Bagamat ang Pilipinas ay lumaya na sa kamay ng mga Kastila noong ika-12 ng Hunyo 1898 at ipinagmamalaking makalipas ang mahigit isandaang taon ay isa na itong ganap na demokrasya, hindi nito lubos na nalalasap ang mga biyaya na pangako ng demokrasya na tinatamasa ng mga bansang pinamahalaan ng ganito.
Marahil ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng mga demokratikong mga proseso, patuloy na alipin ang Pilipinas ng mga mapang-aping kaisipan na minana natin sa mahigit tatlong daang taon sa ilalim ng pananakop at paniniil ng mga Kastila.
Patuloy na itinuturing ng Pilipino ang sarili bilang alipining indio na umaasa lamang sa mga grasya ng kanyang pamahalaang hari na kanyang patron, parang umuupang magsasaka sa kanyang panginoong may lupa.
Kahit na may kapangyarihang pumili sa eleksiyon, pamantayan pa rin ng Pilipino ang piliin ang kanyang patron.
Hindi yata lubos na naintindihan ng Pilipino na sa demokrasya siya ang makapangyarihan, may soberanya. Sa kanya nakasalalay ang pananatili o hindi ng sinumang nasa pamahalaan. Siya ang magpapasya ayon sa kanilang ipinakitang sigasig sa paninilbihan kung karapat-dapat manatili sa pwesto.
Hanggang hindi tuluyang lumaya ang Pilipino sa mapang-aping kaisipan na ito, hindi tunay na demokrasya ang sistema ng pamamahala sa Pilipinas.
Ano ang palagay mo?
Ano kaya ang palagay ni Jose Rizal, bilang probinsyanong intsik, bilang liberal, bilang repormista, bilang propagandista?
Why does democracy promote development in some countries and poverty in others?
Democracy is not correlational with development. Put another way, although almost all the wealthy nations in the world are democratic, it is not always the case that democratic institutional arrangements like open elections lead directly to growth. Democratic mechanisms do not guarantee improvement in social welfare through successful policy processes.
Ideally, democracy is a mechanism that ensures competition among a country’s leadership for the promotion of successful policies (Bueno De Mosqueta and Root, 2000:9). It is assumed that voters will dismiss governments that produce policy failures. In other words, leaders compete through effective policies for development. In this sense, democracy ought to be driven by performance. Since leaders are motivated to hold on to power, the risk of being ousted from office if they fail to produce economic growth is an incentive for them to govern for prosperity.
But in the case of the Philippines, democracy is not driven by performance. Rather, democracy is driven by patronage, or loyalty to personalities. Like the politics in India, leaders in the Philippines come to office by virtue of their personal appeal. Thus, they rule by fiat (Bueno de Mosqueta and Root, 2000:11).
This could be attributed to the colonial conception of the role of the state as patron who doles out rewards to its followers for their loyalty. This is the systemic source of corruption in governance because leaders deliberately create failed policies that organize economic opportunities for their followers to collect bribes. The guarantee that they remain in office by buying loyalty is an incentive for them to govern for plunder.
To overhaul this corrupt culture of democracy, the Filipino people must discover, through their struggles with corruption, the legitimate role of the state. They must realize that their leaders are not patrons that dispense favors and they are not clients who return the favors by voting for the patron’s party. Instead, they must understand that leaders are civil servants accountable to them as duty-bearers bound to deliver on their rightful claims to welfare and prosperity. As the sovereign who wield supreme authority, the people must reward its leaders only on the basis of their performance in creating effective policies.
—–
See Bueno de Mosqueta, Bruce and Root, Hilton (2000), “When Bad Economics Is Good Politics” in Bueno de Mesquita, Bruce and Root, Hilton, eds., Governing for Prosperity (New Haven: Yale University), 1-16.
DEMOKRASIYA BA PARA SA ATIN?
Madami ngang nasyon ang sumusuporta
sa pamahalaang ‘sang demokrasiya
Kaunlaran nga ba o pagpapayaman?
Ang siyang dahilan para pairalin
Sa demokrasiya tayo ay malayang
pumili ng ating mga kinatawang
magsisilbing gabay sa ikauunlad
para ba sa bansa o sariling lakad?
Sa aking opinyon, bilang mamamayan
Ang demokrasiya’y mayro’ng kagandahan
kung ang mamumuno ay sadyang mabait,
tunay na nahalal, at talagang tapat!
At itong si Rizal, bilang isang saksi
sa panahong tayo’y sa Kastila’y api
Siya’y naghahanap ng ‘sang pagbabago
sa demokrasiya at pinuno nito
Ang mundo’y humanga, tayo’y tiningala
Tunay na kalinga, tayo’y pinagpala
Dakila ikaw nga, lahat naniwala
O hiyas na bunga, kayamanang punla.
ngayon ay iba na ang buhay na dama.
Si Juan ay ngdusa sa ‘ting demokrasya.
Lubos sa pagnakaw ng pera ng bayan.
kahit ang kapalit ay buhay ng dukha.
