Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
Kabawasan ba sa pagiging pambansang bayani ni Jose Rizal na bata pa lamang siya ay pinangarap na niyang tanghalin siya bilang bayani, na isa siyang “conscious hero”?
NAKAMTANG PANGARAP
Gusto mong mangyari sa ‘yong talambuhay
Maging ‘sang bayaning may paninindigan
Ika’y hahangaang totoo at tunay
‘O ikaw ay aming ipagsisigawan (Lizardo)
Bayaning pambansa na si Jose Rizal
Pambansang bayaning naging kasaysayan
Talas ng kaisipan ang ginawang asal
Pagiging “conscious” nya’y walang kabawasan (Macaraig)
“Concious hero” kung si Rizal ay bansagan
Pero ‘to’y hindi man lang naging sagabal
Sa bayaning tanging laman ng isipan
Gusto’y tanggalin lang sa bayan ang balbal (Manuel)
Si Rizal ay may’rong dakilang layunin
Pagiging bayani kanyang pinangarap
Bilang katunayan sa talinong angkin
Pinlano pagiging ‘sang bayaning naganap (Lomboy)
Ano bang problema kung “conscious hero” s’ya
Ano bang dahilan para mabawasan
‘La naman masama sa kanyang ginawa
‘Di maiiwasan, mahalin ang bayan (Leonardo)
Ambisyosong Bolero
Si Rizal nga naman, sadyang makabayan
Pero conscious hero ang hinahangaan
bakit nga ba ganun, wala tayong malay
Layunin ay peke, ‘di bukal ang alay.
Mula nung ikaw ay napakabata pa
Gusto mo talagang maging bayani ka
Kahit lahat sila ay matapakan mo
Walang pakialam basta la’ng gusto mo.
O mapagkunwari at mapanlinlang ka
Pinaniwala mo kaming bayani ka
Pero ang totoo, para kang bandido
Nagnakaw ng dangal na ka’y Bonifacio.
Nagpakamatay ka doon sa Luneta
Ngayon ikaw tanyag na sa buong bansa
Kilala ka halos ng lahat ng tao
Tinalo mo ata pati si Teodoro.
Planado ba ito? O pagkakataon?
Tinuring bayani, ating binabaon
Kay daming ginawa para sa’ting bayan
Ano ba’ng nangyari? ‘to ba’y kadayaan?
Sino ‘tong bayaning hawak na ang bukas?
Siya ba’y naghangad katanyagan ay igawad?
Ano itong hiwagana sa ‘tin bumabalot?
Na sa ating isip, Bakit ito’y pungos?
Kanyang ginawa tama bang tanhalin?
Pambansang bayani kung siya’y ituring;
Ito’y kanyang hangarin mula pagkabata,
Gawain ng paslit, tutularan mo ba?
Kung s’ya nyang buhay ay kanyang itinakda,
Hindi mababagay galaw walang laya;
Kung paglayang tunay ay laya ng kilos
Representasyon nya’y hindi sadyang lubos.
Pagka’t isang mali hindi dapat gawin,
Ngunit tao’y tali, nalilihis pa rin;
Dahil kung ang mali ay gawing mawili,
Katanyagang mithi, mawawalang silbi.
Sa aming pananaw, ito’y kabawasan;
Sapagkat mula sa kanyang kabataan,
Ito’y ninais na at sadyang hinangad,
Pinagplanuhan na mula noong pagkabungad.
Sa murang isipan, lahat ay binago;
Pagkat kanyang buhay sadyang pinlano;
Kanyang bawat hakbang may sukat at tugma,
Parang isang tula na kahanga-hanga.
..ANG BATA AY SALAT..
BAYANING SI RIZAL?
Bayaning si Rizal minsa’y minaliit
Napagdiskitahan, siya ay ginalit
Kaya itong Pepe sa bato’y tumaga
Na balang araw daw siya ang dakila. (Peñano)
Bayaning si Rizal karapat-dapat ba?
Pagtanggol sa bayan, parangal b’ang sadya?
Kamatayang haing kinalungkot natin
sapat bang dahilan upang s’ya’y purihin? (Palabay)
Bayaning si Rizal, siya ba ay banal?
Maraming nagmahal sa taong ‘di hangal
Ang ating bayaning namatay sa bayan
‘Di tayo binigo, ‘di tayo iniwan. (Pones)
Bayaning si Rizal, dapat bang pakinggan?
Kayraming nagmahal na galing sa bayan
Sino ang pumuri? mula ba sa puso?
