Malayang Kaisipan (Kaisipang Liberal)
“Dantaon ng pagkamulat” ang turing sa ika-labing siyam na siglo. Makaraan ang halos dalawang dantaon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa siglo na ito napukaw ang matagal nang nahimlay na damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang malayang kaisipan (kaisipang liberal) ay isang pilosopiya na naka-ugat sa paniniwala na likas sa tao ang may kasarinlan. Ito ang pilosopiya ng “Panahon ng Kamulatan” (Age of Enlightenment) na umusbong at namayagpag sa Europa bilang puna sa mga pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga hari at reyna. Kaisipan ito na kumikilala na likas sa bawat tao ang malayang tupdin ang anumang hiling na itinatakda nya para sa sarili. Ibig sabihin, bawat tao ay nararapat ituring palagi bilang tao na may mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) at hindi bilang bagay o kasangkapan lamang (instrumental worth).
Ang malayang kaisipan na ito ang nagsilbing inspirasyon ng rebolusyong Amerikano at rebolusyong Frances. Ito ay mga pag-aalsa na may bukod tanging layon na palayain ang bawat tao sa mapaniil na kaisipan na mga alipin lamang sila ng mga nasa kapangyarihan. Samakatuwid, ito ay mga pag-aalsa para bawiin ang mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) na ninakaw sa kanila ng mapang-aping kaisipan na nagtuturing sa kanila bilang mga hamak na bagay o kasangkapan (instrumental worth) lamang sa mga hiling na itinakda para sa kanila ng mga nasa kapangyarihan.
Nakarating sa Pilipinas ang malakas na daluyong ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa pamamagitan ng pagbukas ng Kanal Suez at ang paglahok ng Pilipinas sa kalakalang galyon. Napabilis ang paghatid ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) bunsod rin ng laganap na kultura ng paglimbag bilang larangan ng propaganda na binigyang daan ng pagka-imbento ng imprenta ni Gutenberg.
Sina Jose Rizal, kasama ang iba pang mga nakapag-aral sa Europa, silang mga tumugon sa hamon na iniwan ng GomBurZa at ng iba pang mga martir, ay buong giting na pinanghawakan, pinanindigan at pinalaganap ang mga aralin ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa kanilang mga akda.
Paano namulat ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong ika-labing siyam na siglo?
Paano nabigyang buhay ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan?
PEREZ, ALVIN PAULO L.
PUNZALAN,DYAN LIBERTY M.
RIVERA,SHERBERT L.
SAN PEDRO, ETHELYN GRACE A.
SANTOS, DANIEL G.
IBIG KO’Y PAGLAYA
Ang dunong ng masa’y salat noong una
Kaya’t Pilipinoy nasadlak sa dusa,
Datapwat nadama ang uhaw sa laya
Nang mabatid sa lupa ang demokrasya.
Nang nagtanong tungkol sa kapalaluan
Pilipino’y nagsama at nagtulungan,
Nasyonalismo’y ginawang kasangkapan
Upang kasarinlan kanilang matikman.
Bayang hirang bihag ng mga dayuhan
Wari’y bangkay,ngunit ito’y lumalaban,
Umaasa lamang ng kasaganaan
Ang hangarin lamang ay ang kalayaan.
Kaysaklap isiping,tayo’y inalipin
Kamay na bakal ang ginamit sa atin,
Ang sariling baya’y naging hawla natin
Kaya Pilipino ay nagaklas na rin.
Bawat Pilipino’y may paninindigan
Ilang suliraning ating naranasan,
At lakas ng loob ang naging dahilan
Upang magpunyagi sa’ting kasarinlan.
Bayang Pilit Minulat
Ikalabing siyam na sampu ng dekada
Ay ang pagkasilang ng mga makata
Ang mga makatang dilat na ang mga mata
At tila ay bata na sabik tumanda.
Bagong Pilipinas, paano namulat
Sa puso at diwa, ng bulag na dilat
Anong halimbawa ang dapat ilapat
Sa harap ng madla para maging sapat.
