘to’y di kabawasan,
Sa mga mata ng ating kababayan.
Marapat isipin kanyang kabutihang,
Alay sa bayan ay ‘ting pahalagahan.
Taas noo ako maging Pilipino,
Iba’t ibang lahi sa aki’y nabuo.
Katulad ni Pepe siya’y isang Tsinoy,
Dugong Pinoy ay sa kanya’y dumadaloy.
MAGING SINO KA MAN
Baya’y inibig mo, naglingkod sa tao,
Lahat ay ginawa, buhay ay sinuko.
Kaya nga nabuhay pagkamakabansa
Upang ipaglaban ang dangal at laya.
Hindi kabawasan pagiging Tsinoy mo;
Dahil di sukatan sa ‘yong pagkatao.
Ang mas mahalaga binalik ang puri,
Nang giliw na Ina na ginawang api.
Saan ka man mula, ito’y baliwala
Kung puso mo nama’y hinandog ng kusa;
Upang maging mitsa ng nasyonalismo
Na tinatamasa nang bayang ibig mo.
Bayani ka pa rin maging sino ka man
Kahit kalayaan, hindi mo natikman;
Ngunit katapangan sadya mong hinango
Makalaya lamang sa banal na aso.
Ako’y may nalaman tungkol kay Gat Rizal,
‘Di konserbatibo, siya ay liberal:
At natuklasan ko sa bayaning Pinoy,
Hindi siya puro, may halo ‘tong Tsinoy.
Monumento natin ay walang binatbat,
Sa laki ng iba ay wala tayong satsat:
Pagpapahalaga’y kulang pa pala,
Ngunit ito ba ay kailanganin pa?
Sa taong ‘to tayo’y nagpapasalamat,
Ngunit si Rizal ba ay karapat-dapat?
Bayaning tinuring hindi pala atin;
Kailangan pa ba bayani’y tawagin?
Nakakalungkot man isipin ito,
Bayaning Pinoy, isa palang Tsino;
Buti na’t maaga ay nalaman natin
Nagligtas sa bayan ay dayuhan pa rin.
-=.KAILANGAN PA BA?.=-
PUSO, HINDI DUGO
Karapat-dapat bang tanghaling bayani
nitong isang bansang ugat ay kayrami
ang isang banyagang nangingibang bansa
yumaon lang rito’t dito na tumira?
Minsan mong surii’y butas mababatid
sa pinanggalingan ng ating kapatid
Sa ating isipa’y dapat tumalima:
Kapatid nga ba s’ya o isang banyaga?
Kung pagtutuuna’t ugat ay alamin
sa sinapupuna’y Lakandulang atin
ang pinanggalingan ng bayaning Pinoy
kahit na ang ama ay may halong Tsinoy.
Kaya itong Rizal, may dugo mang Intsik
pagka-Pilipino, s’ya pa ring inimik
nitong kanyang pusong kalayaa’y nais
para sa’ting baya’y natudla’ng matamis.
BAYANING TUNAY
Sa’king pagkakaalam, siya’y bayaning tunay.
Laging inaasam ang malayang buhay.
Bawat pawis’t hirap, binuhos sa atin.
Para lumaganap kabuhayan natin.
Pero laking gulat aking natuklasan
Pepe’ng manunulat, matalino pa man
Ay may lahing Tsino mula sa ninuno!
Magulat man tayo’y ito ang totoo.
Bakit may tanong pa mga tao diyan?
Bayani pa ba? Anu ba naman yan!
Juan nga naman o! Sakit magsalita
Kalayaang ito, huwag imistula.
Kung ako’y matanung, OO bayani siya!
Pilipinong turing pakita sa kanya
Bawat Pilipino, matalino’t mangmang
Dapat irespeto at bigyan ng galang.
O Gat Jose Rizal, kalayaa’y hanap.
Sa’tin pinamalas, kanyang kagitingan.
Ugat ng lahi nya’y, nabahirang ganap.
Kabawasan nga ba ng kadakilaan?
Dugong dayuhan man, diwa’y Pilipino.
Di inaalintana, pinagmulang tunay.