Buhay na pighati dinaranas natin.
tulad ng tuyong dahon na nasa yong kamay.
Kamay na kay laki binihag mo kami.
Lalo ang mga dukha na pinapatay na.
Dr. Jose Rizal, ano ang ‘yong plano
Nang ang kasaysaya’y mabagong tuluyan
sa mga pagtraydor ng tao sa bayan.
Tulad ng gobyerno ntin sa ‘ting bansa.
Pagtapos lumaya demokrasiya ba
Ang dapat itawag sa ating nakamit?
Isipin mong muli at huwag mangamba
Kung nararapat ba at tama ang gamit
Tayo ay malaya bawat mamamayan
Na tayo’y pumili sinong ihahalal
Na dapat mamuno nitong ating bayan
Na magiging daan ng ating pagtanghal
Ating tatandaan marami ang buhay
Nawala’t pumanaw para makamit ang
Malayang estado at magandang kulay
Ng buhay at puno talino’t linang
Bayaning si Rizal siya’ng ating daan
Ang demokrasiya’y kanyang hatid sa ‘tin
Upang maging bago, ating kasaysayan
Gamitin ng wasto’t ating pagbutihin
Demokrasya nga ba?
‘Sang malayang bansa, tayo’y itinuring
Sa mga dayuhan, di nagpaalipiin
Madla ay lumaban, hangang kamatayan
Upang makuha lang, ating inaasam
Demokrasya nga ba, ang ating nakamtan?
Bakit kalayaan, di ko maramdaman
Ano ba talaga, kulay ng tagumpay?
Hindi mawatasan, kahulugang tunay
Rizal na bayani, kami’y pangaralan
Bigyan ng daan, aming kaisipan
Iyong pangatwiran, demokrasyang tunay
Ikaw ay kailangan, samin ay dumamay
Marahil kawalan, ng iisang hiling
Yan ang iniisip, ni Joseng magiting
Ang kalayaan ay, hindi makakamit
Dahil sa hangaring, pilipit-pilipit
May demokrasya ba?
Kung nabubuhay pa, ang ating bayani
Anong hakbang kaya, kanyang mawawari?
Sa kabutihan ba, o sa kasamaan?
Syempre sa mabuti, ang para sa bayan
Anong naiisip, ng ating bayani?
Pareho ba kaya, ating bukang labi?
Anong nangyayari, sa pamahalaan?
Sinong demokrasyang, paniniwalaan?
May demokrasya bang, walang katuturan?
Di pagkakaisa, pwedeng solusyonan
Mga lider nating, walang ginagawa
Sila’y mga taong, mga walang awa
Kung may demokrasya, may pagkakaisa
Dahil tayo’y Pinoy, at dinagiisa
Ang mga problemang, sumisira’t hadlang
Sa mga pangarap, ng mga nilalang
Tayo ba’y malaya sa sariling bansa?
Kung sunud-sunuran sa namamahala
Wala na malupit na mga Kastila
Kapalit naman ay mapang-aping kapwa.
Abusado’t sakim, wala silang awa
Magdusa man kahit pa ang maralita
Ang di tanto niring mapangsamantala
May hangganan lahat, buhay may pag-asa.
Masakit isiping tayo’y walang laya
Kapwa Pilipino sanhi nyaring dusa
Kabayan halina tayo na’t mag-alsa
Di pwedeng ganito, sakit wakasan na.
Kami’y unawain hiling pagpapala
Rizal di man nais sirain adhika
Wala lang magawa pagkat maralita
Hangad lang ay tratong pantay tulad nila.
DEMOKRASYA NATIN
Demokrasya ba’y, dulot ay kahirapan
O sadyang kulang lang, ating katapatan
Disiplinang ito, balot ng kasakiman
Masaganang buhay, di makamtan-kamtan
Rizal kung buhay pa anung gagawin
Isipang dakila paano pupukawin
Namulatang dipa kaya bang baguhin
Ng yong mga tulang inalay sa amin
Dugong inalay mo syang naging daan
Sa mga pananakop bayang pinaglaban
Sanay narito ka pawis muling ila’n
Upang demokrasya magdulot ng yaman
Diwang pagkatapat ating sariwain
Tayo ay bumangon baya’y wag dustain
Pusong makabayan ating paalabin
Maging tapat sana para rin sa atin
Demokrasya nga ba?, promdi alam mo ba?
epektibo baga? turing ay pagasa
maituturing nga ba itong demokrasya
ang tanging solusyon ang tanging sambitla
Isang probinsyano, ngunit dalubhasa
ngalan niya’y pepe, nangarap’t umasa
mapabuti sana, magulong sistema
para masaayos, para guminhawa.
Bilang probinsyano, bilang pilipino
galing sa malayo, handa na isuko
patutunayan pagiging probinsyano
na sanay sa hirap, hindi ito biro.
Ating kamalayan, kanyang bubuhayin
ating demokrasya,kanyang sasambitin
ang tulog na diwa, kanyang bubuhayin
Upang kasamaan, ating tanggalin.