Tatlong paring martir ang siyang hinatulan
Ipinagkaloob itong kamatayan
Tayo’y namulat sa pagkamakabayan
Tayo’y nagkaroon nitong kalayaan.
Naglakbay si Rizal sa kabilang dako
Sa mundo na bilog at puno ng tukso.
Sa kanyang tinahak minulat niya tayo
Sa mga dayuhang lubos ang abuso.
Dahil may nang-api, baya’y lumuha
Bugso ng damdamin, sarili’y makuha
kahit sang-lupalop, iisang salita
Sa pagkakaisa, laba’y walang dagta!
IKA-19 NA DANTAON,
ISANG MALAKING HAMON
Hamak na bilanggo ng lipunang api
Ang turing ng dayong sa baya’y naghari
Liberal na isip ito’y luwalhati
Ang dating bilanggo ngayon ay bayani
Sobra na ang hirap, tama lang ang mamulat
Dapat lang labanan ang kastilang panat
Ang magtiis pa ay di na nararapat
Paghahari nila’y dapat nang maampat
Liberal na isip naging instrumento
Damdaming kinimkim na nais iwasto
Mga pag-aalsa, siyang patotoo
Makamit ng bayan kasarinlang ito
Ang naging resulta, bayan ay natuto
Sila ay lumaban sagad hanggang buto
Bandila’y winadwad, ngayon ay natanto
Tayo’y PILIPINO, hindi magbabago
Ang dantaong ito’y ‘sang malaking hamon
Sa’ting PILIPINO upang makabangon
Sa pagkakasadlak tayo’y makaahon
Upang kalayaa’y hindi na matapon
PAGHULAGPOS
Paano namulat, ating kamalayan?
Saan ba nag-ugat mga kaisipan?
Ito ba’y nagdaan, sa’ting kasarinlan?
O nagbigay pugay sa mga kanluran?
Pagiging liberal ay atin ding kaya
Pinadama sa’tin, ating demokrasya.
Tinuligsa nito ang bansang Espanya
Pagkamakabayan, tungo sa hustisya.
Pagkamulat ni Juan, tungo s liwanag
Ating bigyang lunas sakit na laganap.
Lumaba’t namatay ating sinagisag
Panibagong buhay ating pinahayag.
Dahil sa paglimbag ng mga sulatin
Namulat tayo sa naghaharing dilim
Sa pamamagitan ng ating hangarin
Nakalaya tayo sa Kanluranin.
Liberal na isip, ipinupunyagi
Upang maging pantay, ang lahat ng lahi.
Payapa’t marahas, gamit na pang-gapi
Laban sa dayuhan, tayo ang nagwagi!!!
Nakalimutan ko…
Sa sariling baya’y hirap ang natamo
Tingin nila sa ati’y isang baboy ramo
Tayo’y inapakan, parang isang damo
Kaya’t kababayan puso’y sumasamo
Ang tangi ngang nais ang kanilang dangal
Ituring na tao at hindi isang hangal
Magkaroon ng diwa buhay sinugal
Sinuong ang lahat, sinuway ang bawal
Mga pusong api ay may kahilingan
Laya’t kaisahan ay nais makamtan
Hirap sa dayuhan ibig kalimutan
Pagaalsang gawa, layong kalayaan
Sa lahat ng aking kapwa liberal
Wag ninyong isipin kayo ay sagabal
Pakinggan aking nilikha na tula
Sapagkat lahat ay pwede maging dukha
Para sating lahat, mga pilipino
na naniniwala sating pagbabago
wag kakalimutan, pagasa at puso
sapagkat ngayon din babangon ang tao
LIBERALISMO:Isang Liwanag
Tila paraiso ‘ting bansa n’ong una;
Tila isang ilog,ubod ng payapa;
Tila isang hangin, ubod ng sariwa;
Ngunit ito’y sinira ng mga basura.
