Batas Rizal (Batas Republika 1425)
Upang mapanatiling buhay ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, isinabatas ng pamahalaang Ramon Magsaysay noong Hunyo 12, 1956 ang pinanukalang batas ni Claro M. Recto na gawing sapilitang aralin sa kolehiyo ang buhay ni Jose Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga akda.
Pagnilayan ang naging saysay ng Batas Rizal makaraan ang mahigit limampung taon na ito’y ipinatutupad.
Nagampanan kaya nito ang tinakda nitong layon? Papaano kaya ito mabisang ipatupad ngayong parang hindi na uso ang kabayanihan?
Republic Act No 1425 (June 12, 1956) An Act To Include In The Curricula Of All Public And Private Schools, Colleges And Universities Courses On The Life, Works And Writings Of Jose Rizal, Particularly His Novels Noli Me Tangere And El Filibusterismo
Section 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their English translation shall be used as basic texts.
Sec. 2. It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal’s other works and biography. The said unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools, colleges and universities.
Sec. 3. The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils throughout the country.
BATAS RIZAL, PARA SA AKIN
-kervy
Bagamat wala na ang isang magiting
Yumao kapalit ng kanyang layunin
Sa ating bayan ay di dapat limutin
Pagkat sa pluma n’ya, baya’y naging atin
Ang masasabi ko sa batas na ito
Nararapat lang ‘to sa’ting Pilipino
Sapagkat si RIZAL ay dakilang tao
Na sati’y nagmulat ng NASYONALISMO
Di ko nakikita na kalabisan
Kung ang buhay niya’y ating pag aralan
Dahil di naman ‘to sati’y kabawasan
Bagkus para ito sa’ting kapakanan
Ang NOLI’t EL FILI’y magagandang katha
Si RIZAL na HENYO bayaning may akda
nag alay ng BUHAY hindi na tumanda
kaya sa’ting PUSO’y di dapat mapatda
dors”
daang taon sa ilalim ng kastila
gayon pama’y walang dulot na kaganda
sa lupaing ito ns kala ng iba
nagdala sila ng mahalaga’t tama
kaya sa sanhing ‘to mata’y nagsilinaw
mga tao’y nagmulat at nagsilitaw
maipahayag ang bawat araw-araw
sa tahanan nating dapat bigyang ilaw
si Rizal ay nagsulat ng makathain
kung kayat dapat lang natin intindihin
mga politiko’y h’wag ito ilihim
bayan muna’t di sarili ang mahalin
bubunga mula sa mga nobelang ‘to
pagmamahal sa bayan ng isang tao
kaya’t masadhikain ng politiko
ang noli’t fili hantog sa pilipino
—tapos—
[try lang naman e’… XD]
Nasyonalismo sa ‘ting mahal na bayan
Tila nalimutan at kinaligtaan,
Recto’y nakaisip ng isang paraan
Batas Rizal nga ba ang s’yang kasagutan?
Jose Rizal dapat nating pag-aralan?
Salitang kompulsyon ay pinag-awayan
Ilang mambabatas pati pa simbahan
Ayaw na ituro ‘to sa paaralan.
Batas Rizal tunay nga bang kontrobersyal
Kaya masusi ang gawang pag-aaral?
Bagong bersyon nito mula orihinal
Ay pinagtibay at naging BATAS RIZAL.
Ang pagmamahal sa kanyang inang bayan
Kanyang dala hanggang sa kanyang hantungan,
Damdaming ninais n’yang ating tularan
Maging modelo sa ating kabataan.
” SALAMAT PEPE ”
Sinlawak ng dagat iyong karunungan
Nagmahal sa bansang hanggang kamatayan
Magkaroon lamang , liwanag sa bayan
Ikaw nga ay tunay na dapat kahangaan.
Dalawang nobelang iyong pinatnugot
Nais magpakita ng sariling poot
Kaya’t mananakop naging hilong talulot
Maaaring hadlang sa kanilang sulot.
Maraming salungat, ang iba nama’y ayon
Sa muling pagbalik ng henyong nag-ahon
Sariwaing muli , kanyang mga layon
Kaya’t mambabatas ginawang kompulsyon.
Layuning ibalik ang nasyonalismo
Nanggaling kay Rizal sa puso tumimo
Muling ibandila lahing Pilipino
Kailanman ay hindi matatalo.
selleparadina(1-16)
GO BATAS RIZAL!…
Ang pagkakabuo, ay para sa bansa
At sa Pilipinong tila nawawala
Kulang daw tayo sa, PAGKAMAKABANSA
Kaya Batas Rizal, ipinanukala.