Pinukaw ang isip, minulat ang puso.
Kasarinla’y hangad, kapalit ma’y hukay.
O bayaning hirang, sa bansa’y binigay.
Maunlad na bukas, tuwirang pagbabago.
Adhika’t buhay, siyang handang ialay.
Anuman ang lahi, may bahid ang dugo.
Pagiging dakila’y hindi nasusukat.
Sa kung saan mula iyong ama’t ina.
tanging mahalaga, pag-ibig na tapat.
Bayang sinilangan, ipaglaban twina.
Pinoy ba o Tsinoy?
Ikaw Jose Rizal, Pinoy ba o Tsinoy?
‘Di ko na mawari, kung ikaw nga’y Pinoy
Ako’y nalilito, at ako’y nahihilo
Gusto ng mabatid, kung ano’ng totoo.
Marami ng tanong sa aking isipan
Mga nangyayari, ‘di maintindihan
Kayhirap isipin na iba ang lahi
Idolo pa naman dahil sa ugali.
Nag-iba na tuloy ang tingin ko sa’yo
Akala ko dati, ikaw ay perpekto
Ngunit mali ako, ngayon alam ko na
Isa ka rin pala sa mga banyaga.
‘Di na ako bilib sa iyo Dok Rizal
Palpak ka rin pala ‘pag walang balabal
Dugong Tsinoy mo man ay walang sinabi
Hadlang ang ‘yong lahi, sa pagkabayani.
Tsikbeho?
Rizal ka bang tunay? O Intsik na henyo?
Dugo mo ba’y Pinoy, o ibang malayo?
Nakakabulabog, nakakapanghilo
Tila isang yoyo, puso mo ba’y dito?
Nakababawas ba itong dugong Chinoy?
Damdaming binuhos, inalay sa Pinoy
Sayang buo sana, pusong Pilipino
Ngunit pa’no ito, hati ang ninuno?
Akala ko’y oo, Pinoy na Pinoy ka,
Bayani kang turing, sa puso’t kalu’lwa
Nakahadlang lamang, itong pagkatao
Na pagiging Intsik, nitong idolo ko.
Sang-ayon sana ‘ko, na hindi sagabal
Pagiging Intsik mo, sa’yong pagkabanal
Ngunit mas mabuti, kung ikaw ay puro
Hindi nahahati, damdamin mong biro.
Pusong Pinoy
Siya ay nagmula, sa angkang banyaga
Dugong kanyang taglay, haluan ang lahi
Hindi naging hadlang dugong naiiba
Kanyang pag-aangkin, ng mabuting budhi
Magulang ni Rizal, ‘tinuring ng bayan
Kapitapitagan at nirerespeto
Inang mapagmahal, at huwarang ama
Kahit na taglay, ay ninunong dayo
Di kataka-takang, lumaking mabuti
Isang batang mayro’ng butihing pangarap
Di inalintana, pinagmulang lahi
Inalay sa bayan, ang buong sarili
Sandatang panulat. laban sa dayuhan
Ang kanyang ginamit upang ‘di manggulo
Buong katuwirang siya ay lumaban
Bunga’y katanyagan saan man magtungo
Rizal Isang Tsinoy?
Mayron akong kwento, pakinggan nyo ako
Sang batang sinilang, ngalan ay mercado
Pinaltan ng Rizal, nung sya’y nagkaisip
Kaya ang tao ay, nagtaka’t nagisip
Si Rizal ba’y Intsik, o siya ba’y Pinoy?
Ninuno nya’y dayo, lahi niya’y Tsinoy
Intsik man o Pinoy, sya’y ipagmalaki
Dahil ang gawa nya, ay napakalaki
Pambansang bayaning, Si Gat Jose Rizal
Ginamit ang isip, at magandang asal
Pagiging Tsinoy nya’y, walang kabawasan
Bansang Pilipinas, ay kanyang pinasan
Ang ating bayani, isang Tsinoy pala
Bayan ay niligtas, lahat ay ginawa
Walang kabawasan, maging sino ka man
Laging isaisip, magpakaylan pa man
O batang si Rizal, saan ka nagmula?