‘Di lahat ng uri ay bilib sa iyo. (Pili)
Bayaning si Rizal ay mayro’ng misteryo
Sa ating paningi’y isang pagpaplano
Bayani man o ‘di, walang kaibahan
Ang pagkamatay n’ya, sadyang kagustuhan. (Quejano)
Daghoy ng Tadhana.
Ang lahat ng tao’y galing pagbata.
Hindi ba’t si Pepe isang karaniwan.
Pagiging bayani ang syang naging sumpa.
Nangako sa bansa, handog kaunlaran.
Ang magkapangarap, ‘to ba’y kasalanan?
Kung bata pa lang, plano na ni Rizal.
Ito’y para sa’tin at para sa bayan.
Sa twina’y magdulot, magandang pangaral.
Sa kanyang pagtanda, isipa’y binuksan
Itunuloy niya tadhanang tinakda.
Minulat ang lahat sa katotohanan.
‘Gang sa bagumbayan buhay nya’y napuksa.
Mithiin ni Rizal, di nman masama.
Kanya lamang nais, laya ay makamit.
Mga inalay nya siyang bigyang halaga.
Sa pag-alipusta, kagitinga’y gamit.
Sadya mang nilayon pagiging bayani.
Hatid naman sa’tin buong puso’t diwa.
Kung dakilang tunay, pagtanggol ang lahi!
Ang gawa’t adhika pag-asa sa madla.
Alakdan o Palaka
Ano ba talaga, tunay na batayan
eto ba’y sinadya? o tadhana lamang?
bayaning si rizal, dapat bang pantayan
ng mga kabataan sa ating lipunan
Ang isang pangarap hindi kabawasan
na maging bayani, nitong ating bayan
kabutihang tunay ang tamang batayan
itong paghuhusga, hindi na kailangan.
“Pangarap na Bituin”
Lahat ng tao ay, may kanyang pangarap.
Merong magdodoktor, tutulong sa iba
Ang iba pa rito’y, mataas sa ulap.
Merong enhinyero, ang sigaw ng diwa.
Pero si Rizal ba na ating bayani,
inyo bang alam ang tunay nyang pangarap?
Dati’y nasa bukid, tanim at aani.
Di kaya pagsikat hinahanap- hanap?
Mga tao ngayo’y maraming nasabi.
Ang pagkabayani, sinadya’t ninais.
Intensyon ni Rizal, na maging bayani.
Ito ba ay tama, o maling paglitis?
Ang kanyang hangari’y, maganda ang dulot.
Naligtas ang Pinas, lumaya ng lubos.
Ang prayleng abuso, nabaon sa lumot.
Mga Pilipino, lumampas sa unos.
Ang para sa akin, walang kabawasan.
Kinabukasan n’ya, kanyang iniisip.
Sya ay laging handa, kahit nasan man.
Patutunguhan nya, kanyang nasilip.
LUNGGATI
Nang si Riza’y munti, kanya nang minithi
Ituring na bantog, sa baya’y itangi
Sa kabilang dako, tunay nga bang akma
Ang kanyang adhika sa sariling lupa
Nararapat bang siya’y tanghaling bayani
Kung ang buhay niya ay sa hangad natali
Totoo nga kayang ibig yaring bansa
Kung ang pangarap niya ay sadyang nilikha
Mula kabataa’y kanyang sinimulan
Ang pagnanais na ito’y makamtan
Pagiging bayani’y lubos na hinangad
Lahat ay gagawin nang ito ay matupad
Bayaning tinuring, Rizal aming hirang
Lihim na hangarin banidad siyang bintang
Nawala ang wagas at nag-iisang tinig
Kagustuhang habas, siyang tunay na ibig
LUNGGATI
Nang si Riza’y munti, kanya nang minithi
Ituring na bantog, sa baya’y itangi
Sa kabilang dako, tunay nga bang akma
Ang kanyang adhika sa sariling lupa
Nararapat bang siya’y tanghaling bayani
Kung ang buhay niya ay sa hangad natali
Totoo nga kayang ibig yaring bansa
Kung ang pangarap niya ay sadyang nilikha
Mula kabataa’y kanyang sinimulan
Ang pagnanais na ito’y makamtan
Pagiging bayani’y lubos na hinangad
Lahat ay gagawin nang ito ay matupad
Bayaning tinuring, Rizal aming hirang
Lihim na hangarin banidad siyang bintang
Nawala ang wagas at nag-iisang tinig
Kagustuhang habas, siyang tunay na ibig