Likas raw na gahaman ang tao. Wari kaseng balong walang kasing lalim ang gutom at uhaw ng tao sa maraming bagay na hindi ito kailanman maiibsan ng lubusan.
May mga naniniwala na masama ang ganitong kalikasan. Kailangan itong pahinain at pigilin. Yan ang utos ng simbahan sa atin.
Ngunit sadya yatang matindi ang kalikasan na ito sapagkat kahit ilang beses tayong makarinig ng sermon na masama ito, lalo pa yatang sumisidhi ito.
Kahit gamitan ng batas at buwis, tila lalo lang itong tumitindi kaya gumagawa pa tayo ng paraan para masunod lamang ang kalikasan na ito.
Hindi kaya hindi naman masama ang kalikasan na ito at ang tamang paraan ay pagbigyan na lamang ito?
Kung gahaman nga ang tao, hindi nya gugustuhin ang mga bagay na magpipigil sa likas nyang uhaw at gutom sa maraming bagay. Gagawin nya lahat para maibsan kahit panandali ito.
Maari kasing pakinabangan ang pagka gahaman ng tao. Kung hayaan nating sundin ang kalikasan na ito, maaaring maiiwasan ang koruption at mabilis na umunlad ang tao. Ito ang lohika ng palengke.
Kumbaga sa palengke, kung ang tao ay manininda ng produkto, dahil gahaman sya at gusto niyang mapasakanya ang maraming kita, gagawa sya ng paraan para mapaganda ang serbisyo, mapataas ang kalidad at mapababa ang presyo.Ganito kas kung ang tao naman ay mamimili, dahil gahaman siya at gusto nya makabili ng produktong mura, di kalidad at mabilis ang serbisyo.
Ganito rin ang nangyayari sa pamahalaan. Kaya siguro talamak ang korupsiyon ay dahil hindi tama ang pagtrato natin sa kalikasan natin.
Kaya sa halip na pahinain at pigilin, hayaan na lamang siguro at pakinabangan. Ito ang lohika ng kapitalismo at globalisasyon.
Ano ang palagay mo?
Ano kaya ang palagay ni Jose Rizal, bilang probinsyanong intsik, bilang liberal, bilang repormista, bilang propagandista?
Moderation, in the Buddhist sense, is the imperative to always seek for the middle path. Put another way, it commands to avoid excesses.
Used as the norm of an economic policy, moderation has proven to be effective in Thailand were King Bhumibol Adulyadei has institutionalized “sufficiency economy” as the middle path approach to human development, poverty reduction and conserving the environment in the country.
In this context, moderation makes economic policy a moral issue. I find this problematic because moral incentives are not effective incentive mechanisms for development.
In the case of the Philippines where about 90% of the Filipinos are Christians who regularly receive sermons that greed is evil, the moral incentive to do good and avoid evil has obviously failed because the country has been consistently one of the most corrupt in the world at the cost of its development drive.
While Buddhism’s success as a moral incentive can be attributed to its orientation as a personal commitment to perfection, Christianity’s failure could be its propensity to condone imperfection as implied by forgiveness and mercy as recognized virtues.
Instead of moderating greed through ineffective moral incentives, since human beings are by nature self- interested, put bluntly, human beings are greedy, the practical policy response would be to decide on whether to regulate or deregulate greed.
Regulation is premised on the idea that greed is evil. Thus, it requires a strong interventionist state to punish the greedy using coercive laws and repressive taxes as apparatuses of its police power to maintain a status quo of authoritarian political order based on the rule of law. While this works in states with Buddhist population like Thailand and other developing countries in east Asia, regulation breeds corruption in countries like the Philippines where moral incentives fail to curb the natural urge of greed that tempts people, even government officials, to circumvent the laws to create opportunities to convert public goods into private gain.
Deregulation, on the other hand, is premised on the idea that greed is good. In contrast, it merely requires a weak minimal state that allows the market to take advantage of greed by letting the greedy compete among themselves. In the process, competition lowers the cost of commodities and services, improves their quality and increases efficiency. The role of the state is reduced into a night watchman who intervenes only to guarantee that the natural urges of greed produces the greatest happiness of the greatest number of people by dismantling monopolies and ensuring fair competition.
TUYO NA ANG DUGO NO JUAN
Lang kasing tamis sa ugat ay dumadaloy.
Ang dugong bayani sa mga linta’y natuyo.
pag-asang umahon tila lumalabo
unti-unting lumalabnaw sa paglipas ng panahon.
Tignan mo sa iyong hubad na mga mata.
Ang pighati ng bayan natin nalugmok na.
Kayamanang mula sa dugo at pawis,
Ng mga dukha na pilit mong inaangkin.
Sa iyong mga kamay kami ay nasawi.
Tulad ng nanuyot na dugo ng patay.
Tulad din ni Juan sawi sa yong kamay
Dahil sa pagnakaw ng pera ng bayan.
Bukas ay tuyo na ang dugo ng bayan
dahil sa pighati na dulot ng pera.
Perang inangkin mo mula sa mga dukha
kahit kapalit ay kamatayan nila..