Nung una’y KOMPULSYON, kaya tinuligsa
Baguhin na lang daw yaong panukala
Upang maiwasan, maling pagunawa
Kompulsyo’y alisin, iyon ang TAMA!
Ang NASYONALISMO, dito’y makukuha
At nang lahat tayo’y magkatugma tugma
Pagibig sa bayan, pangunahing diwa,
Kaya Batas Rizal, sadyang nilikha.
Sa pangkalahatan, tunay na mabisa
Na panggising sa’ting pagkamakabansa
Ito sana’y maging, magandang simula
Upang manatili, pagiging MALAYA.
ummm…aus lang?…pinaghirapan naman yan…..
Ating Inang baya’y nagdusa ng husto,
laganap ang dahas, tadtad ng insulto
Tingin nila sati’y mga mangmang,bobo!
Hanggang sa dumating ‘sang henyong ginoo.
Karapatan nati’y kanyang pinaglaban,
Binuwis ang buhay para sa kalayaan.
Ang mga ito ay sapat na dahilan
upang buong mundo siya’y matandaan.
Malaki ngang tulong ang kanyang nobela.
Tila nakawala tayo sa ‘sang hawla,
ating puso,isip,damdami’y lumaya.
Tayo’y dapat lamang sa kanya’y humanga.
Kung wala si Rizal, pa’no kaya tayo?
Mamumulat kaya ‘ting nasyonalismo?
Dahil sa kanya, tayo ngayo’y taas-noo!
‘To na tayo ngayon,PILIPINONG TOTOO!
Batas Rizal
Ang salamangkero na ating kilala
May kontrobersiyang kinasasagupa
Ipapabasa ba kanyang mga kinatha
Oo ang sinagot, batas ang nagpasya.
Layunin daw nitong ibalik sa puso
Ang tila nawaglit na nasyonalismo
Ako’y dismayado, walang halong biro
Kung ako’y tulisan, hingi’y patawad n’yo.
Ang wari ko kasi ay di sa nagdaan
Ito ay nakabatay sa kasalukuyan
Kung ating titingnan ang mga kasakiman
Di na matumbasan ang kalapastangan!
Ako’y nalulungkot na walang magawa
Ang nasyonalismong sa puso’y nagmula
Ano ang hiwaga na dapat makuha
Upang mamangha na ang bayang payapa?
PAHAYAG SA BATAS RIZAL
Ang aking reaksiyon sa nasabing batas,
na mayroong layong sa lahat ng antas
pagbasa sa bersyong walang putol o bawas,
ay ang pagsang-ayon na hindi kukupas.
Ngunit kung ito ay gawing sapilitan,
sa aking palagay, ay di makatwiran.
Dahil sa ang buhay at ang kamatayan
na kanyang inalay ay dapat ingatan.
Kanyang mga likha ay dapat basahin
na merong paghanga’t bukal sa damdamin.
Upang ang halaga at ibig sabihin,
ating maunawa’t di kalabanin.
Bilang kabataang kanyang inasahan,
dapat alagaan kanyang pinaglaban.
Ating pag-aralan at maintindihan
mga kayamanang kanyang iniwanan.
BUTIL NG PAGKAMAKABAYAN
Bakit nga ba nararapat pag-aralan,
Ang buhay at pakikipagsapalaran
Nang isang bayaning ating nakagisnan;
Doktor Jose Rizal ang kanyang pangalan?
Napagtanto ko na dapat pagyamanin
Mga kaalaman na nasa aralin
Gaya ng pag-alam sa bayani natin,
Sa pagkabayani at mga sulatin.
Batas na nabasa ay sinang-ayunan,
Pagkat maraming natanim sa isipan
Nalilinang, ating pagkamakabayan
Sa kursong Rizal, ‘yan ang matututunan.
Kayat payo ko sa aking kamag-aral,
Sang-ayunan ang batas na umiiral;
Pagkat nalilinang ang pagkaliberal
Na magpapalaya sa kamay na bakal.