Ah! doon sa lugar, tawag ay Laguna
Ikaw ay lumaki, saan ka napadpad?
Bakit ka lumayo? Malayo ang pugad.
Oo, bata pa lang, marami ng alam
Marami ng gawa, puno pa ng laman
Hanggang sa tumanda, ikaw ang nagsulat
Magagandang akdang, nasulat sa aklat.
Pero may tinanong, anong pagkatao
Purong Pilipino, o mayroong halo
O bayaning Rizal, puro nga bang Pinoy
O di kaya naman, ay may halong Tsinoy.
Ba’t sa hanggang sa ngayon, ay binabalikan
Isang pagkataong nasa nakaraan
Dapat nating gawin, siya’y bigyang pugay
Sa kanyang ginawa, para sa’ting buhay.
Si gat Jose Rizal, pambansa bang tunay?
sapagkat sa lahi, dayuha’y namahay
sa mga ugat n’ya, dugoy dumadaloy
dalawang Asyano ang pagiging “tsinoy”
Ngunit magkagayon, lahing pinoy umusbong
kahit anung laban, hindi umuurong
lamang man ang intsik, di parin natinag
pagmahal sa pinas, bayang nililiyag
namulat ang isisp, sa batang edad n’ya
upang ipagtanggol bayang nangulila
talas ng panulat, nakilala siya
mga talinhaga ang kanyang binala
tunay na bayani, yan si Jose Rizal
hindi alintana sitwasyon ng buhay
ginawang mabuti, kanyang pagmamahal
may magandang dulot sa bayang namatay.
Si gat Jose Rizal, pambansa bang tunay?
sapagkat sa lahi, dayuha’y namahay
sa mga ugat n’ya, dugoy dumadaloy
dalawang Asyano ang pagiging “tsinoy”
Ngunit magkagayon, lahing pinoy umusbong
kahit anung laban, hindi umuurong
lamang man ang intsik, di parin natinag
pagmahal sa pinas, bayang nililiyag
namulat ang isisp, sa batang edad n’ya
upang ipagtanggol bayang nangulila
talas ng panulat, nakilala siya
mga talinhaga ang kanyang binala
tunay na bayani, yan si Jose Rizal
hindi alintana sitwasyon ng buhay
ginawang mabuti, kanyang pagmamahal
may magandang dulot sa bayang namatay.
BAYANI
Pambansang bayani, Rizal ang pangalan
S’an nga ba nagmula? Anong sinilangan?
Kanyang katauhan, kuwestyon ng lahat
Titulong binigay, sa kanya ba dapat?
Isang batang musmos, Pepe kung tawagin
Inosenteng ‘ngalang tumatak sa atin
Sa mura n’yang edad, talino’y nakita,
bilang unang guro, ang butihing ina.
Matapat na tao, masunuring m’yembro
pagkamakabayan ang s’yang tinuturo
Isipang minulat sa katotohanan
ninais matamo ‘tong kalayaan.
Espanol at tsinoy, pinaghalong lahi
Dugo’y ‘di man puro, Pinas pari’y pili
Pang-aapi’t hirap, kanyang dinadanas
Siyang titiisin, bayan makaalpas.