Dapat tigilan na’ng ganitong ugali
Mga sumisirang bagay sa sarili
Ang pagiging ganid at maging gahaman
Sa salapi man o maging sa ‘ting yaman
Dapat malunasan kundi ay lalala
Bigyan ng solusyon at walang bahala
Atin nang pigilan korups’yon sa bayan
Dangal bilang tao ay maalagaan
Kung magpapatuloy ganitong sitwasyon
Dadami’ng biktima maging sa korups’yon
Ang pamahalaan alam na ng lahat
Ay kasangkot dito gahaman at salat
Pakinggan ang tawag ng ating Maykapal
Ang pangalan niya ang ating itanghal
Nang bigyan niya tayo, talinong malawak
Na kahit kaaway ‘di kayang mawasak
GAHAMAN SA KALAYAAN
Sa ating panahon, likas na sa tao,
Ang maging gahaman, sa bawat minuto
Sa pagkain, pera o kapayapaan,
Ano ba talaga, ang kadahilanan?
Ang maging matakaw, ninais ba natin?
Masama naman bang ang lahat ay kunin?
Karaniwan na nga, ito sa ‘ting mundo
Lalung-lalo pa nga, sa nagsisi-upo
Ang pagkagahaman, tama bang pigilin?
Nararapat lang bang ito’y kontrolin?
Kung ako’y tanungin, aking kasagutan,
Matutong gamitin, ating kalikasan
Kung buhay si Rizal, anong pasya niya?
Pipiliin ba n’ya, ang maging timawa?
Kung para sa bayan, lahat ay gagawin
Ating kalayaan, dapat gahamanan!
Ganid nga naman
Pagiging gahaman, di maiiwasan
Likas na sa tao ang katimawaan
Ang tao nga naman, walang kasiyahan
Dapat makontento, yan ang kailangan
Isang halimbawa, ang ating gobyerno
Hindi na naawa, madla ay tinuyo
Inalay ng tao, pawis at dugo
Para guminhawa, makamit ang dulo
Ang ganitong sakit, dapat malunasan
Ang pagigigng ganid, sa kaban ng bayan
Ito’y gamutin, huwag pabayaan
Bayan ay tulungan, upang may makamtan
Huwag na hayaan, tayo ay masilaw
Tumulong pigilan, demonyo’y lumitaw
Huwag ng gumaya, sa ibang bumitaw
Buha’y pinagpalit, sa diamanteng hikaw
Sobrang Katakawan
Bayaning pambansa, anong yong reaksyon?
Sa mga nangyayari, sa ting bansa ngayon
Ang mga problemang, kakabit ng buhay
Na di maaalis, sa panghabangbuhay
Sobrasobra na nga, gusto pang dagdagan
Walang kabusugan, sa kapangyarihan
Sa kanila’y tawag, gutom na buwaya
Na kahit busog pa’y, kulang pa ang saya
Bakit kaya ganto, mga namumuno
Dakilang bayani, anong nasa puso?
Anong mga hakbang, ang iyong gagawin?
Para matigil na, masasamang gawain
Pagiging masiba, mayroong kabutihan
Na para sa ilan, ito’y kailangan
Upang mapaganda, kanilang hangarin
Serbisyong totoo, nararapat gawin
Sa panahong ito’y maraming gahaman
Hindi makuntento sa taglay na yaman
Hangaring iangat angking katayuan
Kahit na mang-api, wala ‘tong anuman.
Disimulado at hindi garapalan
Kunwari’y mabuti sa ‘ting kaalaman
Sa dami kasi ng gawang kabutihan
Di pag- iisipan ng katiwalian.
Kunwa’y mahalaga ating kapakanan
Katulad ng taong may kapangyarihan
Di maiaalis kumita din naman
Huwag lang labis na indahin ng bayan.
Rizal, saan ka man kami’y ‘yong tulungan
Kapwa Pilipino sariling kalaban
Sinasakop nila aming kahinaan
May laya pa kaya sa sariling bayan?
Pano masasalba? itong kahirapan
kung ang namumuno, tuso at gahaman
sana’y mawala na, ang kasakiman
ng upang umahon ang lugmok na bayan.
Madali ito sa taong edukado
naiintindihan dahil matalino
di tulad ng iba, gahaman at tuso
ano ang gagawin, taong edukado
taglay na talino, ang paiiralin
sa lahat ng bagay, na kanyang gagawin
kanyang natutunan, ang payayabungin
hindi kasakiman, ang pauunlarin
sana’y maging hamon, sa ating pinuno
katulad ni rizal, isang edukado
hindi naging lilo, hindi nagpabuyo
sa mga materyal na bagay sa mundo.
BUWAYA
Sinong magsasabi na tayo’y malaya
Kung ating gobyerno puro anomalya
Lahat ng opisyal gusto magka-pera
Para nga silang mga gutom na buwaya
Imbes na sila ay gumawa ng kalsada
Upang transportasyon ay kaaya-aya
Sila’y nakatanga at nagpapasasa
Habang ang mga tao ay nagiging dukha
Kung si Jose Rizal sana ang namuno
Wala na siguro tayo ngayong gulo 😉
Wala na sigurong KORAP sa gobyerno
Lahat na sigurong opisyal totoo
Dahil sya ay may’rong lahing probinsyano
Na lumaki sa ‘sang inosenteng kubo
Na handang mag-alay at magsakripisyo
Gaya ng totoo’t tapat na TOMASINO.