Ano ba’ng kapalit ng yong kamatayan
Layang inaasam, ‘di aming lubusan
Iyo ngang pagmasdan aming hinaharap
Walang nang pag-asang umahon sa hirap
Sa iyong pananaw di dapat magdusa
Pilipinong hangad, yaring demokrasya
Tiwaling pinuno, binenta’ng dignidad
Sa isang demonyong walang moralidad
Masasamang kampon walang sinasanto
Sila’y natutuwang pahirapan tayo
Pagkatao nila’y inuod sa dumi
Kaluluwa’y bulok, may itim na budhi
Kung ikaw ay buhay, iyong paglalaban
Matagal nang mithi,tangi’ng kalayaan
Hindi ka papayag, sa bansa’y mamuno
Ang mga tiwaling tulad ng demonyo
Idolo kong Rizal sa atin nagpahanga
Nagpakita ng tapang sa buong madla
Kanyang kahinaan ay di pinakita
Tiwala ng bayan ay kanyang nakuha
Kalayaang asam, binigay sa bayan
Kaya buong bayan ay dapat malaman
Rizal na pagasa ng mahal nating bayan
Demokrasya’y inilaban hanggang kamatayan
Sana bawatpinoy, magkamoralidad
Mga nasa taas na pera ang hangad
Kamiy ninakawan at isinasadsad
Hindi lang sa hirap, pati moralidad
bansang Pilipinas, may demokrasya ba?
nananaig nga ba tunay nitong diwa?
Tayo’y kaya’y mali sa pag-aakala
sa’ting iniisip: itoy “Demokrasya”
PAGHIHIKAHOS NGAYON
Ang nakaraan ay iba sa ngayon
Noo’y maginhawa, maunlad ang nayon
Ngayo’y naghihirap pati nagdurusa
Kaya dumarami ang nagiging masa
Ang ating gobyerno, ang siyang dahilan
Pagpapasakit lang, kanilang nilaan
Ang kurakot doon, ang kurakot dito
Ang nagbigay daan sa hirap na ito
Angking kahusayan, ang s’yang kailangan
Nang nakatataas sa pamahalaan
Hindi kasakiman, ang paiiralin
Kundi katarungan, ang magiging hain
Ating Jose Rizal, bilang mamamayan
Hindi sasang-ayon sa ‘bang patakaran
‘Di magpapaapi, ‘di magpapaawa
Karapatan nati’y ipangangasiwa
Ang bansang Pilipinas, isang demokrasya
Pero mga tao’y, parang di malaya
To’y tulad ng sa panahon ng Kastila
Pagkakaiba nga lang ay ito’y kapwa
Sa ibang bansa’y sagot ang demokrasya
Pero sa Pilipinas, to’ ang problema
Mga tao as gobyerno’y mandaraya
Nasa utak nila’y pagkuha ng pera
Demokrasya nga ba, kanilang mithiin
O di kaya’y mangurakot at mang-angkin?
Bakit ba hindi nalng nila ayusin
At trabaho ay kanilang pagbutihin.
Si gat Jose Rizal, gusto’y kalyaan
Kaya’t minulat niya, ating isipan
Upang isisgaw ang ating karapatan
At ang paniniwala ay panindigan.
Nakatulong nga ba ang Demokrasya?
Sa’ting pamumuhay ba’y may nagiiba?
Tayo nama’y mukhang inaalipin nga
Pinapahirapan ang lahat ng madla
Malaya nga tayo sa mga dayuhan
May sariling lider at pamahalaan
Ngunit tayo nama’y umaasa lamang
Sa mga binigay nito ngang dayuhan
Pilipino’y sadyang nasanay ata
Ng masakop sila ng mga Kastila
Bayang nahirapan, pag-asa’y nawala
Panaho’y tumagal, baya’y pinalaya
Mga Pilipino ay dapat malaman
Na may pag-asa at meron kalayaan
Bumangon magisa, tulungan ang bayan
Lahat ng dayuhan, dapat pabayaan
Once a homeland of gold, a haven of fortune
A paradise in earth and melodic tune.
Now, driven by hunger and moved by poverty
Ruled by atrocities; sinful authority.
A comedic error for us once called indios
To elect a leader who loves the word adios!
Adios! Prosperity…people’s prosperity
Adios! Thy policy…successful policy.
We need a wake – up call, words from a true leader,
Actions of harbringer; Rizal as our master
He’d make us realize: leaders are not patrons
But servants of brethrens; and chieftains not to scorn.
A true politician delivers rightful claims,
Guarantees improvements and governs not to blame.
Fight for democracy! Stand for our welfare! for:
People are the power, the peril and the hope.
Only few have read this, few are interested
Few may understand this, few may take for granted
For those who understand, who may have read clearly
What and where is your stand? Can it be solved properly?
With a pen in his hand, he would begin to write
With bold feeling in mind, things to make it all right
With the use of letters, with a stroke of the hand
Solution in papers, clever writer at hand
As a proud citizen, as a fellow Pinoy
I know he would listen, cause he is not a toy
Rizal is not naive, his eyes always open
Against this very wave, he would stand again
Ating demokrasya ay hindi batayan,
Ng pag-aasenso ng ating lipnan;
Ito’y maaaring magbukas ng daan,
Sa mga nilalang mahilig manlinlang.