Bayaning dakila, ating hinangaan
Maestrong kilala, di malilimutan
Inalayan niya kanyang mga gawa
Binuhos ang isip, inalay ang diwa
Bakit kailangan pa nating bawasan
Kanyang pagkahirang, Bayani ng bayan
Sa ati’y inalay buo niyang buhay
Kanyang tanging tangan karangalang tunay
S’ya nga bang batayan, pagiging bayani
Lahing pinagmulan at s’yang pagiging suhi
Tsinoy man o hindi, pag-ibig n’yay wagas
Siya’y Pilipinong puso’y walang awas
Ngayong ating bayan, puro saligutgot
Sakripisyong alay, iwasang mangalot
Pagiging bayani, s’ya nating tandaan
Bayaning hinirang, wag nating talikdan
Tikoy
Mula pagkabata’y akin nang hinangaan
Pambansang bayani, Jose ang pangalan
Siya ay matalino at maaasahan
Maraming nagawang puro kabutihan
Kanyang pinagmulan, kanyang mga ninuno
Ang dugong banyaga, katawa’y namuno
Ngunit dugong instik tunay nga bang hadlang
Pagkat dugong pinoy ay magkakakulang
Ngunit kahit ano, ang pwedeng mangyari
sa aking palagay, siya ay bayani
dakilang bayani, mahal ng marami
pangalan nya sanay, wag gawing marumi
Pambansang bayani, dapat lang tularan
kahit pa nga ba, iba ang pinagmulan
Doktor Jose Rizal, maraming salamat
pagkat kabataan, ay iyong minulat
Mula pagkabata’y kay kinilala,
Pilipinong tunay, minahal ng madla,
Idolo ng lahat, bata’t matanda man
Pag-ibig sa bayan, di matutumbasan
Ako’y naguluhan, sa aking nalaman,
Bayaning si Rizal, iba ang angkan
Maituturing ba, na isang bayani?
Kung ang dugo, may halong ‘bang lahi.
Ang pagiging Tsino’y hindi kabawasan,
Pag-ibig sa bayan, ito ang batayan,
Binuwis ang buhay, para lang sa bansa
Makamtan ang hiling, lahat ay ginawa
Pagiging bayani, ano bang sukatan?
Purong Pilipino, ito bang batayan?
Basta ang alam ko, mahal mo ang bansa,
Iya ang bayani, bayaning tuwina.
“HATING LAHI”
kabawasan nga ba ang pagiging tsinoy,
kung ating titignan ang ating bayani?
kailangan ba itong purong pinoy?
para masabi na siya ay maka-lahi?
Ano ba talaga ating pamantasan?
sa pagpili ng bayaning totoo,
Ito ba dapat ay nakikipaglaban?
o magaling siya sa pagkakapwa-tao,
kabawasan nga ba kay Gat Jose Rizal?
Ang lahi ay hati sa dalawang pangkat,
Mas tama ba na siya ay isang liberal?
Iisa ang tugon hindi pa ba sapat?
Sino? ano? bakit? yan ang mga tanong,
sa pagpipili ng pambansang bayani,
hindi mahalaga haba ng saknong,
sa ikabubuti ng nakararami,
Intsik Man
Pepe, Pepe, Pepe tsinoy ba o pinoy
Bayaning totoo di takot sa apoy
Nagmula sa pinas ngunit dugong intsik
Kanyang dugo’y tsinoy pero siya’y matinik
Ang pagiging tsinoy masama sa bayan
Hindi ito tama di dapat tularan
Pilipinong tunay ngunit hindi puro
Dr. Jose Rizal bakit ka ganito
Ano ba talaga ang turing sa iyo
Ikaw ba’y bayani o isang pilato
Tsina’y pinagmulan ikaw ay nasaan
At kahit ganito kami ay iniwan
Para kang chicharon na ubod ng lutong
At nang nabuko ka humaba ang ilong
Hindi ka pa pwede pambansang bayani
Balikbayan ka lang dala ibang ani
-nezpo-
Rizal na bayani, karapatdapat ba?
Siya ay may lahi, Pilipino’t Tsinoy.
Ilang mga tao, nagmumuni pa nga.
Sila’y puro tanong, ano kanyang amoy.
Sa kanilang diwa, hindi siya pwede.
Siya ay tunay, dugo n’ya’y di wagas.
Ilan nama’y boto, pwede s’ya! Intyende?
Tunay na bayani, hindi nandudugas.
Ngunit s’ya’y namatay, nang maging malaya.
Kanyang naging pasan, sumaya ang Pinas.
Piniling mamatay, para sa kaniya.
Matinding problema, s’ya ang nakalunas.
Walang alinlangan, naghandog ng buhay.
Kaya’t s’ya’y tanghalin, totoong bayani.
Baya’y mahal niya, Pilipinong tunay.
Karapatdapat na, wala ng sangguni.
Pake ko?