Ang kasuwapangan ay may buti’t sama
Kung ika’y liberal, iyong makkkikita
Minsan ito’y tama’t, kadalasa’y mali
Lalo na kung hangad, buting pansarili
Kailangang malaman, ng lahat sa atin
Pansariling buti, ay ‘wag pairalin
Kung epekto nito’y, abuso sa iba
Inyo nang agapan, habang maaga pa.
Wag maging gahama’t, may mabuting ganti
Lagi mong isipin, anon’ng tama’t mali
Bago magdesisyon, ‘yong pakatandaan
Isaalang-alang, lagi’ng kabutihan
Hindi naman mali, na minsa’y isipin
Ang nakakabuti, sa sarili natin
Ngunit kapag tayo, ay biglang sumobra
Masamang epekto ang dulot sa iba.
Ang katotohana’y kanyang ibinigay
Pero siya kaya’y nagsabi ng tunay
kapalit ng kapakana’t buhay
yan si Jun Lozada, bayani bang tunay?
Mga tao ngayo’y talagang gahaman
Gusto ng salapi at kapangyarihan
Hindi makuntento sa sariling yaman
Kahit na may tao na masagasaan
Kay dami ng Pinoy, lubusang nasaktan
Isyu ng gobyerno, tao’y natapakan
Pag nagkagulo, mayroong patayan
Pano luutasin , ang sumpa ng yaman?
Panahon ngayo’y parang sa Kastila
Nagaagawan sa yaman at lupa
Pero noo’y may bayaning tagahupa
Gaya ni Lozada, eto na nga ba sila?
Pagiging gahaman ay dapat pigilan
Ito’y di maganda’t dapat ngang iwasan
Ito’y gawain nang makapangyarihan
Dinadaya kahit kapwa kababayan
Malaking problema noon hanggang ngayon
Masamang sanhi ay tahamak na korupsiyon
Rizal ay bumida sa kanyang panahon
kanyang nilabanan mga pangongotong
Dapat di gumaya mga kabataan
Sa numero unong problema ng bayan
Gayahin si Rizal, kanyang kabataan
Habang mag-aaral, ating pagbutihan
Oh anong hitsura, pag walang gahaman
Pantay-pantay tayo na magkakabayan
Walang problema, walang manggugulang
Walang mahihirap,walang pipigilan
Ating baya’ng mahal puno ng timawa
Ito ang dahilan sa pagkakasira
Sinakop ng sakim mahal nating bansa
Tinanggal na pagasa at pagtitiwala
O diyos na may kapal! Ako’y sumasaklolo
Sana’y iyong tulungan ang gaming gobyerno
Na puno ng sakim pati panloloko
Ng dahil sa pera sila’y nagkaganito
Kung nandito ka lang mahal naming rizal
Ating ikakalat Iyong mga aral
Mga taong sakim ating buburahin
Tayo’y magtulungan sa tamang gawain
Ang ating gobyerno ating uunahin
Tayo’y di gagamit sandata’t patalim
Sa ating paglusob utak ang dadalin
Mabubuting aral ating babaunin
Anything in excess will not do any good
Seek for the middle path, step to be understood
Moderation perhaps? it obviously has failed
Greed’s evil! Avoid evil! It should never be hailed.
Tenacious government yield strong regulation
Weakening consequence: it may breed corruption
Moral incentives failed, even laws and taxes
Public goods to your gain, ooohh! Temptation maxes.
A startling change occured, greed can also be good
Deregulation? Yes!, a process most mistook
Let the greedy compete to assure our profit
To depreciate the cost and favor benefit.
Being propagandist, a quest he must complete
To stand for change once more, reverse former defeat
To abolish the greed, maintain self – ruling creed
A leader and teacher, Rizal most high indeed.
SUWAPANG
Ang damot at daya ng namamahala
Sa ating lipunan, binabalewala
Walang kaunlaran, walang patutunghan
Ating ekonom’ya, dapat alagaan
Gahaman ng tao sa bawat paligid
Kailangang iwasan, gawin itong tuwid
Upang sumagana, ating kabihasnan
Alisin sa utak, pagiging suwapan’
Labag sa ating D’yos ang moralidad na ito
Nakakapanakit sa taong totoo
Nakakabagabag sa bawat damdamin
Kaya Siya’y sundin, sambahi’t purihin
Si Rizal sa ‘Pinas, bilang probinsyano
‘Di magiging hangal, ‘di magiging tuso
Isang simpleng taong may takot sa D’yos
May paninindigan at may pusong taos
Hindi maiwasan, bahagi ng buhay
Kahit sino pa man, mula bata pa nga’y
Korupsyo’y katago, hintayang paggamit
Simulang pagguho, pag tiyak na nagamit
Pagmakasarili, ugaling di dapat
Walang mangyayari,
Poot madarama, pagkilos kelan pa?