Pinunong pinilikailangan tapat,
Kapakanang tama nasaisip dapat;
kanyang mga gawa para sa lahat,
Upang kanyang pwesto ay karapat- dapat.
Si Rozal na ating pambansang bayani,
Karapat- dapat lang na siya’y pinili;
Wala pang humigit, kaya nanatili,
Sa kanyang pwesto na kawili- wili.
Para manatili ang isang pinuno,
Kailangan niyang kumayod ng husto;
Para sa mabuti, ‘di pansariling gusto,
‘Di pakitang tao, kundi totoo.
-^-^-
“Kapangyarihan ng isang mamamayan”
Saking pananaw toy maling kaisipan
Sa ating lupain ng madaming hangal
Kahit sang pwesto tingnan tayoy naiwan
Mga tao ngaun walang mga dangal
Mga ibang bansa silay naiingit
Sapagkat tayo ay may kapangyarihan
Ngunit para satin ito ay maliit
Mamili ng taong tayoy pamumunuan
Kung ating bayani ngaun ay nabuhay
sasabihin nito sa kapwa pilipino
Huwag sasayangin ang paglago ng buhay
Itoy kamalian ng mga pilipino
Pagtoy di nagbago at nawala satin
Sinasayang natin ating demokrasiya
Sapagkat tayo din ang syang lalaitin
Kaya ating gamitin ang ating demokrasiya
X_X
ANINO
Demokrasya, kaw ba’y nararapat samin?
Republika, kaw ba’y naaayon samin?
Kristyanismo, tunay ba kaming kristyano?
Pilipinas, tunay ba ‘kong Pilipino?
Oh Pulitika, san ba iyong patungo?
Panay ang batikos, kelan maglalaho?
Ang ating bayan ba’y ramdam ang asenso?
‘To’y aking hinaing sa ating palasyo!
Juan de la Cruz, ikaw ay isang kristyano,
Napag-iwanan ka ng kapwa Asyano.
Kurapsyon, kailan ito matatapos?
‘Wag mo kaming gawing bayang binusabos!
Jun Lozada, ikaw ba’y isang huwaran?
Ikaw ba ang susi ng katotohanan?
Kamatayan dapat iparusa sa’yo,
Pagkat nagtatago ka sa’yong anino!
Sino’ng mapalad sa ‘ting “kalayaan”?
Siyang “kalayaang” tila alinlangan
Tayo’y inalis sa kanyang katayuan
Sino’ng demokrasya, s’ya ba’y kaibigan?
Naglayong mag-isa, layo sa ‘ting piling
Isang karuwagan, s’yang maituturing
Pagkat Inang Baya’y iniwan n’yang supling
Saang demokrasya, s’ya pa ba’y darating?
Bilang isang Rizal, tunay at totoo
Haharap sa lahat, isang maginoo
Inang bayan nati’y sisilbihan nito
‘Di man ninais ang buhay n’yang ganito
‘Di na kailangan sa ating damdamin
Ng isipang mangmang at hindi maangkin
Kalaayang sambit, hindi yan alipin
Anong demokrasya, atin s’yang angkinin!
Paumanhin sa mga pinagpipitaganang
Mohon ng panulaan at kilusang mapagpalaya,
Kung laging susundin ang payo ng mga paham
Na nabuhay sa kanilang sariling panahon.
Kung gagagarin lamang maging ang kanilang paraan
Ng paghabi ng salita at pagsusukat at tugma,
Kung lagi lamang susundan ang bakas
Ng nangaunang manlalakbay.
Disinsana’y walang nakarating sa buwan
O walang satellite na umiikot sa mga planeta,
O walang kompyuter o walang cellphone
Na nag-uugnay sa mga tao ng bawat bansa.
’Di kaya natin pinagkakaitan ang mga sarili
Ng pagkakataong dumanas sa personal na impiyernong,
Walang ibang makakaunawa kundi mismong indibidwal
Na naglalakbay nang lampas sa mga takdang pamantayan.
At naranasan kung ano ang kahulugan
Ng tunay na paglikha at tunay na kalayaan?
Demokrasya nga ba ang ating bansa
Munting kalayaan kanilang biyaya
Iyo bang opinyon sa iyong paglaya
Maayos panoon yun ang mahalaga
Ang kasarinlan ba ay isang demokrasya
Na ang opinyon mo ay di mahalaga
Pilit mang buksan kanyang mga mata
Binalot ng dilim kislap ay nawala
Ganyan ang nagyayari sa ating bansa
Puno ng kurtina na nagpapawala
Sa ating paglaya na s’yang mahalaga
Galing sa ninuno na kanyang pamana
Gobyerno na sentro ng paaaruga
Sa mga karapatan ng bawat isa
Siya pang may bahid ng pangagahasa
Sa ‘ting pinaglaban ng puso at diwa
Simula pa lamang, daing nating lahat
Demokrasya’y kamtin, tanggapin ang dapat.
