Malayang Kaisipan (Kaisipang Liberal)
“Dantaon ng pagkamulat” ang turing sa ika-labing siyam na siglo. Makaraan ang halos dalawang dantaon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa siglo na ito napukaw ang matagal nang nahimlay na damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang malayang kaisipan (kaisipang liberal) ay isang pilosopiya na naka-ugat sa paniniwala na likas sa tao ang may kasarinlan. Ito ang pilosopiya ng “Panahon ng Kamulatan” (Age of Enlightenment) na umusbong at namayagpag sa Europa bilang puna sa mga pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga hari at reyna. Kaisipan ito na kumikilala na likas sa bawat tao ang malayang tupdin ang anumang hiling na itinatakda nya para sa sarili. Ibig sabihin, bawat tao ay nararapat ituring palagi bilang tao na may mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) at hindi bilang bagay o kasangkapan lamang (instrumental worth).
Ang malayang kaisipan na ito ang nagsilbing inspirasyon ng rebolusyong Amerikano at rebolusyong Frances. Ito ay mga pag-aalsa na may bukod tanging layon na palayain ang bawat tao sa mapaniil na kaisipan na mga alipin lamang sila ng mga nasa kapangyarihan. Samakatuwid, ito ay mga pag-aalsa para bawiin ang mga karapatan (rights) at dignidad (intrinsic worth) na ninakaw sa kanila ng mapang-aping kaisipan na nagtuturing sa kanila bilang mga hamak na bagay o kasangkapan (instrumental worth) lamang sa mga hiling na itinakda para sa kanila ng mga nasa kapangyarihan.
Nakarating sa Pilipinas ang malakas na daluyong ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa pamamagitan ng pagbukas ng Kanal Suez at ang paglahok ng Pilipinas sa kalakalang galyon. Napabilis ang paghatid ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) bunsod rin ng laganap na kultura ng paglimbag bilang larangan ng propaganda na binigyang daan ng pagka-imbento ng imprenta ni Gutenberg.
Sina Jose Rizal, kasama ang iba pang mga nakapag-aral sa Europa, silang mga tumugon sa hamon na iniwan ng GomBurZa at ng iba pang mga martir, ay buong giting na pinanghawakan, pinanindigan at pinalaganap ang mga aralin ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) sa kanilang mga akda.
Paano namulat ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong ika-labing siyam na siglo?
Paano nabigyang buhay ng malayang kaisipan (kaisipang liberal) ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kasarinlan?
“KALAYAANG HANGAD”
‘Sang islang mayaman itong ating bayan
Sagana sa yamang di mauubusan
Halaman at hayop, biyayang natamo
Mga Pilipino, may galak sa puso
Bayan noong una’y ‘sang ibong malaya
Piniit’ ginapos ng mga kastila
Hinangad ng madla na sila’y lumaya
Ninais, ninasa ngunit di nakuha
Inosenteng madla, isip ay sariwa
Sariling isip ay hindi n’ya makita
Namulat ang mata, sal’tang talinhaga
Isip pariwara, biglang nagkadiwa
Nang kami’y nasakop ng mga dayuhan
Di nag-alinlangang pagtanggol ang bayan
Mga Pilipinong puno ng pangarap
Naging kadiliman at puno nga hirap
Paglayang kinait, hirap ay naranas
Pag – asang liwanag dinaan sa dahas
Upang kasarinla’y muli nang madama
Nang sa ganoon ay bayan ay magsama
Tayo’y Pilipino may laya’t may dangal
Tayo’y inalipin at hindi umangal
Mga mananakop ninais matanggal
Ang tanging pag – asa ay sulat ni Rizal
Minimithing Paglaya
Tatlong daang taon, tayo ay nakatulog
Sa hirap at dusa, tayo ay nabugbog
Ngayo’y nagsisikap dahil umaasa
Ang ating paglaya sana ay madama
Pa’no imumulat ang bayan kong sawi?
Upang hirap nati’y tuwirang mapawi
Ilang taon pa ba ang dapat na lumipas?
bago ang paglaya’y tuluyang mapitas
Sa kabilang banda, pag-asa’y sumilang
pagiging liberal, sadyang kuminang
ito’y nakatulong sa ating pagmulat
ating katapangan dito’y masusukat
Mga pilipino’y buhay ang tinaya
nang mahal ba bansa’y tuluyang lumaya
sakrpisyo nila ay walang katumbas
para sa bayan ay lumaban sa batas
Nagdaan ang dusa ngunit balewala
Mga pilipino’y sadyang kumawala
Ginhawang dulot ng pakikibaka
Nagbuna ng ating mithiing paglaya
Aking Bayan..
Kay tagal inasam ang ating paglaya
Gusto na ang mga dayuha’y mawala
Sa mga kastilang umalipin satin
Inalila tayo’t hinagis sa bangin
Mga alituntunin nila’y masama
Gustong mabawi ang buhay na tinaya
Pinarusahan kahit ang walang sala
Mga Pilipino’y gustong makawala
Sa isa, dalawa, tatlong daang taon
Akala nati’y hindi na maglalaon
Pilipino ay talagang nahirapan
Ang tanong, nasaan na ngayon ang aking bayan?
Dahil sa gusto ng maging maginhawa,
Ito ay nauwi sa pakikibaka
Gustong ipagtanggol, lupang sinilangan
Nakipaglaban ng walang alinlangan
Dahil sa kanilang pagsasakripisyo
Pagunlad ng bansa, biyayang natamo
Alang-alang sa mga mahal sa buhay,
Pakikipaglaban, nagkaron ng saysay
Katapangan natin, hindi masusukat
Siyang nagpahatid satin ng pag-angat
Sa pag-gamit ng kaalaman sa wasto,
Maraming nagsidating na pagbabago
sir, our group submitted this poem already. we just lost our copy but we’ve already recited this at class and we’ve already passed a hard copy to you. thanks.