KABAYANIHAN KAILANMAN
Daantaon na nga ang nakakalipas
Nang tayo’y sinakop, hirap ay dinanas
Ginawang alipin ng mga banyaga
Walang katarungan, sakal ating laya
Ilan ay namundok, iba’y lumuluha
Hangad na ginhawa namalas sa mukha
Mga nagpupuyos tigib na damdamin
Laya ang ninais, gaan tamasain
Sa kasalukuyan ating nalalaman
Mga magigiting na nakipaglaban
Matapang, marangal, bayaning minithi
Sa ating puso ay pagkatangi-tangi
K’ya’t isinabatas nang ating aralin
Nang muling purihin laging dakilain
Ang buhay, gawain at akda’y makintal
Na mababatid lang sa’ting Kursong RIZAL
MAKABANSANG PINOY
Makabansang Pinoy unti nang nawala
Isang panukala sagot sa problema
Dalawang senador ang nagpasimula
Na ang Pilipinas ay mayro’ng reporma
Makabansang Pinoy na nais imulat
Mga mata’y buksa’t muling isiwalat
Dusa at hinagpis na ating kabalat
Katapangan nila’y sa lahat ikalat
Makabansang Pinoy ang pagbasa’y dapat
Nang sa’ting bayani’y magmahal ng tapat
Nobelang nasulat ni Rizal ay sapat
Pambukas ng diwa sa tao’y marapat
Makabansang Pinoy dapat lang mahalin
Sariling kultura’y pag-ibayuhin
Maging makabansa ang siyang layunin
Dugong Pilipino ay ating angkinin
“Kabataan: Nasyonalismo’y Pagyamanin”
Itong Batas Rizal, dapat isabuhay
Isang karanasan, bunga ay tagumpay
Pagnilayan natin, isa pusong tunay
Diwa nito’y buksan, sarili’y ialay.
Ito’y parang apoy na dapat ingatan
Isang kayamanang dapat alagaan
Sa bawat damdamin, sa puso’t isipan
Nawa ay magsilbing, ilaw ng lipunan.
Biglang napasagi sa aking isipan
Mga kabataang hindi makabayan
Mga karahasan, problema ng bayan
Kawawa naman ‘tong aking Inang Bayan.
Pagyamaning kusa, kabutihang asal
Sa batas na ito’y lubos kong nakintal
“Magmahal sa bayan,” ito’y aking sakdal
Tulad ng bayaning si Gat Jose Rizal.
HA!! BATAS RIZAL??!
Ang batas na ito ay isang pagtanda
Sa bayaning minsa’y nagbigay pag-asa!
Minahal ang baya’t dignidad ng lahi,
Nag-aral ng lubos, mabangon ang mithi.
Ngunit ba’t ganito? Iba’y nakaligta
Kanyang importansya at mga adhika.
Walang kasingsakit sa sukling binala
Kung siya’y buhay pa sa mundong nawala.
Ano ang nangyari sa ‘ting pagkatangi?
Mas niyakap natin ibang pagkalahi.
Pagkamakabayan! Dapat ikatuwa!
Ngunit ‘to’y nabura, iba ang ininda!
Kaya’t nar’to ngayon batas Rizalyano,
Bilang paalala sa ‘ting pagkatao.
Na yakaping muli ang sariling mukha
Upang mapakita, ating pagka-iba!
“INTINDIHIN NATIN ANG BATAS RIZAL!!”
Pagmamahal sating bayan
May dakilang kaalaman
Ang taglay na katapangan
Sa batas ay nilalaman
Mga ulo ay uminit
Marami ang nagpumilit
Marami din ang nagalit
Sa batas Rizal, ngunit
Sa huli ay pinatupad
Sa atin ay hinahangad
Buhay niya ay ilantad
Upang tayo ay umunlad
Ngayon ating dakilain
Batas Rizal ay mahalin
Balikan at pagnilayin
Pagmamahal niya satin
Sa dakong Silangan, aking nasilayan Isang pamayanan, walang kamalayan. Wala kanino man, pag-ibig sa bayan Di nagkakaisa, di nagdadamayan. Ang pamayanan nga’y tinuturing takot Sa mga kaganapang kakilakilabot Hatid na Kastilang ugali’y baluktot Nang-aliping lubha, walang kasing buktot. Ngunit gayun pa man, galit ay bumukal Dahil sa bayaning ngala’y Jose Rizal Lumaban ang bayang tila nasasakal Ganap na kasarinlan, katumbas ay gimbal Kaya hanggang ngayon ang nasyonalismo Sa batas ni Rizal nakapaloob ‘to Bawat Pilipino dito’y obligado Pag-aralang lubos, akda sa pag-asenso
Pagbigay pugay ay dapat gawin,
ngunit ito ba’y dapat pilitin?
Sino bang dapat nating sisihin?
Hindi ba’t ito’y dahil satin din?
Pagkamakabaya’y nawawala,
pakikipagkapwa ay bihira.