Nang ang ating bansa, maghilom ang sugat
Sa katotohanan, tuluyang mamulat.
Tayong Pilipino, tunay ngang malaya
Maging sa paghalal, tinig may halaga.
Ngunit di magawa, pagpili nang tama
Tila ating mata, bulag sa paghanga.
Ano na lamang damdamin ni Rizal?
S’yang naninindigan, isipa’y liberal.
Sadyang pagkamuhi sa ‘ting mga asal
Kabuktutang gawa, inubos ang dangal.
Tayo na’t kumilos, baya’y bigyang pansin
Ating karapatan, dapat nang linangin.
Pagpanig sa tama, ngayo’y pairalin
Adhika ni Rizal, wag nating biguin.
HUWAG NAMAN SANA
Ang kapangyarihan, nasa karamihan
‘pag sa isang bansang demokras’ya’y na’han
Bawat isang tao ay may karapatan
na ang panig nila ay mapapakinggan.
Ito nga’ng botohan ay isang paraan
upang mamayani itong karamihan
Datapwa’t tunay ba na walang dayaan
Walang pulitikong namili ng ilan.
Ganito na nga ba, mga Pilipino?
Wala nang itangi, maraming palalo
Kung buhay si Rizal, ito’ng kanyang punto
Ang kanyang dahilan, sa Kastila’y salo.
Itong si Gat Rizal sa kanyang pagtanto
Mga Pilipino, alam ay ‘di buo
Sa mga paraan, wastong pamumuno
Ang saligang batas, butas-butas ito.
ddeEMOkrrusshaa
Bansang Pilipinas isang demokrasya
Paunlarin para , sumikat sa Asya
O mga ninuno, samin pinamana
Ang bansang ito ay, daig pa namina
At sabi nga nila, tayo ay alipin
Di ako papayag na tayo’y apihin
Ating karapatan ang `syang nanalig
Kahit mga tao ay maliligalig
O ang demokrasya, nasa puso natin
Ang dugong pinoy ay di pwedeng bastahin
Maging makabayan sating bansang mahal
Lahat ay gagawin `wag lang `to isugal
Gumising na tayo at `wag ng matulog
Tayo ay umayos at wag magpabugbog
Sa sakit ng bayan na di mapigilan
Sana nga`y maghari ang pagmamahalan
LAYA BA TALAGA?
Ang pilipinas ay may demokrasya
Ngunit ang biyaya’y hindi makuha
Alipin pa din ang tingin sa sarili
Na umaasa sa kanilang hari
Demokrasya nga ba ang ating nakamit?
Demokrasyang parang ‘sang papel na punit
Mga tao’y di man lang ito madama
Kaya para tuloy walang demokrasya
O Dok Jose Rizal kami ay imulat
Sa katotohanang kami’y malaya dapat
Iyong pangunahan ang aming paglaya
Sa kaisipan na kami’y `sang timawa
Sa demokrasiya, may pagkakaisa
Na pantay-pantay lang ang lahat sa bansa
Lahat ay mayroong kalayaang kamtan
Ito ay para na din sa ating bayan
YAMAN KO~
O’ mahal kong Pinas, panu ba simulan?
ang bayan kong mahal, naligo sa ulan
Ulan ng pighati, sa bawat puso natin
pagkabigo natin ay ating aminin
Ating bansa ba ay, mayaman sa utang
ito’y salbabida na lutang ng lutang
Lutang sa problema at sa pagdurusa
O puno ng sakit, poot at may lansa
Ating karapatan ating ipaglaban
Ng makamtan natin ating kalayaan
Ating demokrasya saan na napunta?
Nakatago satin o tinatamasa?
Tanging yaman natin, ating karapatan
tayo’y magkaisa, sa kinabukasan
Si gat Jose Rizal ang nagturo satin
Ng tunay na yaman na sariling atin
MALAYA NGA BA?
Bansa’y malaya nga, ngunit maunlad ba?
Tayo’y malaya nga, ngunit sa’n papunta?
Kapalaran ba ‘to, di na makabangon,
Oras ay huminto, Saan pa lilingon?
Hirap at pagdusa, atin ngang natamo,
Bayan nga’y lumaya, mayron bang nagbago?
Kaisipang bulok, bakit ‘di matanggal,
Sa mga naluklok, pinunong tinanghal.
Lubos na gahaman, sa kapangyarihan,
Mga kababayan, na ating inasahan.
Saan pa pupunta? Wala na nga, wala.
Bukas at pag-asa, sa’n hahanapin pa?
Baya’y malaya nga, ngunit ito’y sobra,
Lamangan ang kapwa, salita’y di ubra,
Dahas ang daanan, baluktot ang gawi,
Ating kapalaran, at pag-asa’y sawi.
BIGYAN MO AKO NGA DEMOKRASYA O KAMATAYAN (PWEDE HOPIA)?