Buhay na madrama, magiiba pa ba?
Rizal ko’y gagalaw, kulo ng paraan
Ideya’y aapaw, isip lagi’y bayan
Tiyak hindi nya gusto, mas lalong payagan
Ganitong pamumuno, ungali’t paraan
Laking pasalamat, laking pagtuwa
Mata ko’y namunlat, ito pa’y naluha
Nadagdag pananaw, sulat ni Odchimar
Dapat ngang gumalaw, isip nating iandar
Kalagayan natin sa panahong ito,
Puno ng korupsyon, walang halong biro;
Noon pa’y andyan na, hindi pinapansin,
At ngayon ay lubos na pahirap sa’tin.
Ano ba ang dapat natin gawin dito,
Upang problema ay atin ng masugpo?
O dpat ba to’y regulahan na lang,
O kasamaan ay gamitin na lamang.
Karakter ni Rizal sa kanyang El Fili,
Si Simong dayuhan ay ang mamimili;
Gagamitin niya ang kasamaang ‘to,
Upang mapabuti ang ating estado.
Ang paraang ito ay sadyang praktikal,
Sa ating bansa na lubos na kritikal;
Paggamit nito ay para sa atin din,
Masam man ‘to ay makakabuti din.
-. . .-
Hindi maiwasan, bahagi ng buhay
Kahit sino pa man, mula bata pa nga’y
Korupsyo’y katago, hintayang paggamit
Simulang pagguho, pag tiyak na nagamit
Pagmakasarili, ugaling di dapat
Walang mangyayari, wala nang aangat
Poot madarama, pagkilos kelan pa?
Buhay na madrama, magiiba pa ba?
Rizal ko’y gagalaw, kulo ng paraan
Ideya’y aapaw, isip lagi’y bayan
Tiyak hindi nya gusto, mas lalong payagan
Ganitong pamumuno, ungali’t paraan
Laking pasalamat, laking pagtuwa
Mata ko’y namunlat, ito pa’y naluha
Nadagdag pananaw, sulat ni Odchimar
Dapat ngang gumalaw, isip nating iandar
“Pagkagahaman tunay”
Tayong mga tao ay sadyang gahaman?
Talaga bang likas ang ugaling ito?
O sadyang mahirap itong maiwasan?
O di naman kaya tayo’y nagpapakatotoo?
Sa simulat sapul ito daw ay mali
Sa sermon ng pari at ng sa magulang
Ang pagkagahaman ay du maling-mali
Kundi may maganda ding idinudulot
Ang pagkagahaman dapat ay ibahin
Pag itoy nagawa bayay tyak uunlad
Maling kaisipan dappat ay ayusin
Upang mga taot bayan ay umusad
Ang ating bayani gagawin din ito
Sapagkat alam nya ang syang mas tama
Siyay nagiisang bayaning modelo
Ginustong baguhin ang pagkagahaman
T_T
Malaya Ba?
Kalayaang hangad, di pa nakakamtan
Dahil sa ahensyang hawak ng kasakiman
Akalang lumaya inang pinaglaban
Ngunit ang totoo’y bihag ng gahaman
Sinu ang nagsabi, na tayo ay malaya
Kung ating gobyerno’y, puro pandaraya
Imbes makilala sa mabuting gawa
Tayo ay kilala bilang corrupt sa diwa
Bat hindi gayahin, layuning palakhin
Ang inang inibig, kay Rizal mithiin
Kung siya ay pinuno, sating bansa
Siguradong tayo’y sariling panalasa
Sanay maging bukas ang kasalukuyan
Na ang pagkagaman, bunga’y kasarimlan
Maging Rizal tayo,sa diwa’t damdamin
Nang ating maabot, kalayaang atin
ARAL
Maraming batikos sa administrasyon,
Pagsilbi sa bayan ito ba’y intensyon?
Kung tungkulin ito’y walang katuparan
Ang bungang matuwid di dapat asahan.
Demokratiko ba itong aking bayan?
Kung ang namumuno’y gahaman sa yaman.
Marahil ay hindi! Sa panig ni Rizal,
Ito’y ‘sang lakdaw na gawaing imoral.
Demokrasya, ‘kaw ba’y susi ng progreso?
Ika’y minaltrato at inaabuso.
Diwang maka-bayan ang iyong layunin,
Ngunit ano ito? Ako’y ‘sang alipin.
Pulitika, wala kang maidudulot,
Ang yaman ng baya’y iyong kinurakot.
Inalipusta at tinanggalang dangal
Ito ay ang aking natutunang aral.
Aling pag-ibig pa ang hihihigit kaya
Sa pagkagahaman at pagkatimawa,
Gaya ng pag-ibig sa kaban ng bayan
Hahamakin lahat masimot ka lamang?
LRT Railway, paliparan ng NAIA
Oberpraysan lahat habang nakatunganga,
Ang masang magbabayad sa lahat ng utang
NBN-ZTE krona ng mga suwapang.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Naupo sa trono halalan dinaya,
Bawal ang umangal, titimbuwang bubusalan
Dakilang pag-ibig sa kaban ng bayan.