Kaya’t balikan ang mga akda
ni Rizal na bayaning makata.
Laman ay puro kadakilaan,
pagpuna sa mga kamalian.
Kaya’t ito’y dapat pag-aralan,
nang pagkamakabaya’y tularan.
Ilang taong pag-aral ay wala,
kumpara sa pananakop nila,
mga banyagang nang-alipusta.
Kaya’t ating bigyan ng halaga.
PARA SA KABATAAN
Si Gat Jose Rizal, Pambansang bayani
Na isang dakila sa lahing kayumanggi
‘Sang mistulang ilaw nagsisilbing tanglaw
Magtatanggol sa’tin sa mundong ibabaw
Ang isang bayani dapat tangkilikin
Dahil sa mga mabuti n’yang gawain
Bayaning tulad niya’y isang instrumento
Para sa lahat ng mga Pilipino
Mga mamamayan! bigyan nating diin
Batas Republika’y dapat natin sundin
Isipan ng taong-bayan ay upang mahubog
Sa bansang Pilipinas di maging hambog!
Hangad lamang ay magandang kinabukasan
Para sa lahat ng mga kabataan
Ang buhay niya ay ating pag-aralan
At higit sa lahat, maging tapat sa bayan.
BATAS RIZAL
Sa kasalukuyan, pinagaaralan
Bilang pagpupugay, sa kabayanihan
Batas ng bayani, batas Jose Rizal
Upang gawing gabay, sa ating pagaaral
Di lang sa pagaaral, ang sadyang dahilan
Kundi ang maisilang, mga katauhan
Na hanap ng bayan, magtatangal saklap
Magpapahalaga, magbibigay kislap
Katapangang dala, bayani ng bayan
May paninindiagan, sa ating karapatan
Talino na taglay, sa tama inilagay
Dahil ating bayan, tunay niyang mahal
Mga kaalaman,napulot kay Rizal
Kagandahang asal, pati pagmamahal
Laging isasabuhay,nang ating makamtan
Ginhawa ng buhay, ating inaasam
Ultimo Adios
Ang mga dayuhang bumihag sa atin
Ang mga dayuhang umalipin satin
Ang nagpakalimot sating adhikain
Bugang hangin nila’y kulturang makitid
Baun-baon nila’y wikang tila’y pusok
Itinuro satin ng may pghimutok
Tila’y mga wikang satin napalimot
At satin nagsilbing isang alikabok
May dakilang ama sa atin nanggising
Ang amang nagtayo sating pagkalasing
Hindi alintana ang dating ng lagim
Siya’y napatuloy hawak ang mithiin
Tayo’y nakagapos ng sobrang higpit
Kataastaasa’y sating napaisip
Nagbigay ng susi sating pagkapiit
Datapwat ang susi’y hindi maigamit
Batas Rizal
Kakulangan nitong pagkamakabayan
Dulot ng kawalan nitong kalayaan
Ang siyang sinasabing lubos na dahilan
Kaya’t Batas Rizal paraang naisipan
Ang pagpapaalab ng nasyonalismo
Ang siyang pangunahin na layunin nito
Ngunit tunay nga bang nakatulong ito?
Nanaig ba itong pusong Pilipino?
Nangagdaan man ‘tong mahabang panahon
Mabuting layuni’y nawa’y di mabaon
Ang tagumpay nito’y nais pang maglaon
At nang Pilipino’y, patuloy ngang umahon
Tayong Kabataan, ating unawain
Patuloy pa natin itong pagtibayin
Tunay na damdamin ay ating buhayin
Tayo’y Pilipino sa puso’t damdamin
*try lng ^_^*
May isang nilalang, pangalan ay Rizal
Siya ay dalubhasa at isip liberal
Tatlumpu at limang taon siyang nagsilbi
Sa pinagsilangan siya ay nanatili.
Panahon lumipas batas niya’y nabuo
Kanyang mga akda ngayo’y isinulat
Upang adhikain n’ya malasap natin
Para sa ‘ting bukas na walang hangganan.
Daangtaon na siyang wala sa mundong ‘to
Nguni’t kanyang akda patuloy nagningning
At nagsipagsibol mga bagong henyo
Para ating bayan lumaking di timang.
Sa huling talata nais iparating
Nang tulang gawa ko inyong babasahin
Kahit na ito ay walang katuturan
Batas Rizal ating patuloy ikiling.