Sinong magsasabi na tayo’y malaya
Kung tayong mga tao sadyang pinipiga
Tulad ng ‘sang buko na wala nang gata
at tuyong sardinas na wala nang lata
Bakit ang gobyerno hindi ipaglaban
Ating karapatan bilang mamamayan
Bagkus lalo lang nilang pinatunayan
Na ang mga tao tao ay walang kalayaan
Sana’y si Mercado tayo ay gabayan
Sa madilim natin na kapalaran
At iangat na rin ating kabuhayan
At higit sa lahat, ating kalayaan
O sana bumangon ka sa iyong hukay
Upang aming maging matalinong gabay
Dito ngayon sa’ming munting paglalakbay
O talagang hiling na ika’y mabuhay
WALA KA SA LOLO KO!!!
Makasariling Demokrasya
Ating kalayaan ang siyang adhikain,
ito’y pinaglaban para ating gamitin.
Ilagay sa puso’t ating pag-alabin,
ito’y pag- ingatan di dapat wasakin.
Panahong nagdaan dapat sariwain,
di dapat itago lalong wag dustain
at higit na dapat na to’y palawakin,
upang maiayos mga buhay natin.
Hinangad ni rizal alisin ang piring,
mata ay mamulat laya na sa dilim.
Kalayaan dala’y ginhawa satin,
hindi panlilinlang sa atin ay dalhin.
Ngunit kung ang trato’y maling simulain,
baya’y inabuso, perang adhikain,
bisyo’y pairalin, perang adhikain,
di dapat gawain dapat nang wasakin.
NEZ: SIR DIEGO I LOVE YOU !!!
THX SA LAHAT…
RC DA BEST ! !!
CHIE: I LOVE YOU PRINSESA LARA ! !!
PIPOY: OI LUDWIG DRUGS!!! PERFECT ATTENDANCE TAU!!
SIR DIEGO GUMALING KAMI SA LOGIC !!
FRIENDS: I LOVE YOU 1-1
ano ang nauna?
itlog o manok??? Ü
txt me d answer….. 0906- BARBERO
gimik tayo guyz…
Our past seens far away, so far that we forget
The sacrifices made and sufferings they felt
the darkness that seeps us, seems to increase faster
Yet we never notice the foulness that lingers
He as a reformist had been able to see
The future that lies ahead, of the quarrel to be
A wish to never see, a place so lowly pinned
His beloved country, in chaos within
Steps, little by little, let’s move on that great day
Together let us aim, a future faraway
With his teachings on mind, his voice rings inside me
I continue to seek, the place I wanna be
When everything seems lost and no chance of change occurs
I will just try harder and realize it thru
The light is always there because I will believe
That everythings alright as there is always hope
Tayo ay alipin nitong kakapusan
Mga kababayan dusa’y kinkamtan
Sa bayan hirap ay lubos na laganap
at ang pag unlad ay kanilang hanap.
Bakit nga ba tayo ay hindi umunlad
Gayong tayo naman ay malalaya
Iisa lamang ang ating hinahangad
Mga hangal sana ay magparaya.
Mga mata natin ay ating imulat
Ng katotohanan tayo ay ulirat
Huwag magpadala sa mga salita
Ng opisyales pagkat sila’y panira.
Rizal ano nga ba dapat naming gawin
Upang magkaisa ang aming hangarin
Mga opisyales sana’y matauhan
At huwag isipin sariling hangarin.
DEMOKRASYANG BIRO
Nakamtan na nga ba itong demokrasya,
Na ‘ting inaasam mula pa no’ng una,
Kasi parang hindi natin ‘to nakamit,
Dahil sa mga Kano tayo’y nakakapit.
Tayo nang gumising mga kababayan,
Para umasenso itong ating bayan,
‘Wag nang tumahimik, tayo’y magsalita,
Matutong umimik, tinig may halaga.
Gayahin si Rizal at maging liberal,
Atin ng labanan ang ‘di tamang asal,
Kumilos na tayo, bigyang-pansin natin,
Itong ating bayan ay dapat linangin.
Rizal na huwaran, dapat kang tularan,
Panahon na para kami’y manindigan,
Dapat ipaglaban ang bayan na mahal,
Para tayo naman, magkaro’n ng dangal.
Malaking tulong ba, demokrasya sa’tin?
Kung sa iba oo, ba’t hindi sa atin?
Dahil ba sa mali ang ating pagboto?
O sadyang tinago, tunay na pintado?
Sa unang paglantad, kandidato’y gwapo
Ngunit sa paglaon, naging tarant*do.
Karaniwan na ‘to. dito sa’ting Pinas
Kaya di umunlad, Pinas nating alas.
Bawat pinuno ay dapat nating tignan
Kung ang trabaho niya ay ginagampanan.
Dahil kung kay Rizal, tiyak labas reporma,
Reporma’t pagbabago, sa pamamahala.
Isip natiy buksan sa pamahalaan
Sa mga tiwali, ‘di dapat lampasan.