Ano nga ba ito, ‘di maintindihan
Pinalaking bagay, aming isipin.
Tinanong sa amin, kanyang pinagmulan
Dapat na isagot ay aming alamin.
Ano ang epekto kung lahing dayuhan?
Walang kwentang tanong, aming lilitisin.
Ano ba talaga ang pinanggalingan?
Tsinoy ba o Pinoy, dapat na tanggapin.
Kahit naiiba, siya pa ay lumaban.
Kanyang katangian na dapat isalin.
Siya ay walang pake, kahit ano pa man
Basta ang gusto niya, h’wag maging alipin.
Ayos na ang lahat, wala nang kontrahan,
Paglayang nakamit, ‘ting samantalahin.
Dapat si Rizal ay pasasalamatan,
Tagumpay ni Rizal, atin din mithiin.
Pusong Pinoy
Siya ay nagmula, sa angkang banyaga
Dugong kanyang taglay, haluan ang lahi
Hindi naging hadlang dugong naiiba
Kanyang pag-aangkin, ng mabuting budhi
Magulang ni Rizal, ‘tinuring ng bayan
Kapitapitagan at nirerespeto
Inang mapagmahal, at ama’y huwaran
Kahit kanyang taglay, ay ninunong dayo
Di kataka-takang, lumaking mabuti
Isang batang mayro’ng butihing pangarap
Di inalintana, pinagmulang lahi
Inalay sa bayan, ang sariling ganap
Sandatang panulat, laban sa dayuhan
Ang kanyang ginamit upang ‘di manggulo
Buong katuwirang siya ay lumaban
Bunga’y katanyagan saan man magtungo
Pusong Pinoy
Siya ay nagmula, sa angkang banyaga
Dugong kanyang taglay, haluan ang lahi
Hindi naging hadlang dugong naiiba
Kanyang pag-aangkin, ng mabuting budhi
Magulang ni Rizal, ‘tinuring ng bayan
Kapitapitagan at nirerespeto
Inang mapagmahal, at ama’y huwaran
Kahit kanyang taglay, ay ninunong dayo
Di kataka-takang, lumaking mabuti
Isang batang mayro’ng butihing pangarap
Di inalintana, pinagmulang lahi
Inalay sa bayan, ang sariling ganap
Sandatang panulat. laban sa dayuhan
Ang kanyang ginamit upang ‘di manggulo
Buong katuwirang siya ay lumaban
Bunga’y katanyagan saan man magtungo
-e2 na-
alam na ni rizal buhay ay isa lang
kaya nirapat nya ilaan sa bayan
pag buwis ng buhay mani lang sakanya
Upang bayan natin magising sa laban.
tunay na batayan pagmamahal sa bayan.
kinagisnang bayan inalay ang buhay
mga tulang ginawa marapat tularan
ng mga kabataan ngayon sa’ting bansa.
Ang pagiging tsinoy, kabawasan nga ba?
upang paglingkuran sinilangan bayan.
dayuhang si rizal, nag alay ng buhay
dapat lang talga bigyang pagpupugay.
di na mababago kanyang pinakita
dayuhang nagmahal sa’ting inang bayan.
kahit hindi pinoy, kanyang buong lipi
Maiuturing siyang tunay na bayani.
-lloyd-
-e2 na-
alam na ni rizal buhay ay isa lang
kaya nirapat nya ilaan sa bayan
pag buwis ng buhay mani lang sakanya
Upang bayan natin magising sa laban.
tunay na batayan pagmamahal sa bayan.
kinagisnang bayan inalay ang buhay
mga tulang ginawa marapat tularan
ng mga kabataan ngayon sa’ting bansa.
Ang pagiging tsinoy, kabawasan nga ba?
upang paglingkuran sinilangan bayan.
dayuhang si rizal, nag alay ng buhay
dapat lang talga bigyang pagpupugay.
di na mababago kanyang pinakita
dayuhang nagmahal sa’ting inang bayan.
kahit hindi pinoy, kanyang buong lipi
Maiuturing siyang tunay na bayani.