Tama ba ito?
isa lang ang rizal, ang ating bayani
puno ng parangal kahit noo’y api
kapwa’y tinulungan mula sa kastila
hirap di maibsan siya ay inalila
kilala natin siya kahit nung bata pa
salamat kay tiya na hanga na hanga
isip ko’y nabuksan puso ko’y lumambot
mahal niya ang bayan kahit siya’y naglibot
inalam mo na ba ang buhay niya noon?
dahil kung hindi pa isa itong hamon
intindihin mo siya at ang kaniyang akda
ng may pagunawa at ng walang sawa
hindi siya perpekto pero siya’y mabuti
di lang sa impakto at may mga sapi
siya’y wag kalimutan siya’y isang modelo
sating sanlibutan at ng buong mundo
-nosemaj
Mahirap gumawa ng punang makata
Punan na patula, may sukat at tugma
Tungkol sa pagpasa ng batas pang-bansa
Batas Rizaliana na para sa madla
Isip ko’y nagulo nang aking mabasa
Noong sa kongreso, batas ay pinasa
Sila’y nagtatalo para lang makuha
Minimithing punto, mapatupad sana
Iba’t-ibang gusto ang ipinakita
Iba’t-ibang tao ang nagsasalita
Aking napagtanto, layuni’y iisa
Bakit magtatalo sa iisang diwa?
Kung ang benepisyo ay para sa bansa
Iba man ang tono basta’t isang kanta
Sapilitan man ‘to o kaya ay kusa
Basta’t pilipino ang mapapaligaya
PILIPINAS, MAY PAG-ASA PA!
Pilipino tayo ipagmalaki rin
Dugong dala-dala kata ay pansinin
Hirap ng bayani ating iisipin
Umaga man gabi lagi lilimiin
Dayuhang kumitil huwag mong ipita
Alaala nila masakit mabasa
Iwaglit tuwina sa puso at diwa
Itaguyod natin ang nasimulan na
Huwag pairalin isipang dayuhan
Magagandang atin huwag kalimutan
Upang ating bukas muli nating kamtan
Pagpala ng Diyos abot kanino man
Ang Batas Rizal ay sadyang mahalaga
Patunay ito ng pagmamakabansa
Sa lahat ng taong nakakaunawa
Si Jose Rizal ay talagang dakila
ANG TULA.. BOW..ü
Hirap at pasakit, ito’y naranasan
dulot ng Espanyang nanakop sa bayan
pinilit labanan upang mawakasan
sa pamamagitan ng katha’t isipan
Namulat si Pepe at naging makata
Gumamit ng Lapis, Tinta at Pambura
upang makalikha ng dal’wang nobela
panlaban sa baril, Kastila’t pulbura
Buhay ma’y maalat at puno ng hirap
dapat lang isama, kanyang pagsisikap
sa mga aralin ng kanyang pangarap
at sa buhay nati’y hayaang dumapdap
Isang panukala ang naisabatas
akda’y pagnilayan sa may pamantasan
layuning aralin at magiging lunas
mga kakulangang pagmakabayan
UN LANG.. BOW..ü
[antoc]
“tASba ALriz”
Batas na nagbigay daan sa historya,
Bayaning si Rizal wala nang kagaya,
Ang bayaning minsay’ tinanggal ang laya,
Inalipusta may’ taong minumutya,
Buhay naggagabay at maasahan,
Nagbigay liwanag sa ating isipan,
Ito’y itulad may balakid at pasan,
Ang magpakailanma’y di mapapantayan,
Batas nagsisilbing iisang mithiin,
Sa pilipinong nakalimot na rin,
Sa buhay ng taong iisang damdamin,
Para sa ting bansang minsang dumaing din,
Sa mga dayuhan dating umiiral,
Ipinaglabang bansa minsa’y nasakal,
Ating ipagbunyi si Gat Jose Rizal,
Makabayan at sa pagiging liberal,
♣ Tila Isang Baga ♣
Pagka-Pilipino, tila isang baga
Pabayaan mo ‘to apoy ay huhupa
Kapag hinipan mo apoy ay lalawak
‘sing bangis ng lobo, ‘sing talas ng tabak
At ang Batas Rizal ito ang layunin
Siglaban ang puso, pati ang damdamin
Magbigay parangal sa mga bayani
Magbigay talino sa nakararami
Ngunit anong silbi ng batas na ito
Kung hindi namithi pagka-Pilipino
Sadyang nalilito, bayang Sinilangan
Dahil ‘di na uso ang kabayanihan
Simulan sa atin, sa’ting kabataan
Pagnilaynilayan mga nakaraan
Ating painamin ang apoy sa baga
Pinoy sa damdamin, gawa at salita
◄◄◄ Bow ►►►
☻ praktis lang…. ☻
“Batas RIZAL nga ba’y dapat pang isulong?”