Isaisip natin, hindi sila patron,
Mga maling gawa, dapat bigyang aksyon.
nasa tao ba ang lakad ng bayan?
kinakapos tayo sa pamamaraan
sanghaya ng bayan, meron pa ba nyan?
mapagsarili lang ang pinagsilbihan
ipagmasdan natin ang ating paligid
anong kayamanan ang naipong bahid
mayaman o hirap, lahat nasasamid
bayan nating tuyot, ikimkim ang batid
tao’ng sumisikap pinupuri ba sya?
tao’ng nagnanakaw, binibingtangan ba?
halaga ng tao, ikasasama ba?
patunayin lamang ang determinasyon
pagbigyan ang lahat na mag pagsang-ayon
sa bansang nagaasa, tayo’y mag desisyon
ipunin ang lahat at gawin ang misyon
Itong demokrasya na sa’tin pamana
Ng bayan na minsan buklo’t nagkaisa
Laban sa rehimeng naging mapanakal
Na s’yang umabuso sa kapangyarihan.
Sa ngayon at bukas, tila demokrasya
Ang s’yang sumisira sa ating sistema
Pagkat diwang tunay ay nababahiran
Ng paniniwalang walang katuturan.
Kung ang Pilipino ‘di papaalipin
At ‘di pasusukob sa maling tunguhin
Ay makakamit mo iyong kalayaan
Kalayaang tiyak ‘di nababayaran.
Ikaw ay magising sa katotohanan
Na lahat ng ito ay maintindihan
Lahat ng ito ay isa lang ilusyon
Na sa bandang huli sayo ay lululon.
Isla Pilipinas, lumaya no’ng hunyo.
Nakamit ang gusto, na ang demokrasya
Malaya na bansa, laging dinadayo.
Akala ng lahat, ito na ay grasya.
‘Di inaasahan, wala pa lang kwenta!
Demokrasyang nais, ‘di lubos nalasap.
Dapat na biyaya, kita ba ng mata??
Ang mga pangako, tila parang kislap.
Ngunit Pilipinas, aliping patuloy.
Walang pinagbago, kawawa ang bansa.
Ang kulang na lamang, bigyan ng abuloy.
Minana ng Pinoy, isipang malansa.
Kaya’t Jose Rizal, masasabing tama.!
Parehong-pareho, s sinauna..
Makinig ay aya, sa buhay ay nana.!!
Lalo pang lumala, nangyari’y ‘si sana.
demokrasya’y ginawa para sa lahat
maging malaya sa paraang dapat
maging malaya’t gawin ang lahat
demokrasya’y para sa ikabubuti ng lahat
ngunit kung ito’y pawang kalokohan
at demokrasya’y di makatotohanan
ito’y sayang at walang kahalagahan
kung tunay na diwa’y di gagampanan
demokrasya’y inaasam ng lahat
pagkat ito’y pinakamaganda sa lahat
wala na nga sigurong maitatapat
oh siyang tunay ng demokrasyang ‘lang katulad
huwag sanang dungisan ang tunay na damdamin
tunay na demokrasyang bukambibig natin
sa bawat henerasyon nagpasalinsalin
sambitin natin demokrasyang atin
Karapatan ng bawat mamayan
ang mapaghandugan ng kalayaang
ihayag ang damdamin at sarili
para sa ikabubuti ng marami
Walang sinuman ang maaabuso
kung kalayaan’y mag-iibayao
dahil pinahahalagahan ng demokrasya
ang pagkakaisa tungo sa mahusay na pagpasya
Kung kalayaa’y ipagkait, dangal di’y mawawaglit
pagkat ito’y magbvubunga ng pagkapiit
sa mundong hindi kinikilala
ang pangangailangan ng madla
Bayang mapayapa dapat nang mithiin
Tao’y dapat mulat nang di abusuhin
Buwaya’y ikulong ‘wag nang palabasin
Ng katahimika’y mapasaatin
Ulo ng Katawan O Katawan ng Ulo
Itong Pilipinas, bansang demokrasya
Hindi umuunlad, hanggang asa nlang.
Sa tindi ng utang, hindi maka-alsa
Tayo ba may sala, tayo ba may kulang?
Ano ba ang bansa kundi sang katawan
Sa malaking ulo, tawag ay gobyerno.
Ang buong katawn, tayong mamamayan.
Kung wala na tayo wala rin ang ulo.
Ngunit bakit ganon, bakit ba oh bakit?
Sa katawang ito, nangunguna’y ulo.
bigay ay problema, imbis na serbisyo.
Kaya ulong ito, sakit lang sa ulo
Aking masasabi mula sa’king puso
Demokrsya natin, tuyong-tuyong-tuyo.
Di dapat batayan bansang demokraya
batay sa sarili and kaunlaran niya
Ang kalayaan na hanap-hanap natin
Kayang-kaya na natin iyon abutin
Basta’t maroon tayong iisang layunin
Kahit na ano’y di mahirap kamtin
Mga pangangailangan dapat tugunan
Pangakong pabahay at murang bilihan
Libreng paaralan para kabataan
Malinis na tubig para pamayanan
Bawat isa’y pwedeng gumawa ng marka
Di tulad sa mababaw na pulitika
Tayo ay may kapangyarihang lumikha
Ng lugar na mawawala na ang dukha
Tayo-tayo ang tutulong sa bansa
Upang maalis ang nagbibigay lansa
Kasaysayan natin, puno ng hinagpis
Kaya ngayon dapat ng tayo’y kumilos
Ang ‘sya lang lulutas, sa buhay ng hirap,
Sang-ayon sa lahat – edukasyong taglay,
Sa halala’y tugma, pagpili’ di sablay,
Kung maraming may dunong, demokrasya’y sagap.