Sa biglang pagpasok ng mga dayuhan
Sa ating tahanan, dala’y kasamaan
Tinali’t ginapos, ating kalayaan
Ngunit may lumaban, sila’y nabawian.
Bagong karunungan, nabatid ng bayan
Diwa sa himlayan ang naliwanagan
Dungis ng himpilan, lantad sa taniman
Kultura’y tapakan,bunga’y himagsikan.
Malayang isipan, pumukaw sa bayan
Sa pusong magiliw, hawak ay kampilan
Sandatang sumupil sa mga dayuhan
Pag-asang liwanag nitong kalayaan.
Isipang liberal,gumising kay Juan
gumabay sa bayang nasa kadiliman
Kanyang binulalas itong karaingan
Na sa Inang Bayan, bunga’y kasarinlan.
LIBERALISMO:Isang Liwanag
Tila paraiso ‘ting bansa n’ong una;
Tila isang ilog,ubod ng payapa;
Tila isang hangin, ubod ng sariwa;
Ngunit ito’y sinira ng mga basura.
Sa biglang pagpasok ng mga dayuhan
Sa ating tahanan, dala’y kasamaan
Tinali’t ginapos, ating kalayaan
Ngunit may lumaban, sila’y nabawian.
Bagong karunungan, nabatid ng bayan
Diwa sa himlayan ang naliwanagan
Dungis ng himpilan, lantad sa taniman
Kultura’y tapakan,bunga’y himagsikan.
Malayang isipan, pumukaw sa bayan
Sa pusong magiliw, hawak ay kampilan
Sandatang sumupil sa mga dayuhan
Pag-asang liwanag nitong kalayaan.
Isipang liberal,gumising kay Juan
gumabay sa bayang nasa kadiliman
Kanyang binulalas itong karaingan
Na sa Inang Bayan, bunga’y kasarinlan.
“Asim ng Kalayaan”
Pakikikalakal ay ‘di maiwasan
Ugnayan ng Pinas, patungong kanluran
Pagkapantay-pantay, Pinoy ay nalaman
Rebolusyong Pranses ang pinagkuhanan
Ang bayang liberal nais ay lumaya
Mamamaya’y layong ilaban ang tama
Upang karapatang makamit ng madla
Lahat nagkaisa sa iisang diwa
Nang dahil kay Rizal, tayo’y natauhan
Sa masamang asal ng mga dayuhan
Pagkat laya’y mahal, tayo’y lumaban
Ang kilos na akma, isang himagsikan
Mata’y namulat tayo’y ‘di na bingi
Dahil isang bayaning namulat sa pari
‘di tayo alipin, tao’y may “Sarili”
Kalayaan natin pilit manimithi
Ngayo’y Pilipino ay naging liberal
Kanilang isipa’y namulat kay Rizal
Sa pagiging pantay binuwis ang buhay
Sa kanyang pagkamatay, nakaroon ng saysay
Miyembro:
Alfie Dizon
Karl Gaspe
Gran-gil Gonzalez
RJ Encarnasyon
TAYA O LAYA
Nang tayo’y sakupin ng mga Kastila
Ito’y hindi tama, nawala ang laya
Ang maging liberal ay hindi masama
Ninanais lamang ang maging malaya
Mga Pilipino ay sadyang namulat
Dahil kaisipan mistulang alamat
Nang dahil kay Rizal at kanyang sinulat
Ang damdaming pikit ay biglang dumilat
Uhaw sa paglaya paghangad sa tama
Pag-alsa ay bunga sa may dinarama
Banyaga’y tinaboy isang puso’y dama
Isang layon nila, tila’y nagsasama
Nasyonalismo ay ang pinagpupunan
Laging inaapi ng mga dayuhan
Ang Pilipino ay natutong lumaban
Kaya’t walang dudang merong kasarinlan
♪ sir nasa inyo po ung kopya namin ng tula na to, kaya ala kaming napost ♪
sir di nmin npost kasi na sa inyo yung tula…pero meron kami..’di nyu lng po binalik…