Kayraming nagtaka, hunos ang nagduda
Mula ng malaman, yaong sambayanan
dahilan ng gulo, isang kontrobersya
Buhay ni Rizal ba’y dapat pag-aralan?
Ninais ng ilan sya’y maging batayan
Buhay niya’y landasin ng marami sa’tin
Ngunit gayunpaman, upang ito’y makamtan
Buhay niya’y marapat din na ‘ting alamin
Lubha ngang malubak, tinahak niyang landas
Yaong kab’yanihan, di matatawaran
Di inalintana, hirap na dinanas
Makita lang laya, perlas ng Silangan
Wag nating sayangin, kan’lang sakripisyo
Atin nang tularan, kanyang kagitingan
Pagkamakabayan, at Nasyonalismo
Lubhang kailangan, nitong Inang Bayan.
^_^>>YUBERCLONE007<<^_^
“Batas Republika 1425”
Dayuha’y nanakop, hinamak ang lahat
lupit na tinamo bakas sa mga sugat.
Kaniyang himagsik ‘sinulat sa aklat
tapang at talino sati’y nagsiwalat.
Mga katha’y tuklasin, ang ibig ng iba
ang lahat ng antas ninais magbasa.
Ang Noli’t El Fil’y mga akdang dakila
kaalama’y hatid ng bawat pahina.
Nagbigay ng aral, Rizal ang pangalan!
Mga akda’y ‘minulat, murang kaisipan
taglay ng layunin maging makabayan
‘tinuring ng lahat bayani ng bayan.
Batas na ginawa dapat pagtibayin
napag-isa nito ating mga mithiin.
Ang nasyonalismo ating pairalin
impluwens’ya nila’y hangad palisanin.
…(//_’)…
Batas Rizal
Bayang’ inalila sa sariling bansa
Ang pagka-alila’y di’ pa rin nawala
Ang puso at isip bihag ng banyaga
Pati ang inang bayan ay binaliwala
Bansang PIlipinas, mga isla layu-layo
Pati mamamayan walang isang puso
Ang bayang nadapa, paano tatayo
Kung mga Pilipino hindi magka-sundo
Bayan ng bayani, yun ang Pilipinas
Ang kadakilaan ay ipinamalas
Tulad ni Rizal, may talino’t tikas
Minahal and bayan, buhay ma’y lumipas
Sa yapak ni Rizal ay humalintulad
Ang nasyonalismo ay dapat ihangad
Sa mga Pilipino iabot and palad
Ng ang Pilipinas, tuluyang umunlad
‡ Rizal – Tara’t Pag-aralan ‡
Nang bansa’y nasakop ng dayong kay lupit,
Ang baya’y naghirap, nalugmok sa putik,
Ngunit may tumayo’t sa’tiy pinamulat,
Ang Nasyunalismo, syang sandata’t lakas.
Paglaya’y naganap, nang siya’y lumaban,
Nagbunyi ang lahat sa’ting kasarinlan,
Damdaming tila hindi mauutas,
Ngunit nasan na ba’ng pagkamakabayan?
Nalaos na yata’t nawalan ng saysay,
Kaya’t ang kongreso’y may pinanukalang,
Nagbakasakaling bubuhaying tunay,
Diwang makabayang sa’tin ay nahimlay.
Tunay nyang hangarin ay h’wag kalimutan
Ang buhay ni Rizal, sya nating huwaran
Mga nobela nya’y gawing inspirasyon
Magtulungan tayo para sa’ting bayan.
<<<<<<<<<>>>>>>>>>
BATAS NI RIZAL
-bloodred06-
Ang lahat ng ito ay para sa iyo,
para rin sa akin at sa madlang tao.
Panukalang batas na dapat iayo
ng ating gobyerno at ng Pilipino.
Ang Batas ni Rizal ay may’rong motibo
tayo’y patnubayan, ilayo sa bisyo.
Ito’y naglalaman ng aral at payo.
Halina’t basahin ang dalawang libro.
Unawain sana, ito’y mahalaga.
Kung kaya’t itakda at ‘wag ibasura.
Kaalamang dala ay gawin ng tama
upang maging bunga maayos na bansa.
Ngayo’y alam mo na ang kanyang halaga,
nasa iyong kamay kung tatalima ba.
Isiping maigi ano man ang pasya
ating isapuso pagkamakabansa.