-lloyd-
Doble Kara
Ang pagiging tsinoy sa simulat sapol,
ay di naging hadlang sa kanyang pagtatanggol.
Binuwis ang buhay sa bayang minahal,
ni Gat Jose Rizal boung puso’t dangal.
Ako’y nagtataka sa pagkamasahol
ng ating lipunan kanilang paghatol,
di maintindihan kanilang pangaral
na si jose rizal ay talagang hangal.
Ang isipan ko ay hindi nagtototol,
si Gat Jose Rizal, bayani ang hatol.
Iyong pag isipan kanyang pagmamahal,
kung dili mo gawin ika’y masasakdal.
Isang kakulangan ang hindi pagpatol.
Sa isyu ni rizal, lahat tayo’y sapol.
Ito’y reaksyon ko, walang halong balbal,
nawa’y di sagabal ngunit isang sampal.
“Alin ang masmatimbang?”
Pilipino ngayo’y, halo – halong lahi.
iba – ibang kulay, kayumanggi’t puti.
Ang kanilang wika ay tagalog parin
pinagmamalaki ang sariling atin.
Maituturing bang bayaning totoo
si gat Jose Rizal, lubos sa talino?
Gumawa ng daan, tungong kalayaan.
To’y para sa bayan, at sa mamamayan.
O bayaning Rizal, ikaw ba ay pinoy,
o di kaya nama’y, mayrong dugong tsinoy?
Maraming nagtanong, ano ba ang totoo
anong dumadaloy, na dugo sa iyo?
Kanyang mga ginawa ba’t binaliwala?
mga tao sa kanya ay di naniwala
tinakwil siya nila at siya’y itinaboy
parang walang buhay at patapong baboy.
Pambansang bayani sa kanya’y taguri
Mula sa silangan ang kanilang lipi
Balat kayumanggi, Pilipinong dugo
Sagad hanggang buto pagkapilipino
Ngunit may kuwest’yon sa totoong lahi
Kanyang pinagmulan ay siyang sinuri
May dugo pala s’yang ang kulay ‘di luto
Purong intsik pala ang kanyang ninuno
Pinagmulan nga ba ang dapat saligan
Ng kabayanihan at ng kagitingan
Hindi ba’t sa bayan laan ang sarili
Kapakanang bayan, laging dumaiti
Buhay na lang niya’y ating sariwain
Magsilbing liksiyon at maging salimsim
Tulad ng ‘sang bibe sa isang pabula
Hinarap ang buhay kahit siya’y iba
LIPI
Sabi-sabi lang ba o totoo naman
Si Pepe’y banyaga mula dugo’t laman
Sa pagkabayani ‘to ba’y kabawasan
Atin nang ituloy para matunghayan
Kanyang ninuno’y si Domingo Lameo
Isa s’yang dayuhan, lahi niya’y Tsino
Asawa niya’y Ines at naging Mercado
Nang isang araw ay may Francisco
Anak niya’y si Juan tawag ay Kapitan
Na nagkaanak din, Francisco nanaman
Kabiyak ni Teodora galing sa mayaman
Isa sa bunga niya’y Jose ang pangalan
Wala sa kanila’y purong tagarito
Pa’no na si Rizal, sa’n hahantong ito
Kanyang karangalan nagkalamat dito
Iba na talaga’ng lahing Pilipino
Dugo ng Bayani
Ano nga ba ito sayo’y binabato
Pagkapilipino, dugo’y hindi puro
Lahat nagtatanong, nakikiusyoso
Sa kaniyang dugo na mayroong halo
Kung sya ay masusi ninyong pagmamasdan
Lahing tsinoy tiyak na makikitaan
Sa kanyang mga mata na may kaliitan
Pati kanyang sukat na may kapandakan
Pero kanyang lahi ay hindi sukatan
Sa kanyang ginawa na kabayanihan
Maging to’y dahilan ng kalamangan
At dapat na sya ay ating husgahan
Panu ba nasabi na to’y kabawasan
Kung dugo at lahi ay may kahaluan
Ng dugo na atin nang nakasanayan
At dumadaloy din sa ating katawan