Isang kuwento nang mga mayayaman
Nang mga nanggulang at nagulangan,
Sa lipunang nalugmok sa kahirapan
Dahil naghahari ang kasuwapangan.
Tila isang sumpa, ang pagiging ganid
Kalapastanganan ito kung ituring
Taong mangmang ang biktimang minamasid
Kanyang mga balak, ‘di palalampasin
Abuso sa lahat, ang sobra at mali
Parang isang linta, ‘di matinag-tinag
O si Juan Dela Cruz, hayan na’t maliksi
Naghihintay na may mahulog sa bitag
Bilang isang Rizal, isang Pilipino
‘Wag mong hahayaan ang pagkagahaman
Palayain mo s’yang walang nagugulo
Itong pagdaralita’y pahirap sa bayan
‘Di tulad ng iba, ‘wag kang maging linta
Na gagapang-gapang, sisipsip ng dugo
O Juan Dela Cruz, maging kang dakila
Na gawa nang gawa, may mabuting puso
Tayong mga tao, sadya bang totoo
Ang pagiging sakim, angkinin ang mundo
Pilit mang pigilan, di na matatago
Ang pagiging sakim sadya nga sa tao
Ang langis at pilak, dyamante at ginto
Ang bigay ay yaman, na hangad ng tao
Ang labis na sakim, ay syang magbabago
Sayong kapalaran, at yong pagkatao
Ganyan ang nagyayari sa ating gobyerno
Pinuno ng sakim, na mga pinuno
Nagkalat ang dumi sa ibang ibayo
At ang kaluluwa hangal pa sa lobo
Dapat mangibabaw sa ‘ting mga puso
Pagmamalasakit sa kapwa mo tao
Tignan sa salamin at ‘yong isapuso
Na ang isang tao ay kayang magbago
Kakambal ng tao pagiging gahaman,
Di maitatanggi, mahirap pigilan.
‘Sang palaisipan, ‘to ba’y kasamaan?
Kung dulot sa bayan, tungong kaunlaran.
Bagama’t kung minsan, layuni’y mabuti
Ang pagsamantala madalas mangyari.
Tila nalimutan, tunay nitong silbi
Tanging hinahangad puro pansarili.
Sadyang ang gobyerno, bulok sa korupsyon
Gahaman ang tao, isipa’y nalason.
Marahil si Rizal, hindi sasang-ayon
Kung di gagamitin para sa pag-ahon.
Ang diwang liberal, ating pairalin
Lumagay sa tama, si Rizal gayahin.
Kung layo’y maganda, saka lamang gawin
Bigyang patunguhan bawat isa sa ‘tin.
BAKIT HINDI?
Kapag sa pag-unlad ang pinag-usapan,
itong Pilipinas, napag-iiwanan
dahil sa korapsyon ng mga gahaman
Mga pulitikong nagnakaw ng yaman.
Masamang magnakaw, turo ng simbahan
Ngunit ba’t ang Pi’nas, Katolikong bayan
Laganap ang krimen sa pamahalaan
Meron pa nga diya’ng nangagpapatayan.
Ang sangkatauhan, kaunlara’y nais
datapwa’t may ibang ayaw nang umalis
Sa kapangyarihan, nasilaw, winangis
Ang tao’y nalinlang, ang baya’y nanangis.
Sa pamahalaan mayroong solusyon
Matinong usapan, balikwas ang tugon
Kung sa sapilitan, lagay kaya’y ayon
Bakit ‘di subukan nang ating matunton?
KATAKAWAN
Ang mga tao raw ay likas ng sakim
Ang gutom na ito ay sadyang malalim
Simbahan ay utol sa ugaling ito
Nang pinigil na ay tumindi pa lalo
Sa pamahalaan ay laganap din ito
Korupsyon uso dahil sa ugaling ito
Anong dapat gawin, dapat bang hayaan
O di kaya nama’y dapat na pigilan
Pambansang bayani, si Dok Jose Rizal
Na miymbro na grupo ng mga liberal
Sa tingin ko’y tutol sa pagkagahaman
Ang gusto lang nya ay mabuti sa bayan
Sa tingin ko din ay dapat ‘tong pigilan
Dahil to’y sagabal sa pagunlad ng bayan
Kaylangan na din ng pagbabago
Sa mga lidet ng sariling gobyerno
ITIM NA BUDHI (t_t)
Alam naman natin, na tayo ay sakim
O uhaw sa lahat, hangad ay malalim
Walang sinasanto, makuha lang gusto
`Yan ang pilipino, masahol sa aso
Nakagisnan na `to, mula noon pa man
Di na matatanggal magpakailan pa man
Ang pamahalaan , nangunguna dito
Pagdating sa pera, unahan sa pwesto
Siguro nga’y ito’y hadlang sating lahat
Katawan natin ay simpayat ng patpat
Panira `to satin, at sa buong bayan
Imbis na yumaman, tayo’y natabunan
Tingin ko’y wala na tayong pagasa pa
Mahirap lamapasan ang sakit ng masa
Ngunit `wag sumuko, tuloy ang pangarap
Baka isang araw, ay hindi kumurap
Kasakiman
Bansa’y naghihirap, dahil sa mga sakim,
Ginhawa ay hanap, Pasakit ang kimkim,
Bawasan ang ganid, o ito’y tanggalin,
Ang hirap ng bayan, dito nanggagaling.