..naku sana ayos lng ‘to..T_T
yey ganda ng poem ni Joseph O. Tan and Carlo Villareal!! ;p
actually maganda naman lahat..special mention lang yung dalawa..hehe.. ;p Good work!!
“sya ngang dakila”
Ang kabayanihan gumising sa tao
mahigpit na kamay nitong mga dayo
hanggang pilipino’y naging desrerado
wariy bulumusok patay ang emperyo
Siya ngang pumukaw siya ngang nagmulat
siya ring nagmahal sa kanyang kabalat
kanyang dugot pawis talagang sumapat
upang sya’y bansagang isang kang alamat
sa kanyang ngang tula tayo ay humanga
nagsilbing kandila para nga magbaga
pusong mapagtiis atpusong tulala
sa hangaring tunay maging mapayapa
dahil pilipino ay sumasaludo
sa kadakilaang mistulang anino
at kaya nabuo ang batas na ito
siyang napagtanto hanggang sa senado
sory ung pangalan ko male spel
Mensahe ng Pantas
Tatlong daang taon tinitiis natin
Tatlong daang taon bayan ay ‘di atin
Ang Kanser ng bayan, na may dalang lagim
Bawat lugar natin kanilang kinimkim
Kilala mo pa ba ang bayaning pantas?
Nagtatagong sakit kanyang nailabas
Sa papel at lapis, nalantad ang hudas
Kaya ang nagtiis natutong mag-aklas
Humigpit pa lalo dayuhan ng bayan
Ngunit Pilipino’y lalo pang lumakas
Hudas ay dinumog bangis ng lipunan
Matapos kitilin ang buhay ng pantas
Kaya naman dapat, dapat n’yo malaman
Madlang napalaya ng isang magiting
Bayani ng bansa na sariling atin
Mensahe ni Rizal sa katulad natin
“Para kay Juan”
Malaya na tayo! Malaya na ako!
Ang ‘sang kapulua’y malayang totoo
Kaysarap namnamin, tayo’y taas noo
Kasarinlang hatid ng ‘sang maginoo.
Sino nga bang hindi makakakilala?
Sa ating bayaning sadya ngang dakila
Sa kanyang panulat bansa’y bumandila
Pambansang bayani nitong bayang madla.
Isa s’yang ehemplo na dapat tularan
Nitong kabataang pag-asa ng bayan
Kaya’t sa Senado ay pinagtuunan
At pinagtalunan upang masusugan.
Gusot ay naayos, mayorya’y tagumpay
Yaring Batas Rizal, dapat isabuhay
Araling mabuti at s’yang gawing gabay
Nang ang sandaigdig ay mabigyang kulay.
ANOOO?!?!
Sino ba si Rizal? Mahalaga ba siya?
Para sa’n ang batas? Para ba lumaya?
May kwenta ba ito? Kung meron, nasaan?
Wala ‘kong makita, dilat na ang mata
Bakit ang buhay niya kailangang aralin?
Para walang lusot, lumikha ng batas
Kung sino mang ayaw na ito’y aralin,
Walang magagawa, ‘to’y isinabatas
Madaling araw na, hindi pa ‘ko tapos
Sa paggawa nito, salita ay ubos
Pagod na ang utak, sumakit ang ulo
Ayan, patapos na. ‘Di pa ‘ko susuko
Patawarin ako, alam kong mali ‘to
Ngunit para sa’kin, ito’y hindi wasto
Sa aking pangwakas, salita’y ubos na
Muli, pasensya na, Rizal at sa iba
~woohoo!!
super nega mehn!:D
hahah^^
Batas Rizal. . . .
Bilang paggunita,sa kadakilaan
Ni Jose rizal,na bayani ng bayan
Gumawa ng batas,mga mambabatas
Upang matularan,isip niyang wagas
Maraming tumutol sa nasabing batas
Ilang simbahan at mga mambabatas
Gulo lng daw ito,kanilang balangkas
Pagkat estudyante’y maisip na likas
Ngunit kahit gayon,Madaming lumaban
Para batas rizal ay maaprubahan
Dahil ito raw ang magiging dahilan
Upang magkaisa,Mga mamamayan
Sang-ayon sa batas na naaprubahan
Nobela ni Rizal,Dapat pag-aralan
Upang katulad ng kanyang katangian
Mga kabataa’y maging makabayan
Waaaaa. . . . huhu. . auzz na yan???