Kaya’t sa madali, populasyo’y tama
kung halos lahat ay nakauunawa.
Kung sistema’y dilat; lahat uunawa,
Ang pwersa ng baya’y nakakapinsala.
Ang pinag-aralan ay pwedeng basehan,
Kung ‘di malalaman, kakayahang lubos,
Ngunit dapat tingnan ang pagdadahilan,
Sariling pag-unlad ay pwedeng tularan.
Kung sumahin lahat, ito’ng dapat tingnan:
Angking kakayanan, ‘di ng sino man lang,
Paggamit sa ayos ang yamang sapat lang,
Tuwid na dahilan, lohika ang laman.
“laban” ;P
Paglayang naganap ‘nintay ng kay tagal
tunay bang nakamtan, oh pinal’tan ng iba
tulad ng ‘sang prutas, balat na kay kapal
na sa ‘sang talupan ay ‘di makakaya
lahat ay nagsama, lumaban ng sabay
sinong nakinabang, nasan karapatan
makapangyarihang, serbisyo’y alay
bukal ba sa puso, oh habol ay yaman
Demokrasyang hayag, sy’ang ipinatupad
‘sang kapangyarihang, bawat isa’y taglay
nagamit bang tama, nang tayo’y umunlad
oh hindi intindi,kaya’t lugmok bigay
kailan ba talaga, ito matatapos
pagtapak sa hirap, di ba matitigil
lahat tumayo, ‘pang sila’y maubos
nang ‘tong pang-aapi, atin ay mapigil
sir…we’ll miss u.. tnx!! aus!!! XD
Tunay bang nakamit, demokrasyang hangad
pilipinong tao, malaya na nga ba?
Oo malaya na, panlabas na anyo
pero kaisipan, nakakulong pa din.
Ating karapatan ating ipaglaban
yan ang kaisipan, ni Joseng magiting
dakilang bayani, ng nakararami
demokrasya ay ipagsakatuparan.
Mga sakripisyo, wag nating sayangin
magising na tayo sa katotohanan
hindi pa huli para magbago tayo
ng makapit ang tunay na demokrasya.
Demokrasyang hangad, ating aabutin
sabay sabay natin ipaglalaban
demokrasya na ating pinapangarap
sa huli ay magtatagumpay din tayo.
Pagal na Demokrasya
Para sa’n ba ito? Ito ba’y mabuti?
Bansa ba’y lalago? Takas ba sa bigti?
Sa ‘ting demokrasya, daming katanungan
Sana ay magbalik, Perlas ng Silangan
Ang karapatan ng bawat Pilipino,
Na sakop ng batas at gawa ng tao,
Kung magkagayon bakit naman ganito?
Pag unlad ng bayan, hindi mo matanto.
Ang gobyerno ngayon hawak ng mayaman
Tanging sila lamang may kapangyarihan
Dapat aktib tayo sa galaw ng bayan
Upang mapigilan ating kasawian
Bayang mapayapa dapat nang mithiin
Tao’y dapat mulat nang di abusuhin
Buwaya’y ikulong ‘wag nang palabasin
Ng katahimika’y mapasaatin
Ang pilipinas ay may demokrasya
Tayong mga pilipino ay may laya,
Ng pinunong hahalili sa atin,
Ngunit bkit s’ya ang ating napili?
Isang pinunong sugapa sa pera,
Masyadong magulang sa kanyang kapwa,
Pera ng baya’y kanyang tinago,
di man lamang s’ya ang dalawang-isip,
Ranggo ng pilipinas ay tumataas
Ngunit hindi sa yaman at kaunlaran
ito ay dahil sa pluder at corruption
Dito na ang pilipinas lumalakas
Demokrasya, dapat daan sa pag-angat.
naging dahilan sa pagkapangkat pangkat.
Ang mayayaman laban sa mahihirap.
Sistema’y baguhin, sadya tong pahirap!
naging demokrasya mahal nating bansa
nong tayo’y lumaya sa mga kastila
pero bakit ngayon lahat nagdududa
sa pamamahala ni pangulong glorio
lahat nagtatanong tayo ba’y malaya
bakit ibang bagay di natin magawa
bawat pilipinong nandito sa bansa
di makapalag at makapagsalita
san ba napupunta bawat boto nila
aking pakiramdam ‘to’y balewala na
sapagkat ang iba ito’y dinadaya
para mangurakot at sirain ang bansa
hay kawawa naman ang pinoy sa bansa
parang hindi pa rin ‘to nakakalaya
dati’y sa kastila, ngayon sa kapwa
tama na tigil na, kami ay sawa na!