Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
“MITHI AY BINHI”
Mumunting pangarap na ubod ng laki
Dito ay umusbong ang isang bayani
Pusong nagtataglay ng dandaming wagas
Nagtulak sa bayan upang makaalpas
Siya ang nagpunla ng kabayanihan
Upang PILIPINO’y mamulat, lumaban
Kahit pa sabihin na sariling mithi
Dito sa’tin ito’y naging isang binhi
Walang kabuluhan kung pagtalunan pa
Pagkamaginoo’t pakatao niya
Pagkat sya’y dakila, taong natatangi
Kanyang kamatayan tumubos sa lahi
Sa pamamagitan ng kayang pangarap
Ating kalayaan ngayo’y nalalasap
Kung kaya ano pa ang ‘yong nilalapat?
Pumanaw na siya, hindi pa ba sapat?
Kadakilaan niya: isang karagatan
Ubod na malawak, tunay na matapang
Kung mabuhangin man, hindi kabawasan
Pagkabayani nya’y huwag nating itimbang
“Dangal ng Hangal”
Paslit pa lamang siya ay hangad maging ama
Siya’y mangmang pa lamang pagkamuhi’y dama
Nagmulat sa kanya’y isang adhikain
Isang adhikaing pansariling atin
Pagiging bayani’y isang karangalan
Ngunit kung ang hangad ay ‘tong katanyagan
Sa bayang nasadlak, tunay bang nagmahal?
Bayaning tinanghal, nasaan ang dangal?
Ika nga ni Rizal dapat ay mahalin
Ang sariling wika na tanging atin
Nguni’t kung ganun nga bakit kanyang likha
Sinulat, Nilimbag sa wikang banyaga
Dugong dumadaloy sadyang kakaiba
Ngunit ang kutya ay hindi alintana
Bayaning binansag ngunit lahi’y singkit
Sakripisyong tunay madla’y naakit
Kabawasan mandin, gawang pagkatao
Ito’y kanyang mithi, para di mabao
Bansang walang tao’t bayaning maituturing
Ito’y halimbawa, nang di mapuwing
♦jayvee john♦
♠nick amida♠
♥elaine aquino♥
•yazer von•
Kabayanihang Hubad
Mula pagkabata ay pinangarap na
mabatid ng madla pagkamakabansa.
Ang lahat ng ito’y planadong planado
sa simula’t sapul – pagsigaw ng Fuego!!
Hangad ba sa bayan sadya’y kalayaan?
O hangad niya’y ngalan, ng di malimutan.
Iyon ba ang mithi ng isang magiting?
Umani ng puri siyang tanging daing.
Hunyo disinuebe, sya’y iniluwal
maging isang bayani, pagtanggol ang bayan
Subalit ito ba’y kanyang kagustuhan?
O kaya’y sariling kapakanan lamang.
Dahil siya’y mapera, mithii’y natupad
di tulad ng iba, sa salapi’y salat
Mithiin ni Pepe, di sinawimpalad
samantalang iba’y tila buto’t balat
Pagtanggol ng bansa isa lang pakana
tayo’y isang manika, tauhan sa katha
Sariling interes ang kanyang motibo
‘di ba’t ang bayani di dapat ganito?
•♀♪ bow ♪♂•
” TITULO NG ISANG IDOLO ”
Hindi ba na lahat ay sinilang na pantay?
Eh kung ikaw kaya, magpapakamatay?
Hindi dahil siya’y merong lahing Tsino
Ay hindi na pwedeng makihalubilo.
Anong pamantayan ng isang bayani?
Ika’y dapat puro at dito lumaki
Hindi nasusukat iyong pinagmulan
Kung lahat inalay, walang kabawasan.
Panu’ masasabing ito’y kabawasan?
Kung sariling buhay naging sukatan
Pang-unawang taglay iba’y di mawari
Kaya kinukutya kahit mga pari.
Manang edukasyon iyong pinagyabong
Ang paniniwala dito ng uusbong
Iyong pagmamahal sadyang walang maliw
Makamtan ang laya sa bayan mong giliw.
Ang nais niya’y hindi pansarili
Taong bayang mahal ang kanyang pinili
Ang nais niya lamang mahalin ng buo
Na kahit ang buhay ay kanyang sinuko.
San ka man sa mundo, ika’y ikaw pa rin
Ano man ang iyong lahi, pagkain mo’y kanin
Ano bang problema kung ika’y mabuti
Di ba’t mas maganda na siya ang napili?
“CONSCIOUS HERO”
Montalbo, Okuya, Ong, Paradina, Paulino.