Ang kaban ng bayan, saan napupunta?
Dapat makinabang, lahat ba o isa?
Ang masamang gawi, inyong talikuran,
Ating bayang sawi, ibangon mo naman.
Bulsa mo’y isara, para sa yong bayan,
Iyong itigil na, pagiging gahaman,
Wala ng pag-asa, at kinabukasan,
Kung bulsa mo’y puno, kami’y wala naman.
Iyo nang bitawan, ang nakagawian,
Pera, kayamanan, at kapangyarihan,
Gamitin mo ito, sa mga kabutihan,
Upang ang bayan mo, iyong mapagyaman.
PABAON
Bansang aking mahal, nabihag ng dilim
dati nyang liwanag, naging makulimlim
Yong mga pinuno, simula ng gulo
mga mamamayan, ang palaging talo
Mga pilipino ay naging masakim
nagmukhang kutsilyo na ubod ng talim
walang pakialam kanyang kapwa tao
walang ng magawa dahil to’y totoo
Malaking problema, sating bawat isa
ang pagiging sakim, nating bawat isa
Gobyerno’y umayos ng tayo’y sumunod
wag ng pangarapin sa pera’y malunod
May pagasa pa ba na ito’y maayos
upang ating bansa’y huwag ng malaos
Sana’y may bukas pa, para to’y baguhin
para ating anak, ito ang baunin
Ang isang mahinang uri ng nilalang
Pagiging gahaman isaalang-alang
Dahil para saan nga ba itong yaman
Kung dignidad naman itong madudungisan.
Materyal na bagay ay madaling kamtan
at madali itong makakalimutan
kaya di na dapat tayo’y magpasilaw
Dito sa ningning ng naturang ilaw.
Walang matutulong sa ating maganda
Itong kalikasan na nakasanayan
Ngayon ay dapat na tayo ay maghanda
Sa’ting pagbabago tungo sa pagunlad.
Huwag isipin lang ang ‘yong kapakanan
Ikaw ay may kapwang naaapektuhan
Ng katimawaan ng ‘yong pagaasal
At marahil dapat ikaw ay magdasal.
SWAPANG!
Hindi ba’t tayo rin ang siyang masasakdal
kung pababayaan bayang ating mahal,
masadlak sa dusa’t alisin ang dangal,
pabayaan na lang sa mga pusakal?
Di ba’t kalayaan,dapat ngang may dangal,
handog sating bayan wala itong busal.
Kung buhay pa ang Gat isip na liberal,
hindi papayagan ito ay may kibal.
Dapat ngang may asal di dapat makapal,
taong namumuno taong bayang halal,
siyang handog ang buhay sa bayang mahal,
lahat ay gagawin taong di pagal.
Kurapsyong laganap dapat ipagbawal,
di magandang dulot lipunan ay sakal,
pagnakasanayan ang maling asal,
dapat nang ibigay sa kamay na bakal.
GAHAMANG PINUNO
Likas nga ba sa ‘tin ang maging gahaman,
‘Di na maitanggi dahil kita naman,
Para sa simbahan ito ay masama,
Pinagbabawalan dahil ‘di ‘to tama.
Korupsyon ang dulot nito sa ‘ting bayan,
Mga lider natin ay mga gahaman,
Nakalimutan na, kanilang tungkulin,
Na magsilbi sa ‘tin, bayan paunlarin.
Buti pa si Rizal ‘lam kung ‘no ang tama,
‘Di siya gahaman, ‘di siya masama,
Pipigilan niya ‘di mabuting gawi,
Upang ating bayan ay hindi masawi.
Dapat tayo na rin matutong magbago,
Mamulat na sana ating mga puso,
‘Wag ng magpauto sa gobyernong bulok,
‘Wag ng maging sakim, sa gulo’y ‘wag pumasok.
Pagiging gahaman, ‘sang salot sa bayan
Para sa sarili, hanap pera’t yaman.
Kristiyano nga tayo, ngunit bakit kaya?
Korupsyon ay kalat, ‘la ba tayong hiya?
Ang Pinas ay isa, isa sa pinaka-
‘sang pinakakorup, ‘sang napakadaya.
Bawas sa pangalan, respeto ng bayan
Huwag kalimutan, puso nating laan.
Lingid man sa isip, pagiging gahaman
Kay Jose Rizal ay di malalampasan
Pagiging liberal, kanyang ilalaban
Sa bawat hinaing, siyang ipaglalaban
‘sang taong gahaman, ‘wag nating gayahin
Ating ipagkalat, Kristiyanong damdamin
Siya nating daan, magandang hangarin,
Ng ating makamtan, pangrap na bituin.
Merong winiwika mga matatanda
Mga mararamot ‘di pinagpapala
At kung sino ang s’yang itong mapagbigay
Biyaya’y bubuhos mula sa Maykapal.
Yaong mga taong pera’y sinasamba
Gaya ng iilan na namamahala
Namumuno lamang ay upang yumaman
Nabubulag dahil sa kaayamuan.