Batas Rizal
Pilit na nag isip,dahilan ng gulo
Ang mga mambabatas,gumawa ng batas
Para sa damdamin,pati na rin puso
Ng mga pilipinong,isipa’y di bukas
Lalong makilala,sang munting bayani
Buhay isinulat,ngayo’y naging batas
Buhay ng bayani,Siya’y naging ani
Para sa marami,isipa’y bumukas
Isang munting batas,biglaang nilusad
Simbaha’y tumutol,para di matupad
Pilit binasura,ngunit sila’y bigo
at sa bandang huli,sila ay sumuko
Batas ay natupad,sa bandang hulihan
Tao ay namulat,sa dulu-dulohan
mas naunawaan,gawang sakripisyo
Ng munting bayaning,mukha’y naging piso
“Kurso natin To”
Karinyo sa Bayan dulot kalayaan,
Si Gat Jose Rizal ito’y pinaglaban,
Sapagkat ang bayan ay nasa karimalan,
Karit ng dayuhan kanyang pinawalan.
Bilang pagkilala sa kabayanihan,
Batas ay sinulong, sating kabihasnan,
Ngunit ang kritiko’y biglang bumungingis,
Hindi na ginalang ang kanyang hinagpis.
Timog at kanluran pati sa silangan,
Sating pamayanan at sa paaralan,
Batas kapagdakang biglang pinatupad,
Nang di malimutan at hindi lumipad.
Ang hirap isipin, kaming kabataan,
‘Tong responsibilidad aming nakaligtan,
Bayaning yumao ay biglang lumabo,
Na to’y isa lamang kurso at kwaderno.
[wah! mukang ako pinakahuling nag post ah! T_T sorry]
Batas Rizal
Pilit na nag isip,dahilan ng gulo
Para sa damdamin,pati na rin puso
Ng mga pilipinong,isipa’y di bukas
Ang mga mambabatas,gumawa ng batas
Lalong makilala,sang munting bayani
Buhay isinulat,ngayo’y naging batas
Buhay ng bayani,Siya’y naging ani
Para sa marami,isipa’y bumukas
Isang munting batas,biglaang nilusad
Simbaha’y tumutol,para di matupad
Pilit binasura,ngunit sila’y bigo
at sa bandang huli,sila ay sumuko
Batas ay natupad,sa bandang hulihan
Tao ay namulat,sa dulu-dulohan
mas naunawaan,gawang sakripisyo
Ng munting bayaning,mukha’y naging piso
Ipaalam sa lahat na buhay ka pa
kaylan man ay hindi ka nakalimutan
kabayanihan mo ay nabalitaan
mga sinulat mo, aking naramdaman
makulay mong buhay, aking binantayan
mga ginawa mo, walang nakapantay
iyong lapis lamang, nakakapagbuhay
husay mo, sa tao ay iyong inalay
kahit barilin pa, kahit ipapatay
ikaw ngayon ay ang napagiiwanan
muling nagbalik ang mga kaharasan
nawawalan kami ng maaasahan
kung buhay lamang ang aming kayamanan
MUNTING ALAY
Ang batas na alay sa kadakilaan
Sa isang bayaning Rizal ang pangalan
Binigyang parangal ang kabayanihan
Na kanyang inialay sa sariling bayan
Isang Jose Rizal na nagbigay yaman
Sa pinapangarap nating kalayaan
Nagtanggol sa atin sa kaapihan
Mula sa kastilang tunay na gahaman
Siyang nagpamulat sating kadusahan
Tatlong daan taong puro kahirapan
Mula sa malupit na mga dayuhan
Tinulungan niya na ito’y wakasan
Sandatang Sulatin ang kanyang ginamit
Ang siyang nagmulat sa mga matang pikit
Ating naging gabay upang s’yang makamit
Ang kalayaan sa hirap at pasakit..
IPAALAM SA LAHAT NA BUHAY KA PA
kaylan man ay hindi ka nakalimutan
kabayanihan mo ay nabalitaan
mga sinulat mo, aking naramdaman
makulay mong buhay, aking binantayan
mga ginawa mo, walang nakapantay
iyong lapis lamang, nakakapagbuhay
husay mo, sa tao ay iyong inalay
kahit barilin pa, kahit ipapatay
ikaw ngayon ay ang napagiiwanan
muling nagbalik ang mga kaharasanang
kung buhay lamang ang aming kayamanan
nawawalan kami ng maaasahan
ang panahon ngayon, sumasailalim
sa mga tao na ang puso ay itim
nakupas na ilaw, bumalik sa dilim
ang batas rizal, sa puso itanim