“Pinagmulang Tagumpay”
Negatibo ba kung maituturing,
Maagang namulat ang ating bayani
Mga pangyayaring lubos na isipin
Naitadhana na ‘di maikubli
Ang hinahangad ay, mabuting gawain
Mga pagsubok ay, pilit kakayanin
Ngunit iyong nais, tila hindi dapat
Dahil ang buhay mo ay, syang nakasalalay
‘Di man nabawasan kahusayang taglay
Iyong karangalan tigang namang tunay
Pagkat mga kilos, sinulat na tula
Maiging inisip talagang kinatha
Ang maging bayani, tanging pinangarap
Kaya ang kalaba’y iyo raw hinarap
Pambansang bayani, yan ang turing sayo
Lahat ay planado, tunay kang henyo
“NILIKHANG BUHAY”
Pambansang bayani kung siya ay ituring
Ating kalayaan sa gawa niya galing
“Noli” at “El Fili” mga nagpasikat
Kabayanihan niya ay dito nag-ugat
Iba’t-ibang lahi ang nananalaytay
Tsino man o Hapon, Espanyol o Malay
Si Jose di iba, ang puso at gawa
Buhay ni kalul’wa inalay sa bansa
Papel at panulat kanyang kasangkapan
Upang malabanan sakim na dayuhan
Pagiging bayani kanyang pinangarap
Kanyang pagkamatay ang nagbigay-ganap
Lumaba’t namatay kanyang naranasan
Binuwis ang buhay para sa lipunan
Kanyang pinahayag sariling mithiin
Upang makalaya sa pang-aalipin
Walang kalayaan kung di siya nangarap
Na bata pa lamang ibig nya ang kislap
Ni di nabawasan ang kabayanihan
Ginawa lamang nya mahalin ang bayan
” Gamu-gamong Buhay ”
Perlas ng silanga, siya ngang nahalal
Pambansang bayani, ang ngalan ay Rizal
Kanyang kamalayan, isa bang KABAWASAN?
Tila nararapat, na huwag husgahan
Gamu-gamong sutil, binulag ng tala
Yinakap ang alab, namatay, lumaya
Kalupa ng PEPENG winaksi ang lahat
Para lang mapag-isa, kanyang bansang payat
Bayaning si Rizal, nagtanggol sa atin
Sa kamay ng prayle, pag-asa’ng layunin
Ngunit sa tulong n’ya, mata ay minulat
At dahil sa OBRA, damdami’y kumalat
Nangarap man siya’y di na mahalaga
Tingnan na lang natin mga naging bunga
‘Sang munting mithi’y nagligtas ng libo
Nang namatay, sumilay bagong PILIPINO
Si gat Jose Rizal, ang bayaning tunay
Isang gamu-gamong nag-alay ng buhay
Siya’y may pusong tunay, nagmahal sa bayan
Tularan, igalang, buhayin kailanman
►►►►►SAYA SA DAYA◄◄◄◄◄
Pagiging bayani, di dapat planado
Di tulad ni Rizal, isang “conscious hero”
Pinaghandaan niya kanyang kamatayan
Hindi ito wasto, san man tingnan
Nung bata pa lamang, makasarili na
Ang ikabubuti’y tanging sa sarili
Bayang pinagmulan nalimutan na niya
Ang pagkabayani’y naging pagwiwili
Hindi nanahimik siya nga’y nagpasikat!
Ang tingin ng iba siya’y walang batbat
Siya ngang papansin na naging alamat
Tuloy sa Kastila, siya nga’y inalat
Pusong nahihimbing tunay ngang ginising
Ngunit bayani ba na maituturing,
Kung udyok ng puso’y dulot ng mithiin?
Pwede naman sanang taos pusong gawin
Ang kanyang adhika layo’y pansarili
Katanyaga’y hangad, tila walang saysay
Upang kanyang ngalan, sati’ymanatili
Ang bayaning tunay, dapat walang malay!
” SAYA SA DAYA ”
Pagiging bayani, di dapat planado
Di tulad ni Rizal, isang “conscious hero”
Pinaghandaan niya kanyang kamatayan
Hindi ito wasto, san man tingnan
Sariling pansin lang ang pinakikinggan
Ang ikabubuti’y tanging sa sarili
Kinalimutan na bayang pinagmulan
Pagkabayani ay naging pagwiwili
Hindi nanahimik siya nga’y nagpasikat!
Ang tingin ng iba siya’y walang batbat
Siya ngang papansin na naging alamat
Tuloy sa Kastila, siya nga’y inalat
Pusong nahihimbing tunay ngang ginising
Ngunit bayani ba na maituturing,
Kung udyok ng puso’y dulot ng mithiin?
Pwede naman sanang taos pusong gawin
Ang kanyang adhika layo’y pansarili
Katanyaga’y hangad, tila walang saysay
Upang kanyang ngalan, sati’ymanatili
Ang bayaning tunay, dapat walang malay!
sir pacute un group nmin..di kmi nka post..nsa inyo naman yung kopya..