Dahil mga sakim, marami ang gutom
Maraming hidwaan ang ‘di naghihilom
Dahil mga sakim, baya’y nasasadlak
Na dinadaig pa ang baho ng burak.
Hindi nga ba sapat sermon ng simbahan
upang mabawasan itong kasakiman
O ang mga sakim tila nakalimot
Sa tawag ng ating maunawaing Dios.
moderate your greed
ang pagiging gahaman ay di masama
hindi rin naman ito mabuti o tama
depende ito sa taong gumgawa
ngunit kadalasa’y gawain ng taong masama
oo nga’t ang katotohana’y ito’y masama
sa mga ganitong gawain karamiha’y di natutuwa
lalo na kung ang gobyerno ang syang may gawa
sa gawang pagkagahamang napakasama
o mga pilipinong gahaman sa katotohanan
kalokohan ng gobyerno’y inalam ang laman
at mga kalokohang naalam ay malaman
puno ng pangungurakot sanhi ng pagkagahaman
ito’y di masama kung ito’y para sa lahat
ngunit kung para sa sariling pagsikat
ito’y hindi tama at hindi dapat
pagkagahaman ng isa’y apektado ang lahat
O, bayang kay ganda, sadyang minamahal
Puno ng alaga at mga parangal
Kalinisang taglay s’yang hinahayaan
Ngunit kadilima’y s’yang pinupuntahan
Estudyanteng Rizal, mata ny’ay namulat
Pangyayaring iba iba, sa kanya’y nasulat
Mula kabataa’y s’ya n’yang naranasan
Kasakimang kalat, hirap na pinasan
Kagustuhan niya’y pigiling tunay
Kasamaa’y dulot sa maraming buhay
Pagka’t s’yang pagkalat ay s’yang parang hangin
Pigilan ito ay siyang dapat gawin
Sa katamtama’y ating makikita
Kagandahang mithi, pagunlad na sinta
Kailanma’y di kulang o kaya’y di sobra
Kung kaya’t s’yang tunay at karapatdapat
ang kakailangan ng para sumaya
sa kaloobang lang ay hinihingi ba?
di ba sapat lahat iangkin ang yaman?
naramdaman nila ang kasasamahan?
ang kayaman ba kailangan umapaw
maigsi ang buhay para ipagtakaw
di magagamit lahat at ubusin nila
sa hirap ng bansa ano matitira?
umaasa lamang sa yaman ng bayab
di makuha ng isip ang lagay ng bansa
di maunlad sa hirap, pinagiwana na
pilipino’ng tapat, san ka ba pumunta?
wag na itago sya, ang ating kayamanan
mahirap ang lagay mawalan ng bayan
aminin ang lahat, tao pa rin kayo
diyos lang ang nagsabi, iligtas ang mundo
MASYADONG GAHAMAN!!
Pagiging gahaman, kalikasan natin.
habang tumatagal, ito’y tumitindi.
Hindi maiwasan, gumiit sa atin.
Ito ba’y masama, o nakakabuti..??
Gahamang tao, likas na daw.
Ayon sa marami, ito’y masama.
Dapat pahinain! Pigili’t idulo!!
Utos ng simbahan, masamang madama.
iilan sa iba, ito nama’y ayos!
Merong pakinabang, ang gahaman.
Mabilis uunlad! Tao’y walang galos!
Iwas pa korupsyon, walang karamdaman.
Kay Jose siguro, ito ay hayaan!
Upang Pilipinas, sa wakas! UMUNLAD!
Gahaman man sila, ‘Wag na lang damayan.
Kumuha ng aral, at doon itulad.!
“Sugapa!”
Bansang Pilipinas, daig karagatan
sa taglay na utang na ‘di mabayaran
mga opisyal na nasa upuan
hindi nararapat pagkatiwalaan
Pagtatalo diyan, pagtatalo dito
sino ba ang tama, lahat na ay lito
sa bawat pilipinong, kan’lang niloloko
aking kahilingan, opisyal mahilo
Bilang estudyante, ako’y namumuhi
nais ikumpuni kanilang ugali
sila’y mga peke at makasarili
ang pagkagahaman, maling di makubli
Pambansang bayani marahil ay lungkot
sa ‘lang pangyayaring puno na ng lukot (in other word, “gusot”)
mga panloloko na paikot-ikot
kay’lan matatapos sinimulang gusot
Ang pagiging sakim ay ‘di laging mali,
Naaayon ito sa s’yang pagsusuri,
sa parehong dulot sa sakim at hindi,
Dahil kung mabuti, pareho’y pupuri.
At kung magkagayon, ‘di magiging hadlang,
dahil ang resulta’y, pagtulong sa kapwa.
Pati sa simbahan, isang pakinabang,
‘di tahasang sakim, hindi isang sala.
Sang-ayon nga’t turo, kumpetisyo’y sulong.
sa mas nakinabang, dapat lang may ganti.
Diskarte ang aral kung ‘di sya tutulong,
sa dulo’y huhusay, paggaling ang buti.
Sa mundo’y natural, ‘Di dapat pigilan.
Tulong sa sarili at bago ng kapwa –
sa hindi pag-asa, ‘sya nga’y isang daan,
May lider o wala, uunlad ang bansa.
Aanhin ng tao ang kanyang salapi,
kung kasiyahan nya di na mamimithi
Pagpupursigi nya, para saan pa ba,
kung kapalit nito, kanyang pagdurusa
Bakit ang mahirap, lalong humihirap?
Bakit ang mayaman, lalong yumayaman?
Ang mayaman, puro nalng sarap,
at ang mahirap, pinapahirapan.
Ano ba talaga, ang pagiging gahaman?
Isasala nga ba, na pinaparusahan
O sang katangiang may pabuyang piso?
Sang kaugalian na nakakalito.
Ang pagmanipulang ng sang taong sakim,
ito bang solusyon? Ito ba ang sagot?
Ngunit kaylan nga ba, ang puti ay itim?
At sa bandang huli, sino ba ang lagot?
One’s willingness to serve will not last forever
Most of the time it will turn out to be bitter
For one’s the temptation offers itself for you
Even a noble person won’t know what to do
The monster inside won’t hesitate to go out
It will even present you devilish pout
For what is important to the evil beside
More of the things he already has by his side
Fooled are those who suffered their trust to the greedy
They didn’t know that someday will be needy
For they have put to the pedestal wrong people
Soon the greedy will turn the whole nation cripple
Ang kasakima’y di natin maiwasan
Mga namamahala sa ating bayan
Di natatatwa ang dinadamang kahirapan
Sariling utang hindi mabayaran
kalokohan ng gobyerno dapat ng iwaksi
Mga namumunong sakim ay patalsikin
malalagot ang dapat sisisihin
dinadanas na unos tila’y isang malakas na hangin
Pag ating hayaan, makabubuti ba?
Ating pagsagpangin, kapwa mga sugapa
Sa pagseserbisyo, isipi’y kaiba
Sa ganun ang baya’y, asenso’t payapa
Tayong mamayan dapat magkaisa
para sa bayang nilamon ng dusa
sanhi ng pagkagahaman nakuha
Sundin natin ang nadadama
Mali bang maghangad ng maraming pera?
masama ba maging sakim sa salapi?
kung para sa bayan ay walang masama
pero mayroon pa rin mga pasaway.
Mayayaman lng ba ang pwede yumaman?
bakit ang mga dukha ay walang makain?
sa araw araw na pagsisikap natin
pagsisikap ay napunta lang sa iba.
Walang matutulong sa ating maganda
pagiging gahaman sa kwarta ng iba
isaisip mo ang mga nagdurusa
at baka bumalik ang karma sa iyo.
Kung talagang hindi mapigilan yaon
kasakiman ay iyong gawan paraan
lumayo sa mapangakit na salapi
at ang ating bansa ay maging mabuti.
Buwaya sa PULITIKA
Paghahangad dapat ay para sa iba
Huwag iisipin paraang masama
Ito’y kailangan di lang sa pulitika
Kundi lalong higit sa ekonomiya
Walang mangyayari kung hindi titignan
Ang mga solusyon at mga paraan.
Lahat ng gahaman ay dapat labanan
Wag tayong matakot sa kahihinatnan.
Pagiging gahama’y isang kabalbalan
Mga taong sakim, ulo’y walang laman
Relihiyong iba’y ‘di isang dahilan
‘Di ito pantakip sa ‘yong kasalanan
Ang mga buwaya sa’ting politika
mabubuting tao sinasamantala
mahirap na buhay ay pinapalala
sana’y makita nila na ito’y walang kwenta
Ang lahat ng sobra ay sadyang masama,
Ang sobrang kasakima’y sadyang masama,
Kayong mga sakim ay dapat pigilan,
Kayong mga sakim ay dapat patayin,
Tayong mamamayan, dapat magmahalan
Walang lumalamang, dapat pantay-pantay
Walang nag-aangkin, dapat magbigayan
Wag sanang matakaw, sating kayamanan
Paano ba uunlad ang ating bansa?
Kung puro mga sakim ang nasa pwesto,
May iuunlad pa ba ang ating bayan?
O ‘to ba’y katapusan na natin?
O bayang mahal ko, kawawa ka naman,
Ano na ang iyong kahihinatnan bukas?
May naghihintay pa bang bukas sa ‘tin?
Kelan ba uunlad ang bayan natin?
uso na ngayon, pagiging gahaman
mga pilipino sa pamahalaan
ang kanilang gusto, sila ay yumaman
ng di man lang nila, pinaghihirapan
bakit nagkaganon, mga pilipino
naging mukhang pera, at sugapa ito
la ng inisip, kung hindi manggantso
basta magkapera, kahit na manloko
pano na ang bayan, kung lahat ay ganyan
kurapsiyon dito, kurapsiyon diyan
anong mangyayari, sa ting pinaglaban
kung lahat tayo ay di makikinabang
sana lahat tayo, ngayon ay magbago
wawa naman kasi ibang pilipino
buong oras nila’y sinasakripisyo
tas kukunin mo, ang kanilang sweldo